Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

B-3 Aromin, Reizen Andrew L.

Oktubre 14,
2019
10-B Kalayaan Filipino 10
PAGSUSURI SA PELIKULANG:
MAGNIFICO
I. DIREKSYON
Maayos ang paglahad ng pelikula at lalo na ang pagkakaayos nito, angkop din
ang pananalita ng bawat karakter tulad na sa klarong boses ni Ikoy (Magnifico). Dahil
sa maayos na pag-gawa at pag-ganap ng mga karakter madami ang nadala sa kwento.
Madami din ang napaiyak ng palabas dahil sa kwento na may malungkot na pagwakas.
Angkop din ang nangyari sa pelikula sa realidad dahil kung minsan ay may nagagawa
tayong para sa iba pero sa huli ay saatin din pala ito mapupunta.

II. SINEMATOGRAPIYA
Madaming maayos na makikitang angulo mula sa bawat kuha ng palabas. Dahil
sa kuha ng bawat emosyon ng bawat eksena na nag bigay ng drama at komedy sa
pelikula na nakapag konek sa puso ng mga manonood. Nakunan din ng maayos ang
bawat harap, likod at gilid ng mga eksena lalo na sa mga kapaligiran na may ambag
kung saan malalaman ang mga pinang galingan at pangkabuhayan ng mga karakter.

III. PAG-ARTE
Maayos na nagampanan ng bawat artista ang bigay na gawain sakanila. Angkop
din sila sa mga bigay na kanilang gagampanan dahil sila ay nakapag bigay ng drama at
emosyon. Ipinakita ang husay at galing nila sa pag-arte lalo na kay Ikoy (Magnifico) na
ginalingan ang pag-arte at pag dala ng kanyang ginagampanan. Angkop din dito ang
mga artista sa mga karakter nila dahil kung hindi dito ay hindi mabibigyan ng buhay ang
mga karakter na kanilang ginagampanan.
IV. DISENYONG PAMPRODUKSYON
Sa eksena na kanilang ginampanan mahalaga ang kasuotan, angkop ang
kanilang kasuotan sa kanilang ginagampanan. Nasa tamang kaayusan din ang bawat
eksena na nakabatay sa bawat sitwasyon na kanilang ginampanan. Sa kapaligiran
makikita din ang basehan kung san sila nangaling, dahil dito nasa tamang kaayusan
ang mga ginamit na lugar at props sa pelikula.
V. EDITING
Maayos ang pagkaka-edit at makikita din sa bawat kuha at angulo, angkop din
ang mga eksena sa mga edit na nagawa, lalong lalo na sa nasa paligid ligid tulad ng
mga tao. Maganda ding pinakita ang mga lightings at epeks na nagpakita ng
kagandahan ng pagkalabas ng bawat eksena. Walang ginamit na na pantasya o
pampiksyon sa palabas na ito, maayos din ang kaayusan ng bawat eksena at nag bigay
ng magandang mensahe sa manonood.
VI. MUSICAL SCORE
Angkop ang bawat pag tugtog ng “background music” sa eksena na
nakadepende sa parte ng pelikula na ginanap. Maganda ang angkop ng musika dito
dahil mahalaga ang musika sa pelikula lalong lalo na sa malulungkot na parte ng
pelikula. Nakapag dala ng saya at lungkot ang musika na pinatugtog sa pelikula dahil ito
ang nag dadala ng karamihan sa pelikula.
VII. PAGLALAPAT NG TUNOG
Ang “audio” o tunog ng pelikula na nangaling sa mga boses ng karakter at tunog
ng mga bagay o “ambience” ay malinaw. Base sa kanilang mga bunganga makikita ang
bawat salita na klarong nabibigkas ng bawat karakter na gumaganap. Bumagay din dito
ang mga tunog sa labas lalo na pag gabi maririnig mo ang mga kuliglig na umaangkop
sa manonood na gabi na.

You might also like