Professional Documents
Culture Documents
Ang Sumpa Ni Allenna
Ang Sumpa Ni Allenna
Ang Sumpa Ni Allenna
by devo0720
Allenna, ito daw ang pangalan ng sinsabi ng mga matatanda na nagsumpa sa ilog sa
kanilang lugar, mula ng ito ay matagpuang patay sa may ilog ay nagsimula na ang mga
tradheya sa mga taga baryo kaya ito ay pinaniniwalang isinumpa, kaya magmula noon
ay madalang nang may maligo at maglaba sa nasabing ilog.
Sino nga ba si allenna? Totoo kaya ang kanyang mga sumpa? Kung totoo man ito
meron kayang makakaputol sa kung anong sumpa meron ang nasabing mahiwagang ilog ng
baryo tahimik?
Alamin at tuklasin ang hiwaga sa sumpa ni allenna, tayong matakot at kilabutan sa
storyang ito.
=================
Masayang naliligo sa malinis at malamig na ilog ng majayjay laguna ang ang limang
magkakaibigan, dahil wala pang bakasyon ay madalang pa ang namamasyal at naliligo
sa lugar na ito, kasalasan kasi pag tungtong ng bakasyon ay madami ang naliligo sa
ilog na ito. Yun nga lang binalaan silang wag pupunta sa malalim na parte ng ilog
dahil baka daw sila malunod, at isa pa binalaan din silang wag masyadong maingay at
magkalat dahil sa may nagbabantay daw ba babaeng nakaputi don at kumukuha ng buhay
sa mga taong naliligo doon lalo na kung ito'y hindi taga doon. At dahil mga taga
maynila sila ay hindi sila naniniwala sa mga ganong bagay bagay, ang sabi nga nila
"to see is to believe", at isa pa matatapang ang mga kabataang ito lalo na't laki
sila sa syudad.
"Pare naniniwala ba kayo na may lumalabas daw ditong babae?" tanong ni marlon sa
kaibigan.
"Hindi totoo yon, panakot lang nila yon para magbehave tayo at hindi tayo magkalat
dito" sabi naman ni jam na nobya ni carl.
"Hahaha oo nga, palagay ko yun ang dahilan kaya ganon ang sabi sa atin" sabi naman
ni bart habang nakayapos sa nobyang si ema.
"Saka babae ba kamo?" sabi uli ni chad. "siguradong hindi yon magpapakita sa atin,
lalo na sayo, takot lang non na ligawan mo siya" biro ni bart sabay halakhakan ng
mga kasama niya.
"Aba oo naman, patay yon sa kin" mayabang na sabi nito. "diba ang sabi yon daw ang
dahilan kung bakit may mga nalulunod dito sa ilog?" sabi nya uli.
"Sabi, yon nga daw" kibit balikat ni jam.
"Sa kin lang siya magpakita at ako ang lulunod sa kanya" mayabang na sabi nito.
"lulunurin ko siya sa sarap! Hahahahaha" tuwang tuwang sabi ni marlon. kilala
kasing matinik sa babae si marlon, palibhasa ay mayaman at magandang lalaki kaya
halos lahat ng ligawan ay nakukuha kaagad, kung minsan nga ay siya pa ang
nilalapitan ng mga babae.
"Yan naman ang gusto ko sayo pare e"sabi ni carl."Kahit babaeng multo papatusin
hehehe" biro ni carl.
Habang nag iinuman ay nagkakatuwaan ang tatlo, samantalang si bart at ema ay hindi
nahihiya sa tatlong maglampungan sa harap ng mga ito, halos lahat na ata ng parte
ng katawan ng babae ay nahipo na ni chad, kitang kita ang mapuputi at makinis na
hita nito, samantalang si bart naman ay walang suot na pang itaas.
"Hoy kayong dalawa" sita ni jam "don kayo sa mejo tago o kaya sa kotse" puna ni jam
"Bakit ba?" sabi ni ema "hindi pa ba kayo sanay sa aming dalawa?" natatawang sabi
uli.
"Hindi naman, kaso baka mainggit si marlon kasi siya lang ang walang partner"
natatawang sabi ni jam.
"Anong maiinggit!?" maang ni marlon "kahit mag all the way yang dalawang yan sa
harap ko hindi ako maiinggit" mayabang na sabi nito, pero sa totoo lang ay kanina
pa siya inggit na inggit kay bart, lalo na't kitang kita nya ang mabibilog na hita
ni ema.
"Ikaw ta tong naiinggit e" bwelta ni marlon kay jam. "carl lakad na dalhin mo na sa
sulok yang si jam at paratingin mo na sa langit" sabi ni marlon sabay kindat sa
dalawa."Basta balik kayo magmaghapon ng makapagready na tayo sa pag uwi" sabi pa
uli nito. "Ako ng bahala dito, baka may mapadaang chiks e di may partner na rin
ako, susunod kami sa langit" biro pa nito sa mga kasama.
Napatawa naman yung dalawang mag nobyo, at hindi nga nagtagal naiwang mag isa si
marlon, nagpunta sa may kotse sina bart at ema, samantlang sa likod naman ng
malaking puno sina jam at carl.At dahil mejo malapit lang ang lugar na iyon sa
kanyang kinatatayuan ay kitang kita nya kung paano gumalaw ang sasakyan, isa lang
ibig sabihin non, nagpapandale na yung dalawa, at sa di kalayuan ay dinig na dinig
naman niya ang ungol ni jam at carl.
"Putsa!" sabi ni marlon sa sarili "ako lang ang walang partner, kung sino pang
nabansagang pabling ng grupo" himutok nito sa sarili.
Habang umiinon siya ay may napansin siyang magandang babae na nakatingin sa kanya
at kinakawayan siya. Tinitigan niya itong mabuti, sa tingin niya ay pumapalo ang
idad nito sa 20 hanggang 22, matangkad at maputi, mahaba ang buhok na bumagay sa
hugis puso nitong muka. Napatayo siya at nilapitan ang babaeng kumakaway sa kanya.
"Tamang tama" sabi niya sa sarili"Hindi naman pala ko dapat mainggit sa kanila at
eto na ang partner ko" nakangising sabi nito.
Nang makalapit si marlon ay lalo siyang nabighani sa ganda ng babae, lalo pala
itong maganda sa malapitan.
"Oo ba, wala nga akong partner, tamang tama at nandiyan ka" sabay hawak sa kamay ng
babae
"Tara maligo tayo" sabi ng babae habang hila hila siya papuntang ilog.
Sumama naman si marlon sa babae na maligo sa ilog, at siyang siya naman siya dahil
hawak hawak ng babae ang kanyang kamay.
"Grabe ang lambot ng kamay niya" sabi nito sa kanyang isip. "kaso bakit ganon?
bakit sobrang lamig nito?" nagtatakang tanong sa sarili. "Ah siguro gawa ng tubig"
agad naman nitong sagot sa sarili.
Biglang kinilabutan si marlon dahil sa iba na ang boses nito, animo ba galing sa
ilalim ng hukay ang boses at ng maramdaman niya ang hawak na kamay ay iba na,
kulubot na ito at maaligasgas na hindi gaya kanina. bigla niyang binawi ang kanyang
kamay pero hindi niya ito mahila sa babae.
Nang aktong hihilahin niya ang kanyang kamay ay nahila na siya pailalim ng ilog,
kahit anong panlalaban niya ay hindi siya makawala sa babae, sa higpit ng
pagkakahawak sa kanya ay parang madudurog ang kanyang buto sa kamay,palalim ng
palalim sila ng babaeng humihila sa kanya, hanggang sa unti unti ng kapusin ng
hininga si marlon at nawalan na ng malay.
Kinabukasan na ng matagpuan ang katawan nito, lobo na ang kanyang katawan ng ito ay
miahon ng mga pulis at mga taong tumulong sa paghahanap sa kanyang katawan.
"Tak! tsk! may nabiktima na naman siya" ang sabi ng isang matandang lalaki sa
sarili,sabay layo sa pinangyarihan ng krimen.
=================
Sumpa ni allena 1
"Yesss!" Sabi ni alyssa na 3rd year fine arts studet. "bakasyon na naman" sabipauli
nito.
"O pano guys, san ang plano nating ngayong bakasyon?" masayang tanong ni ramon
agoncillo III o mas kilala sa tawag na ram.
"Kayo bahala kayo, kung saan ang desisyon ng barkada ay don kami nina alyssa" sabi
naman ni vangie " diba alyssa?" baling na tanong nito sa kaibigan.
"Oo, kung saan ang barkada don kami" sang ayon naman nito.
"Kayo chad at randay?" sabay tanong ni ram sa dalawang kaibigang lalaki."Any idea?"
tanong uli.
"Kasi naman pare halos lahat na lang ng pedeng pabakasyunan natin ay napunthan na
natin" sabat naman ni randy.
"Aw" ngiwing sabi ni chad. "Last vacation e nandon na kami" sabi naman nito.
"Oo nga janice" sang ayon naman ni ram. "Sa iba na lang" tanggi nito.
"Kayo galing don last year" hirit nito."E ako hindi pa" maarteng sabi nito.
"Saka hindi namin kasalanan kung bakit hindi ka nakasama don" mataray ni sabi ni
vangie.
Sa kanilang tatlong babae ay si vangie lang ang malakas ang loob na tarayan at
sagutin si janice, palibhasa ay saksakan ng arte ang babaeng to, kaya kung minsan
ay pinababayaa na lang din ni alona at alyssa ang kaibigan na barahin at tarayan
din si janice, tutal ay hindi naman talaga nila ito barkada, kung hindi mismong si
ram na nobyo nito, kung baga sabit lang siya sa barkada nila.
"Alam ko na" biglang sabi ni ram "don na lang tayo sa ancestral house namin sa
laguna" excited na mungkahi nito.
"Ang lolo ko" sagot nito. "sa pagkakatanda ko e malapit lang sa min ang ilog,
konting lakad lang" pagbibigay impormasyon nito sa mga kasamahan.
"Taga don rin kasi ang lola patring ko, kaso matagal na kaming hindi nakakadalaw"
pag bibigay alam nito kay ram.
"O e di tamang tama, madadalaw mo ang lola mo, pasyalan na rin natin" masayang sabi
nito.
"Magpapaalam ako kay daddy para makapag abiso don sa katiwala namin na dadating
tayo" sabi uli ni ram.
"Pano guys, next week na tayo pupunta don" sabi ni ram. "May time pa tayo para
makapag handa ng nga dadalhin natin" si ram uli.
=============================
Pls. comment naman po kayo, yung may magcomment lang po ay masaya na ko kahit 1.
=================
Sumpa ni allenna 2
Binabagtas na nila alyssa ang daan patungong laguna, madaling araw pa lang ay
nakagayak na siya para sa kanilang pag alis, ang usapan nila ay 4 am siya dadaanan
ng kaniyang mga kaibigan, bale isang malaking van ang dala nila na pagmamay ari ni
ram, nagawa na ring tumawag ni ram sa kanilang katiwala para ipaalam na sila ay
dadating ng araw na iyon, nagpahanda na rin si ramon ng pagkain dahil siguradong
pagdating nila don ay gutom na gutom sila dahil sa layo ng kanilang ibabyahe.
Si ram ang nakatokang mag drive ng mga oras na iyon, katabi nito ang kaniyang
kasintahang si janice.
"O baka nagugutom na kayo?" tanong ni ram sa mga kasamahan "pede muna tayong mag
stop over sa dadaanan nating gas station" sabi uli
"Wag na ram, tutal naman e kumain na naman kami bago umalis" sabi ni alyssa
"Saka meron naman tayong baong sandwich jan sa lagayan natin ng pagkain, nagdala ko
para in case na magutom tayo sa daan e hindi na tayo mag stop over" sabi naman ni
alona
Tahimik ang grupo nila habang binabagtas nila ang daan papuntang lugar nina ram at
alona, samantlang yung iba naman ay nakatulog na sa haba ng kanilang biyahe, si ram
ay tahimik na nagmamaneho, samantlang si janice naman ay kwento ng kwento ng kung
ano ano, tahimik lang na nakikinig si ram,si vangie at alyssa ay magkatabi sa upuan
na parehong tulog, si chad naman at alona ay nag uusap rin na nakpwesto sa likuran,
samantlang si randy naman ay nakatingin sa mga lugar na nadadaanan nila, aliw na
aliw ito sa kaniyang nakikita, puro puno kasi ang kanilang nadadaanan, malayong
malayo ang itsura sa lugar na kinagisnan nila, doon kasi sa manila ay puro sasakyan
at building, samantalang dito ay maraming puno at madalang ang building na makikita
mo.
"Wala lang pare, ang tahimik mo kasi e, parang ang lalim ng iniisip mo" sagot naman
ni ram.
"Ah, wala iniisip ko lang na ang ganda ng view ng dinadaan natin, puro puno at
bihira kang makakita ng building, muka ngang wala pang building e" sagot ni randy.
"Ganito talaga sa probinsiya, lalo na sa lugar ng mga lolo ko, bihira man kaming
magpunta don pero natatandaan ko layo layo ang bahay don" mahabang sabi nito.
"Oo, ewan ko lang kung ganon parin ngayon, kasi maliit pa ko ng huli kaming
magpunta don, elementary pa lang ako, tapos hindi na kami bumalik nina mommy at
daddy"sabi uli ni ram.
"What babe!?" Maarteng tanong ni janice. "baka maligaw tayo niyan" dagdag pa nitong
sabi.
"Ano ka ba?" iritang sabi nito sa nobya. "aalis ba tayo ng hindi ko alam ang daan
sa pupunthan natin" napalakas na sabi nito.
"Wala naman girls, nag inarte lang tong si janice" sabi ni ram sabay tingin sa
nobyang nakatulis na ang nguso dahil sa sinabi ni ram.
"Alam ko ang daan papunta don, bukod sa itinuro ni daddy sa kin ay naka waze pa
tayo, kaya hindi tayo maliligaw" paliwanag nito. "sa katunayan niyan malapit na nga
tayo e, diba alona?" sabay tanong kay alona.
"Oo, malapit na nga tayo, don muna tayo sa nyo sumaretso ram, bukas na lang tayo
magpunta sa bahay, magpahinga na muna tayo" mahabang sabi nito.
"O see?" sabi ni ram sabay tingin sa nobya "ikaw lang wala kang tiwala sa kin"
sarcastic na sabi nito sa nobya.
Samantala hindi na nakatulog si vangie at alyssa dahil sa nawala na ang antok nila,
saka isa pa malapit na daw sila ayon kay ram at alona kaya minabuti nilang
magkwentuhan na lang sila ni vangie.
"Hay naku kahit kelan saksakan ng arte yang si janice"bulong ni vangie kay alyssa
"Shhh" sabi nito "wag kang maingay at baka marinig ka ni janice" sabi uli nito.
"E totoo naman" inis na sabi ni vangie " ewan ko ba jan kay ram at kung anong
nakita sa babaeng yan, bukod sa maarte na e ang sama pa ng ugali" inis na wika
nito.
"Hayaan mo na, wag mo na lang pansinin" sabi na lang ni alyssa. Hindi na kumibo si
vangie at pumikit na lang, sa totoo lang, hindi naman talaga nila barkada o
kaibigan si janice, ang barkada talaga nila ay si ram, at dahil nga nobya ito ni
ram ay lagi na nila itong nakakasama, kahit hindi maganda ang ugali nito ay
pinagpapasensiyahan na lang nila alang alang sa kaibigan nila.
"Guys" tawag ni ram sa kanila "tigil muna tayo sa palengke at makabili ng alak at
pulutan natin para mamaya, hindi kasi ko nakabili kanina" sabi ni ram.
"Ok sige pare, makatingin na rin ng pedeng bilihin" sang ayon naman ni chad.
Biglang napalingon si alyssa sa mga babae at nakuha ang kanyang atenayon sa pinag
uusapan ng mga ito.
"Talagang hindi titigil ang kaluluwa ng babaeng nagpapakita sa ilog hanggat hindi
niya nakukuha ang hustisya sa kanyang pagkamatay" sabay singit na sabi ng matandang
babae na sa tingin ni alyssa ay nasa idad 70 na.
"Ano ka ba?" sabi naman nung isa. "hindi mo ba alam ang kwento sa ilog?" manghang
tanong ng isang babae sa nagtatanong sa matanda.
"Sabagay" sabi nito "hindi ka nga pala lihitimong taga rito kaya hindi mo alam na
may sumpa yan ilog na yan" sabi uli nito sabay yapos sa sarili na animo'y
nilalamig. "Kaya nga karamihan ng mga kababaihan dito ay hindi na naglalaba sa
ilig na iyon, at ang mga bata ay hindi na pinaliligo pa don" dagdag na sabi pa
nito.
"Tayo na alyssa" untag ni vangie kay alyssa dahil parang hindi siya nito naririnig.
"Hindi mo ba narinig yung pinag uusapan ng mga babae kanina?" tanong ni alyssa kay
vangie.
"Ah, wala" sabi na lang ni alyssa. "tayo na at baka tayo na lang ang inaantay sa
sasakyan" sabay lakad papalyo ni alysaa, agad namang sumunod sina vangie at alona.
=================
Sumpa ni allenna 3
Tama nga ang hinala ni alyssa na sila na lang ang inaantay ng mga kasama nila.
"O ayan na pala ang mga inaantay natin" paismid na sabi ni janice. "Ayan na ang mga
paimportante" sabi uli nito na tila nang iinsulto.
"Aba't. . " Sabi ni vangie " ano bang.." Sabi uli na napatigil sa pagsasalita dahil
sa pinigil siya ni alona at alyssa.Napalingon si vangie sa dalawa at sumenyas lang
ang mga ito ng iling kaya hindi na nito tinuloy ang sasabihin nito.
"Pasensiya na ha" sabi ni alona "nalibang kasi kami sa pagtingin tingin sa loob"
sabi pa uli nito.
"Ok lang yun girls" mabait na sabi ni chad. "hindi naman tayo nagmamadali saka isa
pa, maaga pa oh" sabay tingin sa relong suot."Janice umuna ka sa saksakyan" utos ni
ram sa nobya.
Walang nagawa si janice kung di bumalik sa sasakyan, dahil alam niyang galit na sa
kanya ang kanyang nibyo, padabog naman nitong binalibag ang pintuan ng van.
"Girls pasensiya na ha, wag nyo na lang panasinin yung sinabi ni janice" hinging
paumanhin ni ram.
"Ok lang ram" sabi ni alyssa. "para sayo hahabaan pa namin ang pasensiya namin"
sabi uli nito sabay ngiti.
"Pero wag lang uubusin ang pasensiya ko ng maarte mong gf, kilala mo ko ram, sa
lahat ng ayaw ko e yung maarte at walang pakisama,at lalo na yung pinasasaringan
kami" galit na sabi ni vangie.
"O siya tama na yan at palampasin na lang ang nangyari, nandito tayo para magsaya
at magbakasyon" sabi ni alyssa. "wag nang pansinin ang mga bad vibes" sabi pa uli
nito.
"Babe" sabi ni janice habang nakatapat sa lumang bahay nina ram."Wala kayang
lumabas na multo jan?" takot na sabi nito. "Nakakatakot kasi, lumang luma na,
parang any moment e may lalabas na multo jan" maarteng sabi nito sabay yapos kay
ram.
"Anong multo!?" sabi ni ram sa kasintahan. "babe 2016 na ngayon at nasa computer
world na tayo, tapos naniniwala ka pa sa multo?" sabi nito sabay tawa.
"Ayun. . " Bulong na sabi ni vangie kina alona at alyssa na nasa likuran nina ram
at janice.
"Tinatakot lang ang sarili para may dahilan siyang aswangin si ram" bulong uli nito
sa kasama. "e mas matatakot sa kanya ang mga multo jan kung meron nga dahil sa
kasamaan ng ugali niya e" inis na sabi nito. Napahagikgik naman ang dalawa dahil sa
nasa harap nila sina janice at ram ay pigil na pigil ang tawa nila.
"Kita mo pag yung multo ay lumabas at nagpakita jan isa lang ang sasbihin ng multo"
hindi mapigilang sabi ni vangie alona.
"At ano naman ang sasabihin?" interesadong sabi ni alyssa, dahil alam niyang puro
kalokohan ang sasabihin nito.
"Ahhhhh impakta!" tawang tawa habang sinsabi yon. "sigurado biglang maglalahong
parang bula ang mga multo at hindi na magpapakita pa kahit kelan" sabi pa uli nito.
At hindi na nila napigilan ang kanilang pagtawa kaya naman naghagalpakan na sila ng
tawa. biglang napalingon si janice sa kanila at ram.
"Babe ano ba!?" galit na saway nito. "nagkakasiyahan yung tatlo tapos
pakikialamanan mo" sabi uli ni ram.
"E pano alam kong pinagtatawanan nila ko" maarteng sumbong nito kay ram.
"Masyado ka kasing mapangduda e" sabi nito sa nobya. "tayo na nga sa loob" at
hinila na nito palayo si janice sa tatlo. Kilala kasi nito ang ugali ng nobya,
hindi to titigil hanggat gindi nakakabawi, saksakan ng arte, ang totoo niyan ay
humahanap lang siya ng tiempo para makipagkalas dito dahil nagsasawa n siya sa
kartehan at ugali nito.
