Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

College of Accountancy and Finance

Sta. Mesa, Maynila

A.Y. 2019-2020

Ang Wikang Ingles ba ang Balakid

sa Kaunlarang Wikang Pambansa?

Isang Kritikal na

Pagsaliksik na Ipinasa kay

Gng. Glenda Salorsano

Bilang Pagtupad sa Panghuling Papel sa Asignaturang

Filipinohiya at Pambansang Kaunlaran.

Ipinasa nina:

Mark Justin B. Trinidad

Gabrielle Calderon

Oktubre 2019
Ang wikang ingles ay isang malaking bahagi ng kasaysayan ng pilipinas bilang isang midyum ng
komunikasyon. Ito ang tumulong sa panimalang pag-unlad ng pilipinas dahil ito ang nag bigay
daan sa pagkakaroon ng mas maunlad na pamumuhay sa bawat indibidwal sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga terminolohiya na hindi pa kayang bigyan kahulugan gamit ang wikang filipino.
Eto ay mas lalong nakikita mula sa literacy rate ng pilipinas ng taong 2013 na kung saan 96.5 na
porsyento ng mga filipino ay sinasabing marunong mag basa at mag sulat (Philippine Information
Agency, 2018). Ngunit ito ba ay sumasalamin sa kahusayan ng Pilipino sa paggamit ng wikang
Filipino? Ang Pilipino ba ay talagang “Literate” sa wikang filipino? Mahalaga sa pag unlad ng
isang bansa ang pagtatag ng isang wika na may integridad at may pagkilanlan. Samakatuwid,
masasabing nauunahan pa ng wikang ingles ang wikang filipino sa iba’t ibang larangan sa pag-
unlad.

SISTEMA NG EDUKASYON UKOL SA WIKA

“Nagawa ng mga amerikano ng 30 na taon ang hindi kayang gawin ng mga espanyol ng 300 na
taon.” (Espinosa, 2001). Noong panahon ng espanyol, ang karamihan ng filipino ay hindi
marunong mag basa at magsulat. Ngunit sa saglit na panahon ng pagsakop ng amerikano ay
nagawa nilang mapag-aral ang karamihan ng filipino na mag basa at mag sulat ng ingles. Ngunit
ngayon, ang karamihan ng mga tinatalakay sa aral sa mga paaralan, kolehiyo at mga unibersidad
ay tinuturo sa wikang ingles. (De Guzman, 2016). Ipinahihiwatig nito na mas mahihirapan ang
pilipino sa paggamit ng wika bilang isang midyum ng komunikasyon sa lugar ng trabaho.
Samakatuwid, ang karamihan ng propesyon o pormal na kakayahan na maaring gamitin sa pag
hahanap buhay ay tinuro at naintinidihan sa wikang ingles.

PANANALIKSIK SA PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO

Mula sa mga puntong ibinahagi ng naunang paksa, Ang wikang filipino ba ay umunlad at handa
na para gamiting bilang midyum ng pag komunikasyon mapalitan ang wikang ingles sa lugar ng
trabaho? Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay dinamiko o nagbabago. At dahil sa matinding
impluwensiya ng karamihan ng Pilipino sa paggamit ng wikang ingles, ito ay hindi maiiwasang
nakaaapekto sa pananaliksik ng pagunlad sa paggamit ng wikang filipino. Ayon sa isang pag-aaral
na ginawa ni John Paul R. Gorgonio, Ang wikang ingles ay mas mabisang midyum sa pag aaral
ng araling panlipunan kaysa filipino. Pinapakita sa kanyang pag aaral na mas mataas ang marka
ng mga pilipinong studyante sap ag sagot ng isang pag susulit sa araling panlipunan kung ang
pagsusulit ay isinalin sa wikang ingles. Ipinahihiwatig nito na ang kaalaman ng Pilipino sa araling
panlipunan ay hindi naituturo ng maayos sa wikang filipino sa kabuluhan na hindi kayang
maipahayag ng mga mananaliksik ng maayos ang kanilang kaalaman sa wikang filipino.
ANG KULTURANG PAGHAHALO NG IBA’T IBANG WIKA O LINGWAHE

Isa sa pinaka malaking layunin ng pag-unlad ng wikang filipino ang pagkahilig nito ng
pagsamasamahin ang mga salita ng iba’t ibang lingwahe upang makabuo ng iisang wika. Ngunit
ito ay nagiging suliranin dahil sa kulturang paggamit ng wika mula sa mga dayuhang sumakop sa
bansa. Dahil ang pilipinas ay lagpas 3 siglo nakaranas ng pagsakop ng iba’t ibang bansa, nasa
kultura ng pilipino ang pag gamit ng wika bilang midyum ng komunikasyon at hindi maiiwasang
nahahalo ang salita kahit sa pang-araw araw na pamumuhay (De Guzman, 2016). Ayon sa
Philippine Statistics Authority, 89.29 ang populasyon ng Pilipinas. 28 na milyong Pilipino ay
ginagamit ang ng tagalog (na ginagamit bilang nasyonal na wika ng nakaraang panahon) bilang
pangunahing wika (Världens 100 största språk 2007). Samanthala ang bilang ng mga pilipinong
gumagamit ng tagalog bilang sekondarya o pangalawang wika ay nasa 45 milyon (Ethnologue,
2015). Ipinahihiwatig dito na ang karamihan ng pilipino ay hindi ginagamit ang pambansang wika
bilang pangunahing wikang pang talakayan at komunikasyon. Dahil sa pag angat ng modernong
media, mas madali na matuto ng wikang ingles dahil maaring gamitin ng isang tao ang media sa
pagkuha ng mga kaalaman at mga sanggunian na ito. At dahil sa suliraning hinahanaharap rin ng
edukasyon, kaunti lamang ang mga material o “sites” na gumagamit ng wikang Pilipino. Ito ay
mas lalong naoobserba sa ideya na ang Pilipinas ay ang pinaka matagal na gumagamit ng social
media sa pang-araw araw na pamumuhay (ABS-CBN News, 2019).

