Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kayang-kaya mo ‘yan

ni Trisha Capulong

Ang buhay ay hindi isang patag na daan sa kalsada na madaling daanan kundi ito ay isang daanang
baku-bako na mahirap lagpasan ngunit kakayanin pa rin ng isang matibay at malakas na sasakyan.

Lahat tayo ay dumadating sa puntong punong-puno na tayo sa lahat ng ating mga problema – iyong
tipong hindi na natin alam ang ating gagawin, at kung saan o kanino tayo tutungo. Oo, mahirap, lalo na
para sa ating mga kabataan na malabo pa ang papel sa mundong ginagalawan natin ngunit kahit ganoon
pa man, hayaan ninyong sabihin ko na, anuman ang iyong kinikimkim ngayon, kayang-kaya mo iyan.

Kabataan, kayang-kaya mo yan. Pakisabihan naman ang iyong katabi ng, “Kaibigan, kayang-kaya mo iyan.”
Kayang-kaya mo ang problema sa iyong paaralan basta’t magsikap ka lamang. Bumagsak ka na ba sa
isang asignatura na kahit binigay mo na ang lahat-lahat ay wala pa rin itong saysay? Mahirap man
tanggapin ang pagkadapang iyon ngunit magpursigi ka para sa iyong kinabukasan, at para sa kinabukasan
ng pamilya mong nariyan noong ika’y walang-wala. Magsakripisyo ka para masuklian ang kanilang dugo’t
pawis mabuhay ka lamang nila. Wag mong isipin na baliwalain ang kanilang mga binibigay sa’yo. Imbes
na magmukmok ka rin sa iyong mga problema, pagtuunan mo ng pansin ang mga bagay na
nakapagpapasaya at mahalaga para sa iyo. Kung may mga taong gusto kang hilain pababa, hayaan mo
lamang sila; huwag mong hahayaan na magtagumpay sila. Patunayan mong mas malakas ka sa taong
kanilang nakikita. Huwag na huwag mo ring isipin na kitilin ang iyong buhay. Mawawala nga ang iyong
mga problema ngunit mawawala rin ang napakahalagang regalong ibinigay Niya. Ang mga problemang
iyan ay hindi katumbas ng isang mahabang buhay. Maging malapit ka sa Diyos. Gagabayan ka Niya basta’t
hayaan mo lamang siya. Ang mga pagsubok na binibigay Niya ngayon ay isa lamang paghahanda para sa
mga pagsubok na haharapin mo sa susunod pang kabanata ng iyong buhay. Gawin mong inspirasyon ang
pagkakalugmok mo para maging mas magandang bersyon ng iyong sarili sa hinaharap.

Hindi lamang ikaw ang may problema. Lahat tayo’y may sari-sariling problema. Ang katabi mo ngayo’y
may sariling kwento at may sarili siyang dinadanas na hindi mo rin alam. Ang lahat ng nangyayari sa iyo
ngayon, lahat ng mga problemang hinaharap mo ay may rason. Nasa sa iyo na iyan kung pipiliin mo itong
harapin o talikuran. Gusto ko sanang sabihin na may problema ka mang mahirap solusyonan, hindi ka
nag-iisa. Mayroong mga nariyan para sa iyo at gagabay sa’yo. Mahirap mang tumayo ngunit kabataan,
kayang-kaya mo iyan!

You might also like