Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

PAGGAWA NG INTERAKTIBONG LARO SA SMARTPHONE TUNGO SA

PAGPAPABUTI NG BOKABULARYONG FILIPINO

Isang Sulating Pananaliksik

Na Iniharap kay

G. Deomedes Rodriguez

ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Santa Rosa Campus, Laguna

Bilang Bahagi ng Pagtupad

sa Pangangailangan ng Kursong

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

(GEED 10103)

Ipinasa nina:

Aquino, Vienne Johara

Basa, Joshua Ivan Mari B.

Caldit, Sean Ren L.

Catangay, Clarence Kaye M.

Dela Cruz, Lanz Ezekel A.

Evangelista, Danica May B.

Magallanes, Clint LJ T.

Rivera, Alyssa Mae A.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipinolohiya, ang

pamanahong papel na ito na pinamagatang “PAGGAWA NG INTERAKTIBONG LARO SA

SMARTPHONE TUNGO SA PAGPAPABUTI NG BOKABULARYONG FILIPINO” ay

inihanda at iniharap ng mga mananaliksik na binubuo nina Vienne Johara Aquino, Joshua Ivan Mari

B. Basa, Sean Ren L. Caldit, Clarence Kaye M. Catangay, Lanz Ezekel A. Dela Cruz, Danica May B.

Evangelista, Clint LJ T. Magallanes at ni Alyssa Mae A. Rivera,

Pinagtibay nina:

_____________________ _____________________

Edmelia Tandang Adda Dela Cruz

Koordinaytor – Wika at Pananaliksik Guro sa Matematika - Istatistika

Tinatanggap at Pinagtibay bilang Parsyal na Katuparan sa pangangailangan sa kolehiyo ng

Batsilyer ng Agham sa Teknolohiyang pang-Impormasyon..


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

UNANG BAHAGI

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Madalas na itinuturo sa mga paaralan ang iba’t–ibang gramatika at bokabularyo ng wikang

Filipino. Simula noong tayo at nasa mababang baitang pa lamang ng pagiging estudyante ay mayroon

na tayong mga guro na nagtuturo ng ating wika. Ayon kay Tumangan (1997), Hindi matatawaran ang

kahalagahan ng mayamang talasalitaan sa kasanayan sa pagsulat at pagsasalita. Tiyak na higit na

epektibo ang pagsulat at pagsasalita ang taong higit na mayaman ang talasalitaan kaysa sa taong

kapos sa talasalitaan. Gayuman, magiging mahusay at higit na madali ang pagsulat at pagsasalita ng

isang tao kung may malawak siyang talasalitaan.

Ang salitang bokabularyo ay tinatawag nating talasalitaan (tala o listahan ng mga salita).

Dahil mayaman ang wika, at hindi lamang iisa ang ginagamit na uri nito, nagawang lumikha ng tao

ng lipon na mga salita na nakagrupo batay sa paraan ng paglikha. Ang pagkakaroon ng interes at

pagpapalawak ng talasalitaan ay isang napakahalagang kasanayang dapat linangin sa mga mag-aaral

sapagkat mahalaga ang maraming alam pagdating sa talasalitaan upang mabigyan ng maayos na

interpretasyon ang mga naririnig o nababasa. Sa loob ng mahabang panahon, napagtanto na kung

gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng interes sa proseso ng pag-aaral ng isang bata. “Ang

antas ng interes ng isang tao ay napapatunayang isa sa mga may pinakamalakas na impluwensya sa

pag-aaral” ayon kina Hidi at Renninger (2006), Naniniwala sila na ang interes ay

nakakaimpluwensya sa atensyon, layunin at antas ng pag-aaral ng isang tao.

Ang interes ay karaniwang nakikita sa dalawang uri – sitwasyonal at personal. Sinasabing

nagmula ito sa panloob na kagustuhan na maunawaan ang isang particular na paksa o aralin, na

nagpapatunay na maaaring mapagpatuloy sa loob ng mahabang panahon. Ito ay may katangiang

nagbibigay–malay at pagiintindi na dala–dala ng bawat tao kahit saan man siya magpunta. Sa

kabilang banda, ang sitwasyonal na interes ay nagmula sa panlabas na anyo kung saan kusa itong

lumalabas at agad ring naglalaho, at halos ito ay nangyayari lamang sa mga lugar o sitwasyon na

kinabibilangan. Ngunit sa kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

ay patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Hindi na rin maiiwasan na may mga

sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon at kapansin–pansin na marami

rin ang hindi bihasa sa paggamit ng mga ito.

Hindi na bago ang paggamit ng mga palaro sa pag–enganyo at pagpartisipa ng mga estudyante

sa pag–aaral ng isang paksa. Sa mga nakaraang taon, Dumadami na ang mga guro na hinahaluan ng

palaro o mga interaktibong aktibidades ang kanilang kurikulum sa pagtuturo sa kagustuhang gumawa

ng masaya at nakakaenganyong pag–aaral sa loob ng silid–aralan. Ang konsepto ng gamification na

kung saan ay sumasamo sa mga gumagamit mula sa bawat edad ay bumangon batay sa ideya ng

pagsasama ng istruktura ng mga laro sa edukasyon . Ito ay isang naging isang bagong konsepto at

naging pinakapopular na paksa ng mga nakaraang ilang taon. Ang diskarte sa gamification na

lumilitaw bilang bagong mukha ng edukasyon sa edad ng impormasyon ay tinukoy bilang proseso ng

kasama ng mga gumagamit sa laro. Ito ay tumutukoy sa gawing mas kasiya-siya ang mga sangkap at

mekanika ng laro sa pamamagitan ng mga aktibidad na hindi naglalaro upang makabuo ng pagbabago

ng pag-uugali sa mga indibidwal ayon sa Bunchball (2019), kung saan ang pagkumpleto ng antas,

paggawad, pagdadalubhasa, propesyonal na pag-unlad na humantong sa pagkagumon sa mga taong

naglalaro ng laro ay ginagamit para sa pagpapabuti sa edukasyon.