KAGAMITAN NG WIKANG FILIPINO BILANG OPISYAL NA MIDYUM


PANGTALAKAYAN AT PAG TALASTASAN SA POLITIKA

Hindi binibigyang halaga ang midyum ng pagtalakay at pagtalastasan sa politika. Bukod sa


karamihan ng tao sa politika ay palaging gumagamit ng ingles sa korte, ang pangkalahatang
paningin ng korte suprema sa wikang filipino ay mababa kumpara sa ibang mga kursong pinag-
aaralan. Isang artikulong nagsasaad na ang korte suprema ay sumang ayon sa pagtanggal ng
Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo (Macairan, 2019). Kung ang pag-iisip ng
mga taong namamahala sa politika ay patuloy na ibabalewala ang kahalagahan ng wika at ang pag-
aaral nito sa kabataan, lahat ng mga nabanggit na naunang punto sa papel na ito ay patuloy na
magiging suliranin at masasapawan ng ingles sa impluwensiya bilang wikang pagtalakay at
pagtalastasan. Ang grupo na tinatawag na “Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino”
sinabi ang sumusunod: “Filipino and Panitikan will not only be killed as mandatory subjects in
college, but Filipino will also be murdered as an effective medium of instruction.” (Navallo, 2019).
Tuluyang masasapawan ng wikang ingles ang impluwensiya nito laban sa impluwensiya ng
wikang Filipino dahil hindi nakikita ng mga tao sa politika ang pangangailangan at kahalagahan
ng pagkakaroon ng wikang may integridad at may pagkilanlan sa pag unlad ng bansa.
KONKLUSYON

Ang wikang ingles mag-isa ay hindi balakid at hadlang sa pag-unlad. Ngunit mula sa nakikita sa
katotohanan ng buhay naipapakita na hindi lamang tayo bilang mga filipino ay nakasalalay sa
paggamit nito, ngunit wala rin pinapakitang kagustuhang kumilos na maiangat ang kahalagahan
ng wikang Filipino sa bansa. Sa katotohanan ay ang kabaliktaran, mula sa mataas na position sa
korte, sa epekto nito sa edukasyon, sa istagnanteng pagtuklas ng mga orihinal na salitang pilipino
hanggang sa kultura mismo ng mamamayan na kampante sa wikang ingles at ang pag balewala ng
pag-unlad ng wikang filipino. Kung ang mga pilipino ay hindi nais na tangkilikin, mahalin at
paunlarin ang sariling wika, malabo ang possibilidad na umunlad ang mga ukol na larangan na
kinakailangang gamitin ito imbis na ang wikang ingles.

Mga Sanggunian:

Philippine Informations Agency (2018). Literacy in the age of social media. Retrieved from
https://pia.gov.ph/news/articles/1013738

Espinosa (2001). English in the Philippines. Retrieved from http://gilesig.org/26Phil.htm

De Guzman (2016). What makes Filipinos speak English well? Retrieved from
https://www.quora.com/What-makes-Filipinos-speak-English-well

Gleason (2017). Epekto nga paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo. Retrieved from
https://www.academia.edu/35238753/Epekto_nga_paggamit_ng_wikang_Ingles_bilang_wikang_pantur
o

Gorgonio (2012). Use Of Filipino And English In Social Studies Learning. Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/317231828_USE_OF_FILIPINO_AND_ENGLISH_IN_SOCIAL_S
TUDIES_LEARNING

Världens (2007). 100 största språk 2007.

Etnologue. Retrieved from https://www.ethnologue.com/18/language/fil/

ABS-CBN News (2019). Filipinos still world's top social media user – study. Retrieved from
https://news.abs-cbn.com/focus/01/31/19/filipinos-still-worlds-top-social-media-user-study

Macairan (2019). It’s final: Filipino, Panitikan not required in college. Retrieved from
https://www.philstar.com/headlines/2019/05/26/1920978/its-final-filipino-panitikan-not-required-
college
Navallo (2019). Removing Filipino in college to lead to 'cultural genocide' – group. Retrieved from
https://news.abs-cbn.com/news/06/10/19/removing-filipino-in-college-to-lead-to-cultural-genocide-
group

You might also like