Sumunod naman ang taltlong babae kay ram at janice, samantlang si chad at randy
naman ay ibinababa ang mga gamit na dala dala nila.
"Oho señorito" magalang na tugon nito, habang walang humpay pa ring nakatitig sa
kanya.
"Ram na lang po" aabi ni ram. " hindi kasi ko sanay na ganyan ang awag sa kin e"
kakamot kamot na sabi ni ram
Habang papasok ay pinakilala isa isa ni ram ang ang kanyang mga kasama.
=================
Sumpa ni allenna 4
"Kamukang kamuka ni señorito ram ano?" biglang napaigtad si alyssa dahil sa gulat
ng biglang may nagsalita sa likod ni alyssa.
"Mang karding kayo pala" sabi ni alyssa sa matanda. "tinakot nyo naman po ako"
sabay tawa ni alyssa sa matanda. "akala ko nagsalita na yung painting" biro pa
nito.
"Alyssa po" magalang na sagot nito."Mang karding sino ho siya? Kamukang kamuka siya
ni ram" tanong naman ni alyssa.
"Oo siya nga iha" sagot ng matanda"Maging ako nga din e nagulat ng nakita ko si
señorito, parang pinabatang ramon" manghang sabi nito sa dalaga.
"Oo nga po e" sabi ni alyssa "nakakatauwa nga e" sabi pa uli nito
"Dito ang kwarto natin ni vangie" pagbibigay alam kay alyssa ni alona.
"Sa awa ng diyos ay hindi" sabi nito sabay tawa. "ayaw daw ng may kasama sa kwarto"
kwento ni alona habang papasok sila sa kwarto nila.
"O e akala ko ba e makasam sila ni ram sa iisang kwarto?" agad na tanong nito.
"Ah ganon?" sabi ni alyssa. "baka hindi pumayag si ram na magtabi sila" sabi uli
nito.
"Baka" sang ayon ni alona. "knowing ram may pagka conservative non" sabi uli ni
alona.
"Oo alam ko" sagot ni alyssa. "isa nga yung dahilan kaya ko siya nagustuhan e"
bulong nito sa sarili sabay ngiti.
"Ano yun alyssa?" baling na tanong ni alona, nag aayos kasi ito ng gamit kaya hindi
niya ito naintindihan, saka isa pa mahina ang pagkakasabi ni alyssa.
"Ah nandon sa banyo, liligo daw muna bago siya matulog para daw presko" sabi nito.
"Alam mo alona natatawa lang ako jan kay janice?" nagtatakang sabi ni alyssa.
"Ah yun?" sagot nito "pano insecure sa tin yon, lalo na sayo alyssa" sabi pa
nito."Laking ganda natin sa kanya" sabay tawa sa sinabi niya.
"Saka luka luka yun" sabat ni vangie na hindi nila namalayang nakalabas na pala ng
banyo. "biruin mo nakakatakot daw dito at mukang may multo,tapos ayaw naman ng may
kasama sa kwarto maliban kay ram" mahabang sabi nito.
"Sabihin mo gusto lang non tumabi kay ram sa pagtulog" inis na sabi ni alona.
"Ano siya sinuswerte?" sabi ni vangie"Baka balak pikutin ung kaibigan natin" sabi
pa nito. "para nga namang wala ng kawala" si vangie.
"Tok! tok! tok!" biglang may kumatok sa pinto. pag bukas ng pinto ay bumungad sa
kanila si ram na nakapagpalit na ng damit, kasama nito si janice na naka pulupot
ang kamay sa braso ng binata.
=================
Sumpa ni allenna 5
Pagbaba nila ay nakaupo na sina ram at janice sa hapag kainan, habang sina at chad
at randy naman ay kasunod lang din nila sa pagbaba. Nagkanya kanya na sila ng
pwesto, si janice at ram ay magkatabi sa upuan, samantalang si vangie at chad ang
magkatabi, si alona at alyssa naman ay napapagitnaan si chad.
"Sige ram kung yan ang gusto mo" sang ayon naman ni aling delia.
"Ah manang eto nga pala ang mga kaibigan ko, si alyssa po, alona at chad, at eto po
si vangie at randy" pakilala ni ram.
"At eto pong katabi ko ay si janice" pakilala naman ni ram kay janice.
"O siya, kumain na kayo at lalamig ang ulam" anyaya ni manang delia.
"Naku iho mamaya na pagkatapos nyo at saka aantayin ko pa si manong karding nyo"
tangging sabi nito.
Ganadong kumain ang mag kakaibigan, sinigang na hipon ang niluto ni manang delia
kaya naman sarap na sarap sila sa pagkain, meron din mga nakahaing prutas para sa
dessert nila.
"Oo nga po manang delia, masarap po pala kayong magluto, sa uulitin po" sang ayon
naman ni alyssa.
"Oo ba, ipaglulutoko kayo ng masasarap na pagkain habang nandito kayo" masayang
sabi nito.
"Pano guys?" tanong ni ram. "don tayo sa garden para makapagpahangin tayo" sabi pa
uli nito.
"Naku wag na ineng" tanggi ni manang delia. "sumama ka na sa kanila at kayang kaya
ko nang mag isa to" sabi pa uli nito.
"O siya bahala ka, sunod ka na lang don pag tapos nyo jan" nasabi na lang ni ram.
Samantala sa kwarto ni janice ay inis na inis itong pinagbabato ang mga unan sa
kama, asar na asar siya kay, mas importante pa yung mga kaibigan niya kesa sa
kanya, tapos lagi na lang na kinakampihan ang mga yon, oo nga at alam niyang
kasalanan niya kung bakit siya napapagalitan ni ram pero maiaalis ko ba sa sarili
ko ang hindi maiinis lalo na saga babaeng kaibigan nito. Masisira ata ang plano
niya tungkol kay ram, kelangang may gawin siya bago siya mabuko ng lalaking iyon.
Mahal na mahal niya ito at hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya, lalo na
ngayong kailangan niya si ram, kaya niyang pumatay alang alang kay ram.
"Badtrip talaga!" sabay hagus uli ng huling unan na nasa kama niya.
=================
Sumpa ni allenna 6
"Alam nyo ho manang delia ang gaan gaan ng loob ko sa inyo" masayang sabi ni alyss.
"Ako din" sabi naman ni manang delia."Ang gaan din ng loob ko sayo" sabi uli nito.
"Aba oo" sagot nito. "simula ng maging mag asawa kami ni karding ay dito na ko
napatira, katiwala kasi si karding ng pamilya mi ram" mahabang kwento nito.
"Si karding naman ay bata pa lang ay nandito na sya, kasi ang ama ni karding ay
hardinero ng tatay ng loloNi ram, bale nuno ni ram, tapos yung lolo ni ram ay
kababata ni karding at naging kanang kamay siya nito, hanggang sa nagbinata sila ay
lagi silang magkakasama" mahabang kwento uli nito.
"Ah. . bale po talagang ang asawa nyo ay dito na lumaki sa mansyon" sabi ni alyssa.
"Talaga po?"manghang tanong nito."Parang wala pa pong 70 si mang karding kasi ang
lakas lakas pa po niya at nakakapagtrabaho pa" sabi ni alyssa.
"Ganyan talaga dito sa probinsiya" may pagmamalaking sabi nito. "Puro kasi sariwa
ang kinakain namin dito at isa pa, malayo sa polusyon hindi gaya sa syudad" sabi pa
ni manang delia.
"Oo nga po, sa manila po kasi puro usok ng pabrika at sasakyan kaya ang hangin e
hindi na sariwa di gaya dito sa laguna, ang sarap ng simoy ng hangin" sang ayon ni
alyssa sa matanda.
" E manang san po ang anak nyo?" tanong ni alyssa. " may anak po ba kayo?" sunod na
tanong.
"Naku sorry po" hingi ng paumanhin ni alyssa. "hindi ko po alam" sabi pa nito.
"Kung hindi nyo po mamasamain" sabi ni alyssa. "ano pong ikinamatay?" tanong pa
nito.
"Naliligo kasi sila ng kaniyang pinsan sa ilog" simula ng kwento nito. "binawalan
ko na sila, ang sabi ko ay wag silang maligo doon dahil may sumpa ang ilog na yon"
maluha luhang sabi nito.
"Pano pong may sumpa?" interesadong tanong nito. "At sinong nagsumpa?" si alyssa
uli.
"Isa lang ang kilala kong may kagagawan non ng mga kababalahang nangyayari sa ilog"
makahulugang sabi nito.
=================
Sumpa ni allenna 7
"Ok lang ako, napagod lang siguro ako kaya ganon, alam mo na umiidad na ako" sabi
nito
"E magpahinga na ho kayo, tutal naman e tapos na tayo dito"sabi ni alyssa. "ako
naman po ay susunod kina ram sa labas" sabi uli.
"O siya sige na" ganting sabi ng matanda."mauna na ho ako" paalam ni alyssa.
Tanging tango lang ang isinagot ni manang delia kay alyssa. Pagtalikod ni alyssa ay
nakita niya si mang karding sa may pintuan.
Lalo tuloy napakunot ang noo ni alyssa sa narinig. "Ano kaya ang tinutukoy ni mang
karding?" tanong nito sa sarili. "Saka sino kaya yung sinasabi nitong ginahasa at
pinatay? May kinalaman kaya si mang karding don?"lalong naguluhan si alyssa ng
maisip niya ito. Napailing na lang siya sa naisip niya, "hindi naman siguro?" sabi
pa uli nito sa sarili "baka masakit pa sa kanya ang pagkamatay ng anak niya kaya
siguro ganon na lang ang reaksyon niya, baka ayaw na nitong maalala pa" ang nasabi
na lang ni alyssa.
Umalis na si alyssa at pinabayaan ng mag usap ang mag asawa, lumabas siya at
pumunta kung saan naroon angnkanyang mga kasamahan. Dahil sa hindi niya nakita ay
minabuti na lang ni alyssa na pumasyal pasyal sa paligid ng mansion. Sadyang
maganda ang lugar, sariwa ang hangin, madaming punong kahoy at mga hitik pa sa
bunga, nagtingin tingin siya sa paligid at napansin niyang malalayo pala ang agwat
ng mga bahay dito, sa paglalakad lakad niya ay hindi niya namalayan na napadpad na
pala siya sa may tabing ilog.
"Huh!?" gulat niya " hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tabing ilog"
sabi nito sa sarili. "Pero hindi naman ako naliligaw" sabi nito sabay lingon sa
likod, tanaw pa kasi niya ang mansion nina ram kaya alam niyang malapit lang yon sa
kinaroroonan niya, kung tutuusin nga tanaw itong ilog sa kwarto ng bintanang
tinitigilan nila.
"Wow, ang ganda at ang linis" sabi niyo habang pinagmamasdan ang malinaw na tubig.
Parang naenganyo si alyssa na ilublob ang kanyang mga paa, kaya dali dali siyang
naghubad ng tinelas at nagtampisaw sa malamig at malinis na ilog. Habang nabanad
ang kanyang paa ay nakaupo siya sa malaking bato na animo ay isang dambuhalang
panghilod.
"Sayang" sabi nito. "hindi ko naisama ang tropa,sigurado magugustuhan nila dito"
sabi uli. "pero ayos lang, sa susunod aayain ko sila dito" nasabi na lang ni alyssa
sa sarili.
"Mas masarap kung maliligo ka jan" biglang may nagsalitang babae sa likuran ni
alyssa. Ganon na lang gulat ni alyssa ng paglingon niya ay may nakatayong
magandang babae sa kanyang likuran.
"Ganon ba ko kaabala para hindi ko mamalayang may tao na pala sa likuran ko?"
tanong nito sa sarili.
=================
Sumpa ni allenna 8
"Wag kang matakot" sabi nito, bakas kasi sa muka ni alyssa ang pagkatakot.
"Kaibigan ako, jan lang ako sa kabilang ilog nakatira" nakangiting sabi nito.
"Ah. . ." ang sabi ni alyssa " ako naman ay taga maynila, nagbabakasyon lang kami
ng mga kaibigan ko" pagbibigay alam ni alyssa sa kausap. Muka naman kasi itong
mabait at palakaibigan, mabuti nga yon at may bago siyang kaibigan sa lugar na ito.
tinitigan niyang mabuti ang muka nito, maputi, matangos ang ilong, maganda ang labi
kaso medyo putla ito, at ang mata parang malamlam, at ang boses,parang napakalamig
na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa.
"Ah ganon ba?" tanong ng di kilalang babae. " dito ko naglalaba tuwing umaga kaya
madalas ako dito" sabi pa nito.
"Oo, saka pag nandito ko pakiramdam ko e nawawala ang problema ko" sabi nito.
"Oo nga e, ang gand kasi sa lugar na ito, nakakawala ng pagod" sagot naman ni
alyssa.
"Saka isa pa masarap maligo dito, lalo na sa parteng malalim" pang eengganyo nito
sa kausap.
"Naku sa susunod na lang kasi wala akong dalang pamalit" tanggi ni alyssa.
"Ok lang yon, diba don lang ang inyo" sabay turo ng babae sa mansion na tanaw sa
kinaroroonana nila.
Biglang nagulat si alyssa sa sinabi nito, paano nito nalaman na doon siya natigil
gayong hindi naman niya pa sinasabi kung san siya nakatira.
"Paano mong nalaman na doon ako nakatira?" Kunot noong tanong ni alyssa sabay tayo
sa kinauupuan. iba na kasi ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon, para bang hindi
maganda ng kutob niya.
"Ah ganon ba?" sabi na lang ni alyssa."oo nga pala" sabay sabi ni alyssa. "kanina
pa tayo mag kausap ay hindi ko pa alam ang pangalan mo" pahayag nito.
"Ako naman si alle. . . . " sabi nitong bilang naputol ng biglang may tumawag sa
pangalan ng kausap niya.
"O ram, mang karding" tawag nito sa dalawang paparating. "bakit may problema ba?"
tanong nito sa dalawa.
"Girl ano ka ba, mag five o'clock na po" sagot naman ni vangie.
"At isa pa dumidilim na, natakot kami ng wala ka pa sa bahay" sabi ni chad.
Napakunot ang noo ni alyssa, panong nangyaring papadilim na e sasaglit lang siyang
nawawala sa masion, ganon ba siya nalibang para hindi niya mapuna na papadilim na?
tanong nito sa sarili, at ganon na bang kahaba ang kwentuhan nila nung babaeng
kausap niya.
"Yung kausap ko kanina bago kayo dumating" sabi ni alyssa. "ayu. . " Napatigil sa
pagsasalita si alyssa ng mapansing wala don ang tinutukoyNiya.
"Huh?" gulat na sabi ni alyssa. Nalito siya sa mga pangyayari, paanong nangyari yon
e kausap lang niya ito kanikanina lang, bago dumating ang mga kaibigan niya at su
mang karding.
=============================
Hello po sa inyo, comment naman po kayo jan sa mga nakakabasa para naman po alam ko
kung may nagbabasa nga nitong sinusulat ko lahit isang comment lang. salamat po : )
=================
Sumpa ni allenna 9
"Diyos ko kang bata ka" pag aalala nito. "buti at hindi kayo inabot ng dilim sa
ilog, ang sabi nitong si arnold ay nakita kang naglalakad papuntang ilog" mahabang
sabi nito "buti at hindi ka napahamak doon" sabi pa uli nito.
"Manang delia pano naman po ako mapapahamak doon e malapit lang naman ang ilog dito
sa mansion, saka alam ko naman po ang pabalik dito" pagmamalaking sabi nito.
"A e. . . "Hindi malaman ang sasabihin "ang ibig kong sabihin e, baka kako madaanan
ka ng mga tulisan don" pagdadahilan nito. "kaya madalang ang magpunta doon lalo na
at nagsosolo kasi delikado lalo na at mga dayo kayo" sabi nito.
"Oo nga iha" sabat naman ni mang karding na huling pumasok sa loob."Kung minsan e
may naliligaw na tulisan diyan sa may ilog, kaya madalang ang may magpunta sa lugar
na yan" sabi pa uli ni mang karding.
"Ah ganon po ba" paumanhing sabi nito. "pasensiya na po uli kung pinag alala ko
kayong lahat" sabi nito.
"O siya pumanhik ka na muna at magpahinga" sabi ng matandang babae "maya maya ay
maghahapunana na" pagbibigay alam dito.
"O sige po" sabi ni alyssa. "salamat po sa pag aalala" sbit pa nito.
"Ah tiyang" sabay sabi ni arnold. "uuwi na po ako at baka hinahanap na ako ni
inang" paalam sa tiyahin ng binata.
"O sige mag iingat ka ha" sabi ng tiyahin sa pamangkin. "daretso ng uwi" paalala
nito.
"Sige po" magalang na tugon nito."Balik na lang po ako sa susunod na araw para
makatulong sa pag iistima ng mga bista" sabi uli ng binata sabay lingon kay alona.
"Ram sunod na muna ko kina alyssa at vangie sa itaas ha" paalam nito kina ram at
chad.
Samantala habang naliligo si alyssa ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang
babaeng nakausap niya sa ilog, nagtataka siya kung bakit ganon, bakit nasabi nina
ram na wala naman daw siyang kausap samantalang ang tagal niya itong nakasama at
nakausap, ano nga ang pangalan non, alle. . A ewan kasi naman sasabihin na e
biglang may tumawag sa kin, siguro hindi sanay sa tao kaya natakot at tumakbo na
pagkatalikod ko, imposibleng multo yon kasi nakita at nakausap ko, pag nagkita na
lang kami uli saka ko tatanungin ang name niya.
"Tok!tok! tok! Alyssa tapos ka na?" tanong ng tao sa labas, kung hindi siya
nagkakamali ay si alona yon.
"Ah ok, saglit lang ha" sabi nito sabay pagmamadali sa paliligo.
=================
Sumpa ni allenna 10
Pagbaba nila ay kumpleto na ang lahat, maliban kay janice na ang sabi ay hindi daw
maghahapunan dahil on diet daw siya. napakibit balikat na lang si alyssa sa sinabi
ni ram.
"inaasahan ko ng hindi sasabay sa atin yon kasi alam kong hindi yon nakain ng
hapunan" pahayag ni ram.
Hindi na lang pinansin ni alona ang kaibigan, sanay na siya dito, ganyan talaga
yang magsalita pag napagsasabihan, pero mabait naman na kaibigan si vangie.
"Ah nabpapahinga na, maaga kasing natutulog yon kasi madaling araw pa lang ay
gising na siya" magabang sabi ni manang delia.
Habang kumakain sila ay napuna nilang parang tahimik si randy tila ba malalim ang
iniisipi kung hindi pa kausapin ay hindi kikibo, samantalang hindi naman to ganito
dati, tila ba may dinaramd. Habang si chad naman ay ganadong ganado pati na rin ang
iba.
"Ikaw pareng randy game ka ba?" tanong ni ram."Pansin ko kanina ka pang walang kibo
ah" puna ni ram sa kaibigan, kasalukuyan silang nasa biranda at nagpapahangin.
"Hindi ko alam kung problema e" naguguluhang sabi nito. "parang oo na parang pwede"
magulong sagot nito.
"Ano yan pinoy henyo?" tanong ni vangie sabay tawa ng malakas. Nahawa na rin sa
pagtawa si alyssa at alona sa sinabi ni vangie.
"Kaw talaga vangie pag dating sa alak laging game" natatawang sabi ni alona.
"Kaya nga match kami niyan e" sabi naman ni chad sabay kindat kay vangie.
Hating gabi na ng matapos ang barkadahan sa pag iinuman, bagamat hindi naman nainom
si alyssa ay sinamahan niya ang kaniyang mga kaibigan, bonding na rin ba kung
baga.Si alona ay lasing na lasing na akay nina vangie at alyssa, samantalang si ram
at chad naman ay sa salas na nakatulog, hindi na daw kayang umakyat, si randy naman
ay nauna ng umakyat ng makita niyang tulo na si ram at chad, para ngang hindi to
nalasing e.
"Tama na tigilan na natin to" galit na sabi ni janice. Lalong napakunot si alyssa
sa narinig.
"At paano yang dinadala mo!?" galit n sagot ng kausap" ako ang ama niyan at hindi
ram!" galit na galit na sabi nito sa kay janice.
"Oh my god" naguguluhang sabi niya. Bigla siyang napatakbo sa kanilang kwarto ng
may marinig siyang yabag na papalabas ng kwartong iyon. Pagpasok niya ng kanilang
kwarto ay nakaginga siya ng maluwag at nagulat na lang siya nang nakarinig siya ng
lagabag ng pintuan.
=================
Sumpa ni allenna 11
Dahil sa nasaksihan kagabi ay hindi agad nakatulog si alyssa, kaya naman halata sa
kanya ang puyat at pangangalumata, halos maiyak na siya sa awa kay ram, natanong na
lang niya sa sarili niya kung bakit siya ginanon si ram ng kanyang nobya at
kaibigan, ang pagkakaalam naman ni alyssa ay mabait at sweet si ram sa nobya nobya
niya, kaya bakit ganon na lang ang ginawa ng mga ito. Pagbab ni alyssa ay
nagkakainan na ng umagahan ang mga magkakaibigan.