Ang Android ay isang operating system na Linux-based na dinisenyo para sa mga

touchscreen na mga mobile na device tulad ng mga smartphone at mga tablet. Sa bilis ng pagunlad ng

teknolohiya sa graphics, sounds real-time video at audio, Ang mga Electronic Games ay naging higit

na nakakaaliw at kasiya-siya para sa mga bata, pati na rin sa mga nakakatanda. Sa lahat ng uri ng laro,

mayroong isang espesyal na kategorya, ito ang mga larong pang-edukasyon(Educational Games), na

may iisang layunin bukod sa pagbibigay libangan, at iyon ay ang edukasyon. Ang mga larong pang-

edukasyon ay malinaw na idinisenyo upang makamtan ang mga layuning pang-edukasyon. Ito ay

idinisenyo upang turuan ang mga tao tungkol sa isang piyak na paksa at matuklasan ang kanilang

kakayahan at kasanayan. Sa pagtaas at pagkakaroon ng mga teknolohikal na aparato, nagkaroon ng

paglilipat sa kung anong uri ng mga laro ang nilalaro ng mga tao. Ang video o elektronikong

paglalaro ay naging mas malawak na ginagamit kaysa sa tradisyonal na mga larong board. Ayon kay

Barab (2009) ang kosenptwal na paglalaro ay "isang estado ng pakikipag-ugnayan na may (a)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

prodyeksyon sa papel ng karakter na, (b) nakikibahagi sa isang bahagyang kathang-isip na konteksto

ng problema, (c) at dapat ilahad ang konseptwal na pagkakaintindi upang magkaroon ng kahulugan,

at sa huli, ibahin ang anyo ng konteksto ”. Ang larong “Wikalohiya” ay ginawa upang ang "gamer"

ay magkaroon ng kasanayan habang natututo ng bokabularyong Filipino sa pamamagitan ng

paglalaro.

Paglalahad ng Isyu o Suliranin

Nakatutok ang pag-aaral na ito sa pagpapayaman ng bokabularyong Pilipino ng mga piling mag-aaral

sa Aplaya National Highschool Annex (APEX) gamit ang isang interaktibong aplikasyon sa

cellphone.. Ito ay para masagot ang mga tanong na:

1. Ano ang antas ng paggamit at pagkatuto ng mga piling mag-aaral sa interaktibong laro?

2. Ano ang antas ng pangunawa ng mga piling mag-aaral sa bokabularyong Pilipino?

3. May malaking kaibahan ba ang antas ng pangunawa ng mga mag-aaral mula sa:

3.1. Ika-pitong baitang, at

3.2. Ika-sampung baiting

Tiyak na Layunin ng Pananaliksik

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matuto ang mga mag-aaral habang nasisiyahan at naeenganyo sa

pag-aaral ng bokabularyong Filipino at maiwasan na mawalan ng interes sa wikang Filipino.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

IKALAWANG BAHAGI

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PANANALIKSIK

Makikita sa bahaging ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik na ito,

kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-aaral tulad

ng tesis at disertasyon at iba pang sanggunian na magagamit na batayan sa pagsusuri.

Kaugnay na Literatura

Local

Ayon sa artikulong kaniyang nailathala bilang isang coordinator at consultant sa isang pribadong

home school provider, mayroong listahan na posibleng makatulong sa pagbibigay interes sa mga bata

na mag-aral ng lingwaheng Filipino at maging sa pagsasalita na nito. Ang listahan na ito ay nilalaman

ang mga paraan na; speak it, tell a tale, sing and play along, use technology, individualize, one step at

a time, focus on the meanings first. Sa kaniyang listahan,maaring makatulong ang teknolohiya sa

pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng kaalaman patungkol sawikang Filipino. At

kaugnay nito nakasaad dito na maaaring gamitin ang teknolohiya sa paraan ng paggawa ng

"videoclips, software at iba pang online tools na maaaring makatulong sa mas mabisang pagkatuto

ngmga mag-aaral patungkol sa bukabolaryong Filipino". (Bambi Encomienda-Lazaro,2013)

Banyaga

Ang mga game-based na kaalaman ay tumutulong upang ganyakin ang mga tao upang mas

may matutunan ito depende sa nilalaman ng laro. Sa pag-usbong ng teknolohiya, nagbibigay ito ng

ideya sa mga guro na maraming paraan para maging interesado sa mag-aaral ang kanilang asignatura.

Lalo na sa henerasyon ngayon marami nang nagiging pagbabago sa aspeto ng paggamit ng

teknolohiya na kung saan nakadadagdag ito sa paghubog ng kaisipan ng mga tao kung saan sila talaga

magaling at madaling matuto. Sa interaktibong laro na gagawin ng mga mananaliksik, mapapahusay


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

ang kanilang kaisipan sa pagtukoy ng tamang depinisyon ng mga malalalim na salita na nakasaad sa

laro. Mas mauunawaan nila ito sapagkat sila ay masisiyahan at hindi maiinip dahil sa mga iba’t ibang

features na tinataglay nito. (Jan,2013)

Kaugnay na Pag-aaral

Local

May mga salitang naibaon na sa limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may

umuusbong, may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa katawan,

sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating

wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang kanilang

katayuan.

Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng

text messaging at social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa

limot o nalilipasan na ng panahon. Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa

Pandacan, Maynila, sa mismong harapan ng bantayog ng batikang makata at manunula na si

Francisco Balagtas, na siyang nasa likod ng epikong "Florante at Laura."

