KONTRAKTWALISASYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

USAPIN SA ISYU NG KONTRAKTWALISASYON SA PILIPINAS

DE LA PEÑA, CHRISTIAN I.

INTRODUKSYON
Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga isyung dapat pagtuunan ng pansin
dahil sa sobrang dami ng naapelktuhan nito dahil nga sa kawalan ng trabaho ng
mga manggagawa. Hindi lamang manggagawa kundi pati na din ang kanilang
mga sari sariling pamilya.
Ang “kontraktwal” ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait
ang ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng
kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa.
Ipinagkakait sa kanya ang katayuang “regular employee” ng naturang kumpanya
o kapitalista. Tinutukoy naman ng “kontraktwalisasyon” ang kalagayan kung saan
umiiral ang mga kontraktwal at katunaya’y pinaparami pa nga (Marasigan, 2017).
Ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa buong mundo. Sa
tuwing sasapit ang araw na ito, milyun-milyong manggagawa sa buong daigdig
ang naglulunsad ng mga iba't ibang aktibidades upang ipagdiwang ang araw na
ito. Ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng rali, kilos-protesta, dayalog at
marami pang iba (Miranda, 2014).
Naging inspirasyon ng mga manggagawa sa buong daigdig ang pagkilos
na iyon upang mapababa sa walo ang oras paggawa na dati-rati’y umaabot ng
labingdalawa (12) o mahigit pa noong nakaraang mga panahon.
Kadalasan, ang mga kontraktwal ay tumatanggap ng napakababang
sahod. Kadalasang mas mababa sa minimum ang pasahod sa kanila kahit bawal
ito sa batas. Kadalasan silang pinagkakaitan ng mga benepisyong itinatakda ng
batas. Ang mga empresang matindi ang paglabag sa mga istandard sa
kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa, puno ng mga kontraktwal.
Mismong Batas Paggawa o Labor Code ng 1974 ang nagsisilbing ligal na
batayan ng kontraktwalisasyon. Dito, sinasabing bawal ang Labor-Only
Contracting habang ligal ang tinatawag na Job Contracting. Binibigyan ng
masaklaw na kapangyarihan ang Labor Secretary na maglabas ng mga
alituntunin para sa pagpapatupad ng Job Contracting. Sa aktwal, ang naturang
mga alituntunin ay pagtuturo sa mga kapitalista kung paano
magkokontraktwalisa nang ligal.
Ang kontraktwalisasyon ay ginamit na instrumento ng mga kapitalista
upang magkamal ng yaman. Sa paraang ito napagsasamantalhan ang uring
manggagawa dahil nakaiiwas ang mga namumuhunan na bigyan sila ng tamang
sahod at benepisyo. Pero sa kakulangan ng trabaho maraming Pilipino ang

1
kumakapit sa patalim at pumapayag sa ganitong sistema ng pagsasamantala
(Bacon, 2009).
Kumpara sa DO 18-02, may mga “papogi” ang DO 18-A Series of 2011.
Una, itinaas nito ang mga pamantayan para matawag ang isang agency na
“lehitimong kontraktor,” kumpara sa hindi. Ikalawa, itinakda nito ang pagtalima sa
Labor Standards ng mga lehitimong kontraktor. Ikatlo, isinaad dito ang
pagregularisa sa mga manggagawa ng agency, hindi ng mga pangunahing
employer o kompanya. Pero matatapos ang kontrata ng manggagawa-agency
kasabay ng pagtatapos ng kontrata ng kapitalista-agency.
Nitong eleksyong 2016, nauna si noo’y presidentiable Rodrigo Duterte sa
pangangakong tatapusin ang kontraktwalisasyon. At hindi lang ito pangakong
inanunsyo ng midya; laman ito ng mga poster niya na nakadikit sa mga
komunidad. Naghahabol siya noon ng boto, at malaganap ang diskuntento sa
naturang iskema ng pag-eempleyo.
Ang World Bank ang unang malakas na nagpahayag ng pagtutol sa
pangako ni Duterte na tapusin ang kontraktwalisasyon. Sinundan ito ng mga
maka-kapitalistang komentarista sa bansa: Gerardo P. Sicat, Raul J.
Palabrica, Peter Wallace. Ang kanilang linya: Ang problema ay hindi ang
kontraktwalisasyon, kundi ang “pag-abuso” rito. Ang kailangan ay hindi ang
ibasura ang kontraktwalisasyon, kundi ang mahigpit na pagpapatupad ng DOLE
sa mga probisyon ng batas laban sa mga agency na ilehitimong kontraktor.
Sa lahat ng ipinangako ni Duterte bago at pagkatapos ng eleksyon, ang
pagtapos sa kontraktwalisasyon ang isa sa pinaka-kumakatawan ng pangako
niyang “tunay na pagbabago,” at “tapang at malasakit.” Mahalagang sukatan ang
pagsasakatuparan dito, o ang hindi pagsasakatuparan dito, kung
nakakapagdulot siya ng tunay na pagbabago o hindi.
Ang batas ukol sa pagproprotekta ng mga manggagawa na nakararanas ng
paglabag sa karapatan nila ay hindi epektibo. Ang ating pangulo ay nagbigay ng
pangako noong siya ay tumatakbo pa lang na papahalagahan niya ang mga
karapatan ng manggagawa sa pamamagitan ng paglaban sa kontraktwalisasyon.
Hindi katulad sa nakasanayan na tatapusin niya ang pangako sa loob ng tatlo
hanggang anim na buwan, pinangako niya na tatapusin niya ang
kontrakwalisasyon sa loob ng isang linggo. Sa nakasanayan, nabigo na naman
niya ang sambayanan sa kanyang mga hindi natupad na pangako (Valentin,
2018).
TALAKAY
Iligal ang isang masahol na modus operandi kung paano ito ipinapatupad:
kukuha ang kapitalista o kumpanya ng manpower agency o cooperative para
magsuplay ng mga manggagawa. Tatanggalin sa trabaho, o papalabasing