"Oo nga e" sagot nito. "hindi kasi ko kagad nakatulog, nagbasa pa kasi ko kagabi"
pagdadahilan ni alyssa.
"Oo mamaya" sabi ni ram. "diba pupunta tayo sa mga lola ni alona?" pag papaalala ni
ram kay janice.
"Ah oo nga pala" sabi na lang nito, pero sa totoo lang ay ayaw niyang pumunta don,
ang gusto sana niya ay masoli niya si ram.
"Sa bandang hapon na lang" sabi ni alona. "pagkakain na lang natin ng tanghalian,
isa pa tulog pa sina randy at vangie"sabi uli nito.
"Oo nga" sang ayon ni chad. "lasing na lasing si vangie kagabi, hayaan na muna
nating magpahinga" sabi uli ni chad.
"Guys" sabi ni alyssa sa mga kaibigan. "mamaya pa naman ang alis natin, pupunta na
muna sana ko sa may tabing ilog" paalam nito sa mga kaibigan.
"Ano ka ba" natatawang sabi ni alyssa. "hindi na ko bata no, kaya ko na ang sarili
ko" sabi uli nito.
"Kapag tanghali na at wala pa ko, don nyo na ko puntahan" pahabol nitong sabi sabay
tawa.
"Oo nga naman babe" maarteng sabi ni janice. "malaki na si alyssa para mag alala ka
ng ganyan" sabi nito.
"Don na lang tayo sa may garden sa likod magpunta" malandi nitong sabi kay ram
sabay may ibinulong.
Umakyat na si alyssa sa kwarto niya para kuhanin ang kanyang gamit sa pagdodrawing,
dinala kasi niya ito para kung maisipan niyang magdrawing e makakapagdrwing siya.
Pagbaba ni alyssa ay wala na doon ang dalawa, si chad na lang ang naiwan. "Siguro
ay gumagawa na ng milagro yung dalaw sa likod bahay" malisyongsong sabi ni alyssa
sa sarili.
Habang naglalakad papuntang tabing ilog ay hindi niya maiwasang hindi magngitngit.
"Wala talagang hiya yang si janice, biruin mo buntis na sa iba tapos lumalandi pa
ng husto, siguro ay kay ram ipaaako ang ipinagbubuntis non" sabi ni alyssa sa
sarili."hahanap lang ako ng tiempo para sabihin kay ram ang lahat" sabi pa
nito"Hindi dahil sa gusto ko si ram kung hindi dahil kaibigan ko siya, barkada,
hindi makatwirang lolokohin lang siya habangbuhay ng janice na yan, itatali sa
sitwasyong hindi naman niya kagagawan" determinado nitong sabi sa sarili.
Nang makarating siya sa ilog ay humanap agad siya ng pwesto na pwedeng upuan,
napili niyang upuan yung malaking bato na nasa lilim ng puno, nilabas ni alyssa ang
kanyang sketch pad at lapis at sinimulan na niyang magdrawing, iginuguhit ni alyssa
ang nasa paligid niya, palibhasa ay sadyang may talento sa pagguguhit ay kuhang
kuha niya ang itsura ng kanyang obra. Ang malinaw na tubig na umaagos sa ilog, ang
mga punong nakapaligid dito, at isinama na rin niya ang mangilan ngilang mga
kababaihang naglalaba sa di kalayuan sa kanya.
Biglang napaigtad si alyssa at nalaglag ang hawak niyang lapis sa sobrang gulat.
Paglingon niya ay nakita niya ang babaeng nakausap niya kahapon na biglang nawala.
Nakasuot ito ng puting bistida na animo ay nasa sinaunang panahon.
"Ikaw pala" sabi ni alyssa. "magkakasakit naman ako sa puso niyan sayo e, lagi ka
na lang sumusulpot ng di ko namamalayan" nakahawak sa puso g sabi ni alyssa,
hanggang ngayon kasi ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya.
"Hindi kasi ko pwedeng makipag usap sa iba maliban sayo" makahulugang sabi nito.
Napakunot ang noo ni alyssa sa sinabi nito. Biglang parang kinabahan si alyssa,
kung bakit ay hindi niya alam ang dahilan. "bakit ba parang napakamisteryosa nitong
babaeng to?" tanong ni alyssa sa sarili.
=============================
Pasensiya na po kayo kung may mga typo error, may kalakihan ata ang daliri ko kaya
kung minsan ay iba ang napipindot ko hehehehe.
Salamat po.
=================
Sumpa ni allenna 12
Tinitingnang mabuti ni alyssa ang kanyang kausap, bakit ba ganito ang pakiramdam
niya sa babaeng to, pakiramdam niya ay madaming lihim itong itinatago.
"Ah kasi hindi kasi ko sanay na makihalubiho sa mga ibang tao, lalo na at hindi
taga rito." paliwanang ng babae.
"Bakit?" takang tanong nito. "buti at nakipag usap ka sa akin?" tanong uli niya.
"Ah ganon ba?" Sabi ni alyssa "salamat ha" sabi uli nito.
"Ah saka na lang, pag kasama ko na yung mga kaibigan ko" sagot ni alyssa. "yaan mo
at ipakikilala kita sa mga yon, mababait din ang mga yon, para naman may iba ka
pang kaibigan bukod sa akin." mahaba nitong sabi sa kausap.
"Salamat" sabi nito "maganda para sa inyong mga dayuhan ang pangalan ko pero dito
sa aming lugar ay isa itong sumpa at malas na pangalan" makahulugang sabi nito.
"Bakit mo naman nasabing may sumpa ang iyong pangalan?" takang taning uli nito.
"Yon ang paniniwala ng mga tao dito" sagot nito."Isa na rin yon sa mga dahilan kung
bakit mailap ako sa mga tao sa lugar na ito" mahabang paliwanang ni allenna.
"Naniniwala ang mga tao dito sa mga ganong bagay?" hindi makapaniwalang tanong ni
alyssa sa kausap.
"Wag kang mag alala" pag aali nito sa bagong kaibigan. "hindi ako naniniwala sa mga
ganong bagay" masayang sabi nito.
"Alam mo na pangalan ko diba?" tanong nito sa kausap. "alyssa montemayor" pakilala
uli ni alyssa sa kaysap sabay lahad ng palad nito.
"Alyssa!" tawag sa kanyang likuran. Bigla siyang napalingon at nakita niya si ram
na papunta sa kanyang likuran.
"O ram" gulat nitong sabi. "bakit? paalis na ba tayo?" tanong uli niya.
"Maya maya pa, kinaon lang kita kasi magtatanghalian na tayo" sabi nto.
"Sana tinext mo na lang ako o kaya tinawagan" sagot ni alyssa sa kausap. "para
hindi ka na napagod sa pagpunta dito" sabi pa nito.
"Ok lang, gusto ko rin namang makapaglakad lakad" masayang sabi nito.
"Ay oo nga pala ipakikilala kita kay alle. . " Pag lingon ni alyss sa likod ay
bigla na naman itong nawalang parang bula. "huh? nawala na naman siya?" takang
tanong nito.
"Don sa bago kong kaibigan" sagot ni alyssa. "taga kabilang ulig daw siya at
allenna ang pangalan" sagot ni alyssa.
"Kaw talaga puro biro" masayang sabi nito "siya tayo na at mainit na" aya ni alyssa
sa lalaki.
Nagbibiruan pa sina ram at alyssa habang tinatahak ang daan pauwi sa mansion,
habang bitbit naman ni alyssa ang kanyang mga gamit pang guhit.
"Ako ang kikitil sa wala mong kwentang buhay!" Sabay halakhak uli. "isinusumpa ko
yan!" pagkasabi ni allenna ay biglang kumulog at kumidlat ng malakas, biglang
dumilim ang paligid na para bang may paparating na isang malakas na unos, na tila
ba nagbabadyang may mangyayari na namang hindi maganda sa lugar na iyon.
=================
Sumpa ni allenna 13
"Tag ulan na ba kaagad?" takang tanong ni chad ng makita sila sa may salas, kababab
lang nito galing sa kanyang kwarto.
"Oo nga, kanina naman e ang ganda ganda ng panahon" sabat ni alyssa.
"Climate change siguro" pahayag naman ni vangie na kalalabas lang galing kusina,
kasama si alona.
"Paano yan hindi pala tayo makakaalis, mukang ang lakas ng ulan na yan e"sabi ni
alona.
"Oo nga e" sagot ni ram. "bukas na lang siguro sa umaga tayo magpunta para maganda,
tapos daretso simba na rin tayo" mungkahi pa nito.
"O sige yon na lang" sabi ni chad "sa ngayon e magpahinga na lang muna tayo, medyo
masakit pa kasi ang ulo ko" sabi uli nito sabay hawak sa ulo.
Samantala hindi magkamayaw sa pagdadasal ang mga matatanda sa kanilang altar sa mga
oras na iyon. Bawat pagkulog at pagkidlat ay napapaantanda sila dahil sa kakaibang
takot na namamayani sa kanilang mga puso. Tanghali pa lang ay tila maggagabi na sa
sobrang dilim sa labas, bumuhos na ang malakas na ulan at walang tigil ang pagkulog
at pagkidlat.
"Ano pong ibig ninyong sabihin lola?" tanong ng walang muwang na batang babae.
"May pakiramdam akong nandiyan na naman siya para kumuha na naman ng buhay"
makahulugang sabi uli ng matanda.
"Paano ninyo pong nalaman na kukuha na naman siya ng buhay?" tanong uli "totoo po
ba ang kinukwento ninyo sa amin ng mga kapatid ko?" tanong uli.
"Totoo lahat ang sinasabi ko apo" sagot ng matanda. "Kaya kayo sabihin mo sa
kapatid mo ay wag maliligo sa ilog, dahil delikado doon" babala ng matandang babae
sa apo.
"E lola paano ninyo pong napatunayan na yung babae nga po ang kumukuha ng buhay ng
mga tao dito?" tanong uli ng dalagita. "Hindi po kaya kaya sila nalulunod ay dala
ng kapabayaan nila, kasi kalimitan ay lumalangoy sila ng lasing, o kaya ay hindi
naman pala marunong lumangoy e sige pa rin ang punta sa malalim" katwiran ng
dalagita.
Biglang nalungkot ang muka ng matanda na wari ba'y iiyak sa mga masasamang alaala.
=================
Sumpa ni allenna 14
"Oo apo, sa ilog namatay ang iyong ama" malungkot na pahayag ng kanyang lola.
"Pero diba kaya nalunod si tatay don kasi ay doon siya inabutan ng atake sa puso?
nagtatakang sabi ng dalagita.
"Yon ang paniniwala ng mga pulis at ng ibang taga lugar natin, pero ang totoo ay
pinatay siya ng babae sa ilog" paliwanang ng matandang babae.
"Pilit kong pinigilan ang iyong ama ngunit sadyang napakatigas ng kanyang ulo"
malungkot na sabi nito.
"Nay kayo na po muna ang bahala sa mga bata at mangingilaw lang ako sa ilog"
paalamni aldo sa kanyang ina na kasalukuyang nagluluto ng hapunana.
"Bakit ka naman paparoon pa, alam mong delikado ang magpunta ng ilog lalo na at
papadilim na" babala ng kanyang ina.
"Nay kaya ko ho ang sarili ko" pagyaya ang nito sa ina. "isa pa may mangingilaw ba
na sa umaga?" pilosopong sabi nito sa ina.
"Wag ka ng umalis aldo at magdidilim na" galit na sabi nito. "wag matigas ang ulo
mo, alam mo naman kung anong meron diyan sa may ilog lalo na at kung hating gabi"
paalala nito sa ina.
"Nay, bakit ba naman kayo naniniwala sa mga ganyang mga kwento kwento" napapailing
na sabi nito. "matanda na kayo e mapapaniwala pa kayo sa mga kababalaghan" naiinis
na sabi nito.
"Hindi yon basta kwento lang, totoo ang lahat ng iyon, marami ng namatay sa ilog na
yan gawa ng kaluluwa ng babaeng napatay diyan noon" nangingilabot na sabi nito.
"Nay" sabi nito "maraming namamatay jan dahil sa kapabayaan nila, hindi dahil sa
kung anong demonyo meron jan" naiinis na paliwanag ni aldo."Ang nakakatakot ay yong
wala akong mahuli para ipangkain natin, yon ang nakakatakot" dagdag pa nito.
"Bahala ka napakatigas talaga ng ulo mong bata ka!" galit na ring sabi ng matanda.
"pinaaalalahanan lang kita!' sabi pa nito.
"Wag kayong mag alala" sabi nito sabay lingon sa ina. "para sa ikakapanatag niyo ay
uuwi kaagad ako ng maaga" sabi ni aldo sa ina.
"Siya sige na" sang ayon nito "hindi ka naman papipigil pa, mag ingat ka na lang at
umuwi ka kaagad" ang nasabi na lang ng matanda. At sa paglabas ni aldo ay nagdasal
ang matanda para sa kaligtasan ng kanyang anak. Nag iisa na lang itong anak niya,
dahil ang kanyang isang anak ay namatay na sa sakit, kaya masyado ang kanyang pag
iingat dito dahil ito na lang natitirang kayamanan niya, at isa pa may 3 itong anak
na dapat itaguyod, iniwan na kasi si aldo ng kanyang asawa.
"Ano naman kayang ginagawa ng isang babae dito sa ilog, gayong gabi na?" takang
tanong nito sa sarili."Imposible namang mangingilaw din to" sabi pa ni aldo
"Miss!" tawag nito sa babaeng nakatalikod. Nakaputi itong bistida at wari ba'y
hindi siya nito naririnig.
"Miss!" tawag uli nito. "malamig ang ilog bakit gabi ka na maligo" takang tanong
nito.
Biglang narinig ni aldo na ito'y umiiyak, dahil ng ito'y kanyang lapitan ay
nakatakip ang mga palad nito sa kanyang muka.
"Lintek,ukang magpapakamatay pa ata to ah" nasabi nito sa sarili. Kaya naman agad
agad niya itong nilapitan.
"Mis bakit ka umiiyak?" tanong nito. "may problema ka ba?" tanong uli nito.
Hindi siya pinapansin ng babae kaya naman hinawakan niya ang balikat nito para sana
aluin.
"Miss" sabi pa ni aldo. "kung balak mong magpakamatay ay mag hunos dili
ka,kasalanan yan sa diyos" pangaral pa nito.
Ganon na lang ang hilakbot ni aldo ng marinig niya itong magsalita, ang bosea nito
ay animo galing sa ilalim ng hukay, ang lamig ng boses at nang mahawakan niya ito
sa balikat sa sobrang lamig, kasing lamig ng isang bangkay.
"Ikaw ang papatayin koooo!!!!!" biglang harap ng babae sabay harap kay aldo.
=============================
=================
Sumpa ni allenna 15
Biglang nabitiwan ng nanay ni aldo ang hinuhugasan niyang pinggan para maging
dahilan ito ng pagkabasag. Ganon na lang ang kaba ng matanda dahil para sa kanila
ang mga ganong senyales ay masama, may pamahiin kasi sa kanila na pag ikaw ay
nakabasag ng pinggan o ng mga bagy na babasagin ng hindi sinasadya at bigla kang
kinutuban ay malamang sa malamang na may masamang mangyayari sa mahal mo sa
buhay.Biglang kinutuban ng masama ang matanda, pumasok ang panganay niyang apo na
anak ni aldo.
"Lola ano pong nangyari?" tanong nito sa matanda ng makitang may vasag na pinggan.
"Siguro nga" sang ayon ng matanda. "anong oras na ba?" tanong pa nito.
Pumasok na sa kanyang kwarto ang matanda at himiga na sa kanyang katre, pero hindi
siya talaga mapalagay, iba ang kutob niya. Kaya naman dali dali siyang lumabas at
kinuha ang kanyang alampay, susunod siya sa ilog para puntahan ang kanyang anak.
Sa sobrang takot ni aldo ay nagawa nitong makatakbo sa tabi ng ilog, dala siguro ng
sobrang takot ay hindi niya alam kung paano aiya kaagad nakarating sa may pangpang.
Pag lingon niya sa may ilog ay wala na doon ang babae, para siyang nabunutan ng
tinik sa dibdib. Ngunit ganon na lang ang pangangatog ng kayang mga tuhod ng
pagharap niya para umuwi ay nasa harap na niya ang babae, galit na galit ang muka
nito.
Napasigaw uli ng malakas si aldo, sa isang kumpas ng babae ay bigla na lang itong
tumilapon sa may ilog. Sa lakas ng pagkakahagis sa kanya ay pakiramdam niya ay
nagkalasog lasog na ang kanyang katawan, buti na lang at hindi siya tumama sa
batuhan. Dahil sa hindi kaagad nakabawi sa pagkabigla ay muntik na siyang malunod,
suminghap singhap pa siya, nang makabawi na siya sa ginawa sa kanya ng babae ay
dalidali uli siyang lumangoy para makaahon sa ilog.
"Hahahahaha" malakas na halakhak ng babae."Hindi ka makakatakas sa akin" sabi pa
uli nito.
Biglang lumutang ang uli ni aldo at pinipilit na lumaban sa babae. Langoy uli si
aldo ng makaalpas ito sa babae.
"Waggggggggg" sigaw ng ina ni aldo."Wag ang anak ko maawa ka" pagmamakaawa ng ina
ni aldo.
Ngumisi lang ito sa matandang babae.At sa isang iglap lang ay nahila na ng tuluyan
si aldo sa ilalim ng ilog ni allenna, hindi na ito lumutang pa kahit anong tawag ng
ina ni aldo sa pangalan nito.
"Isang buhay ay sapat na sa akin ngayong gabi. . ." Malamig na boses na narinig ng
ina ni aldo. Ganon na lang ang hinagpis nito sa sinapit ng anak, alam niyang wala
na itong buhay.
=================
=================
Sumpa ni allenna 16
"Halos mabaliw ako noon apo, dahil hindi ko alam ang gagawin ko"mangiyak ngiyak na
sabi nito. "kung hindi ko lang kayo inaalala ng mga kapatid mo, siguro ay bumigay
na ako" sabi pa uli nito.
"Lola bakit hindi nyo po agad sinabi sa amin ang mga iyan" tanong ng apo sa
matandang babae."Bakit hindi ninyo sinabi sa mga pulis" sabi pa uli nito.
"Sinabi ko, ngunit walang naniniwala, kaya alam ko kada may mamamatay diyan sa may
ilog ay siya ang may kagagawan lahat" may galit na sabi niyo.
"E lola bakit po siya pumapatay" takang tanong nito. "bakit siya madalas kumuha ng
buhay? sunod na tanong.
"Hindi ko rin alam apo, pero sigurado may dahilan ang lahat ng mga pangyayaring
iyon, may pinag ugatan kung bakit siya tila galit na galit, isang kaluluwang hindi
matahimik" sagot ng matanda sa apo."Tandang tanda ko pa, ang mga mata niya ay
nagliliyab sa galit, poot, na tila ba ang kaluluwa ay inalay na sa diablo para lang
makabalik dito." ang sapantaha ng matanda.
"Lola paano ninyo po nalaman na inalay niya sa diablo ang kaluluwa niya?" walang
muwang na tanong ng dalagita.
"Dahil ang isang kaluluwa ay walang kakayahang bumalik dito sa mundo ng mga tao,
walang kakayahang manakit ng may buhay, tanging ang mga kaluluwa lamang na
nagsangla sa mga diablo ang tanging nakagagawa ng mga iyon, kaya natitiyak ko na
pag aari na siya ng isang demonyo" kinikilabutang sabi ng matanda sa apo.
Dahil sa narinig na kwento ng kanyang lola ay natakot ang dalagita sa mga nalaman
nito, ibig sabihin pala ay talagang delikado sa lugar na iyon na magpunta, pero
bakit ganon pag nagpupunta naman sila ng kaibigan niya doon para maligo o mag
picnic ng hindi alam ng lola niya ay wala namang nangyayaring masama sa kanila,
hindi kaya gawa gawa lang ng kanyang lola ang lahat ng iyon para hindi na sila
magpunta sa ilog? Saka kung don namatay ang kanyang tatay ay bakit madalas pa ring
magpunta doon si lola, lalo na kung malapit ng dumilim, kung totoo nga yon, bakit
tila hindi siya natatakot na magpabalikbalik sa lugar na iyon.
Ang lahat ng mga tanong na yon ang labis na napapagulo sa kanyang utak, hindi niya
alam kung paniniwalaan ba niya o hindi, pero sa huli ay hindi rin niya pinaniwalaan
ang lahat ng kwento ng kanyang lola.
"Napaka imposible talaga yon" sabi pa nito sa sarili. "siguro dala na rin ng
katandaan kaya kung ano ano na lang ang naiisip ni lola" dagdag na sabi nito.
"Naku hindi pa, saka mukang hindi ako papayagan kung sasabihin kong maliligo tayo
sa ilog, lalo pa't balak nating mag paabot mg gabi" nag aalalang sagot ng babae.