Dito, ilang residente ang sinubukan kung alam pa nila ang kahulugan ng mga sumusunod na

lumang salita: papagayo (saranggola na hugis ibon), alimpuyok (amoy o singaw ng kanin na

nasusunog), salakat (pag-krus ng mga binti), anlowage (tao na gumagawa ng mga estruktura o

kasangkapan na ginamitan ng kawayan o tabla)

Sa mga natanong, isa lang ang nakasagot ng tama – ang 74-anyos na si Mang Ruben Basilo.

Ayon kay Mang Ruben, bagaman ginagamit pa ang nabanggit na mga salita, marami na rin umano

ang hindi na alam ang kahulugan ng mga ito, lalo na ang mga kabataan.

Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy ay inihalintulad ni National Artist for Literature

Virgilio Almario sa pera na nawawala sa sirkulasyon. "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi

nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng

Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 8
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni Almario na buhay ang wika kapag

nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon.

Paliwanag naman ni Prof. April Perez, ng University of the Philippines-Filipino

Department, malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya at modernisasyon sa paggamit ng ilang salita.

Aniya, higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong panahon at mas

nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon Kabilang na marahil ng pagbabagong ito ang

pag-usbong ng ilang salita na likha ng mga ilang mga pangkat ng ating lipunan, tulad ng "bekimon"

ng mga gay at ang tinatawag na mga "jejemon." Paliwanag ni Almario, natural lang sa mga pangkat

na ito na mag-imbento ng sarili nilang salita para hindi maunawaan ng iba. Hindi naman daw ito

dapat ikabahala dahil kung tutuusin, maaari pa nga raw nakatutulong ang mga ganitong nauusong

lengguwahe sa pagpapayabong ng wika kapag lumaganap at natanggap ng marami.

Magbago man ang bokabolaryo ng mga Pinoy sa paglipas ng panahon; maluma man ang ilang

salita dahil may bagong umusbong, patunay lamang ito na buhay na buhay at masigla ang ating wika.

Higit sa lahat, ang mahalaga ay hindi nagbabago ang layunin nito sa ating mga Filipino. At iyan ay

pagbuklurin tayo bilang isang bansang malaya, na may sariling wika. Sa lilim ng malukay at patuloy

na yumayabong nating kasaysayan, tayo'y pinagbubuklod ng ating wika na naging daluyan ng maka-

Pilipinong diwa at kamalayan.(FIDEL R. JIMENEZ, 2014)

Banyaga

Batay sa pag-aaral ni Ana Niño, ipinahiwatig ng mga mag-aaral mga advantage sa paggamit

ng mga mobile na app para sa pag-aaral ng wika ay may kasamang kaginhawaan (na palagi silang

magagamit, anumang oras at sa anumang lugar) paggamit ng mga tunay na mapagkukunan (na

palaging mag-trigger ng kamalayan sa kultura) para sa iba't ibang mga kasanayan sa wika, ang

katotohanan na nagbibigay sila ng kasiyahan at interactive na pag-unlad sa isang malawak na hanay

ng mga paksa sa isang limitadong panahon, nag-aalok ng agarang puna at maraming mga

pagkakataon upang mai-personalize ang tunay na kasanayan sa wika (halimbawa ang pagtatakda ng

mga layunin na naaayon sa kanilang sariling mga interes at mga ideya, paglikha ng mga pagsusulit sa

sariling mga mapagkukunan ng mga mag-aaral, matalo ang mga marka ng laro, atbp.).
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Inaangkin din ng pag-aaral ang mga mobile na app para sa pag-aaral ng wika ay may

kakayahang para sa mga kasanayan sa passive na wika tulad ng pagkuha ng bokabularyo, nakasulat at

pag-unawa sa bibig, pagbigkas, bokabularyo at kasanayan sa grammar sa partikular. (Ana

Niño,2015)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

IKATLONG BAHAGI

PAGLALAHAD NG KINALABASAN NG PAG-AARAL,

PAGLALAHAD NG PAGSUSURI, DETALYE NG SALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isang paraan ng ugnayan ay ginamit sa pag-aaral na ito. Ang deskriptibong pamamaraan

ng ugnayan ay idinisenyo upang matukoy kung dalawa o higit pang mga variable ay nauugnay sa

bawat isa.

Ayon kay Glass & Hopkins (1984) ang deskriptibong pamamaraan ay maaring maging

kwantitatibo o kwalitatibo. Maaaring maglaman ito ng nakalap na kwantitatibong impormasyon na

maaaring sumaklaw sa mga numerical forms tulad ng mga marka sa pagsusulit, o dami ng kadalasan

sa pagpili ng isang pahayag, o maaari din itong mag larawan ng impormasyon tulad ng kasarian o

patterns of interaction kung saan gumagamit ng teknolohiya para sa mga sitwasyong panggrupo. Ang

deskriptibong pamamaraan ay gumagamit ng mga nakalap na datos o impormasyon at aayusin,

tabulates, naglalarawan, at paglalarawan sa mga datos o impormasyong nakuha.

Madalas itong ginagamitan ng visual aids tulad ng grapiko, at mga tsart upang matulungan

ang mga mambabasa na maintindihan ang pamamahagi ng mga nakalap na datos o impormasyon.

Ang deskriptibong pamamaraan ang pinakamahusay na gamitin upang makuha ang

kabuluhang relasyon sa pagitan ng interaktibong laro at bokabularyo sa mga piling mag-aaral ng

Aplaya National High School-Annex sa ika – pito at ika – sampung baitang.