2
tinatanggal sa trabaho, kada limang buwan ang manggagawa. Kadalasan,
muling ire-rehire o papalabasing muling ni-rehire ang manggagawa sa parehong
trabaho, paulit-ulit. Nakasaad kasi sa batas na kailangang gawing regular ang
manggagawa kapag umabot siya ng anim na buwan sa trabaho.
Noong ika-3 ng Abril, inilabas ng PIDS ang isang pag-aaral na
nagpapakita ng kung papaanong ang minimum wage, diumano’y, nagbubunsod
ng kahirapan imbis na pagpapataas ng antas ng kabuhayan ng manggagawang
Pilipino sa ating bansa. Ayon sa pag-aaral na ito, malaking bilang ng pamilyang
Pilipino ang nawawalan ng pag-asa na magkaroon ng ikabubuhay at ibayong
dumarami ang naghihirap na mamamayan nang dahil sa minimum wage na
itinatakda ng gobyerno.
Kaugnay ng resulta ng pag-aaral, nagmungkahi ng 12-point Jobs
Expansion and Development Initiative o JEDI program ang PIDS na naglalayong
tanggalin ang minimum wage, pahabain ang nakatakdang panahon ng
pagreregularisa mula 6 na buwan hanggang 2 taon, at marami pang iba. Ang
naturang programa, ayon sa PIDS, ay magbubukas sa mga kumpanya na
tumanggap ng mga manggagawang kontraktwal na papayag na magtrabaho
kapalit ang mas mababa pang sahod kaysa minimum wage.
Pakitang-taong tinutuligsa ng malalaking kapitalista, ng gobyerno at mga
tagapagsalita nila, ang naturang modus operandi; sinasabi nilang “pag-abuso” ito
sa kontraktwalisasyon. Pinapalabas nila na ito lang ang kasingkahulugan ng
“endo” o “end of contract” at “5-5-5” na siyang popular nang tawag, at karanasan,
sa kontraktwalisasyon.
Mula noong rehimen ni Noynoy Aquino hanggang ngayon sa rehimen ni Rodrigo
Duterte, pinapalabas ng gobyerno na ang mga manggagawa ay nareregular sa
mga agency pagkatapos ng anim na buwan. Pangontra umano ito sa modus
operandi na “endo” o “5-5-5.”
Pero kontraktwalisasyon pa rin ito. Pagkakait pa rin ito ng ugnayang employer-
employee sa pagitan ng manggagawa at ng kompanya o kapitalistang tunay na
nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa. Wala pa ring seguridad sa trabaho
ang manggagawa. Pwede siyang mawalan ng trabaho nang wala o may minimal
lang na pananagutan ang kapitalista at agency sa batas.
Kahit pa sabihing ipinagbabawal ng batas at kinokondena ng mga kapitalista at
gobyerno, talamak pa rin ang nabanggit na modus operandi. Marami ring
pagkakataong tumatagal ang manggagawa sa kanyang trabaho, umaabot nang
ilang taon, nang ang katayuan ay kontraktwal.
Atake ang kontraktwalisasyon sa karapatan sa seguridad sa trabaho ng
manggagawa, at sa maraming batayang karapatang kaugnay nito. Sabihin pa,

3
ipinapatupad ang kontraktwalisasyon para tiyakin ang papalaking tubo ng mga
kapitalista.