"Oo naman, ikaw na lang ang medyo tagilid pa" natatawang sabi nito.
"Hahahaha gnon?" tawa nitong sabi. "magtetext na lang ako sayo, basta pipilitin
kong makasama" determinado nitong sagot.
Sa mansion. . . . .
"Grabe pare ang lakas ng ulan,bakit kaya biglang bigla naman ang ulan na yan?"
takang tanong ni chad.
"E bakit ang sungit mo?"nag aasar na tanong ni chad kay vangie.
"Oo nga mabuti pa, tutal naman e malamig ngayon at masarap mag inom" sang ayon ni
chad.
"O cge pare" sabi ni ram. "teka't kukunin ko lang yung iinumin natin" paalam ni
ram.
"Ako alam nyo na,pasa ako dyan" sabi ni alyssa sabay ngiti. "aakyat na lang muna ko
sa kwarto at matutulog, masarap din matulog ngayon dahil nga sabi nyo malamig"
sabay kindat sa mga kasama.
"Hindi ram, alam mo namang hindi ako pala inom ng alak" sagot nito. "tutulog na
lang ako" sabi pa nito.
"O sige" sagot ni ram. "sweetsreams na lang sayo" sabi uli nito sabay ngiti ng
pagkatamistamis kay alyssa.
Tumango lang si alyssa at tumalikod na, pag talikod nito ay hindi mapigilang
kiligin ni alyssa sa kaibigan, napaksweet talaga nito, bukod sa sweet na at mabait,
napakagwapo pa lalo nanpag nangiti, gustong gusto kasu niya itong ngumingiti dahil
sa malalim nitong dimples, ang cute tingnan.
Pag pasok ni alyssa sa kwarto ay agad siyang nahiga at marahil ay sa puyat niya
kagabi ay agad siyang inantok at nakatulog kaagad.
=================
Sumpa ni allenna 17
Tagaktak na ang pawis ni alyssa sa pagtakbo, hindi niya maintindihan kung saan pa
siya patungo, basta bahala na kung saan siya dalahin ng kanyang mga paa. Palingon
lingon siya sa paligid. "Nasaan na kaya ako?" takot na tanong nito sa sarili. Nang
tingnan niya ang paligid ay parang nasa ginta siya ng kagubatan, "bakit ako
napadpad dito?" tanong niya uli sa sarili. Ang natatandaan niya ay naglalakad siya
galing sa mansion, hindi niya namalayan na napalayo na pala siya ng lakad, nung may
napansin siya na tila sumusunod sa kanya ay agad niyang binilisan ang paglalakad,
palingonlingon siya kung nakasunod pa ba ang akala niyang humahabol sa
kanya,pinakiramdaman niya ang paligid,maya maya lang ay parang palakas ng palakas
ang mga yabag na papalapit sa kanya, kaya sa takot niya ay nagtatakbo siya.
"paano na ko makakauwi nito, mukang naligaw na ako?" sabi nito sa sarili. Habang
naglalakad at hinahanap ang daan pauwi ay nakarating siya sa may ilog.
"Ang ilog" excited na sabi nito. "makakauwi na ko, babaybayin ko na lang ito para
mahanap ko ang daan." masayang sabi nito.
Habang binabaybay niya ang daan ay may nakita siyang babaeng umiiyak sa may tabing
ilog. Nakayuko ito at patuloy ang paghagulgul nito. Nakabistida itong puti na tila
ba ikakasal.
"Huh?" gulat niya. "sino kaya yon?" tanong nito. "naligaw din kaya ito?" muli
nitong tanong sa sarili. Agad niya itong nilapitan para tulungan kung may
maitutulong man siya, at isa pa baka alam nito ang daan pauwi sa mansion.Nang
papalapit siya ng papalapit dito ay para bang unti unti siyang kinikilabutan,
habang unti unting naririnig niya ang pag iyak ng babae ay unti unti ring tumataas
ang kanyang balahibo.
"Miss, okay ka lang ba?" tanong ni alyssa. "miss?" ulit nito sabay hawak sa balikat
ng naiyak na babae. Biglang napakunot ang noo ni alyssa ng biglang tumawa ang
babae, kanina lang ay naiyak to bakit ngayon ay natawa na.
Ang kaninang iyak ay napalitan ng tawa, tawa na unti unting lumalakas hanggang sa
naging halakhak na ito, sa paghalakhak ng babae ay biglang kumulog at kumidlat ng
malakas, ganon na lang ang takot ni alyssa ng humarap ito sa kanya, biglang para
siyang isang tuod na hindi makagalaw sa sobrang takot.
Naagnas na muka, matang kulay pula na lumuluha ng dugo habang nakatingin sa kanya,
bibig na halos umabot na sa may tenga sa sobrang laki, at sa kanyang pagtawa ay
kitang kita ni alyssa ang mga uod na nanlalaglag sa bawat pagtawa nito.
Hindi magawang sumigaw ni alyssa o ang gumalaw man lang, para siyang naparalisado
sa kanyang kinatatayuan.
Biglang hinawakan si alyssa sa dalaqang balikat niya, ramdam niya ang lamig ng mga
kamay nito na halos agnas na rin.
"Eeeeeeehhhhhhhh" biglang malakas na irit ni alyssa, halos mapaos na siya sa
kasisigaw.
"Eto na ata ang katapusan ko" sabi ni alyssa sa isip habang umiiyak. "diyos ko
ipinauubaya ko na po sa inyo ang lahat, kayo na po ang bahala" ang huling sinabi ni
alyssa bago bumigay ang kanyang katawan at isip. Biglang bumuhos ang napakalakas na
ulan.
Nang tiyak na ng babae na wala na siyang hininga ay bigla niya itong binitawan, sa
pagbitiw ng babae sa katawan ni alyssa ay unti unti itong lumubog sa ilalim ng ilog
hanggang sa anurin na ng malakas na agos ang walang buhay na katawan ni alyssa.
=================
Sumpa ni allenna 18
Biglang nagising si alyssa ng may maramdaman niyang mahapdi ang kanyang pisngi.
Pagmulat ng kanyang mata ay nakita niyang nakapalibot sa kanya ang kanyang mga
kaibigan, nasa muka ng mga ito ang pag aalala. Habang papaupo siya ng pwesto ay
inabutan siya ni alona ng tubig dahil tila hapong hapo siya.
"Napadaan kasi ako ng kwarto nyo para kumuha uli ng alak sa room ko" paliwanag ni
ram. "nang may marinig akong umuungol sa loob na tila ba parang nahihirapan ay
sumilip ako dito, nakita nga kitang natutulog at panay ang ungol mo at butil butil
ang pawis mo" mahabang kwento nito.
"Oo nga" sang ayon ni chad. "akala nga namin e hindi ka na magigising, panay na ang
yugyog namin sayo at sampal pero wala pa ring epekto, hindi ka pa rin magising"
sabi uli ni chad.
"Ano bang napanaginipan mo?" tanong ni ram sa kanya.
"Napadpad daw ako sa ilog. . . ." At kinuwento ni alyssa ang mga pangyayari sa
kanyang panaginip.
Nang matapos si alyssa sa pagkukwento mangiyak ngiyak siya dahil akala talaga niya
ay katapusan na niya.
"Oo nga naman, alyssa" si alona. "saka hindi totoong merong ganon na kagaya sa
panaginip mo, sa pelikula pa oo" sabi ni alona na napapailing.
"At isa pa, baka naman kasi masyafo kang nag iisip don sa babaeng nakakausap mo pag
nagpupunta ka sa ilog,yung bago mo kamong kakilala" sabi naman ni vangie.
"Oo nga" sang ayon ni ram. "wag ka na lang uling magpunta don ng hindi mo kami
kasama" mungkahi naman nito.
"Siguro nga" sang ayon naman ni alyssa. "salamat sa inyo ha, kung hindi siguro
ninyo ko nagising aya baka patay na ko" sabi pa uli nito na may naluluha.
Napalingon ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila, at nakita nila si
janice na papasok sa loob.
"O gising na naman pala si alyssa e" maarteng sabi nito. "tayo na babe sa baba at
kumain na tayo ng hapunan." Naglalambing nitong sabi kay ram. "O alyssa okay ka
lang?" tanong ni janice. "buti at nagising ka pa" sabi nito na para bang nanunuya
pa.
"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin sa kaibigan namin e wag ka na lang
magsalita" mataray na sabi ni vangie.
"Bakit?" maang nito. "nagtatanong lang naman ah" kunwaring sabi nito.
"Tayo na nga babe sa baba" inis na sabi kay ram. Nauna na itong lumabas ng kwarto.
"O sige alyssa bababa na muna kami" paalam ni ram. "ilalayo ko na muna tong si
janice" nahihiyang sabi sa mga kaibigan.
"Sige mauna na kayo, baka hindi na lang muna ko maghapunan at wala pa kong gana"
matamlay na sabi ni alyssa.
Tumango lang si alyssa sa kaibigan, kaya naman maya maya lang ay lumabas na ito par
kumain ng hapunan. Pagkatpos ng hapunan ay binalikan siya ni alona at vangie na may
dalang pagkain.
"Kumain ka kahit konti" sabi ni alona. "aalis tayo bukas diba?" sabi pa uli nito.
"Oo naman alam ko" sagot nito. wala naman akong sakit e, tinatamad lang talaga kong
kumain" sabi pa uli nito. "O siya magpahinga ka na uli, baba lang kami at
magliligpit lang kami ng pinagkainan sa baba" paalam ni vangie.
"Umalis kasi si yung mag asawa at may pupuntahan daw" sabi nito sa kaibigan.
=================
Sumpa ni allenna 19
Kinabukasan aya maaga silang umalis para mamasyal, patatlong araw na kasi sila
dito e hindi pa sila nakakapasyal sa bayan, kaya naman napagkasunduan nilang
mamasyal sa bayan, balak na muna nilang magsimba dahil na rin sa request ni alyssa,
gusto kasi niyang magpasalamat at nagising pa siya sa masamang bangungot na dinanas
niya kahapon. Pagkatapos nilang magsimba ay dumaan naman sila sa plaza, picture
dito, picture doon, na enjoy talaga ng magkakaibigan ang ganda mg lugar.
Summer na pero hindi ganong kainit, siguro dala na rin yun ng mga puno sa paligid,
madami kasing punong kahiy kang makikita, kahit na sabihin pang nasa bayan ka at
madami na ring bahayan at ilang istraktura. Pagkatapos nilang kumain e
napagkasunduan nilang mamili ng ilang bagay na gagamit nil sa paliligo nila sa
ilog, balak kasi nilang maligo doon mamayang hapon pag kauwi nila at doon na sila
magpapaabot ng gabi, napagkasunduan ng barkada na mag camping sila don. Kaya naman
ganon na lang ang excitment ng barkadahan maliban kay alyssa.
"O alyssa, hindi ka ba excited at don tayo mag overnight sa ilog mamaya?" tanong ni
alona.
"Oo nga" sang ayon ni vangie. "ikaw itong mahilig sa mga ganyang adventure e" sabi
pa nito.
"WAit" pigil na sabi ni chad. "don't tellMe na iniisip mompa rin yung nightmare mo
kagabi?" kunot noo nitong tanong.
"Ano ka ba naman alyssa" sabi ni ram "wag mong isipin yun at hondi totoo ang mga
yon" sabi pa nito.
"Saka wag kang mag alala" sabat ni randy. "nandito naman kami para ipagtanggol ka
e" pacute pa nitong sabi.
"O see?" sabi nito "e di tumawa ka na rin" sabay tapik sa balikat.
"Kung natatakot ka, maiwan ka sa bahay mamaya, magmukmok ka na lang don" paismid na
sabi ni janice.
Hindi na lang pinansin ni alyssa si janice. Kung papatulan pa kasi niya ito ay
hahaba lang ang kanilang pagtatalo.
"Mabuti pa, tayo na sa sasakyan at pupunta pa tayo sa mga lola ko." aya ni alona.
"nagtext ako sa tita ko at tinuro kung saang lugar sila dito nakatira kaya tayo
na." sabi pa nito.
Pagdating nila sa bahay ng lola ni alona ay sinalubong sila ng kanyang tita, nang
tanungin niya ang kung nasaan ang kanyang lola ay nasa loob daw na nagluluto ng
pananghalian nila ng malamang dadalaw sila dito. Maliit lang ang bahay ng lola ni
alona kumpara sa bahay ng lolo nina ram, kung tutuusin nga ay par lang itong isang
kubo. Sa likod bahay sila dinala ng tiyahin ni alona at doon na daw sila pumuwesto
ng pagkain dahil mas presko daw doon.
Tamang tama naman na nakahain na ang lola ni alona ng sila ay dumating. Nagbless si
alona sa kanyang abuela, at ganon din ang ginawa ng kanyang mga kaibigan, isa isa
silang nagmano sa kamay nito, at tuwang tuwa naman ang matanda. Pinakahuling
nagmano ay si ram dahil siya ang nasa likod. Ganon na lang ang gulat ng lola ni
alona Ng makita niya ito.
"Ah wala apo, may naalala lang ako sayo" nakangiti nitong sabi.
Masaya ang lahat sa pagkain, kanya kanya silang kuha, sa dahon ng saging sila
kumain, habang nakain ay nagkukwentuhan ang tiyahin ni alona at si alona kung
kamusta na ba daw Ng kanyang mga pinsan na nanay ni alona. Habang ang lola naman ni
alona ay walang patid sa pagtitig kay ram.
"Hindi maari" sabi nito habang nakatingin kay ram. "sino kaya siya at bakit siya
kamukang kamuka ng kakilala ko?" tanong pa nito.
"Lolaay problema po ba?" tanong ni ram ng makita niyang nakatingin sa kanya ang
lola ni alona.
"Ah, wala naman" tanggi nito. "nga pala iho, ano nga palang buo mong panagalan?"
tanong ng matandang babae.
Bigla na lang ang pamumutla ng matanda na wari ba'y nakakita ng multo. Bigla itong
parang nahilo.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ni alyssa na nakalapit na pala sa kanila at
nakikinig sa dalawa.
"Basta mag iingat kayo, lalo ka na ramon" madiing sabi nito. "ikaw nga siguro ang
dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya matahimik" makahulugang sabi pa
nito.
Biglang nagkatinginan sina alyssa at ram, nakakunot ang kanilang mga noo na wari
ba'y naguguluhan sa mga sinasabi ng matanda.
=================
Sumpa ni allenna 20
Habang nasa daan ay hindi maiwasang mapaisip si ram, kung anog ibig sabihin ng
lola ni alona, kung anong dahilan bakit sila pinag iingat wala talaga siyang alam,
wala naman siyang ibang maisip kung saan at kelan sula dapat mag ingat, at ang
higit na tanong e kung kanino. Dahil sa sobrang abala sa pag iisip ay hindi niya
napansin na may tumawid na pusang itim, bigla tuloy ang apak niya sa preno kaya
naman ang kayang mga sakay sa likod ay biglang tumalsik paunahan, buti na lang at
nakakapit ang iba kaya hindi gaanong nasakatan.
"May bigla kasing tumawid na pusang itim" sagot nito. "hindi ko kaagad nakita kaya
bigla akong napapreno" paliwanag niya.
"Sana babe sinagasaan mo nalang" walang awang sabi ni janice. "sakit tuloy ng noo
ko, nagkabukol ata" maktol na sabi nito, napayntog kasi ito kanina.
"Wag naman ganon janice" sabi ni alyssa. "kawawa naman yung pusa kung masasagasaan"
malumanay nitong sabi.
"E ano kung masagasaan yun, hayop lang naman yun, kesa naman tayo ang masaktan"
mataray na sabi nito.
"Ano ba janice" saway ni ram. "tama si alyssa nakakaawa naman yun kung mapapatay
nating yun, saka isa pa may buhay din yon" pagtatanggol ni ram kay janice.
"Hay naku ewan ko sa inyo!" inis na sabi nito habang hawak hawak ang noong
nabukulan.
"O siya tayo na" sabi ni vangie. "uwi na tayo para makapaghanda tayo ng mga
dadalhin natin mamaya" sabi pa uli nito.
Nang makauwi sila sa mansion ay sinalubong sila ni manang delia at ni mang karding,
binitbit ni mang karding ang kanilang pinamili samantalang si manang delia naman ay
dinala yung mga pinamili nila sa palengke na dadalhin nila mamaya sa ilog.
"O ram ba't ang dami nyo atang dala?" tanong ni manang delia.
"Ah yan po" turo ni ram "mga dadalhin po namin mamaya sa ilog" sagot ni ram.
"Ha?" tanong ng matandang babae. "bakit kayo magpupunta don?" tanong pa uli.
"Maliligo ho kami don saka magpipicnic" masayang sabi nito.
"E kasi po manang delia balak po naming don na rin matulog, parang camping" saba't
ni randy.
"Bakit po manang?" takang tanong ni vangie na nasa likuran na rin pala kasama si
alona at alyssa. Si janice naman ay dumaretso na sa itaas.
"Hindi nyo ba alam na delikado sa ilog" takot na sabi nito. "lalo na't don kayo
magpapalipas ng gabi" dagdag ng matanda.
"Ba't po manang delia?" tanong ni ram " dahil po ba yon sa sinasabi ninyong mga
naliligaw na bandido dyan?" tanong pa uli.
"Oo, at isa pa" nag aatubiling sabi nito."Mayroon diyang babaeng lumalabas at
kumukuha ng buhay sa ilog"takot na sabi nito.
"Anong ibig ninyong sabihin?" tanong ni chad. "parang kaluluwa o multo?" tanong
nito.
Napakunot tuloy ang noo ni manang delia at takang taka mga bata.
"Kasi manang" simula ni ram. "kung totoo nga ito, pede kaming mag ghost hunting
don" nakangiting sabi nito.
"Saka po kung talagang kumukuha yan ng buhay, tamang tama tatanungin namin kung
bakit niya ginagawa yon?" tawang sabi ni randy. At nakitawa na rin ang iba.
"Bahala na nga kayo" sabi ng matanda. "wag nyo kong sisihin pag may nangyari sa
inyong di maganda" babala pa nito.
Napakunot ng noo si ram, "bakit kaya tumawag si lolo?" Tanong nito sa sarili.
=================
Sumpa ni allenna 21
Nang umalis si ram para sagutin ang tawag ng kanyang lolo ay nagkanya kanya ng
akyat sa kanilang kwarto ang magkakaibigan, nagsimula na silang maghanda ng
kanilang mga dadalhin para mamaya sa pag alis nila, habang si alyssa naman ay
tahimik na naka upo sa may kama.
"Ano kaya kung ipagpaliban na lang muna natin ang pag punta natin sa ilog" nag
aalinlangan nitong sabi.
"Daw?" sabi ni alona. "Alam mo alyssa computer world na ngayon, wag kang masyadong
nagpapaniwala sa mga ganyang pamahiin" sabi pa nito.
"Wala naman mawawala kung maniniwala tayo diba?" alangang tanong nito.
"Anong wala?" sabi ni vangie. "meron kaya, mababawasan yung time natin para makapag
happenings no" sabi nito sabay tawa.
"Saka baka naman naaalala mo pa yung panaginip mo at yung sinabi sa inyo ng lola"
sabi ni alyssa.
Naikwento kasi nila ram ang sinabi ng lola ni alona sa kanila kanina nung pauwi na
sila, ang sabi lang ni alona ay wag na itong pansinin dahil kung ano ano ba lang
daw ang sinasabi nito dahil sa matanda na ito.
"Siya sige na wag nyo na lang akong pansin" ang sabi na lang ni alyssa, pero sa
totoo lang ay hindi pa rin naalis ang kaba sa kanyang dibdib.
"Yan!" sabi ni vangie. "basta mag enjoy na lang tayo at think positive lang tayo
ha, walang masamang magyayari mamaya tulad ng iniisip mo" dagdag pa nito.
Ngumiti ito ng matipid sa sinabi ni vangie. Maya maya lang ay nag ayos na rin si
alyssa ng kanyang gamit na dadalhin, maaga pa naman, mamaya pa naman silang 5 aalis
papuntang ilog. Pagkatpos nilang mag ayos ng gamit nila ay bumaba na sila para
naman ayusin ang mga dadlhin nilang pagkain,katulong si manang delia.
Samantala ang mga lalaki naman ay naghahanda na rin ng dadalhin nila, sila ang
nagpeprepare ng mga tent na dapat dalhin, at iba pang pedeng magamit para sa
paliligo nila sa ilog at pagcacamping na rin.
"O mang karding" bati ni ram ng makita niyang papalapit sa kanila ang matandang
lalaki.
"Ang totoo niyan ay delikado talaga ang maligo sa ilog, lalo na at magpapaabot kayo
ng gabi" sabi ni mang karding.
"Kung ang inaalala ninyo ay yung sinasabi ninyong mga tulisan ay wag po kayong mag
alala" sabi ni randy."Nakahanda po kami" sabi pa nito sabay labas ng kanyang baril.
"Sana nga" sagot ng matanda "sana nga ay handa kayo" sabi pa uli nito.
