Professional Documents
Culture Documents
Esp8 2nd
Esp8 2nd
Department of Education
Region IV- CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
CATANDAAN-YABUT NATIONAL HIGH SCHOOL
Nasugbu
Pangalan:_______________________________________Petsa:___________________
Baitang: ________________________________________ Iskor:__________________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng may pinakatamang
kasagutan sa espasyo bago ang bawat aytem..
2. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng
malalim na pagkakaibigan?
a. Pagpapayaman ng pagkatao
b. Simpleng ugnayang interpersonal
c. Pagpapaunlad ng mga kakayahan
d. Pagpapabuti ng personalidad
5. Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na layon
ng kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa buhay at kung
ano ang nag bibigay ng kahulugan, kapanatagan, at kaligayahan sa kaniyang buhay.
Siya ay may ________.
a. Kakayahang pamahalaan ang kaniyang sarili
b. Kakayahang makibagay sa sitwasyon
c. Kakayahang makibagay sa personalidad
d. Kakayahang makibagay sa mga tao
12. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, alin sa ss. ang pangunahing katangian ng lider na
pinipili ng mga tao?
a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya
b. Nagpapamalas ang lider ng integridad
c. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod
d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat
13. Ang ss. ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban
sa:
a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
c. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng
ilang di pagkakaintindihan
d. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng
obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba
15. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan ng
_______.
a. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
b. Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
c. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
d. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
16. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang
nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan
19. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam.
Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. Nailabas mo ang iyong sama ng loob
b. Hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
c. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
d. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayann sa iyong kapatid
20. Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita,
naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng
kaniyang pag-iisip.
a. Kilos c. Emosyon
b. Mood d. Desisyon
24. Kung ikaw si Laurice ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang
katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Nicole?
a. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiingit sa kanya
b. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
c. Ipakita kay Nicole na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na
ipinamamalas sa kaniya
d. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa
negatibong asal/ugali ng kaibigan
25. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Nicole sa kaniyang
kaibigan?
a. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
b. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
c. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
d. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
26. Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Nicole at Laurice, alin sa ss. na konsepto ang
angkop dito?
a. Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayang namamagitan
b. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang
mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago
c. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga
bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
d. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaasahan sa
kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
27. Ito ang tawag sa sangkap ng pagkakaibigan na tumatalakay sa pag unawa sa nilalaman
ng isip at damdamin ng iba.
a. Empathy c. Fear
b. Anger d. Sorrow
28. Nalilito si Joseph kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagamat nakapasa siya
sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang
pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?
a. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
b. Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit
c. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa
pag-iisip
d. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyonna gagawin upang hindi magsisi sa
huli.
29. Pangarap ni Joyce na maging katulad ang kaniyang hinahangaang guro. Ngunit sinasabi
ng kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso
gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joyce sa di
pagsang-ayon ng kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon
ng kolehiyo sa kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa
kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa
kalagayan ng kaniyang emosyon?
a. ang kaniyang mood
b. ang naparaming nararamdaman
c. ang mga pagsubok na naranasan
d. ang dikta ng kaniyang isip
30. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang konsiyensiya
na gagabay sa kaniyang pagtupad ng kaniyang mga gawain at pagpapaunlad ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan sa trabaho
b. Kakayahang mag-organisa
c. Mga pagpapahalaga
d. Pakikipagkapwa
32. Matagal nang inuunawa ni Jade ang pagiging palaasa ni Tristan. Madalas sa klase, si
Jade ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay
Tristan na mas makabubuting pag-aralan niyang gawing mag-isa ang proyekto at iba
pang gawain sa klase ngunit hindi pa rin niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Jade na
hindi na siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Tristan.
Anong uri ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Tristan?
a. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
c. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
d. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal
33. Gabi na nang makauwi si Anne mula sa praktis nila na para sa gagawing pagtatanghal
sa paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng
kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot, tinalasan ni Anne ang
kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang
makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang
ganitong sitwasyon?
a. Makapag-iingat si Anne
b. Mapoprotektahan na ni Anne ang sarili
c. Hindi na muling dadaan si Anne sa madidilim na kalsada
d. Makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli
34. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan.
Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo
sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas
ka na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap
dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo.
Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?
a. Nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
b. Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
c. Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
d. nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin
35. Kinausap ng kaniyang guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang
pagsisikap upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil
hindi naging kasiya-siya ang kaniyang grado sa nakaraan. Nag-aalala ng lubos si Hilda
dahil baka hindi siya makapasa. Sa ganitong pagkakataon, anong pagpapahalaga ang
dapat pagtibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
a. Sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
b. Tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
c. Magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
d. Humingi ng paumanhin sa guro sa naging pagkukulang sa klase
Para sa bilang 39-40, basahin at unawain ang isinasaad ng talatang nasa kahon.
Si Cris “Kesz” Valdez ay tumanggap ng International Children’s Peace Prize, isang pagkilala
sa mga kabataang nagpapakita ng bukod tanging paggawa at ideya upang makatulong sa paglutas ng
mga suliraning kinakaharap ng iba pang mga kabataan sa buong mundo. Sa gulang niyang pito,
pinamumunuan ni “kesz” ang “Championing Community Children” na binubuo ng mga batang
lansangan. Tinawag nilang “Gifts of Hope” ang ipinamimigay nila na naglalaman ng tsinelas, laruan,
toothbrush, kendi, at iba pa. Tinuruan din nila ang mga kabataang ito na maging malinis sa katawan,
kumain ng masustansiyang pagkain, alamin at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ipinaunawa rin
nila ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagtuturo sa isa’t isa upang lumawak ang kanilang kaalaman
at kasanayan.
Sa kaniyang tweet isang araw bago ang parangal, lubos ang kaniyang pasasalamat sa Diyos at
sa kaniyang pagiging kinatawan ng mga kabataang Pilipino at ng bansang Pilipinas. Hinangad niya na
sana ay maging inspirasyon siya ng mga taong makakapakinig sa kaniya, upang makagawa rin sila ng
mabuti sa mga batang higit na nangangailangan sa iba’t ibang panig ng mundo.
43. Ang ss. ay ilan lamang sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan maliban sa isa. Ano ito?
a. Pakikipagkaibigan na nakabatay sa pangangailangan
b. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
c. Pagkakabigang nakabatay sa mataas na uri
d. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
Sa bilang 46-50. Punan ang talaan ng pangunahing emosyon. Sa unang hanay ilagay ang
mga emosyong nakasisiya at sa ikalawang hanay ay ang nagpapahirap sa damdamin ng
tao.
Inihanda ni:
G. Raymond P. Bugagao
Teacher I