Sa pamamagitan ng kalagayang pwede silang tanggalin sa trabaho anumang


oras, hinahadlangan silang mag-unyon. Sa kalagayan pa lang na kada limang
buwan ay tinatanggal, mahirap nang mag-unyon. Kapag natuklasang nag-
uunyon ang mga kontrakwal sa isang kumpanya, at wala silang paglaban,
kadalasang maramihan silang tinatanggal. Mas masahol pa, dahil mismo sa
kalagayang ito, pinupwersa silang magkumahog na gawin ang lahat ng gusto ng
kumpanya o kapitalista, kahit mawasak ang pagkakaisa nila, at huwag gawin ang
anumang ayaw nito, gaya ng pagtatayo ng unyon.

Sa pagpapahirap sa kanilang mag-unyon, pinagkakaitan sila ng armas para


ipaglaban ang mas mataas na sahod, regularisasyon, mga benepisyo, ligtas na
lugar ng paggawa at iba pang karapatan.

Sa kabila ng dambuhalang tubo at yaman nila, o para nga rito, ang


pinakamalalaking kapitalistang dayuhan at lokal sa bansa ang mga pangunahing
tagapagpatupad ng kontraktwalisasyon.

Espesyal na kaso ang mga empleyado sa sektor ng Business Process


Outsourcing sa bansa. Sa kabila ng relatibong mas mataas nilang sahod at
benepisyo, sa esensya’y kontraktwal ang katayuan ng kanilang pagtatrabaho.

Sa pakahulugan ng batas, tinutukoy ng Labor-Only Contracting ang kalagayan


kung saan ang isang kumpanya ang tunay na may kontrol sa mga manggagawa
at dummy lang nito ang agency. Tinutukoy naman ng Job Contracting ang
kalagayan kung saan ang agency umano ang tunay na may kontrol sa
manggagawa at nagagawa nito ang gawain nang walang pakikialam ng
kumpanya.

Ipinataw ni Ferdinand Marcos ang Batas Paggawa sa pamamagitan ng


Presidential Decree 442. Kaakibat ng hakbanging ito ang pagtatayo ng mga
Export-Processing Zones o EPZs na nagbibigay ng maraming insentiba sa
malalaking kapitalistang dayuhan na mamuhunan sa bansa, at ang pagtatayo ng
dilawan, maka-kapitalista at kontra-manggagawang Trade Union Congress of the
Philippines o TUCP.

Sa ilalim ni Cory Aquino, nagsabatas ng maraming pagsusog sa Batas Paggawa


sa pamamagitan ng Republic Act 6715. Tinatawag itong “Herrera Law,”
nakapangalan kay dating Sen. Ernesto Herrera na dating lider ng TUCP. Hindi
nito binago ang mga probisyon ng Batas Paggawa kaugnay ng
kontraktwalisasyon. Naging malaganap ang kontraktwalisasyon sa bansa sa
panahon ng mga rehimen nina Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria
Macapagal-Arroyo.

4
Alinsunod sa Labor Code, naglabas ang mga sekretaryo ng Department of Labor
and Employment ng mga Department Order (DO) na siyang nagsilbing
alituntunin sa pagpapatupad ng kontraktwalisasyon. Sa ilalim ni Arroyo,
ipinatupad ang DO 18-02. Pinalitan naman ito sa ilalim ni Noynoy Aquino ng DO
18-A Series of 2011.

Sa isang banda, resulta ang naturang mga “papogi” ng mga pagkondena at


protesta laban sa kontraktwalisasyon. Umigting ang pagtutol sa
kontraktwalisasyon dahil sa pagtanggal, noong 2010, ng 2,600 regular at
unyonisadong manggagawa sa Philippine Airlines o PAL at pagpapabalik sa
kanila sa parehong trabaho nang kontraktwal, walang unyon, at sumasahod lang
ng kalahati ng nauna nilang sahod. Si Lucio Tan, pangalawang
pinakamayamang Pilipino, ang siyang may-ari ng PAL – at ang pagpayag sa
tanggalan at kontraktwalisasyon sa kanyang kumpanya ay waring hudyat sa
lahat ng kapitalista na pwede silang magkontraktwalisa sa ilalim ng rehimeng
Aquino.