Tagabatid at Populasyon

Ang mga tagabatid ay napiling mga ika – pitong baitang at ika – sampung baitang na mga

mag-aaral sa high school ng Aplaya National Highschool ANNEX (APEX) sa pang -akademikong

Taon 2019-2020. Ang mga tagabatid ay limitado sa apatnapu, dalawampu sa ika – pitong baitang at

dalawampu sa ika – sampung baitang, na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ipapamahagi

ng mga mananaliksik.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Teknik sa Pagpili ng mga Tagabatid

Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga tagabatid ay Simple Random Sampling kung

saan namili ang mga mananaliksik ng malaya sa ika – pito at ika – sampung baitang na mga mag-

aaral sa sekondarya. Ang isang sample ay malayang napili sa loob ng bawat pangkat. Sa pag-aaral na

ito, ang mga ika – pito at ika – sampung baitang na mga mag-aaral sa sekondarya ng APEX lamang

ang nakatalaga upang maging mga tagabatid ng talatanungan. Ang pamamaraan na ito ay gagamitin

para malaman ng mga mananaliksik kung ang interaktibong laro, ang "Wikalohiya" ay may epekto sa

bokabularyo ng mga Pilipino ng mga napiling ika - pito at ika – sampung baitang na mga mag-aaral

sa sekondarya sa APEX.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay talatanungan na ginawa ng mga

mananaliksik at ipinavalideyt sa eksperto. Ito ay ibibigay sa apatnapu na mag-aaaral sa ika – pito at

ika – sampung baitang na mag aaral sa sekondarya ng APEX.

Ang unang parte ng talatanungan ay ang demograpikong profayl ng mga respondent sa

larangan ng edad,kasarian at baitang.

Ang pangalawang parte ng talatanungan ay nakasentro sa kung ano ang antas ng paggamit at

pagkatuto ng mga piling mag-aaral sa interaktibong laro. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng

tasahan ng kadalasan kung saan ang 4 – Lubos na Sumasang-ayon; 3 – Sumasang-ayon; 2 – Hindi

Sumasang-ayon; 1 – Lubos na Sindi Sumasang-ayon.

Ang ikatlong parte ay nakasentro sa kung ano ang antas ng pang-unawa ng mga piling mag-

aaral sa bokabularyong Filipino. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tasahan ng kadalasan kung

saan ang 4 – Lubos na Sumasang-ayong; 3 – Sumasang-ayon; 2 – Hindi Sumasang-ayon; 1 – Lubos

na Hindi Sumasang-ayon.

Ang ika-apat na parte, ay nakasentro sa kung ang interaktibong pagtuturo ay nakakatulong sa

pag papabuti ng bokubolaryong Filipino. . Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tasahan ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

kadalasan kung saan ang 4 – Lubos na Sumasang-ayong; 3 – Sumasang-ayon; 2 – Hindi Sumasang-

ayon; 1 – Lubos na Hindi Sumasang-ayon.

Estatistikang Pamamaraan

Ang Chi-square ang ginamit ng mga mananaliksik upan malaman kung mayroon bang

kabuluhan ang relasyon sa pagitan ng interaktibong laro at bokabularyo sa mga piling mag-aaral ng

Aplaya National High School-Annex ika – pito at ika – sampung baitang.

Kung saan: x2- chi-square value

O – Observed Frequency E – Expected Frequency

Paglalahad, Pagsusuri, At Paaninaw ng mga datos

Ang parteng ito ay nag papakita ng mga datos na tinuos, sinuri, at inaninaw na mga datos base

sa paggawa ng interaktibong laro sa smartphone tungo sa pagpapabuti sa bokabularyong Filipino.

Pigura. 1 Pamamahagi ng mga Tagabatid ayon sa Kasarian

Lalake
Babae
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 13
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Ang unang pigura ay nag papakita ng pamamahai ayon sa kasarian. Pinakita nito na sa

apatnapu na tagabatid mayroong dalawampu na lalake at dalawampu na babae. Sinasabi din dito na

ang mga tagabatid ng mananaliksik ay parehas ang bilang.

Pigura. 2 Pamamahagi ng mga Tagabatid ayon sa Edad

12 taong gulang
13 taong gulang
14 taong gulang
15 taong gulang
16 taong gulang

Ang ikalawang pigura ay nagpapakita ng pamamahagi ayon sa edad. Sinasabi sa datos na ang

may pinakamalaking porsyento sa pamamahaging ito ay ang mga tagabatid ay labing anim na taong

gulang na may bilang na labing isang tagabatid. Ang sumunod na may malaking bilang ay ang labing

tatlo at labing limang taong gulang na may bilang na siyam na tagabatid. Mayroon ding anim na

bilang na tagabatid na may labing dalawang taong gulang lamang. At ang pinaka mababang

porsyento ay ang labing apat na taong gulang na may bilang na limang tagabatid.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 14
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Talahanayaan 1. Ang Binigatang Tamtaman ng Ant as ng Paggamit at Pagkatuto

ng Ika – Pitong Baitang

Pahayag Binigatang Interpretasyon Pagrarango

Tamtaman

1. Madaling gamitin at unawain ang 3.55 Lubos na sumasang- 1

laro. ayon

2. Nadagdagan ang kaalaman sa 3.45 Sumasang-ayon 2

wikang Filipino dahil sa laro.

3. Nakakaenganyong mag-aral dahil sa 3.25 Sumasang-ayon 4

laro.

4. Napahusay ang memorya sa 3.35 Sumasang-ayon 3

bokabularyong Filipino.

