Lagumang Pagsusulit Sa Arts 2nd Q

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT SA

ARTS–V
ikalawang markahan
Pangalan: ____________________________________ Iskor: _____________
Baytang: _____________________________________ Petsa: _____________
I. Basahin ang bawat pangungusap sa bawat bilang at pillin ang wastong sagot.
______ 1. Ano mga dapat na pagpapahalaga sa magagandang tanawin ng Pilipinas?
A. mahalin, alagaan at ipagmalaki lamang sa kapwa Pilipino
B. mahalin, alagaan at ipagmalaki hindi lamang dito sa ating bansa maging sa buong mundo.
C. tibagin ang mga ito upang baguhin at mapaganda
D. gawing inspirasyon ang nakita na tanawin sa ibang bansa at gayahin ito
______ 2. Alin ang kataga na nagpapakita ng pagpapahalaga sa yaman ng bansa?
A. Mahalin ang sariling atin. C. gawa ng iba, gayahin.
B. Buwagin at baguhin natin. D. tunay na Pilipino ang mahilig sa imported
______ 3. Ang ___________ ay ang sining at agham ng pagdibuho ng mga gusali.
A. iskultura B. pagpipinta C. Arkitektura D. pagguhit
______ 4. Ito ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay sa paligid.
A. linya B. hugis C. kulay D. kapal
______ 5. Paano nagiging mahalaga ang kulay sa isang likhang-sining?
A. Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining, nakapagpapahawig ito ng iba’tibang
kahulugan
B. Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining, umiiba ang iyong nilikha
C. Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining, nagiging pangit ito
D. Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining, makapagyayabang ka na
______ 6. Ito ay ang mga kulay na magkasalungat sa color wheel
A. kulay na analogo C. Pangalawang Kulay
B. Pangunahing Kulay D. Complimentary Colors
______ 7. Ilang kulay ang bumubuo sa Complementary Colors?
A. isa B. dalawa C. tatlo D. Apat
______ 8. Ang __________ ay isang visual art kung saan ang mga ideya at ang mga damdamin ay
ipinapahayag sa pamamagitan ng iba't ibang media at mga istilo.
A. iskultura B. pagpipinta C. Arkitektura D. pagguhit
______ 9. Alin ang hindi kabilang sa magagandang tanawin ng ating bansa?
A. Chocolate Hills C. Mt. Everest
B. Rice Terraces D. Underground River
Ano ang pinapakita sa mga larawan?
______ 10. ______ 11. ______ 12.
A. Complimentary colors B. Banaue Rice Terraces C. Chocolate Hills
Pagmasdan ang Color Wheel. Pillin sa color wheel at ng kumplementaryong kulay ng mga sumusunod.
13. pula - ______________
14. asul - ______________
15. dilaw - ______________
16. berde - ______________
17. pula-lila - ______________
Ano ang dalawang kulay na paghahaluin upang mabuo ang sumusunod na mga kulay.
18-19. berde (green) - __________ at ________________
20-21. dalandan (orange) __________ at ________________
22-23. lila (violet) __________ at ________________
II. Tukuyin kung sinong tanyag na pintor ang inilalarawan ng bawat bilang.
24. Si _______________ isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang-arawaraw
na gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa
kaniyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat
ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa bukid. Ilan sa kiniyang mga ipininta ay ang “Planting Rice,”
“Road by the Sea”, at “The First Man”.
25. Si _____________ ang tinaguriang “The Poet of Angono” dahil sa istilo ng kanyang pagpipinta. Siya ay
isa sa modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at
nagpasok ng sariwang imahen, sagisag at idyoma sa pagpipinta. Nagpinta siya ng sari-saring myural,
gaya sa Bulwagan ng Lungsod ng Maynila at iba pa.
26. Si _____________ ay isa ring tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit
ng sabay-sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa
iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at
translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
27. Si _____________ ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kanyang istilo sa
pagpinta ay taliwas sa istilo ni Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa
kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang ginamit niyang tema upang mabigyang pansin ang
sakripisyo na dinaranas ng mga ito.
II. Idrawing ang kung ang pangungusap ay tama kung mali.
______ 28. Ang mga tanyag na mga pintor ay may iba’t ibang istilo sa pagpipinta upang magkaroon sila ng
sariling pagkakilanlan.
______ 29. Ang mga tanyag na pintor ay maaring may pagkakapareho sa tema ng kanilang mga ipininta
subalit may makikita tayong kaibahan dito sa pamamagitan ng iba’t ibang istilo.
______ 30. Ang mga tanyag na pintor sa Pilipinas ay hindi marapat na bigyang halaga at kilalanin ang
kanilang mga obra sapagkat hindi ito nakatutulong sa ating ekonomiya.
______ 31. Ang pagpinta ay isang paraan upang maipalabas natin ang ating mga saloobin.
______ 32. Malaki ang kontribusyong naiambag ng mga tanyag na pintor sa ating sining.
Sagutin ang tanong. Isulat sa sagutang papel. (3 pts)
Paano ka magpipinta kung wala kang water color?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

You might also like