Pero sa kabilang banda, pakitang-tao lang ang naturang mga probisyon, at sa


esensya’y nagliligalisa pa rin sa kontraktwalisasyon.

Datos ng gobyerno mismo ang nagpapakitang panlilinlang lang ang umano’y


“regularisasyon” sa mga ahensya. Ayon sa Philippine Statistics Authority,
lumundag nang 16.3 porsyento ang bilang ng kontraktwal noong 2014 mula
noong 2012. Ayon dito, 30 porsyento, o 1.3 milyon, sa 4.5 milyong
manggagawang ineempleyo ng mga negosyong may 20 pataas na manggagawa
ang kontraktwal. Inilalabas ang naturang saliksik kada dalawang taon, at tiyak na
konserbatibo ang bilang na inilalabas nito.

Ayon dito, ang konsentrasyon ng mga kontraktwal ay ang konstruksyon,


manupaktura, wholesale at retail trade, bagamat dumami ang hindi regular sa
agrikultura, pangisdaan at paggugubat, sa financial and insurance services, at
sa repair ng mga kompyuter at iba pang gamit sa bahay. Sa pag-alam sa
kalakaran ng empleyo sa mga sektor na ito, madaling masabing mas malaganap
sa 30 porsyento ang kontraktwal.

Ayon kay Duterte, nagdudulot ng kahirapan at kagutuman ang iskema, at


sumisira sa lakas-paggawa at sa ekonomiya ng bansa. Malinaw sa kanya na
bangga ang pangako sa interes ng mga kapitalista, at palaban niyang sinabihan
sila na ilipat ang suporta kung ayaw sa kanyang pangako. Nagsunuran ang iba
pang kandidato sa parehong pangako kaya para makaungos, malinaw niyang
sinabi na tatapusin ang kontraktwalisasyon sa loob ng isang linggo matapos
niyang manalo. Ilang beses din niyang inulit ang pangako matapos niyang
manalo. Pero tiyak, igigiit ng mga maka-kapitalista sa gobyernong Duterte ang
pamosong pag-iiba ni Budget Sec. Benjamin Diokno ng “Duterte bilang
kandidato” at “Duterte bilang pangulo.”
5
Gaya rin ng inaasahan, tumutol ang malalaking kapitalista sa pangunguna ng
mga organisasyon nila – pangunahin ang Employers Confederation of the
Philippines o ECOP – at nagpanukala ng isang umano’y “win-win solution.” Ito
ang sinang-ayunan ng Department of Labor and Employment sa pamumuno ni
Sek. Silvestre Bello III. Dito iniluwal ang kasalukuyang alituntunin sa
kontraktwalisasyon, ang DO 168. Noong una’y DO 30 dapat ang pangalan nito,
pero binago dahil tiyak na makakasama sa pangalan ni Duterte.

Nakatuntong ang DO 168 sa DO 18-A Series of 2011 at pinapalabas nitong


pinapahusay nito ang sinundan. Tulad ng DO 18-A Series of 2011, itinatakda ng
DO 168 ang pagreregular sa mga manggagawa sa agency. Sa DO 18-A Series
of 2011, matatapos ang kontratang manggagawa-agency kapag natapos ang
kontratang agency-kapitalista. Sa DO 168, magpapatuloy ang kontratang
manggagawa-agency kahit matapos ang kontratang agency-kapitalista. Kapag
natapos daw ang kontratang agency-kapitalista, ihahanap ng agency ang
manggagawa ng bagong trabaho at kung hindi makahanap ay bibigyan ang
manggagawa ng separation pay.

Tulad ng DO 18-A Series 0f 2011, hindi tinatapos ng DO 168 ang


kontraktwalisasyon. Pinapanatili nitong ligal ang kontraktwalisasyon at
katunaya’y binibigyan pa ang iskema ng papogi para magmukhang katanggap-
tanggap sa mga manggagawa at mamamayan. Noon, ipinagyabang ng DOLE ni
Aquino na may mga manggagawang naregular dahil sa DO nito, taliwas sa
aktwal na paglaganap ng kontraktwalisasyon. At ganito na rin ang ginagawa ng
DOLE ni Duterte: nagsasabi ng mga gawa-gawang datos ng nareregular umano
sa ilalim ng bagong DO.