Total ng Binigatang Tamtaman 3.4 Sumasang-ayon

Ang unang talahanayan ay nagpapakita ng binigatang tamtamang pamamahagi ng antas ng

paggamit at pagkatuto ng ika – pitong baitang. Base sa mga responde ng mga tagabatid. Ang

sekondarya sa ika – pitong baitang ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Madaling gamitin at

unuwain ang laro.” na may binigatang tamtaman na 3.55, bilang sa aktibidad na pinakamataas na

nakakapag sabi sa antas ng paggamit at pagkatuto. Ang mga tagabatid ay sumang-ayon sa pahayag na

“Nadagdagan ang kaalaman sa wikang Filipino dahil sa laro.” na may binigatang tamtaman na 3.45,

at ang iba naman ay sumang-ayon din sa pahayag na “Napahusay ang memorya sa bokubolaryong

Filipino.” na may binigatang tamtaman na 3.35. Sa kabilang banda, ang mga tagabatid ay sumang-

ayon din sa pahayag na “Nakakaenganyon mag-aral dahil sa laro.” na may binigatang tamtaman na

3.25.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 15
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Talahanayan 2. Ang Binigatang Tamtaman ng Antas ng Bokabularyo

ng Ika – Pitong Baitang

Pahayag Binigatang Interpretasyon Pagrarango

Tamtaman

1. Maraming alam na 2.5 Hindi sumasang-ayon 5

matatalimhagang salita

2. Mahusay sa paggamit ng 2.7 Sumasang-ayon 3

malalalimna salita

3. Alam ang depinisyon ng bawat 2.55 Sumasang-ayon 4

salita

4. Nauunawaan ko ang paggamit 2.8 Sumasang-ayon 2

ng salita sa isang pangungusap

5. Inaalam ang depinisyon ng di 3.05 Sumasang-ayon 1

pamilyar na salita.

Total ng Binigatang Tamtaman 2.72 Sumasang-ayon

Ang ikalawang talahanayan ay nagpapakita ng binigatang tamtamang pamamahagi ng antas

ng bokabularyo sa ika – pitong baitang. Base sa mga responde ng mga tagabatid. Ang sekondarya sa

ika – pitong baitang ay sumasang-ayon sa pahayag na “Inaalam ang depinisyon ng di pamilyar na

salita” na may binigatang tamtaman na 3.05, bilang sa aktibidad na pinakamataas na nakakapag sabi

sa antas ng bokabularyo. Ang mga tagabatid ay sumang-ayon din sa pahayag na “Nauunawaan ko ang

paggamit ng salita sa isang pangungusap.” na may binigatang tamtaman na 2.8, at ang iba naman ay

sumang-ayon din sa pahayag na “Mahusay sa paggamit ng malalalim na salita.” na may binigatang

tamtaman na 2.7, at ang mga tagabatid ay sumang-ayon din sa pahayag na “Alam ang depinisyion ng

bawat salita.” na may binigatang tamtaman na 2.55. Sa kabilang banda, ang mga tagabatid ay Hindi

Sumasang-ayon sa pahayag na “Maraming alam na matalimhagang salita.” Na may binigatang

tamtaman na 2.5.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 16
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Talahanayan 3. Ang Binigatang Tamtaman ng Interaktibong Pagtuturo ng

Ika – pitong Baitang

Pahayag Binigatang Interpretasyon Pagrara

Tamtaman ngo

1. Naintindihan ng lubos ang Wikang 3.4 Sumasang-ayon 2

Filipino sa pamamagitan ng isang laro.

2. Nahasa ang katalinuhan dahil sa 3.3 Sumasang-ayon 4

interaktibong pagtuturo.

3. Napadali ang pag-aaral sa isang aralin 3.2 Sumasang-ayon 6

dahil sa interaktibong pagtuturo

4. Naunawaan ng mabilis ang aralin dahil 3.25 Sumasang-ayon 5

sa interkatibong pagtuturo

5. Mas madaling magkalap ng kaalaman 3.35 Sumasang-ayon 3

sa interaktibong pagtuturo

6. Nagkaroon ng gana sa pag-aaral dahil 3.15 Sumasang-ayon 7

sa interaktibong pagtuturo.

7. Mas madaling matandaan ang mga 3.55 Lubos na 1

tinuturo gamit ang interaktibong sumasang-ayon

pagtuturo

Total ng Binigatang Tamtaman 3.31 Sumasang-ayon

Ang ikatlong talahanayan ay nagpapakita ng binigatang tamtamang pamamahagi ng antas ng

bokabularyo sa ika – pitong baitang. Base sa mga responde ng mga tagabatid. Ang sekondarya sa ika

– pitong baitang ay lubos na sumasang-ayon sa pahayag na “Mas madling matandaan ang mga

tinuturo gamit ang interaktibong pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na 3.55, bilang sa aktibidad

na pinakamataas na nakakapag sabi sa interaktibong pagtuturo. Sa kabilang banda, ang mga tagabatid

ay sumang-ayon sa pahayag na “Naintindihan ng lubos ang wikang Filipino sa pamamagitan ng isang

laro.” na may binigatang tamtaman na 3.4, at ang iba naman ay sumang-ayon din sa pahayag na

“Mas madaling magkalap ng kaalaman sa interaktibong pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 17
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

3.35, at ang mga tagabatid ay sumang-ayon din sa pahayag na “Nahasa ang katalinuhan dahil sa

interaktibong laro.” na may binigatang tamtaman na 3.3, ang mga tagabatid ay sumasang-ayon din sa

pahayag na “Naunawaan ng mabilis ang aralin dahil sa interaktibong pagtuturo.” na may binigatang

tamtaman na 3.25, at gayun din ang mga tagabatid sa pag sang-ayon sa pahayag na “Napadali ang

isang aralin dahil sa interaktibong pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na 3.2. Sa kabilang

banda, ang mga tagabatid ay sumasang-ayon din sa pahayag na “Nagkaroon ng gana sa pag-aaral

dahil sa interaktibong pagtututro.” Na may binigatang tamtaman na 3.15.