"Mang karding wag na ho kayong mag alala at kaya ho namin ang sarili namin"
mayabang na sabi ni randy.
"O siya kayo ang bahala kung hindi na kayo papipigil" sagot nito. "basta kung ano
man ang mangyari ay maging matatag sana kayo" makahulugang sabi nito.
=================
Sumpa ni allenna 22
Sa kusina ay masayang naghahanda ang mga babae ng dadalihin nilang pagkain para
mamaya sa pag alis nila, maliban lang kay janice na tulad ng dati ay hindi ito
nakikihalubiho sa mga ito, pero okay lang yun sa kanila dahil mas gusto nga nilang
hindi ito kasama kasi masyadong kontra bida sa kanilang tatlo, lagi na lang silang
binabara, na kung hindi lang kay ram ay matagal na nilang nasabinutan.
"Girls diyan na muna kayo at aakyat lang ako sa itaas, iidlip lang muna sana ko
para mamaya e may lakas ako" sabay kindat ni vangie.
"Lakas para saan?" tanong ni alyssa "lakas para sa inuman" sabay tawa.
"Ano!?" react ni alyssa "iiwan ninyo akong mag isa dito?" nagrereklamaong tanong
nito.
"Baka nasa likod bahay" sabi ni alona na ang tinutukoy na likod ay yung bahay nina
mang karding at manang delia na nasa likod bahay ng mansion.
"O kung gusto mo" sabi ni vangie habang nakangiti ng nakakaloko "tatawagin ko si
janice at sa kanya ka magpatulong" sabi nito.
"Naku!" sabi ni alyssa "nevermind!" sabi nito na umirap pa. "pupuntahan ko na lang
si manang sa likod at don magpapatulong kesa kay janice na saksakan ng arte."
dagdag na sabi pa nito.
"Hahahaha" sabay pang tawa ng dalawa. "o siya diyan ka na" paalam pa nila.
Wala namang nagawa si alyssa kung hindi tawagin na lang si manang delia, medyo
madami dami din kasi yung aayusin niya at kailangan talaga niya ng tulong, ewan ko
ba sa dalawang yon, laging ganon, sa tuwing may outing sila at may gagawin ay lagi
na lang siya ang taya, pasalamat sila at magal ko sila bilang kaibigan at mabait
ako sa kanila. iiling iling na lumabas si alyssa para puntahan ang matandang babae.
Samantala. . . .
"Karding pigilan mo ang mga bata" nagmamakaawang sabi ni manang delia sa asawa.
"Ano pang magagawa ko" sabi ng matandang lalaki. "ayaw makinig nilang makinig sa
mga babala ko, lalo na yung mga lalaki" sabi pa nito.
Napatigil sa labas ng pinto si alyssa ng marinig niyang nag uusap ang mag asawa at
sila ang pinag uusapan, hindi agad siya kumatok at nakinig na mun siya sa usapan ng
mga ito.
"Sigurado may itinatagao ang mag asawang ito" sabi ni alyssa sa sarili. "ano kaya
yon at bakit gusto silang pigilin ni manang delia na pumunta sa may ilog" tanong pa
nito.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin ang totoo" sabi ni manang delia. "bakit kailangan
mo pang magsinungaling?" dagdag nito. "Bakit hindi mo pa sabihin na delikado diyan
dahil may kumukuha ng buhay sa ilog na iyan at baka malagay sa peligro ang buhay
nila" sabi pa uli.
"Para ano?" galit na sagot ni mang karding. "para pagtawanan din nila tulad ng
ibang binalaan ko? Na sabihan din akong nababaliw na" sabi pa nito.
"Kung yung lang ang paraan para maawat sila" sabi ni manang delia. "Saka malay mo
maniwala sila sayo" si manang delia uli.
"Taga maynila ang mga yan" sahot ng matanda. "kung ang mga taga dito nga ay hindi
naniniwala sa akin sila pa kayang mga taga siyudad" nanlulumong sabi nito.
"May mga taga dito namang naniniwala din sayo ah" sagot ni manag delia
"Yung mga matatandang kagaya ko" matamlay na sabi nito. "oo, sila naniniwala, pero
karamihan ay hindi na" malungkot na sabi pa nito.
"Karding hindi masamang sumubok" panghihikayat na sabi ng asawa. "o baka naman
natatakot ka na malaman nila ang katotohanan" sabi pa "lalo na ang lolo ni ram"
sabi pa nito habang nakatingin sa asawa.
Lalo tuloy naguluhan si alyssa. Anong peligro? Ano yung malalaman ng lolo ni ram?
bakit parang takot si mang karding na malaman namin ang katotohanan lalo na si ram?
Gulong gulong tanong nito sa kanyang isip.
"Ano pong katotohanan ang ikinatatakot ninyong malaman namin, lalo na si ram at ang
lolo niya?" Sabat na tanong ni alyssa sa mag asawa ng bigla siyang pumasok.
Ganon na lang ang putla ng mag asawa ng makita nila si alyssa at nalamang narinig
nito ang mga pinag uusapan nila.
"Para sa ikakapanatag nating lahat" sabi ni manang delia sabay hawak sa kamay ng
asawa.
=================
Sumpa ni allenna 23
"Ram bakit nga pala napatawag ang lolo mo?" tanong ni chad kay ram habang nag aayos
sila ng mga dadalhin para mamaya.
"Ewan ko nga don" takang tanong ni ram. "biglang bigla, tumawag kasi yon kay daddy
last night at nalamang nandito ko kasama ang tropa,yon nagalit daw kay daddy bakit
daw ako pinayagang magpunta dito" mahabang paliwanag nito.
"Ganon?" tanong ni randy. "bakit nagalit?, bawal ba tayo dito?" takang tanong ni
chad.
"Wala nang sinabi si dad na bawal e, si lolo lang ang may ayaw, tinanong ko naman
siya kung bakit bawal dito hindi naman sumagot" kibit balikat na sabi niyo.
"Sabi ko pagtapos ng bakasyon natin uuwi na din tayo, sabi ko one week lang tayo
dito, lang days na lang at pauwi na rin tayo" kwento pa ni ram.
"Bakit kaya?" takang tanong ni chad. "si mang karding parang ayaw tayong patuluyin
sa ilog, tapos ang lolo mo naman pinauuwi na tayo"kunot noong sabi nito
"Naku wag nyo na lang pansinin" sabi ni ram. "ganon lang siguro ang matatanda,
killjoy sa mga kabataan" sabi ni ram sabay tawa.
Sinundan pa ng tingin nina chad at ram si randy habang papasok ito sa bahay.
"Alam mo pare nagtataka ko diyan kay pareng randy" takang tanong ni chad.
"Wala ka bang napapansin?" takong nito. "lagi na lang parang wala sa sarili si
randy, kung minsan laging naktulala" dagdag pa nito.
"Baka may problema siguro" sabi ni ram.
"Pabayaan na lang natin yan, pag yan nalasing siguradong magsasabi din yan"
natatawang sabi ni ram.
"Sabagay nga" nakangiting sabi ni chad. "pag lasing yan e wala ng preno an hibig
niyan e" sabay tawa sa kausap.
"O dad, napatawag kayo?" tanong nito sa kausap. "what!?" gulat na sabi nito."O sige
dad, may magagawa pa ba ko, sige bye" pagtatapos ng usap ni ram sa kanyang ama.
"Hindi ko alam kung problema bang maituturing" sabi nito. "nagbibiyahe na daw si
lolo papaunta dito,nung isang araw pa pala nakauwi ng pilipinas" dagdag na sabi pa
nito.
"Baka gusto lang mamasyal uli sa lumang bahay nila" ang nasabi na lang ni ram.
"Karding" sabi ni manang delia. "Panahon na siguro para ilabas mo yang matagal mo
ng kinikimkim sa iyong dibdib" sabi niyo sa asawa.
"Siguro nga ay panahon na" malayo ang tingin ng matanda habang nagsasalita.
"Tutal naman ay matagal ng panahon ng mangyari ang isang bangungot sa buhay
ko"pagsisimula nito. "Tama na siguro ang pagtatakip at ang pagiging makasarili ko"
makahulugang nitong sabi.
Lalo tuloy naging interesado si alyssa sa mga susunod na sasabihin ni mang karding
sa kanya, siguro ay masasagot nito ang kanyang mga tanong kanina kung ano ba talaga
ang mga tinatago ng matandang lalaki sa kanila. Tahimik na nakatingin si alyssa kay
mang karding habang nakikinig dito, bawat salita nito ay iniintindi niyang mabuti.
=============================
Hello po sa inyo eto na po ang kwento ni allenna kung bakit ba siya pumapatay at
kung anong nangyari sa kanya, at alamin po natin kung anong kaugnayan niya sa ilog
kung saan madalas siyang magpakita at kumuha ng buhay.
Salamat po uli sa mga nagbabasa at sa mga magbabasa pa, sa mga silent reader po,
salamat din po, saka comment naman po kau at vote na rin po kau ^ _ ^v
Devo_0720
=================
1966
"Oo naman" sagot nito. "Diba nga at araw ng labahan ngayon ng mga kadalagahan doon
ngayon" sabi nito.
"O e ano naman kung maraming naglalaba doon ngayon?" takang tanong nito.
"Hindi sira!" sagot ni ramon. "malay mo may makilala tayong magandang dilag doon."
ang sabi nito.
"E bakit ka pa naghahanap ng magandang dilag doon"takang tanong nito. "diba at may
pakakasalan ka na doon sa maynila, ang sabi mo pa nga ay siya na ang babae sa buhay
mo" sabi ni karding kay ramon.
Sa maynila kasi naninirahan si ramon, mula ng magbinata ito ay doon na ito tumira
at nag aral, doon na rin nakapagtrabaho, nauwi lang ito sa kanilang bayan kapag
nakakakuha siya ng bakasyon mula sa kanyang pinagtatrabahuhan. At kung minsan pa
nga ay ito ang nagiging taguan niya sa mga babaing naghahabol sa kanya, lalo na sa
mga babaeng nagalaw na niya at nabuntis. Likas na mahilig sa babae si ramon, kaya
naman wala itong pinalalampas pag may babaeng lumapit sa kanya.
"Alam mo ramon, iba ang mga babae dito, baka mapasubo ka" babalang sabi nito.
"Kow!" sabi nito. "Sa maynila, dito parepareho lang mga babae yan" mayabang na sabi
nito.
"Basta maya maya e magpunta na tayo don, saka makapaligo na rin para naman
makapagrelax ng kaunti" sabi ni ramon. "pabalik ko kasi sa maynila ay aayusin ko na
ang kasal namin ng nobya ko" sabi pa nito.
"Oo nga pala" sabi ni karding "hanggang kelan ka dito?" tanong nito.
"Baka mga dalawang buwan ako dito, saka next week e susunod dito yung mga kabarkada
ko galing manila, babakasyon din sila" masayang balita nito.
"Ah ganon ba?" sagot nito "matatagalan pala kayo rito" sabi pa.
"Siya ramon, ipatawag mo na lang ako mamaya para masamahan ka, may gagawin lang ako
sa loob" paalam nito.
"Sige mamaya na lang" sagot ni ramon.
"Hay" buntong hininga nito. "sana naman ay wala silang gawing masama sa bayang ito"
panalangin ni karding.
=================
Nang makarating sa ilog ang magkaibigan ay agad na naligo si ramon, maliit pa lang
ito ay palagi na siyang naliligo sa ilog kung saan malapit lang ito sa kanila.
"Ikaw na lang ramon" tanggi ni karding. "sinisipon kasi ako" pagdadahilan nito.
"Ikaw ang bahala" sabi ni ramon at itinuloy na niyo ang paliligo niya, napakalamig
at linis talaga ng ilog sa lugar nila, kung may binabalikan man siya ay isa ito sa
mga dahilan, namimis niyang maligo sa ganitong lugar, kaya naman susulitin na niya
ang paliligo dito,kasi sigurado pag balik niya sa manila ay baka hindi na siya
makabalik dito, kung makabalik man ay taon na siguro ang bibilangin.
Nang magsawa sa paglalangoy ay gumayak ng umuwi sina ramon at karding, nang paalis
na sila ay may nakita silang babaeng naglalakad patungong liob ng gubat.
"Hindi e" sagot nito. "pero madalas ko nga yang makitang naglalaba diyan ng mag
isa" sabi uli nito.
"Tara magpakilala tayo" yakag nito sa kasama.
"Tak! tsk! tak!" palatak ni ramon. "kaya hindi ka magkanobya e, masyado kang torpe"
sabi kito sa kaibigan.
"Hi miss" sabi ni ramon. Nagulat naman ang babae ng bigla itong magsalita sa likod
niya.
"Wag kang matakot" sabi ni karding. "guato lang namin magpakilala, makipagkaibigan"
sabi pa nito.
"Ako nga nga pala si tamon at eto naman ang kaibigan kong si karding" pakilala ni
ramon sa babae sabay abot ng kamay.
"Ako nga pala si allenna" nag aatubili pang pakilala nito sa dalawa.
"Kung iyong mamarapatin" sabi ni ramon, habang si karding naman ay nakikinig lang
sa kaibigan. "pwede ka bang maihatid sa inyo?"hinging pahintulot ni ramon kay
allenna.
"Naku hindi pwede, magagalit ang aking inay" takot na sabi nito. "Sige na paalam na
sa inyong dalawa" sabi ni allenna habang nagmamadali itong papalayo.
"Oo nga" sabi ni karding. "matagal ko na nga siyang gustong maki. . " Biglang
naputol ang sasabihin ni karding ng biglang nagsalita si ramon.
Bigla tuloy natulala sa kaibigan si karding, kung kelan naman nakilala na niya ang
babaeng matagal na niyang gustong ligawan ay saka naman siya nagkaroon ng karibal,
at si ramon pa na alam naman niya na mapaglaro sa mga babae, at isa pa alam niyang
wala siyang binatbat dito, bukod sa mayaman na ay gwapo pa.
Napakunot tuloy ng noo si karding, igagaya lNg nito sa mga babaeng pinaiyak ni
ramon si allenna, gusto man niyang pigilan ito ay wala na siyang magagawa, kilala
niya ang kaibigan, kapag may ginusto ito ay makukuha nito. Napailing na lang si
karding, hindi pa man siya nagsisimulang manligaw ay wala na siyang pag asa.
=================
"Mas mabuti pa nga na hindi siya sumama" sabi nito sa sarili. "masosolo ko si
allenna, hindi magtatagal alam kong magiging akin siya" nakangisi nitong sabi.
Masigla siyang pumunta sa may ilog para makita si allenna, hindi nga siya nabigo sa
kanyang pakay doon dahil malayo pa lang siya ay natanaw na niya si allenna na
naglalaba sa may ilog, dali dali niya itong nilapitan.
"Hindi naman" sagit nito. "kada ikalawang araw" sabi uli ni allenna.
"Lagi ka bang nag iisa pag naglalaba dito?" tanong ni ramon. "hindi ka ba natatakot
mag isa, lalo na at wala kang kasabay maglaba?" sumod na tanong kay allenna.
"Wala naman akong dapat ikatakot e" sagot nito. "Sanay na akong mag isa, isa pa
mababait ang mga tao dito sa lugar namin" sabi uli.
"Ah, sabagay nga, ang mga tao sa bayang ito ay mababait" pagmamalaking sabi ni
ramon. "ah allenna" alangang sabi nito.
"Ako?" gulat na sabi nito. "liligawan mo, samantalang kahapon lang tayo
nagkakilala" sabi pa nito na hindi makapaniwala.
"Wala naman sa tagal ng pagkakakilala ng tao kung gusto niya itong ligawan o hindi,
basta ang alam ko, nabihag mo na kaagad ang puso ko ng una pa lang tayong nagkita
at nagkakilala" mahabang sabi nito kay allenna.
"Hindi mo pa ko lubusang kilala" sabi nito. "baka pag nalaman mo ang tunay kong
pagkatao ay bigla ka na lang lumayo sa akin" makahulugang sabi nito.
"Kahit ano ka pa, tatanggapin kita" pambobolang sabi nito. "kahit ano pang lihim ng
iyong pagkatao" dagdag pa nito.
Biglang pinamulahan ng muka si allenna sa mga sinabi nito, lalo na ng hawakan ni
ramon ang kanyang kamay, kaya naman sa gulat niya ay bigla niya itong binawi.
"Alam ko" sabi ni ramon. "matanda na ko para hindi ko malaman ang mga ginagawa ko"
si ramon uli. "Ano payag ka na bang ligawan kita?" tanong uli nito.
"Pag iisipan ko" yun lang ang sinagot ni allenna kay ramon sabay tayo sa kinauupuan
niya, tapos na kasi siyang maglaba.
"Kelan uli tayo magkikita?" tanong ni ramon. "kelan ko malalaman ang sagot mo?"
sabi pa uli nito.
Hinabol na lang nang tanaw si allenna habang papalayo. At masayang umuwi si ramon,
ramdam kasi niya na may gusto rin sa kanya si allenna, nagpapakipot lang ito.
=============================
Devo_0720
=================
"O anak nandiyan ka na pala" bati sa kanya ng kanyang ina na si nana magda kung
tawagin sa kanilang lugar.
"Opo inay" masayang sabi nito. "maaga ho akong nakatapos sa paglalaba" sabi pa
nito.
"Ah. . ka kasi ho" utal na sabi nito. "maaga ho kasi akong nakatapos ng paglalaba
kaya ho masaya ako" pagsisinungaling nito sa ina.
"Sigurado ka bang yan lang ang dahilan?" nang aarok na tanong nito.
"O siya kung yan ang sabi mo, basta ang lagi ko lang bilin sayo, mag iingat ka
lagi" paalala nito. "wag basta basta magtitiwala sa mga taong hindi mo masyadong
kakilala, at wag na wag kang magpapalinlang sa kanila, lalo na sa mga lalaki"
madiin nitong sabi.
"Ayoko ko lang mapagaya ka sa sinapit ko" malungkot na turan nito. "nang malaman
niya na may karunungan akong itim ay bigla na lang akong nilayuan ng tatay mo, ang
masakit pa niyan ay kahit na alam na nagdadalang tao ako sa iyo ay iniwan pa rin
niya ako" sabi pa nito na biglang nagalit ang muka.
"Nay" sabi ni allenna habang hawak ang mga kamay nito. "wag po kayong mag alala at
hindi mangyayari yon sa akin, sisiguraduhin kong pipili ako ng lalaking
karapatdapat sa akin at yung tanggap ako bilang ako" emosyonal na sabi nito.
"Paano anak" sani ng ina ni allenna. "maiwan na kita dito at pupunta lang ako sa
kakahuyan, mangunguha ako ng mga halamang gamot na kakailanganin ko, saka dadaretso
na rin ako sa bayan para makapili ng kailangan natin dito sa bahay" paalam nito sa
anak.
"Sige po inay" sagot ni allenna. "gusto nyo po ba na samahan ko kayo?" tanong nito.
"Wag na ata walang maiiwan dito sa bahay" tanggi ng ina. "sige na alis na ko"
paalam uli nito.
Habang papalayo ang ina ni allenna ay tinatanaw pa niya ito, mabait naman ang
kanyang ina, yun nga lang wag na wag itong gagalitin at siguradong may masamang
mangyayari sa iyo, kaya nga siguro ilag sa kanila ang mga tao sa bayang ito, kaya
naman dito na sila sa gitna ng gubat tumira, sila na lang din ang umiwas, nababa
lang sila sa bayan kung may kailangang bilihin o puntahan. Lumaki siyang wala ng
ama, ang sabi ng nanay niya ay nasa tiyan pa lang daw siya ng iwan sila nito,kaya
naman ng malaman nito na pinagpalit sila sa ibang babae ay binarang ito ng kanyang
ina hanggang sa mamatay ang kanyang ama, nung una ay masama ang loob niya kasi
hindi na niya nagisnan ang kanyang ama, pero ng kalaunan ay natanggap na rin niya
kasi alam niyang malaki ang sakripisyo ng kanyang ina ng iniwanan iyo ng kanyang
ama. Kaya naman mula ng mamatay ang kanyang ama ay sa gubat na sila tumira, malayo
sa mga tao.
"Hay" buntong hininga ni allenna. "sana iba siya sa ibang lalaki" nangangarap na
sabi niyo sa sarili. "sana hindi siya kagaya ng aking ama" sabi uli nito.
=============================
Good morning everyone, maaga kong mag update ngayon,comment naman po kayo. Salamat
sa pagbabasa, enjoy reading po.
Devo_0720
=================
Masayang umuwi si ramon sa kanilang mansion, ganadong ganado ito ng araw na iyon,
pagkauwi niya ay agad niyang hinanap si karding.
"Ah ganon po ba?" sabi ni ramon. "e mang kaloy pag nakita nyo nga ho, pakisabo
puntahan ako at may sasabihan ako sa kanya" bilin ni ram sa ama ni karding.
"O sige iho" sagot nito. "baka maya maya lang ay magpapakita na yon" nakangiting
sabi nito.