Anila, magdurusa ang mga manggagawa kapag nawala ang kontraktwalisasyon


dahil mababawasan ang mga trabahong nariyan. Mas maraming manggagawa
raw ang nabibigyan ng trabaho dahil sa katayuang kontraktwal; kung magiging
regular anila ang mga manggagawa, kaunti lang ang matatanggap sa trabaho.
Sa madaling sabi, kapag ipinagbawal ang kontraktwalisasyon, magkakaroon ng
maramihang tanggalan.
Pag-blackmail ito sa mga manggagawa para tanggapin ang kontraktwalisasyon
at ang busabos na kalagayan sa paggawa na kaakibat nito. Lumang tugtugin na
ito, katulad ng laging tugon ng malalaking kapitalista kapag lumalakas ang
panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod. Balewala sa ganitong
pagdadahilan ang masamang kalagayan at mga batayang karapatan ng mga
manggagawa.
Totoong dahil sa malaganap na kawalang-trabaho sa bansa ay madali para sa
mga kapitalista na magtanggal ng mga manggagawa at palitan ang huli ng mga
bago. Totoo ring dahil sa ganitong kalagayan ay pinupwersa ng mga kapitalista
ang mga manggagawa na tanggapin ang kontraktwal na katayuan at busabos na

6
kalagayan sa paggawa. Pero hindi dahilan ang ganitong pananakot para
maniwalang hindi kayang ibigay ng mga kapitalista ang kahilingan ng mga
manggagawa para sa regularisasyon, lalo na sa harap ng pagtaas ng tubo ng
mga kapitalista sa bansa.
Sa pagdadahilan ng mga kapitalista at tagapagsalita nila, ipinagpapalagay na
makatwiran at mapagmalasakit ang mga kapitalista: magreregular sila batay sa
kakayahan at mag-eempleyo ng pinakamaraming kakayanin. Saan ibinabatay ng
mga kapitalista ang pagsasakatuparan ng naturang mga hakbangin? Walang iba
kundi sa tubo nila. At sino ang nakakaalam kung magkano ang tunay na tubo
nila? Walang iba kundi sila. Nakabatay samakatwid ang ganitong pagdadahilan
sa kalkulasyon ng mga kapitalista sa kanilang tubo at sa katapatan o kabutihang
loob nila. Hindi makatao at makatotohanan na ibatay ang kalagayan ng mga
manggagawa sa kalkulasyon ng tubo o kabutihang loob ng mga kapitalista; kaya
nga sa kasaysayan ay ipinaglaban ng mga manggagawa ang paniyak laban sa
mga ito – ang kanilang mga karapatan.
At mahalagang idiin, laban sa ganitong pangangatwiran: ang kontraktwalisasyon
ay paglabag sa lahat ng batayang karapatan ng mga manggagawa. Sa Pilipinas,
laman ang naturang mga batayang karapatan sa mismong Konstitusyong 1987,
na resulta ng malakas na pakikibaka ng mga manggagawa noong panahon ng
diktadurang Marcos at kahit pagkatapos. Ang mga ginagarantiya ng Artikulo XIII
ng Konstitusyon sa mga manggagawang Pilipino: lubos na proteksyon mula sa
gobyerno, karapatang mag-organisa sa sarili at kolektibong makipagtawaran,
magwelga, seguridad sa trabaho, makataong kalagayan sa paggawa, at
nakabubuhay na sahod.
Mahalagang idagdag na kasama ang naturang probisyon sa matagal nang
gustong baguhin ng mga malalaking kapitalistang dayuhan at lokal at malalaking
panginoong maylupa sa pamamagitan ng mga gobyernong nagtutulak ng
Charter Change.
Marapat lang na kondenahin ang paglalabas sa DO 168, gayundin sina Bello at
Duterte para sa kautusang ito. Marapat lang ipaglaban ang pagbasura sa DO
168, gayundin ng probisyon sa Labor Code na nagbibigay ng bisa rito mula sa
pagpapahintulot sa Job Contracting. Dapat ipaglaban ang pagbabawal sa Job
Contracting, ang regularisasyon ng mga kontraktwal, at ang pagpawi sa
mga agency.
Pero ang kontraktwalisasyon ay hindi lang patakarang ipinatupad ng
magkakasunod na rehimen. Naging patakaran ito ng magkakasunod na rehimen
dahil dikta ito ng imperyalismong US at bahagi ng neoliberal na atake nito,
kasabwat ang mga lokal na naghaharing uri, sa mga manggagawa at kilusang
paggawa sa bansa at sa buong mundo.