Talahanayan 4. Ang Binigatang Tamtaman ng Antas ng Paggamit at Pagkatuto

ng Ika – Sampung Baitang

Pahayag Binigatang Interpretation Ranking

Tamtaman

1. Madaling gamitin at unawain ang laro. 3.5 Lubos na sumasang- 3

ayon

2. Nadagdagan ang kaalaman sa wikang 3.6 Lubos na sumasang- 1

Filipino dahil sa laro. ayon

3. Nakakaenganyong mag-aral dahil sa 3.4 Sumasang-ayon 2

laro.

4. Napahusay ang memorya sa 3.6 Lubos na sumasang- 1

bokabularyong Filipino. ayon

Total ng Binigatang Tamtaman 3.53 Lubos na sumasang-

ayon

Ang ika-apat na talahanayan ay nagpapakita ng binigatang tamtamang pamamahagi ng antas

ng paggamit at pagkatuto ng ika – sampung baitang. Base sa mga responde ng mga tagabatid. Ang

high school sa ika – sampung baitang ay lubos na sumasang-ayonsa pahayag na “Nadagdagan ang

kaalaman sa wikang Filipino dahil sa laro.”, at sa pahayag na “Napahusay ang memorya sa

bokabularyong Filipino.” Na nakakuha ng parehas na binigatang tamtaman na 3.6, bilang sa aktibidad


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 18
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

na pinakamataas na nakakapag sabi sa antas ng paggamit at pagkatuto. Ang mga tagabatid ay Lubos

na sumangsang-ayon din sa pahayag na “Nakakaenganyong mag-aral dahil sa laro.” na may

binigatang tamtaman na 3.4, at ang iba naman ay Lubos na sumang-ayon din sa pahayag na

“Madaling gamitin at unawain ang laro.” Na may binigatang tamtaman na 3.5.

Talahanayan 5. Ang Binigatang Tamtaman ng Antas ng Bokabularyo

ng Ika – Sampung Baitang

Pahayag Binigatang Interpretation Ranking

Tamtaman

1. Maraming alam na matatalimhagang salita 2.75 Sumasang-ayon 3

2. Mahusay sa paggamit ng malalalim na 2.5 Sumasang-ayon 5

salita

3. Alam ang depinisyon ng bawat salita 2.55 Sumasang-ayon 4

4. Nauunawaan ko ang paggamit ng salita sa 2.95 Sumasang-ayon 2

isang pangungusap

5. Inaalam ang depinisyon ng di pamilyar na 3.15 Sumasang-ayon 1

salita.

Total ng Binigatang Tamtaman 2.78 Sumasang-ayon

Ang ika – limang talahanayan ay nagpapakita ng binigatang tamtamang pamamahagi ng antas

ng bokabularyo sa ika – sampung baitang. Base sa mga responde ng mga tagabatid. Ang sekondarya

sa ika – sampung baitang ay sumasang-ayon sa pahayag na “Inaalam ang depinisyon ng di pamilyar

na salita” na may binigatang tamtaman na 3.15, bilang sa aktibidad na pinakamataas na nakakapag

sabi sa antas ng bokabularyo. Ang mga tagabatid ay sumang-ayon din sa pahayag na “Nauunawaan

ko ang paggamit ng salita sa isang pangungusap.” na may binigatang tamtaman na 2.95, at ang iba

naman ay sumang-ayon din sa pahayag na “Maraming alam na matatalimhagang salita.” na may

binigatang tamtaman na 2.75, at ang mga tagabatid ay sumang-ayon din sa pahayag na “Alam ang

depinisyion ng bawat salita.” na may binigatang tamtaman na 2.55. Sa kabilang banda, ang mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 19
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

tagabatid ay sumasang-ayon din sa pahayag na “Mahusay sa paggamit ng malalalim na salita.” Na

may binigatang tamtaman na 2.5.

Talahanayan 6. Ang Binigatang Tamtaman ng Interaktibong Pagtuturo

ng Ika – Sampung Baitang

Pahayag Binigatang Interpretation Ranking

Tamtaman

1. Naintindihan ng lubos ang Wikang Filipino sa 3.3 Sumasang-ayon 3

pamamagitan ng isang laro.

2. Nahasa ang katalinuhan dahil sa interaktibong 3.3 Sumasang-ayon 3

pagtuturo.

3. Napadali ang pag-aaral sa isang aralin dahil sa 3.4 Sumasang-ayon 1

interaktibong pagtuturo

4. Naunawaan ng mabilis ang aralin dahil sa 3.15 Sumasang-ayon 5

interkatibong pagtuturo

5. Mas madaling magkalap ng kaalaman sa 3 Sumasang-ayon 3

interaktibong pagtuturo

6. Nagkaroon ng gana sa pag-aaral dahil sa 3.2 Sumasang-ayon 4

interaktibong pagtuturo.