Samantala hindi alam ni ramon at ni mang kaloy na nasa likod bahay lang si karding,
kadarating lang din nito galing sa bayan dahil may pinuntahan siyang kaibigan doon,
sinadya niyang hindi magpakita sa kaibigan dahil alam niyang isasama lang siya nito
para makipagkita kay allenna, siguradong magkukwento itong si ramon sa kanya
tungkol sa pag uusap nila ni allenna, at iyon mismo ang iniiwasan niyang mangyari,
masasaktan lang kasi siya, ang totoo ay matagal na niya itong gusto.
"Bakit kasi hindi ko kaagad siya niligawan" naiiling na sabi niyo sa sarili.
"Siguradong hindi niya pedeng ligawan ito dahil pihadong magagalit si ramon kapag
nalamang may gusto siya dito" sabi uli nito. "iiwasan na lang muna kita ngayon
ramon, kesa sa masaktan ako sa tuwing makikita ko kayo ni allenna n magkasama"
malungkot na sabi nito sa sarili.
Ang balak ni karding ay hindi na muna siya sasama sa kaibigan, ngunit babantayan
niya ang bawat galaw nito. Kilala niya si ramon, siguradong paglalaruan lang nito
si allenna, wala iytong sineryosong babae, yung babaeng pakakasalan nga nito sa
maynila ay kasubuan nga lang, ang kwento sa kanya ni ramon ay nabuntisan niya ito
kaya napilitan siyang pakasalan ito, at isa pa anak ito ng kanyang ninong na
kilalang pulitiko,mataas ang tungkulin sa gobyerno, kaya naman hindi ito maaaring
takbuhan ni ramon gaya ng ginawa niya sa ibang babae.
"Kelangan kong bantayan ang bawat kilos mo ramon" kausap ang sarili.
"alam kong sa iyong mga kamay ay maaring mapahamak sayo si allenna" pag aalalang
sabi nito. At pumasok na sa loob ng kanilang bahay si karding, mag iisip siya ng
plano kung paano ba niya makakausap si allenna at mababalaan tungkol sa kanyang
kaibigan na si ramon ng hindi nalalaman ng huli. Dahil pag nalaman ni ramon na
nkikialam siya ay siguradong siya ang pagbabalingan nito ng galit, masama pa naman
iyo kung magalit. Ilang taon rin naman niya itong nakasama, alam na alam na niya
ang ugali nito, kung dangam nga lang na wala siyang ibang pagpipilian ay hindi niya
ito kakaibiganin. Kung hindi lang dahil sa kanyang ama at sa ama ni ramon, na
malaki ang kanilang utang na loob, hindi niya ito pakikisamahan.
Dumaan ang mga araw at halos araw araw nagkikita si ramon at allenna, unti unti ng
nahuhulog ang loob ni allenna sa binata, samantalang si karding naman ay palihim
silang pinapanood sa malayo, nagmamanman at nakikiramdam, kung bakit niya yon
ginagawa ay tanging siya lamang ang nakakaalam.
=============================
Author's note:
Hello po sa inyo, dahil po on the mood ako ngayon mag update pa po ako ng 2
chapter, alam ko po kasi yung pakiramdam ng nabibitin sa pagbabasa ^_~v
Enjoy reading po, at salamat sa lahat ng nag add sa reading list nila, lalo na
po sa mga bomoto, comment naman po kayo. tnx
Devo_0720
=================
Napuna ni aling magda na masayang masaya si allenna habang naghahanda ng mga gamit
nito sa paglalaba, pakanta kanta pa ito na tila nakalutang sa alapaap.
"Anak" tawag ni aling magda. "tila ata masaya ang aking dalaga?" kunwa'y tanong ng
ina ni allenna.
"Ang sabi ko, tila ata masaya ka ngayon" pag uulit ng ina nito. "ilang araw ko ng
napupuna na lagi ka ngayong masaya, umiibig na ba ang aking dalaga?" nakatitig na
sabi nito sa anak.
"Yung totoo?" nang aarok na tanong nito. "anak kita kaya alam ko kung nagsasabi ka
ng totoo o hindi" sabi ng ina ni allenna.
"A. . . Ang totoo po niyan inay" natitigilang sagot nito. "may bago lang po akong
nakilalang kaibigan kaya po masaya ako" sabi nito sa ina.
"Ah. . " Kunwa'y sabi ni aling magda "may kaibigan ka na?" tanong nito.
"Opo ina" sagot ng huli. "kaya po masaya ako kasi may nakipagkaibigan na po sa
akin" pagsiainungaling uli niya.
"O siya" sabi ni aling magda. "minsan ay isama mo dito para naman makilala ko ang
sinasabi mong kaibigan mong babae" madiin nitong sabi sa anak.
Samantala. . .
Habang naglalakad papuntang ilog si allenna ay hindi pa rin mawala ang kabog ng
kanyang dibdib, alam niyang hindi naniwala sa kanya ang kanyang ina sa kanyang mga
sinabi.
"Bahala na" sabi niyo sa sarili. "saka ko na lang sasabihin sa kanya at ipapakilala
si ramon kapag may nakita akong magandang pagkakataon" sabi uli nito.
Biglang may sumilay na matamis na ngiti sa kanyang mga labi ng makita niyang nag
aabang na sa kanya si ramon sa kanilang tagpuan, ilang araw araw ay nagkikita sila
doon, mula nung pangalawang araw ng kanilang pagkikita ay nagsabi na liligawan daw
siya ni ramon, nung una ay ayaw pa niyang pumayag, pero pumayag na rin siya ng
kulitin siya niyo ng kulitin. Kaya naman ngayon ay balak na niya itong sagutin kaya
ganong na lang ang excitement na nararamdaman niya.
"Allenna!" sigaw ni ramon, kumaway pa ito kay allenna ng tawagin siya nito. Dahil
sa hindi na siya makapag antay ay si alubong na niya ito kaagad.
"Kahit na, hindi importante kung ilang araw, buwan o taon na magkakilala ang isang
tao para masabi niyang mahal niya ito" madamdaming sabi ni ramon kay allenna.
"basta ang alam ko lang ay mahal na mahal kita allenna, sa ilang araw na magkasama
tayo ay yan ang nararamdaman ko at lalo pang tumitindi habang tumatagal" sabi pa
nito.
Halos maluha si allenna sa kanyang narinig, hindi niya mapaniwalaang mamahalin siya
kaagad ni ramon, gaya rin ng nararamdaman niya dito. habang tumatagal ay lalo din
itong napapamahal sa kanya.
"Sana'y paniwalaan mo ako allenna" sabi nito habang hawak nito ang kamay ni
allenna. "Mahal na mahal kita" walang kurap na nakatitig sa mata ni allenna si
ramon.
"Oo" sabi ni allenna. "naniniwala ako sayo" sagot nito sabay ngiti ng matamis.
"Talaga!?" tuwang tuwang sabi nito. "e di ibig sabihin niyan ay nobya na kita?"
excited na tanong nito sa dalaga.
Tango lang ang isinagot ni allenna habang nakatingin sa muka ni ramon, dahil sa
sobrang tuwa ni ramon ay hindi na nito napigilang yakapin at halikan si allenna sa
labi, nung una ay nahihiya pa ito sa binata, pero nang kalaunan ay nagawa na ring
tumugon sa mga halik ni ramon.
"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya" masayangsabi ni ramon sa dalaga
sabay halik uli sa labi nito.
"Basta wag mo sana akong sasaktan ha" sabi ni allenna. "ipangako mo" sabi pa nito.
"Oo" sagot agad ni ramon. "pangakong pangako." sabi pa nito sabay yakap at halik sa
dalaga.
"Mananatili pa rin akong magbabantay sayo ramon" sabi ni karding sa sarili. "alam
kong sasaktan mo lang si allenna at iiwan" biglang kinuyom ni karding ang kamao at
isinuntok sa may puno. Umuwing lulugo lugo si karding sa bahay nila.
=============================
Author's note:
Bukas po dalawang chapter po uli ang update ko, malapit lapit na po itong
matapos, abangan nyo na lang yung susunod kong story, nagbabalak po kasi akong
gumawa uli. salamat ^_~v
Devo_0720
=================
Sumpa ni allenna 30 (flashback)
Naging madalas ang pagtatagpo nina allenna at ramon sa may tabing ilog, naggawa pa
nga si ramon ng kubo sa bandang dulo ng ilog kung saan madalang ang taong nagagawi
roon at kung minsan nga ay sdyang walang napunta doon para sa paglalaba gawa ng may
kalaliman sa banda doon, bukod sa medyo may kalayuan pa ito. Ginawa nila itong
pahingahan kapag sila'y nagpupunta doon.
"Pasensiya na ramon" pang aalo nito sa nobyo sabay hawak sa kamay. "baka kasi
ikagalit ng inay pagnalaman na may nobyo na ko" paliwanag nito sa binata.
"Bakit naman siya magagalit?" takang tanong nito. "nasa tamang idad ka na naman,
dalaga ka, binata ako, at isa pa handa akong pakasalan ka" sabi nito kay allenna.
"Oo" sagot ni ramon. "Katunayan nga niyan ipapakilala kita sa mga kaibigan ko
bukas" pagbibigay alam nito.
"Ha?"gulat na nasabi ni allenna. "bakit sa mga kaibigan mo?" takang tanong nito.
"Ang ibig kong sabihin, ipapakilala muna kita sa mga kaibigan ko na mga taga
maynila, dadating kasi sila bukas, sina mama at papa kasi ay wala diyan, mga
katulong lang ang kasama namin" mahaba nitong paliwanag.
"Ah ganon ba" kumbinsi nitong sabi. "hindi ba nakakahiya?" nag aalang sabi nito.
"At bakit ka naman mahihiya?" sabi nito. "ang ganda ganda kaya ng nobya ko" sabay
yapos at halik dito. Dahil sa mainit na halik ni ramon ay unti unti na itong
nadarang, hindi na nito napigilan ang sarili na angkinin ang kagandahan ni allenna.
Nang aktong huhubaran na ni ramon si allenna ay biglang pinigil ito ni allenna.
"Wag" awat nito. " hindi to tama" sabi uli ni allenna sabay ayos sa sarili.
"Wala ka bang tiwala sa kin?" nagtatampong sabi nito. "akala ko ba mahal mo ko?"
Parang sumbat na sabi nito.
"Oo, mahal kita" sagot nito sa binata. "mahal na mahal kita" sabi uli.
"Yun naman pala e" si ramon. "anong pumipigil sayo?" tanong nito. "patunayan mong
mahal mo nga ako" hamon nito sa dalaga.
"Mahal na maha kita pero sa ibang paraan ko patutu. . " Biglang naputol ang
sasabihin ni allenna
"E di hindi mo nga ako mahal" masama ang loob na sabi nito.
Bigla itong timalikod sa kanya, nang aktong tatayo para umalis ay niyapos ito ni
allenna sa likos para pigilan.
"Hindi sa ganon ramon" parang maiiyak na ito, hindi kasi ito sanay na makita ang
nobyo na nagtatampo sa kanya, nasasaktan siya. "O sige" biglang sabi nito. "kung
yan ang paraan na gusto mo para patunayan ko sayo na mahal na mahal kita" si
allenna uli. "pumapayag na ko" sang ayon sa kaguatuhan ni ramon.
Biglang nagliwanag ang muka ni ramon at himarap na kay allenna na may ngiti sa mga
labi.
"Oo sabi e" nakangiting sabi ni allenna. "basta ipangako mo pagkatapos nito ay
papakasal na tayo" kundisyon ni allenna.
"Aba'y siyempre naman" masayang sabi pa nito. "pagkatapos nito ay magpapakasal agad
tayo sa simbahan, magiging mrs. ramon agoncillo ka na" masyang wika nito.
Unti unting lumapit ang labi ni ramon sa labi ni allenna, ang malumanay na halik ay
mauwi sa mapusok na halik, hanggang sa unti unting dumako pa kung saan, at di
nagtagal ay nag isa ang kanilang mga katawan, pinagsaluhan nila ang tamis ng
kanilang pagmamahalan.
=================
Maaga pa lang ang dumating na ang mga bisita ni ramon na mga taga maynila, kaya
naman maaga pa lang ay abalang abala na si ramon sa pag iistima ng mga bisita niya.
"Pare" salubong ni ramon sa kaibigang si berto. "buti at maaga kayong nakarating"
tuwang sabi ni ramon.
"Talagang inagahan namin, para naman mahaba habang oras ang ilalagi namin dito."
nakangiting sagot nito.
"O bakit?" takang tanong nito. "hindi ba't isang linggo kayo dito?" tanong ni
ramon.
"Hindi pare e"kakamot kamit sa ulong sabi ni berto. "baka bukas lang ng hapon e
pauwi na rin kami, hindi kasi pinayagan yung ibang tropa e, lalo na tong si mariz"
turo ni berto sa kabardang babae.
"Paano, gumawa ng kalokohan yan kaya yun pinagbawalan ng daddy niya, takas nga lang
yan e" kwento nito. "kaya bukas luwas uli kami pauwi" paliwanag pa nito.
"Ah ok, ok na rin yun kesa sa hindi kayo nakapunta" sabi ni ramon.
"Pare anong balita sayo?" tanong ni fernan na isa sa barkada niya. "anong bago?"
nakangising sabi nito.
"Wala naman pare" ngiting sagot nito. "may bago lang naman akong nobya dito" sabay
tawang sabi nito.
"Tol" sabi ni fernan. "paano si merie?" sabi uli ni fernan na ang tinutukoy ang ang
pakakasalan ni ramon sa maynila."diba pagbalik mo ay aayusin nyo na yung sa kasal
nyo?" tanong pa nito.
"Oo nga" ngiting sabi ni ramon. "si allenna ay parang pampalipas bagot ko lang
dito" nakangising sabi nito.
"Yun tayo e" sabay apir ni fernan kay ramon at nagtawanan na silang tatlo.
"Siyempre" si berto. "si mariz nga kahit di pinayagan e tumakas pa e" natatawang
sabi ni berto.
"Si mariz ba naman, hindi na ko nagtataka, maldita yang babaeng yan e" sabi ni
ramon.
"Narinig ko atang punag uusapan nyo ko?" nakataas ang kilay ni mariz habang
papalapit sa mga ito kasma nito si celia at kaloy.
Anim silang magbabarkada, si ramon, berto, fernan, kaloy, mariz at celia. Lahat
sila ay galing sa mayayamang angkan, kaya naman puro pasaway at maloko sa katawan,
wala silang iniisip kung hindi ang mga pansarili lamang nilang kaligayahan.
"Talaga?" tuwang sabi nito. "tamang tama wala sina mama at papa" excited na sagot
nito. "walang mangangahas na sumaway sa atin mamaya, magpapabili ako ng alak
mamaya, tamang tama, magpaparty tayo" masayang sabi nito.
"Anak magsabi ka nga ng totoo" sabi ni magda sa anak. "nobyo mo na ba yung lalaking
nakita kong kasama mo kahapon?" tanong nito.
Biglang napatigil sa ginagawa niya si allenna dahil sa sinabi ng kanyang ina. Eto
na nga ba ang kinatatakutan niya, alam niyang wala siyang maililihim sa kanyang
ina, kaya minabuti na lang niyang sabihin dito ang katotohanan.
"Opo inay" pag amin ni allenna. "pasensiya na po kung naglihim ako sa inyo, pero
sasabihin ko naman din sa inyo" sabi pa nito.
"O diba nobyo mo na yon, at lagi ko kayong nakikita sa may kubo sa may dulo ng
ilog" sabi ni magda. "at alam kong may nangyari na sa inyo, ang mga ganong klaseng
lalaki ay alam kong mabilis sa babae" makahulugang sabi nito. "kelan mo siya
dadalhin dito?" Tanong uli nito.
Napayuko na lang si allenna dahil sa hiya sa ina, alam niyang sinusubaybayan siya
nito kaya alam nito ang kanyang mga ginagawa, at alam din niyang malakas ang
pakiramdam nito.
"Yaan nyo po at sasabihin ko kay ramon" nakayukong tugon nito. "magkikita po kami
mamaya, sasabihin ko po sa kanya" nahihiyang sabi nito sa ina.
"Aasahan ko yan" sabi ni magda. "alam mong masama akong magalit, wag mong hayaang
mapagaya siya sa iyong ama" mariing sabi nito.
Biglang namutla si allenna sa sinabi ng kanyang ina, alam nito kung anong ibig
nitong sabihin.
=================
Kaagad na tinapos ni allenna ang kanyang ginagawa bago siya gumayak para
makipagkita kay ramon sa dati nilang tagpuan, namili siya ng maayos ayos na damit
na isusuot dahil nabanggit niya na ipakikilala siya nito sa mga kaibigan niyang
taga maynila, kaya ganon na lang ang kaba nito at isa pa gusto rin niyang ipaalam
dito na gusto siyang makilala ng kanyang ina.
"Sana'y hindi siya mainip sa pag aantay sa akin" bulong nito sa sarili. Ganon na
lang ang panglulumo niya ng madatnan niyang walang tao sa kanilang tagpuan,
minabuti pa rin niyang mag antay doon ng mga ilang oras dahil baka ito ay bumalik,
alam niyang hindi siya niyo matitiis na pag antayin ng matagal.
Samantala sa mansion nina ramon ay nagkakasiyahan na ang barkadahan, tanghali pa
lang ay sinimulan na nilang mag inuman, nagpapatugtog ng malakas na tila ba mga
bingi, sina ramon, berto at fernan ay nagsusugal, habang ang tatlo pa nilang kasama
ay sumasayaw at halos walang pakialam sa paligid.
"Ay ano ba yan!" sabi ni fernan. "talo na naman ako" reklamo nito sa kalaro.
"Ramon" tawag ni kaloy. "san nakalagay ang alak mo?" tanong nito sa lalaki.
"Oo, ang lakas uminom ng dalawang to e" sagot ni kaloy sabay turo sa dalawang
kasamang babae.
"Bakit ramon?" sagot ni karding na agad lumapit dito ng marinig na tinatawag siya.
"Okay saglit lang" sabi nito kay ramon. At agad na umalis si karding para kumuha
ng alak.
"Pare shot" sabi ni kaloy kay ramon. At tinungga naman ni ramon ang inabot na alak
ni kaloy.
"Pare anong oras na ba?" tanong nito kay fernan, na habang nagsusugal ay humihithit
ng bawal na gamot.
"Ano!?" gulat na sabi nito. "nakalutan kong kakaunin ko nga pala si allenna" sabi
nito sa kasama.
Nang makabalik si karding para ibigay ang alak ay inutusan uli siya ni ramon.
"Karding" sabi nito. "kaunon mo nga si allenna sa may ilog, baka nag aantay pa iyon
doon" utos nito.
Tiningnan isa isa ni karding ang mga kaibigan ng kanyang amo, bigla siyang
napalunok, mga wala na ito sa sarili, lango na sa alak, lango pa sa droga.
"Ano pang inaantay mo diyan?" sigaw nito. "puntahan mo na dali! wag na hindi mo
siya isasama kung hindi malilintikan ka sa akin" sabi nito sa kaharap.
"Pare pwede bang makahalik sa nobya mo? hahahaha" sabi ni berto sabay tawa na animo
ba'y isang demonyo.
"Oo ba" sagot ni ramon na walang pakiaalam kahit nobya niya ito. "gawin mo kung
anong gusto mo, napagsawaan ko na naman yon" nakangising sabi nito.
Halos mamutla si karding sa narinig kay ramon, lalo siyang natakot para kay
allenna, alam niyang mapapahamak lamang ito.
"Ramon" tawag pansin ni karding sa binata. "paano kung hindi sumama sa akin, o kaya
ay wala na ito doon" pagdadahilan niya sa lalaki.
"Mag aantay yon doon dahil yon ang bilin ko" sagot nito sa lalaki. "at kung wala
nga ito doon, hanapin mo ang bahay nila at kaunin mo, sabihin mo pinakakaon ko"
bilin pa nito kay karding.
"Sa ayaw at gusto niya ay sasama siya sayo, pag hindi mo naisama ikaw ang sasamain
sa akin" banta nito kay karding. "malilintikan ka sa akin, pati na ang pamilya mo"
sabi ni ramon habang nanlilisik ang mga mata.
Devo_0720=============================
"Hindi kasi maiwan ang mga bisita niya kaya ako na lang ang pinapunta niya dito
para kaunin ka" mahabang paliwanag nito.
"Ah ganon ba?" sabi ni allenna. "o siya tayo na,papadilim na kasi, ang tagal ko
ngang nag antay sa kanya" si allenna uli.
Habang naglalakad sila ng dalaga ay hindi maiwasan ni karding na mag isip, wala
siyang maisip na ibang dahilan para hindi matuloy ang balak nina ramon at ng mga
kaibigan nito kay allenna.
"Ano yon?" tanong ni allenna kay karding ng marinig nitong may sinasabi ito. "may
sinasabi ka ba?" tanong uli.
Namangha si allenna sa ganda at laki ng bahay nina ramon, kung ikukumpara sa bahay
nila ay parang bahay lang ito ng hayop. Manghangangha ito sa mga nakikita niya,
lalo na ng pumasok sila sa loob ng bahay nito, lalo siyang nalula sa laki at ganda
nito. Naisip tuloy ni allenna na hindi mag tatagal ay dito na rin sila titira mag
ina pag kasal na sila, plano niya kasing isama ang kanyang inay pag nag asawa na
siya, isa yon sa mga sasabihin niya kay ramon.