7
Napakakitid, halimbawa, ng pagdadala ni Herbert Docena ng Bukluran ng
Manggagawang Pilipino sa isyu para ilantad si Duterte na “hindi progresibo.” Mas
dumudulo ito sa paglaban at pagpapatalsik sa pangulo na hindi karugtong ng
pagsusulong ng tunay na pagbabagong panlipunan. Kapansin-pansing relatibong
tahimik ang BMP laban sa kontraktwalisasyon noong panahon ni Aquino, na
todong nagpatupad nito. Naging relatibong maingay naman ito sa
kontraktwalisasyon sa panahon ni Duterte, na nangakong tatapusin ito. May
panganib din na mahulog ang pagsusuri sa pangangailangan sa isang
progresibong pangulo para mawala ang anti-manggagawang iskema sa
empleyo. Sa direksyon ni Docena, magiging masaya si Leni na Robredo, pero
hindi si Lenin na Vladimir.
Kasama ang kontraktwalisasyon sa mga neoliberal na atake sa mga
manggagawa at kilusang paggawa. Ang pangkalahatang layunin: patuloy na
palakihin ang tubo ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal kahit sa
kalagayang may krisis ng labis na produksyon sa pamamagitan ng pagpapababa
sa sahod at sa tinatawag ng Marxistang intelektwal na si David Harvey na
“panlipunang sahod (social wage).” Kaakibat ng kontraktwalisasyon ang
pagbasag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor at
kawani sa pampublikong sektor, pagpapalaganap ng mga special economic
zones, partikular ang mga EPZs at pagkonsentra rito ng mga manggagawang
industriyal, at iba pang mayor na hakbangin.
Mawawakasan lang ang kontraktwalisasyon ng malawak at malakas na sama-
samang pagkilos ng mga manggagawa at mga tagasuporta nila. Isang antas ang
paggigiit sa gobyerno na ibasura ang iskema sa empleyo. Kailangan ang tuluy-
tuloy at papalawak at papalakas na protesta para igiit ang pagbabasura rito.
Gaya ng nabanggit ni Teddy Casiño ng Bayan Muna, isang pagkakataon din
para igiit ito sa gobyerno ni Duterte ang usapang pangkapayapaan nito sa
National Democratic Front of the Philippines.
Pero magkakaroon ng lakas ang paggigiit sa gobyerno mula sa tuluy-tuloy at
papalawak na pagkakaisa at pagkilos ng mga manggagawa sa antas ng
empresa at konsentrasyon ng mga empresa. Sa karanasan, nalalabanan ang
kontraktwalisasyon sa mga empresa sa iba’t ibang paraan: mula sa pagsasampa
ng mga kasong nagpapakitang Labor-Only Contracting ang nagaganap at hindi
Job Contracting, bagamat iilan ang tagumpay at matagal ang proseso; hanggang
sa paglaban ng mga nakatayo nang unyon para maregular ang baha-bahagdan
ng mga kontraktwal.
Nitong huli, sa pamumuno ng mga panrehiyong balangay ng Kilusang Mayo Uno
sa Timog Katagalugan at Southern Mindanao Region, nagpuputok ng welga ang
mga kontraktwal sa layuning maregular sila at maitayo ang kanilang unyon. Sa
harap ng matinding pagsasamantala sa kanila at ng laging posibilidad ng
malawakang tanggalan kapag natuklasang nag-uunyon sila, wala nang naiwang