7. Mas madaling matandaan ang mga tinuturo 3.35 Sumasang-ayon 2

gamit ang interaktibong pagtuturo

Total ng Binigatang Tamtaman 3.24 Sumasang-ayon

Ang ika – anim na talahanayan ay nagpapakita ng binigatang tamtamang pamamahagi ng

antas ng bokabularyo sa ika – sampung baitang. Base sa mga responde ng mga tagabatid ang

sekondarya sa ika – sampung baitang ay sumasang-ayon sa pahayag na “Napadali ang pag-aaral sa

isang aralin dahil sa interaktibong pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na 3.4, bilang sa

aktibidad na pinakamataas na nakakapag sabi sa interaktibong pagtuturo. Sa kabilang banda, ang mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 20
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

tagabatid ay sumang-ayon sa pahayag na “Mas madaling matandaan ang mga tinuturo gamit ang

interaktibong pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na 3.35, at ang iba naman ay sumang-ayon din

sa pahayag na “Naintindihan ng lubos ang wikang Filipino dahil sa pamamagitan ng isang laro.”, at

sa pahayag na “Nahasa ang katalinuhan dahil sa interaktibong pagtuturo.”, at sa pahayag na “Mas

madaling magkalap ng kaalaman sa interaktibong pagtuturo.”, na nakakuha ng parehas na binigatang

tamtaman na 3.35, at ang mga tagabatid ay sumang-ayon din sa pahayag na “Nagkaroon ng gana sa

pag-aaral dahil sa interaktibong pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na 3.2, ang mga tagabatid

ay sumasang-ayon din sa pahayag na “Naunawaan ng mabilis ang aralin dahil sa interaktibong

pagtuturo.” na may binigatang tamtaman na 3.15.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 21
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Talahanayan 7. Mga Iskor ng Tagabatid sa Ika – pito at Ika – sampung Baitang sa

Aplaya National High School-Annex

Ika – Ika –
sampung pitong
Baitang Baitang
Tagabatid Iskor Tagabatid Iskor
1 70 1 59

2 71 2 46

3 71 3 56

4 71 4 51

5 72 5 40

6 72 6 50

7 72 7 66

8 72 8 66

9 72 9 55

10 65 10 72

11 72 11 32

12 72 12 55

13 72 13 69

14 65 14 51

15 66 15 50

16 65 16 58

17 68 17 42

18 69 18 50

19 72 19 43

20 71 20 50

Ang mga mag-aaral ay nagsagot ng isangdaang tanong mula sa interktibong laro na ginawa ng

mga mananaliksik na “Wikalohiya”. Makikita sa Ika – pitong talahanayan na ang iskor na nakuha ng

mga mag-aaral na nasa ika – sampung baitang ay nasa saklaw ng animnapu’t lima hanggang

pitumpu’t dalawa, samantala ang mga mag-aaral sa ika – pitong baitang ay nakakuha ng saklaw na
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 22
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

apatnapu hanggang pitumpu’t dalawa na iskor. Base sa iskor ng dalawang baitang na kabilang sa

talatanungan, nagresulta ito na mas mataas ang iskor na nakuha ng mga mag-aaral sa ika – sampung

baitang kumpara sa ika – pitong baitang. Nahinuha na ang mga mag-aaral sa ika – sampung baitang

ay may mas alam o malawak ang pang-unawa sa bokabularyong Filipino kaysa sa mga mag-aaral ng

ika – pitong baitang.

Talahanayan 8. Buod ng Halaga na Nagpapakita ng Relasyon sa Pagitan ng

Interaktibong Laro at Bokabularyo

Relasyon Uri ng Tabular Nakuhang Desisyon


kalayaan na Halaga
Halaga
Ang kabuluhang relasyon sa

pagitan ng interaktibong laro at 4 0.5 0.69785832 Accept HA

bokabularyo sa mga piling mag-

aaral ng Aplaya National High

School-Annex sa ika – pito at ika

– sampung baitang

Ang ika – walong talahanayan ay nagpapakita ng buod ng halaga sa kabuluhang relasyon sa

pagitan ng interaktibong laro at bokabularyo sa mga piling mag-aaral ng Apalaya National High

School-Annex ika - pito at ika – sampung baitang. Ang talahanayang ito ay nag papakita ng kinalkula

na halaga ng chi square para sa kabuluhan ng relasyon sa pagitan ng interaktibong laro at bokabularyo

na mayroong apat na uri ng kalayaan, ang nakalkulang halaga ay mas mababa kaysa sa tabular na

halaga na 0.5. Sa pangkalahatan, ang alternatibong hinuha (HA) ay tinatanggap. Ang resulta ay

nagpapakita na mayroong kabuluhang relasyon sa pagitan ng interaktibong laro at bokabularyo sa

mga piling mag-aaral ng Aplaya National High School-Annex sa ika – pito at ika – sampung baitang.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 23
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

IKAAPAT NA BAHAGI

SINTESIS AT LAGOM. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sintesis

Ang interaktibong laro na “WIKALOHIYA” ay isang natatangi at kakaibang aplikasyon na

nagbibigay ng ddagdag na kaalaman at bokabularyo sa Filipino sa mga taong naglalaro nito.

Pinabubuti ng larong ito ang kaisipan ng mga manlalaro upang makapag-isip ng kritikal at mahasa

ang katalinuhan. Ang literatura at pag-aaral ay magkaugnay para magkaroon ng solusyon o dagdag

impormasyon para sa problema na inilalahad ng pananaliksik na ito. Ang mga literaturang ito ay

nagsusuporta sa mga ideya sa pinagmulan ng games at kung paano ito lumaganap sa panahong ito,

lalo na sa mga mobile phones, at ang bokabularyong Filipino habang sinusuportahan ng mga pag-

aaral ang importansya ng lenggwaheng Filipino at ang malalalim nitong mga salita at ang pagsuporta

sa mismong laro “WIKALOHIYA” dahil sa mayroon itong pagkakahalintulad sa ibang kategorya ng

mga laro na nailathala na. Ang literatura at pag-aaral ay ginagamit bilang suporta sa bawat detalye na

kalakip sa pananaliksik na ito. Ito ay nagbibigay ng malinaw at tiyak na diskusyon dahil sa mga

malinaw na detalye na kasama sa pag-aaral at literatura. Napupunan nito ang pundasyon sa pagbuo ng

pag-aaral na ito sa pamamagitan ng posibleng paggawa ng larong ito. Ang mga mananaliksik ay

nagkalap ng isang natatangi at disenteng laro na magpapabuhay ulit sa pagmamahal sa sariling wika,

nang hindi ito makalimutan at mas mapabuti pa ang bokabularyong Filipino sa mga susunod na

henerasyon.