"Nasa isang kwarto dito, nagkakasiyahan sila ng kanyang mga kaibigan" sagot nito sa
dalaga.
At dinala ni karding si allenna kung saan naroon sina ramon, bago buksan ni karding
ang pinto ay tumigil muna sila sa harap ng pinto, humarap si karding kay allenna at
hinawakan ang mga kamay nito ng mahigpit.
Nagulat si allenna sa inasal ni karding gusto man niyang bawiin ang kanyang mga
kamay ay hindi niya magawa, parang may pumipigil na gawin ito.
Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila si ramon at ang kaibigan nitong si
fernan at berto. Ganon na lang ang kabog ng dibdib ni allenna ng makita ang itsura
ng mga ito, parang wala na sarili at akala mo ba'y kakainin siya ng buo kung
matitig sa kanya.
"O eto na pala si karding at kasama ang nobya mo ramon" sabi ni berto na nakangisi.
Nag aalangan pumasok si allenna sa loob ng kwarto kung saan naroon sina ramon at
mga kaibigan nito. Napilitang pumasok si allenna sa loob dahil hawak hawak na siya
ni ramon at ayaw bitiwan.
Bago isara ni ramon ang pinto ay nakita pa niya si allenna na nakatingin sa kanya
at parang nagmamakaawa na tulungan siyang makabalik na sa kanila, pagtalikod ni
karding ay hindi niya mapigilang maglandas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata
sa sobrang awa sa dalagang lihim na minamahal, gusto man niya itong tulungan ay
wala naman siyang magawa.
=================
Hello po uli sa inyo, malapit lapit na pong matapos ang kwentong ito kaya wag pong
bibitiw, at dahil po sa vote nyo at good feedback ay mag update po uli ako ng isa
pang chapter sa araw na ito,sana po ay magustuhan ninyo. At salamat din sa parami
ng parami nating readers at sa nag aadd sa kanilang reading list maraming maraming
salamat po,lalo tuloy akong ginanahang magsulat. Comment naman po kayo. Salamat po
^_~v
Devo_0720
=============================
"Ramon" nag mamakaawang tawag nito sa nobyo. "pauwiin mo na lang ako" naluluhang
sabi nito.
"Oo nga naman allenna" sabat ng lalaking hindi niya kilala ang pangalan. "ako nga
pala si berto, ang magdadala sayo sa langit" pakilala nito kay allenna sabay
halakhak na animo'y isang demonyo.
"Pare talaga palang ang ganda nitong syota mo dito" nakangising sabi ni berto kay
ramon, sabay himas sa braso ni allenna. napaiwas bigla si allenna sa ginawa ni
berto.
"Pakipot pare" sabi ng lalaking may hawak ng kutsilyo na walang iba kungdi si
fernan.
"Yan ang gusto ko sa nga babae" sabi ni berto sabay hawak sa braso ng dalaga. "yung
pakipot at tipong lumalaban" sabi pa nito sabay tawa ng malakas, tumawa rin si
fernan sa sinabi nito samantalang si ramon ay walang pakialam kay allenna.
"Ramon, pakawalan nyo na ko" pakiusap nito sa lalaki. "maawa ka naman sa akin"
umiiyak na nitong sabi.
"Mahal?" tanong ramon sabay tawa. "naniwala ka naman sa mga sinabi ko" sabi nito na
tila ba nang iinsulto. "may nobya na ko at malapit na kaming magpakasal,at ikaw"
sabi nito sabay pisil sa may baba nito. "pampalipas lang kita ng oras" pag amin
nito sa babae.
"Hayop ka! demonyo!" galit na galit na sabi nito sa lalaki. "wala akong kasalanan
sayo! bakit mo ko pinaglalaruan" sigaw nito kay ramon.
"Pasensiya ka, ikaw ang napili kong paglaruan" nakangising sabi nito.
"Hayop ka! pagbabayaran mo to! hayop!" walang tigil na sabi ni allenna kay ramon,
biglang kinalmot ni allenna si ramon sa muka dahilan para masaktan at magalit ang
lalaki.
"Walanghiya kang babae ka!" sigaw ni ramon sabay hawak sa kamay ni allenna para
pigilan, bigla niya itong sinampal sa muka dahilan para mawalan ng malay si allenna
sa lakas ng pagkakasampal dito.
"Naku pare, napalakas ata ang sampal mo" sabi ni berto sabay tawa. "paano na yan
nakatulog" kakamot kamot na sabi nito.
"Pareng fernan antayin na lang muna nating magising, ayoko ng babaeng natutulog,
walang thrill" ngising sabi ni berto. "mas mainam yung nalaban, hahahaha" halakhak
ni berto.
"Okay, ituloy na lang muna natin ang paglalaro natin, tutal e maaga pa naman" sabi
ni fernan sabay tingin sa relo. "six lang pala ng hapon, baka sa lakas ng sampal ni
ramon e mamaya pang gabi gising niyan." si fernan uli.
"Fernan itani mo na muna yan kay celia sa upuan"utos ni ramon. "si kaloy at mariz
nasan na?" tanong naman nito kay berto.
"Baka nasa kwarto na yung dalawang yun"sagot nito. "alam mo naman yung dalawang
yun, tamang sex" ngising sabi nito.
"Sige ubusin natin yan" nakangising sabi ni fernan. Dahil sa kaabalahan sa ginagawa
hindi nila napansin na nagising na pala si allenna.
Hinang hina si allenna ng magmulat ang kanyang mga mata,halos tumabingi ang kanyang
pisngi sa pagkakasampal sa kanya ni ramon. Ngunit hindi siya nawalan ng lakas ng
loob, ng mapansin ni allenna na abalang abala mga ito sa kanilang ginagawa ay unti
unti siyang gumapang papuntang pintuan, tamang tama naman na nakatalikod ang tatlo
sa may pinto, nag aktong nabuksan na ni allenna ang pinto at palabas na siya ay
biglang. . .
Ganon na lang ang takot ni allenna ng marinig niyang sumigaw ang isa sa mga kasama
ni ramon. Kaya naman walang lingon likod ay kumaripas siya ng takbo palabas ng
kwarto.
===========================
=================
Devo_0720
=============================
Hindi malaman ni allenna kung saan ang daan palabas ng mansion nina ramon, sa laki
ng bahay at dami ng pinto ay hindi na niya natandaan kung saan ba sila dumaan ni
karding kanina ng sila ay dumating, dahil sa katarantahan ay natapilok pa si
allenna.
"Aray!" sigaw ni allenna. Hindi siya agad makatayo sa pagkakadapa dahil sa sakit ng
paa, ng tingnan niya ito ay namamaga na ang kanyang paa.
"Allenna!" sigaw ni ramon. " sa palagay mo makakalabas ka dito basta basta" galit
na sabi nito.
"Berto tingnan mo sa labas baka nakalabas na" utos ni ramon. "ikaw naman sa itaas
baka nagtatago don" turo nito kay fernan. "ako naman dito sa baba" sabi pa nito.
"Sa akala mo makakatakas ka?" sabi ni ramon na tila nababaliw na. "lumabas ka na,
para hindi ka na mahirapan pa at masaktan" nakakalokong sabi ni ramon sabay tawa ng
malakas.
Namutla si allenna sa narinig niya, alam na nito kung saan siya nagtatago, kaya
naman lalo niyang hinigpitan ang kapit sa hawak niyang kawali na nadampot niya
kanina
Ganon na lang gulat ni allenna kaya naman buong lakas niyang hinampas ito ng kawali
sa ulo, nakatatlong hampas ito ng tigilan niya ang paghampas dahil nakita niyang
dumugo na ang noo nito sa lakas ng kanyang hampas at isa pa nakahandusay na ito sa
sahig. Paika ika siyang lumakad palabas ng kusina.
"Saan ka pupunta?" tanong ni ramon sabay hawak sa paa nito. "pagbabayaran mo ang
ginawa mo sa akin" sigaw pa nito.
"Sa palagay mo may tutulong sayo?" sabi ni ramon habang hawak niyo ang paa ng
dalaga. "walang ibang makakarinig sayo, kaya kahit sumigaw ka pa ng malakas ay
walng tutulong sayo" sabi nito sabay tawa ng malakas.
Dahil sa biglang paghawak nito sa paa niya ay napaupo si allenna, pilit niyang
hinila ang kanyang paa para makatakas ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni
ramon sa kanya, kaya naman tinadyakan niya ito sa muka.
Dali daling tumayo si allenna, at kahit na paika ika ay pinilit niyang binilisan
ang kanyang paglakad, sa sobrang takot at sa kagustuhang makatakas ay hindi na niya
ininda ang namamaga niyang paa. Agad na nagtago si allenna ng mapansin niyang
paparating si berto galing sa labas, nasalubong naman nito si fernan na kabababa pa
lang.
"Berto! fernan!" sigaw ni ramon sa dalawa. Kaagad namang pinuntahan ng dalawa ang
pinagmulan ng boses ni ramon.
Nang makita ni allenna na pumasok ang dalawa ay agad siyang lumabas ng mansion para
makatakas.
Bago siya makalabas ay narinig niya ang sinabi ni ramon. Ganon na lang ang takot ni
allenna kaya naman lalo niyang binilisan ang paglalakad. Gustuhin man niyang
tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa namamaga niyang paa.
=================
Lakad takbo ang ginawa ni allenna, alam niyang nasa likuran lang niya sina ramon
at ang mga kaibigan nito, halos hilahin na niya ang kanyang paa makalayo lang agad
sa lugar na yon, nang makarating siya sa may ilig ay agad siyang umupo at
nagpahinga, pagod na pagod na siya, bukod doon ay gutom na guton at uhaw na uhaw na
siya kanina pa, isa pa iyon sa nagpapahina sa kanya, ang tanging nagbibigay lang sa
kanya ng lakas ay ang determinasyon na makawala at makatakas sa kamay ng mga hayop
na lalaking iyon. Halos wala ring patid ang mga luha niya dahil sa mga nararanasan
niya ngayon, hindi niya akalain na mangyayari ito sa kanya, yung mga magagandang
araw na dumaan na kasama niya si ramon ay parang biglang naglaho agad, peke pala
ang ipinakita nito aa kanya.
Samantala. . .
"Maghiwahiwalay tayo" utos ni ramon na hawak pa ang noo dahil sa pumutok ito sa
pagkakapalo ni allenna, kaya naman ganon na lang ang gigil nito sa babae. "doon
lang sa ilog yon dadaan, siguradong hindi pa yon nakakalayo dahil nakita kong
paikaika siyang lumakad kanina" paliwanag nito sa dalawa.
"Sige" sang ayong nung dalawa. At naghiwahiwalay nga ang mga ito sa paghahanap sa
dalaga.
Lumipas ang ilang minuto ay nakita ni berto si allenna na nakaupo sa may malaking
bato, kaya naman dahan dahan niya itong nilapitan para hindi siya mapansin nito na
papalapit na siya.
"Ano ka bale?" pang iinis pa nitong sabi. Biglang pinupog ng halik sa muka si
allenna at sa leeg.
"Ramon! fernan! dito" sigaw nito sa dalawa at wala siyang tigil sa kahahalik sa
dalaga. Nang makalapit ang dalawa ay agad namang hinipuan mi fernan ang dalaga sa
may hita. Kaya naman ganon na lang lalo ang pagpupumiglas ni allenna na makawala sa
mga ito.
"Hayop kang babae ka" si ramon. "pinahirapan mo pa kami" sabi nito sabay sampal kay
allenna. "Tingnan mo ang ginawa mo sa ulo ko?" Sabi niyo sa babae sabay turo sa ulo
niya. "pagbabayaran mo to mamaya" banta nito kay allenna. "tara don natin dalhin
yan sa kunong ginawa ko, doon sa may duluhan ng ilog" sabi pa ni ramon.
Sumunod ang dalawa kay ramon habang si berto naman ay binitbit si allenna na parang
sako ng bigas. Dahil sa nagpupiglas pa si allenna ay ibinaba muna ni berto ito at
inundayan ng suntok sa sikmura, kaya naman ganon na lang ang panghihina nito at
unti unting nawalan uli ng malay ang babae.
"Baka dinala siya nina ramon sa kubong ginawa niya" bulong nito sa sarili.
Kaya naman dali dali siyang lumabas at pumunta sa may duluhan ng ilog kung saan
nandon ang kunong sinasabi niya.
=================
Nagising na lang si allenna na nakatali ang kanyang mga kamay at paa, dahil sa
gabi na ay tanging kandila lang at liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa loob
ng kubo kung saan naroon siya at sina ramon, ganon na lang ang paghihinagpis niya,
masakit na masakit na ang kanyang katawan, namamaga na ang kanyang muka sa
kasasampal sa kanya ni ramon at ng kaibigan nito. Ganon na lang ang takot ni
allenna ng makita niyang papalapit sa kanya sina ramon na tila ba mga demonyo ang
itsura.
"Sinong niloko mo!" galit na sabi ni ramon habang sabusabunot nito ang buhok ni
allenna. "nakita mo tong ginawa mo sa noo ko?" Sabi nito sabay turo sa noo nito.
"kulang pa ang sampal na inabot mo sa akin" galit na galit na sabi nito.
Pagkasabing pagkasabi ni ramon ay biglang iniuntog si allenna sa may dingding ng
kubo, dahilan para umagos ang dugo niya sa ulo.
"Anong maawa?" si berto. "pasensiya ka dahil wala kaming mga awa!" sigaw nito sabay
punit ng damit ni allenna.
"Hahahahahaha" tawanan ng tatlo ng makita ang itsura nito kung paano nito itatago
ang katawan.
"Wow pare ang kinis pala nito" si fernan habang hinihimas ang mga hita at braso ng
babae.
"Sabi naman sayong wala kaming awa" sabi ni berto sa sampal uli dito.
Wala nang nagawa si allenna kungdi ang umiyak at sumigaw sa sakit na ginagawa ng
tatlo sa kanya, halos panawan na siya ng ulirat sa pagpapahirap sa kanya.
Dahil sa hinang hina na ay wala ng siyang nagawa kung di ang pabayaan na lang ang
mga ito sa ginagawang pambababoy sa kanyang katawan, dahil wala na siyang lakas
para makapanlaban pa. Pinaghalinhinang ginahasa si allenna nina berto at fernan,
dahil na rin sa pamimilit ng dalawa ay pati si ramon ay hinalay si allenna. Parang
mga hayop na hayok sa laman ang mga ito. Hanggang sa nawalan na naman ng malay sa
allenna sa sobrang hirap at pagod na dinanas niya.
Samantala halos takbuhin ni karding ang kinaroroonan ng kuno ng marinig niya ang
malakas na sigaw ni allenna. Nang marating niya ito ay umikot siya sa may bintana
para silipin ang kaganapan sa loob, ganon na lang ang panlulumo niya ng makita
niyang walang malay si allenna at nakatali, lalo siyang nanlumo ng makita niya
itong hubas na hubad at puro sugat at pumo ng dugo ang katawan,samantalang sina
ramon naman ay nakatulog na rin siguro ay sa sobrang pagod. Nang makita niyang
medyo gumalaw si allenna ay hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ito at
iligtas.
"Ssshhhhh" sabi ni karding. "wag kang maingay at baka magising sila" saway nito kay
allenna sabay turo kina ramon.
=================
Sa takot ni ramon ay walang lingon likod siyang tumakbo habang buhat buhat si
allenna, kahit may kabigatan ang babae ay pinilit pa rin niyang makalayo, ngunit
dahil sa bagal niya ay naabutan pa rin sila nina ramon at ng kaibigan nito.
"Akala mo maitatakas mo sa amin yan ha" si ramon sabay unday ng suntok kay karding,
pinagtatadyakan pa siya nina fernan at berto kaya nalugmok siya sa lupa.
"Diba sabi ko sayo wag kang makikialam?" sabi ni ramon. "ang tigas ng ulo mo!"
sigaw nito sabay suntok uli.
"Ma. .ma. .maawa ka naman sa kanya" nauutal sa pakiusap nito. "nagawa nyo na ang
gusto nyo pabayaan nyoNa siya" sabi uli ni karding.
"itumba na natin yan ramon!" si fernan na hinugot ang hinahasang kutsilyo kanina.
"Baka mamatay si allenna" sabi ni karding na hindi pinansin ang sinabi ni fernan.
"sssshhhh" saway ni ramon. "wag kayong masyadong mainit ako ang bahala dito."sabi
ni ramon.
"Patatawarin kita karding" sabi ni ramon. "wala kang narinig,wala kang nakita, kung
hindi mawawalan kayo ng trabaho ng tatay mo, isusumod ko pa ang magulang at kapatid
mo" banta nito habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg niya na halos dumugo na dahil
sa tulis ng dulo nito. "Naiintindihan mo?" bulong pa nito.
Napalunok muna ng laway si karding bago tumango kay ramon, kaya naman ng binitaqan
siya ni ramon ay dali dali siyang uwi ng mansion at kakalutan niya ang mga nakita
at narinig niya.
"ikaw" si ramon. "halika dito" sabi nito sabay hawak sa buhok ni allenn pakaladkad
aa may ilog.
"Aaahhhhh" sigaw ni allenna. "tama na, maawa ka, hindi ko na kaya" pagmamakaawa
niya sa lalaki.
"Hirap ka na?" si berto. "teka at lalo ka pa namin pahihirapan" sabi ni berto sabay
tawa. kinuha nito ang kutsilyo kay ramon ay walang awa itong hiniwaan sa muka.
Gulagulanit na ang damit ni allenna at puno na ng dugo dahil sa tinamo niyang mga
sugat at saksak, dahil sa halos nauubusan na siya ng dugo ay unti unti na siyang
nang hihina.
"Ano mahal? masakit ba?" sabi ni ramon. "anong palagay mo sa akin papatol sa isang
kagaya mo na walang pinag aralan? ang mga katulad mo ay laruan lang para sa amin"
sabi pa nito sabay tawa ng tatlo.
"Magbabayad ka" mahinang mahinang sabi nito sa kaharap. "kayo" sabay tingin sa
dalawa "magnabayad kayo sa ginawa ninyong kahayupan sa akin" galit na sabi nito.
"isinusumpa ko, mapatay nyo man ako ngayon ay mananatili akong buhay para kitilin
ang wala ninyong kwentang buhay!"galit na galit na sabi nito. "hindi ako titigil
hanggat hindi ko kayo napapatay, sampu ng inyong mga lahi" sigaw nito.
"Tumigil ka!" si ramon, na natakot sa mga sinabi ni allenna. Bigla niya itong
pinagsasaksak hanggang sa mawalan na ito ng buhay, ng matiyak nilang patay na ito
ay itinapon nila ito sa ilog at pinabayaan maanod.
Dahil sa mga sinabi ni allenna ay parang biglang natauhan si ramon, kaya naman
agad itong umuwi kasma ang dalawa, nilinis muna nila lahat ng ebidensiya na
magtuturo sa kanila bago sila tumulak pamaynila, bago umalis ai ramon ay binalaan
muna nito si karding.
=================
Sumpa ni allenna 39
"Wala akong magawa" si karding habang nagkukwento kay alyssa. "Bukod sa mawawalan
kami ng tinitirhan ay papatayin pa niya ang pamilya ko, naging bulag at pipi ako sa
mahabang panahon" mangiyak ngiyak ma sabi ni mang karding. "siguro nga ay pati sa
akin ay napopoot si allenna, dahil kung hindi ko siya kinaon ng araw na iyon ay
hindi mangyayari ang malagim na trahedyang iyon sa buhay niya" malungkot sa saad
nito.
Hinagod naman sa likod ni manang delia ang kanyang asawa para aluin ito.
"Kaya siguro maging ang kaisa isa naming anak ay kinuha niya" at tuluyan ng dumaloy
ang mga luha nito sa mata.
"Allenna?"buling nito sa sarili sabay may naalala sa pangalang iyon. "mang karding,
bukod po sa kinukwento ninyo ay may iba pa po ba kayong alam na allenna ang
pangalan sa lugar na ito?" mahabang tanong nito sa matanda.
"Hindi kaya ang allennang kinukwento nyo at ang allennang kakilala ko dito ay iisa
lang?" naguguluhang sabi nito sa dalawang matanda.
"Saglit lang po at may kukuni lang ako" paalam ni alyssa. Dali dali siyang umakyat
ng kanyang kwarto para kuhanin ang isa sa mga ginuhit niyang larawan, naiguhit kasi
niya ang babaeng nagpakilala sa kanyang allenna nung minsang wala siyang ginagawa.
"May kukumpirhin lang ako" sabi nito na hawak hawak na ang kanyang drawing.
"Basta mamaya na tayo mag usap at nagmamadali na ko" pagmamadali nitong sabi.
"Nauna na ang mga boys papuntang ilog dahil magkakasa pa daw sila ng tent, tapos
kasama na si janice,tayo na lang ang naiwan dito, pinabalikan na lang tayo sa
pamangkin ni manang delia para samahan tayo papunta doon" mahabang sabi nito.