8
pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang maghanda sa welga at magwelga
sa tamang panahon para maregular at makilala ang kanilang unyon.
Sentral na usapin ang kontraktwalisasyon sa higit na paglawak at paglakas ng
kilusang manggagawa sa bansa, sa paglaban sa atakeng neoliberal, sa
pagtangan ng paparaming manggagawa sa kanilang mahalagang papel para sa
tunay na pagbabagong panlipunan. Ang totoo, magiging tiyak lang ang
pagwakas sa kontraktwalisasyon sa isang lipunan na pinapamunuan ng mga
manggagawa at magsasaka, hindi ng mga imperyalista, malalaking burges-
komprador at haciendero tulad ngayon. Kailangan ang pambansa-demokratikong
rebolusyon na may sosyalistang perspektiba para lubusang mawakasan ang
kontraktwalisasyon sa pambansang antas.
Napakainam na pagkakataon samakatwid ng isyu at reyalidad ng
kontraktwalisasyon para manawagan sa mga manggagawa, lalo na iyung
pinagsasamantalahan ng malalaking dayuhan at lokal na kapitalista: Magkaisa at
lumaban! Mag-unyon at makibaka! Ipaglaban ang sahod, trabaho at karapatan!
Ipaglaban ang pambansang demokrasya at kalayaan! Makipag-ugnayan sa
tunay, palaban at makabayang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno para sa
mga kongkretong hakbang!
BUOD AT KONKLUSYON
Noong ika-3 ng Abril, inilabas ng PIDS ang isang pag-aaral na
nagpapakita ng kung papaanong ang minimum wage, diumano’y, nagbubunsod
ng kahirapan imbis na pagpapataas ng antas ng kabuhayan ng manggagawang
Pilipino sa ating bansa. Kaugnay ng resulta ng pag-aaral, nagmungkahi ng 12-
point Jobs Expansion and Development Initiative o JEDI program ang PIDS na
naglalayong tanggalin ang minimum wage. Mula noong rehimen ni Noynoy
Aquino hanggang ngayon sa rehimen ni Rodrigo Duterte, pinapalabas ng
gobyerno na ang mga manggagawa ay nareregular sa mga agency pagkatapos
ng anim na buwan. Kahit pa sabihing ipinagbabawal ng batas at kinokondena ng
mga kapitalista at gobyerno, talamak pa rin ang nabanggit na modus operandi.

Sa pamamagitan ng kalagayang pwede silang tanggalin sa trabaho


anumang oras, hinahadlangan silang mag-unyon. Sa kalagayan pa lang na kada
limang buwan ay tinatanggal, mahirap nang mag-unyon. Sa kabila ng
dambuhalang tubo at yaman nila, o para nga rito, ang pinakamalalaking
kapitalistang dayuhan at lokal sa bansa ang mga pangunahing tagapagpatupad
ng kontraktwalisasyon.

Ipinataw ni Ferdinand Marcos ang Batas Paggawa sa pamamagitan ng


Presidential Decree 442. Sa ilalim ni Cory Aquino, nagsabatas ng maraming
pagsusog sa Batas Paggawa sa pamamagitan ng Republic Act 6715. Alinsunod

9
sa Labor Code, naglabas ang mga sekretaryo ng Department of Labor and
Employment ng mga Department Order (DO)

Sa isang banda, resulta ang naturang mga “papogi” ng mga pagkondena


at protesta laban sa kontraktwalisasyon. Pero sa kabilang banda, pakitang-tao
lang ang naturang mga probisyon, at sa esensya’y nagliligalisa pa rin sa
kontraktwalisasyon.

Ayon dito, ang konsentrasyon ng mga kontraktwal ay ang konstruksyon,


manupaktura, wholesale at retail trade. Ayon kay Duterte, nagdudulot ng
kahirapan at kagutuman ang iskema, at sumisira sa lakas-paggawa at sa
ekonomiya ng bansa.

Nakatuntong ang DO 168 sa DO 18-A Series of 2011 at pinapalabas


nitong pinapahusay nito ang sinundan. Tulad ng DO 18-A Series of 2011,
itinatakda ng DO 168 ang pagreregular sa mga manggagawa sa agency. Tulad
ng DO 18-A Series 0f 2011, hindi tinatapos ng DO 168 ang kontraktwalisasyon.
Pinapanatili nitong ligal ang kontraktwalisasyon at katunaya’y binibigyan pa ang
iskema ng papogi para magmukhang katanggap-tanggap sa mga manggagawa
at mamamayan.

Anila, magdurusa ang mga manggagawa kapag nawala ang


kontraktwalisasyon dahil mababawasan ang mga trabahong nariyan. Pag-
blackmail ito sa mga manggagawa para tanggapin ang kontraktwalisasyon at
ang busabos na kalagayan sa paggawa na kaakibat nito. Totoong dahil sa
malaganap na kawalang-trabaho sa bansa ay madali para sa mga kapitalista na
magtanggal ng mga manggagawa at palitan ang huli ng mga bago. Sa
pagdadahilan ng mga kapitalista at tagapagsalita nila, ipinagpapalagay na
makatwiran at mapagmalasakit ang mga kapitalista: magreregular sila batay sa
kakayahan at mag-eempleyo ng pinakamaraming kakayanin.