Lagom ng mga Natuklasan

Ang parteng ito ay ipinapakita ang kabuuan ng pag-aaral. Inilalahad dito ang buod ng pag- aaral base

sa mga datos na inalisa sa kabilang kabanata. Ang kahalagahan at epekto ng interaktibong laro sa

smartphone para sa bokabularyong Filipino ng mga piling estudyante sa ika – pito at ika – sampung

baitang ay pinag-aralan sa pamamagitan ng pagkumpara at pagtukoy sa relasyon ng dalawang

baryabol:
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 24
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Ang mga tagabatid ay hinati sa kani-kanilang mga kasarian. Sa apatnapung tagabatid ay

mayroong tig-dalawampu na lalaki at babae. Pinapakita dito na ang mga tagabatid ng mga

mananaliksik ay may pantay na bilang batay sa kanilang kasarian.

Hinati rin ang mga tagabatid ayon sa kanilang mga edad. na may dalawampu’t pitong

bahagdan ang may labing anim na taong gulang, Mayroon namang tig-dalawampu’t dalawa at puntos

na limang bahagdan ang mga edad na labing tatlo at labing limang taong gulang. Labing dalawa at

puntos limang bahagdan naman ang labing apat na taong gulang habang ang natitirang labing limang

bahagdan naman ay mga labing dalawang taong gulang.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga piling mag-aaral sa ika – pitong baitang ay

sumasang- ayon sa paggamit at pagkatuto ng bokabularyong Filipino gamit ang interaktibong laro na

may binigatang tamtaman na 3.4. Habang lubos namang sumasang-ayon ang mga ika – sampung

baitang na may binigatang tamtaman na 3.53.

Inalam din ng mga mananaliksik ang antas ng bokabularyo ng dalawang baitang ayon sa

paggamit ng interaktibong laro. Napag-alaman na ang mga ika – pitong baitang ay may binigatang

tamtaman na 2.72 (sumasang-ayon) at ang mga ika – sampung baitang naman ay mayroong

binigatang tamtaman na 2.78 (sumasang-ayon).

Sinukat din ng mga mananaliksik ang kagustuhan at pag-sang-ayon ng mga piling mag-aaral

sa interaktibong pagtuturo. Ang mga ika – pitong baitang ay napag-alamang sumasang-ayon sa

binigatang tamtaman na 3.31 samantalang ang mga ika – sampung baitang ay sumasang-ayon din sa

binigatang tamtaman na 3.34.

Gamit ang istatistikang pamamaraan na chi square, kinalkula ng mga mananaliksik ang

kabuluhan ng relasyon sa pagitan ng interaktibong laro at bokabularyong Filipino ng piling mag-aaral

ng ika – pito at ika – sampung baitang. Ang nakalkulang halaga ay mas mababa sa tabular na halaga

na 0.5 na nagpapatunay sa alternatibong hinuha ng pag-aaral. Ipinapakita nito na mayroong

kabuluhang relasyon ang interaktibong laro at bokabularyong Filipino ng mga piling mag- aaral ng

ika – pito at ika – sampung baitang sa Aplaya National High School-Annex.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 25
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

Konklusyon

Batay sa mga inilahad at sa pag-iistatistika ng mga datos, ang mga mananaliksik ay


humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

1. Ang interaktibong laro ay tunay na nakakatulong sa paghasa ng bokabularyong

Filipino ng mga piling mag-aaral ng ika – pito at ika – sampung baitang sa Aplaya

National High School-Annex. Ang pagpapalaganap ng isang interaktibong laro na

pupukaw sa atensyon ng mga kabataan ay madaling makakaapekto sa paghasa ng

bokabularyong Filipino ng mga mag-aaral.

2. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang bokabularyong Filipino ng mga piling

mag-aaral at ang interaktibong laro ay mayroong kabuluhang relasyon ayon na rin sa

lumabas na datos sa pamamagitan ng chi square.

Lahat ng datos na nakuha ng mga mananaliksik ay nakatulong sa kanila upang humantong sa


kongklusyon na tunay ngang nakakaapekto at nakakatulong ang interaktibong laro sa
bokabularyong Filipino ng mga mag-aaral sa sa sekondarya.

Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong pagkumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang sumusunod:
1. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral, upang sa murang edad pa

lamang ay mahasa na ang kanilang kaisipan sa bokabularyong Filipino. Nang sag

anon ay makita nila agad ang kahalagahan ng Wikang Filipino at maipamahagi pa

nila ito sa iba. Kailangan nilang mas magbukas ng kaisipan at lawakan ang kanilang

kaalaman para maramdaman nila ang kanilang pagka-Pilipino, sa isip, sa diwa, at sa

gawa.

2. Para sa mga guro, kinakailangan nang magbigay aksyon sa pagbibigay ng dagdag

kaalaman sa mga estudyante sa bokabularyong Filipino. Para madali itong matutunan

at maunawaan ng mga mag-aaral, maaari silang magbigay ng interaktibong materyal

sa pag-aaral, katulad ng laro ito “WIKALOHIYA”

3. Dahil napatunayan na nakatutulong ang interaktibong laro sa pagpapalawak ng

bokabularyong Filipino, maaaring magbigay daan ang pananaliksik na ito sa mga

kapwa game developers sa pagsasagawa ng maraming interaktibong laro kaugnay

nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 26
Lungsod ng Sta.Rosa, Laguna

You might also like