At mahalagang idiin, laban sa ganitong pangangatwiran: ang


kontraktwalisasyon ay paglabag sa lahat ng batayang karapatan ng mga
manggagawa. Sa Pilipinas, laman ang naturang mga batayang karapatan sa
mismong Konstitusyong 1987, na resulta ng malakas na pakikibaka ng mga
manggagawa noong panahon ng diktadurang Marcos at kahit pagkatapos.
Marapat lang na kondenahin ang paglalabas sa DO 168, gayundin sina Bello at
Duterte para sa kautusang ito. Marapat lang ipaglaban ang pagbasura sa DO
168, gayundin ng probisyon sa Labor Code na nagbibigay ng bisa rito mula sa
pagpapahintulot sa Job Contracting.

Pero ang kontraktwalisasyon ay hindi lang patakarang ipinatupad ng


magkakasunod na rehimen. Napakakitid, halimbawa, ng pagdadala ni Herbert
Docena ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa isyu para ilantad si Duterte
na “hindi progresibo.” Mas dumudulo ito sa paglaban at pagpapatalsik sa

10
pangulo na hindi karugtong ng pagsusulong ng tunay na pagbabagong
panlipunan. Kasama ang kontraktwalisasyon sa mga neoliberal na atake sa mga
manggagawa at kilusang paggawa. Ang pangkalahatang layunin: patuloy na
palakihin ang tubo ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal kahit sa
kalagayang may krisis ng labis na produksyon sa pamamagitan ng pagpapababa
sa sahod at sa tinatawag ng Marxistang intelektwal na si David Harvey na
“panlipunang sahod (social wage).

Dahil sa mga usaping ito ay mas lalong dapat bigyan ng pansin ang
kontraktwalisasyon upang magkaroon ng regular na trabaho ang mga
manggagawang Pilipino at mabigyan sila ng karapmpatang benepisyo mula sa
kanilang mga sari sariling kompanya. Makipagtulungan ang mga organisasyong
nangangasiwa ditto pati na din ang mga taong nasa gobyerno at senado na
makapagpasa ng mga batas na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa mga
mamayang Pilipino lalo na sa mga mahihirap na naghahangad ng kaginhawaan
sa buhay para sa ikakabuti ng kanilang pamilya. Tao din mga mamayan ay may
magagawa para sa kanila sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa gobyerno na
magkaroon ng tamang pagtrato sa ating mga manggagawa. Hindi lamang sa
Pilipinas kundi pati na din sa mga kababayan natin dito sa ating bansa.

SANGGUNIAN
Ang Proletaryo ( 2019). “Contractualization” Kinuha noong Oktubre 10, 2019 sa
https://angproletaryo.wordpress.com/category/contractualization/
Bacon (2009). “Pagaaral sa mga Isyu at Suliranin na bunga ng
Kontraktwalisasyon sa paggawa ng mga manggagawa sa SM North EDSA at SM
Fairview” Kinuha noong Oktubre 11, 2019 sa
http://dspace.cas.upm.edu.ph/xmlui/handle/123456789/371
Marasigan (2017). “Kontraktwalisasyon 101” Kinuha noong Oktubre 7, 2019 sa
https://www.pinoyweekly.org/2017/01/kontraktwalisasyon-101/
Miranda (2014). “Kilusang Paggawa” Kinuha noong Oktubre 9, 2019 sa
http://kilusangpaggawa.blogspot.com/2014/04/
Philstar ( 2019). “Anti Endo Bill” Kinuha noong Oktubre 8, 2019 sa
https://www.philstar.com/pilipino-star-
(ngayon/bansa/2019/05/29/1921920/bagong-anti-endo-bill-di-raw-solusyon-sa-
kontraktwalisasyon
Valentin (2018). “Kontraktwalisasyon: Ang Kalaban ng Uring Manggagawa”
Kinuha noong Oktubre 8, 2019 sa
https://medium.com/copodlsz/kontraktwalisasyon-ang-kalaban-ng-uring-
manggagawa-3c89af7fa568

11
12

You might also like