"Oo saglit lang ako" sabi nito. "gusto nyo sumama na muna kayo sa akin sa baba,
tapos saka tayo sabay sabay na umalis" sabi nito.
Pumayag naman ang dalawa, pagbaba nila sa hagdan ay nakita nilang nag aantay na sa
kanila ang pamangkin ni manang delia para iguide sila kung nasaan ang mga kasama
nila.
"Mang karding" tawag ni alyssa pagkapasok niya sa bahay ng mga ito. "ito ba yung
sinasabi ninyong allenn?" tanong nito sabay pakita ng larawang iginuhit niya.
Ganon na lang ang gulat niya ng makuta ang larawan ni allenna. Siyang siya, tila
ba buhay ma buhay ang larawang ito.
"Alyssa okay ka lang?" si vangie. "numutla ka, ano bang meron?" takang tanong nito.
At ipinaliwanag ni alyssa sa dalawa ang mga nalaman niya, wala siyang inilihim
kahit na isang detalye, pati na rin kung sino ang nasa larawang iginuhit niya.
Biglang nagkatinginan ang dalawa at pareho ng namumutla sa takot dahil sa mga
nalaman ng mga ito.
=================
Sumpa ni allenna 40
"Hindi kaya delikado tayo sa pagpunta natin sa ilog?" takot na tanong ni alona.
"Talagang delikado kayo, lalo pa't si ram ay apo ni don ramon na siyang pumatay kay
allenna, diguradong siya ang puntirya nito." malungkot na sabi ni karding. "hindi
titigil si allenna hangga't hindi siya nakakaganti sa gumawa sa kanya noon"
paliwanag pa nito.
Biglang namutla si alyssa sa mga narinig nito, "hindi maari, hindi siya papayag na
makuha ni allenna si ram" bulong nito sa sarili.
"Kung ang lolo ni ram at ang pamilya nito ang puntiry ni allenna" si vangie. "bakit
pati ang mga taga rito ay kinukuha rin niya ang buhay, lalo na ang mga
dayo?"nagtatakang tanong nito sa matanda.
"Dahil mga dayo ang kasama ni ramon noong siya ay mapatay" si manang delia ang
sumagot.
"At isa pa, kung walang dayo ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang kumuha ng
ibang buhay na taga rito para maialay niya ang kaluluwa sa demonyo" paliwanag nito.
"ho?" gulat na tanong ni alyssa. "Kung ganon ay hawak ng demonyo ang kaluluwa ni
allenna?" tanong uli ni alyssa.
"Oo, yun ang sapantaha namin, dahil hindi kayang bumalik ng isang kaluluwa sa mundo
at hindi nito kayang manakit o pumatay man lang kung hindi ito alipin ng isang
diablo" mahabang paliwanag ni mang karding.
"Tsong" singit ni arnold ba pamangkin ni manang delia. "ano kaya kung tumawag tayo
ng pari para mabendisyunan ang ilog"mungkahi nito.
"Sige, sasamahan ko kayo, maging ako din ay muntik ng mabiktima ng babae sa ilog,
kung hindi dahil sa pinsan ko ay wala na rin ako." Sabi nito na ang tinutukoy ay
ang anak ni manang delia at mang karding, iniligtas kasi siya nito kaya ito ang
nalunod imbes na siya.
"ikaw alona sasama ka ba o maiiwan ka na lang dito?" baling ni alyssa kay alona.
"Sasama ako, kaibigan natin ang nasa peligro at hindi ako basta na lang
mananahimik" determinadong sabi ni alona. "isa pa mas makapangyarihan ang panginoon
diyos sa kung ano pa man" matapang nitong sabi.
"Sige" sang ayon ni alyssa. "tayo na, kayo vangie lumakad na rin kayo ni mang
karding, papadilim na, baka hindi natin sila abutan doon" may takot na sabi ni
alyssa.
"Delia" si mang karding habang gagap nito ang kanyang kamay. "ikaw na muna ang
bahala dito sa mansion, at isa pa hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin sa
pagharap kay allenna, alam kong hanggang ngayon ay napupoot pa rin siya sa akin"
malungkot na sabi nito.
"Wag ka na lang kayang tumuloy" naluluhang sabi ng matandang babae. "natatakot ako
sa kaligtasan mo" sabi pa.
"Hindi maari, panahon na siguro para wakasan ang poot ni allenna" galit na sabi
nito. "Marami na siyang buhay na nakuha, maging ang buhay ng kaisa isa nating anak,
hindi na ko makakapayag na may magbuwis pa ng buhay para lang sa pansarili niyang
kasiyahan" determinado nitong pahayag.
Agad ng umalis sina mang karding at vangie para magtungo ng simbahan, samantalang
sina alyssa naman ay nagtungo na sa ilog para puntahan ang nanganganib na si ram at
ang mga kaibigan nila, bago sila umalis ay pinabaunan muna ni manang delia ng
benditadong rosaryo ang mga ito, yon lang din kasi ang tanging alam niyang
pangontra sa mga masasamang elemento lalo na sa diablo.
Samantala sa may ilog. . . "Bakit kaya wala pa sina alyssa?" pagtatakang tanong ni
chad habang nag aayos ng tent. "malapit ng dumilim ah" dagdag pa nito.
Tumango lang si janice bilang tugon. At nagpunta nga sila sa medyo malayo sa
dalawang lalaki.
Tigagal na napatingin si ram kay janice, gulat na gulat ito sa sinabi ng dalaga.
Kasalukuyan silang nag aayos ng tent nila non ng tinawag siya ni janice para
kausapin siya samantalang si chad at randy naman ay abala rin sa pag aayoa ng tent.
Bigla niyang ikinuyom ang kanyang kamao, balak na kasi niya itong hiwalayan
pagnakauwi na sila ng maynila, bukod sa marami na siyang napapansin na masamang
ugali nito ay hini na rin niya ito mahal.
"How dare you!" galit na galit na sabi nito kay ram. "ang kapal ng muka mo na
sabihin sa akin yan!" sabi pa nito.
"Alam kong alam mo ang totoo" galit ding sagot ni ram. "Matagal na tayong hindi
nagtatabi, paano mong sasabihing akin yan!?" dagdag nito.
Biglang namutla si janice sa sinabi ng binata, nakita rin niya na galit na galit
ang mga mata nito kaya natakot siya sa itsura nito.
"Janice!" tawag ni randy. "saan ka pupunta, magdidilim na." sigaw nito, ngunit
daredaretao ito sa pagtakbo. Dahil sa papadilim na ay sinundan ni randy si janice,
nag aalala siyang baka mapalyo ito at maligaw, mahirap na agaw dilim na.
=================
sumpa ni allenna 41
"Huh?" takang sabi ni janice sa sarili. Nasaan na ba ako?" sabi pa nito. "naliligaw
na ata ako" may takot na sabi sa sarili.
Tinahak niya ang daan kung saan siya dumaan kanina, ngunit laking pagtataka niya,
hindi niya na makita ang dinaan kanina.
"Bakit gano?" kausap ang sarili. "bakit parang ang layo layo na ng narating ko,
kung tutuusin ay hindi pa naman ako ganong nakakalayo sa mga kasama ko, narinig ko
pa ngang tinatawag ako ni randy" parang baliw na nagsasalitang mag isa.
Naglakadlakad siya, lalo siyang kinilabutan ng makita niyang madilim na, kaya naman
kinuha niya ang maliit na flashlight sa kanyang bulsa, lahat kasi sila ay meron
nito.
"Randy!" tawag niya sa kainigan. "randy nasaan ka!?" sigaw nito. "tulong may tao ba
diyan, may nakakarinig ba sa akin?" sabi pa ni janice.
"Sinong nandiyan?" sabi nito na nanginginig ang boses. "may tao ba dyan?" tanong pa
nito. Tinapatan niya ito ng dala niya g flashlight pero wala naman siyang nakita,
nawala rin ang kaluskos, biglang nakahinga ng maluwag si janice, akala niya ang may
makakaengkwentro siyang mabangis na hayop. Nang aktong pagharap niya at pagtapat
niya ng ilaw ay biglang may babae na pala sa likuran niya, ganon na lang ang gulat
niya at takot.
"Naliligaw ka ata" sabi ng babae na parang singlamig ng yelo ang boses. Kinilabutan
si janice sa babaeng nasa harapan niya.
"Hindi na importante" mahinang sabi nito. "hinahanap mo ang mga kasama mo?" tanong
ng estrangherang babae.
Tumango lang si janice bilang tugon, pakiramdam kasi niya ay nalunok niya ang
kanyang dila sa sobrang takot.
Agad namang tumayo si janice para sumunod sa babae, kahit na natatakot siya dito ay
nagawa pa rin niyang sumunod dito dahil wala siyang ibang pagpipilian, hindi niya
alam ang daan papunta sa kanyang mga kasamahan, at isa pa lumalalim ang gabi, baka
makasalubong pa siya ng mabangis na hayop. Nagpalinga linga si janice sa kanilang
dinadaanan.
"Saglit" sabi nito. "antay lang" sabi pa uli ni janice. Ang bilis kasi nitong
maglakad, nagtataka lang siya bakit ganito ang babaeng ito, kahit na sobrang dilim
na ay hindi man lang ito natitisod o nangangapa sa dinadaanan niya, samantalang
siya ay halos magkandarapa na sa paglalakad. Nang may narinig siyang lagaslas ng
tubig ay agad namang nabuhayan ng loob si janice, malapit na sila sa ilog, ibig
sabihin malapit na silang makalabas ng gubat.
" nasaan na tayo?" tanong ni janice sa babae. Nakalabas na kasi sila ng gubat at
nasa may ilog na sila ngunit hindi niya makita ang kanyang mga kasama, ang tanging
nakita lang niya ay isang kubo sa bandang dulo ng ilog. "kaninong bahay yan?"
tanong pa ni janice aa babae, ngunit hindi man lang ito nagsasalita tuloy tuloy
lang sa paglalakad.
"Teka" sabi nito. "Dugo ba yong nasa damit nito.?" Takang tanong sa sarili,
tinutukan niya ito ng dala niyang ilaw, dala ng liwanag ng kanyang ilaw at liwanag
ng buwan ay nakita niyang may dugo nga ang suot nitong damit. Para siyang tinakasan
ng sugo sa buong katawan ng makita niya puro dugo nga suot nitong damit.
Halos bumaligtad ang sikmura niya ng biglang mangamoy ang tila nabubulok na laman
sa paligid ng biglang umihip ang hangin, at ang babaeng nakatayo sa harap niya ay
unti unting himarap sa kanya. Ganong na lang ang panginginig ng katawan niya ng
makita niya ang itsura nito. Naagnas ang muka at may mga uod pang lumalabas sa
bibig at sa may butas ng pisngi, ang mga mata nito ay nanlilisik at lumuluha ng
dugo, nang mapadako ang tingin niya sa paa ay doon lang niya nabatid na nakalutang
pala ito sa ere.
"Ram! chad! randy! tulungan nyo ko" iyak sa sigaw nito. "maawa kayo sa akin"
pagmamakaawa ni janice sa mga kasama na akala mo ba'y naririnig siya.
"Sige tumakbo ka hangga't may lupa! bwahahahahaha!" sabi ng babae sabay tawa na
malademonyo ang tinig.
Tinakpan ni janice ang kanyang tenga dahil sa tinis ng boses ng babae ay halos
mabingi siya. Biglang kumumpas ang kamay ng babae at ganon na lang ang takot ni
janice ng bigla siyang lumipad sa ere at humampas sa malaking puno.
"Aaagghh" daing ni janice. Pakiramdam niya ay nagkabalibali ang kanyang mga buto sa
lakas ng pagkakahampas sa kanya sa puno, pinilit niyang makatayo sa kagustuhan
niyang makatakas sa babaeng humahabol sa kanya. Nang makatayo siya ay biglang
walang ano ano ay nakatayo na ito sa harapan niya.
"Ahhhhhh" sigaw nito. Umagos ang masaganang dugo sa kanyang muka. At hindi pa
nakuntento pati ang kanyang braso at hita ay hiniwaan din nito. Walang nagawa si
janice kung hindi ang dumaing lang sa sakit.
"Maawa?" galit na sabi nito sa kaharap. " wala ako awa!" sabay tusok ng kuko nito
sa tiyan ni janice.
"Waggggggggg!" ang tanging naisigaw nito. Kumumpas uli ang kamay ng babae at
tumalsik uli si janice, sa pagkakataong ito ay saay ilog naman siya tumalsik.
Sa isang iglap lang ay nandon agad ang babae, bigla nitong hinawakan ang ulo ni
janice at nilunod. Nagkakawag pa si janice at nanlaban ngunit dahil sa sobrang
panghihina niya at sa dami bg dugong nawala ay unti unti ng bumigay ang kanyang
katawan. Nang makita ng babae na patay na si janice ay binitawan na niya ito at
hinayaan na lang anurin ng tubig. Humalo sa ilog ang mga dugo ni janice, umagos ito
sa ilog kasabay ng pagkaanod ng walang buhay na katawang ng kaawaawang dalaga.
============================
Hello po sa mga readers, hinabaan ko na po ang chapter na ito para naman po hindi
kayo mabitin, at saka po malapit na pong matapos ito, ilang chapter na lang po,
kasi may bagong kasunod na po akong isusulat sana po ay magustuhan nyo rin, may
title na ASTRAL BODY by: devo0720 ang bida po diyan ay ipapangalan ko sa bff ng
sister ko.
Enjoy reading po, at salamat sa lahat ng nag add sa reading list nila at sa mga
bumoto at sa mga boboto pa salamat po. Comment naman po kayo. salamat ^_~v
Devo0720
=================
Sumpa ni allenna 42
"Janice!" sigaw ni randy. "janice nasaan ka na? Lumabas ka na, madilim na!"
pakiusap nito kay janice. Dahil sa madilim na ay bumalik na muna siya Kina ram at
chad, hihingi siya ng tulong sa dalawa para mahanap nila kaagad ni janice, isa pa
nalimutan niya ang kaniyang flashlight sa bag niya. Gusto man niyang magalit kay
ram dahil kung hindi nag away ang dalawa ay hindi ito tatakbo palayo sa kanila,
hindi niya masisisi si ram dahil kung siya man ang nasa sitwasyon nito ay baka
ganon din ang maging reaksyon niya. Alam niyang alam na ni ram na siya ang ama ng
dinadala ni janice, dahil ng minsang magtalo sila ni janice tungkol dito ay
kinompronta siya ni ram, pero sa pagtataka niya ay hindi man lang ito nagalit sa
kanya, doon niya napag alamanan na wala na itong pagmamahal sa dalaga kaya naman
ganon na lang ang tuwa niya sa sinabi sa kanya ni ram noong araw na iyon.
"Mag usap kayo ni janice" si ram. "ako man ay kakausapin din siya pag kauwi natin
sa maynila, makikipagkalas na ko" nakangiti pang sabi nito. "alam kong matagal mo
na siyang mahal, at may hinala na rin akong may namagitan na sa inyo, hindi lang
ako kumibo, kaya naman mula noon ay hindi na ko tumabi sa kanya kahit na ayain niya
ako" paliwanag ni ram.
Kaya naman malaki din ang paghanga niya sa taong ito, kaya pagnahanap niya si
janice at nakauwi na sila ay pakakasalan na niya ito sa ayaw man at gusto nito,
dinadala na nito ang anak nila.
"Hindi pare e" sagot nito sa kaibigan. "ang bilis tumakbo, hindi ko nakita kung
saan dumaan" paliwanag nito.
"Randy pasensiya na"hingi ng despensa ni ram. "kung hindi sa akin ay hindi sana
siya aalis"sabi pa nito.
"Wala kang kasalanan pare" sagot ni randy. " kung tutuusin ay kasalanan ko rin yung
nangyari, sa kagustuhan niyang mapakasal sayo ay pati ako ay ginamit niya,
nagpagalaw siya sa akin para mapaikot ka niya" malungkot na sabi nito. "sadyang
mahal na mahal ko lang siya kaya ko rin nagawa yon." Ani ni randy.
"O siya tama na ang sisihan, tara ng hanapin si janice, malalin na ang dilim" sabi
ni chad. "ang ibang girls siguro ay hindi na susunod at gabi na" dagdag pa nito.
Nang nakuha nila ang kakailanganin nila sa paghahanap kay janice ay lumarga na sila
sa paghahanap sa kaibigan, habang nalalakad aila ay napagawi ang tingin ni chad sa
may ilog.
"Pare ano yon?" tanong nito sa dalawang kasama. Tinapatan ng ilaw nina randy at ram
ang tinutukoy ni chad.
"Parang nakalutang na tao pare" hindi siguradong sabi ni ram. At nilapitan pa nila
ng husto ang nakalutang sa may ilog.
"Pare tao nga!" sabi ni ram ng matiyak na tao nga yung inaanod.
"Parang. . ." may takot na sabi ni randy ng mapansin ang suot na damit nito.
"Pare parang si ja. . " Biglang tigil na sabi ni chad ng makita niyang agad na
lumusong si randy at ram sa ilog.
"Sinong may gawa sayo nito?" parang baliw na tanong ni randy kay janice "sinong
hayop ang may gawa sayo nito!" sigaw nito habang niyuyugyog ang walang buhay na
katawan ng babaeng minamahal niya.
"Pare" si ram. "patay na siya, wala na tayong magagawa" sabi pa ni ram. "mabuti pa
dalhin natin sa tent ang bangkay nya" sabi pa nito.
Binuhat ni randy ang bangkay ni janice papuntang tent, hindi nila lubos maisip kung
sino ang gagawa niyo kay janice, parang hindi tao ang pumatay dito, halos maluray
ang katawan nito sa dami ng hiwa. Nang saktong nailagay na nila sa isa sa mga tent
na nakatayo ang bangkay ni janice.
"Sino kaya ang may kagagawan ng kahayupang ito kay janice" galit na tanong ni randy
sa dalawa.
Sabay sabay napalingon ang tatlo sa likod nila, ganon na lang ang hilakbot nila ng
makita kung sino ang nagsalitang iyon sa likuran nila. Isang babaeng naagnas ang
muka at nilalabasan ng mga uod sa mga butas ng pisngi, matang pulang pula at
lumuluha ng dugo, gulagulanit na damit na punong puno ng dugo, at nakalutang ito sa
ere.
"Hinahanap nyo ang pumatay sa babaeng yan?" sabi ng babae. "bwahahahahaha" sabay
tawa nito na nakakabingi.
Biglang nagtakip ng tenga sina ram dahil sa tinis ng boses nito ay halos mabingi na
sila.
"Nararapat lang sa kanya yan!" galit na sabi nito. "Magbabayad kayo!" galit na sabi
nito.
"Anong kasalanan namin sayo?" matapang na sabi ni ram. " bakit kami magbabayad
sayo?" tanong pa nito.
"Wala?" nakakalokong sabi nito. "kayo wala pero ang lolo niya meron!" sigaw nito
sabay turo kay ram at biglang tumalsik si ram sa may tent nila.
"Ako?" nakabgising sabi nito. "ako si allenna" pakilala nito sa tatlo. "ako lang
naman ang tatapos sa buhay nyo!" malakas na sigaw nito. Sa pagsigaw ni allenna ay
biglang dumagundong ang kulog at kumidlat ng matatalim.
Samantala sa mansion. . . .
"Don ramon?" gulat na sabi ni manang delia. "ano hong ginagawa ninyo dito?" tanong
ng matandang babae.
"Siguro nga ay panahon na para humingi ng tawad sa kanya" sabi nito. At lumakad ang
matanda papuntang ilog.
"ASTRAL BODY"
"Astral projection" ito ang librong nakita ni marie grace ada sa may library isang
araw ng siya ay nagliligpit ng mga librong ginamit ng mga estudyate. Isang librong
magpapabago sa buhay ni grace . Alamin at tuklasin kung ano nga ba ang astral
projection. Paniniwalaan mo ba ito o hindi?
Devo0720
=================
Sumpa ni allenna 43
"Bakit ho mang karding?" si vangie. "may problema po ba?" sunod na tanong nito.
"Masama ang kutob ko" sagot nito na may takot sa boses nito. "bilisan natin ang
paglalakad" sabi nito sa mga kasama, pabalik na sila sa mansion at padaretso na sa
may ilog, nagsama sila ng isang pari para mapabendisyunan ang ilog kung saan
namatay si allenna, malayo layo pa ang lalakarin nila, ng pabalik na kasi sila ay
bigla na lang pumutok ang gulong ng kanilang sinasakyan, wala tuloy silang ibang
nagaw kung hindi ang maglakad papuntang ilog.
Samantalang sina alyssa naman at arnold ay dali dali sa kanilang paglalakad, baka
abutan sila ng malakas na ulan, para kasing nagbabadyang bumuhos ito dahil sa
biglang pagkulog at pagkidlat. Nang makarating sila sa ilog ay laking gulat nila ng
makita nilang halis mawasak ang tent na kinabit ng kanilang mga kaibigan.
"Ram!" sigaw ni alyssa at arnold. "chad! randy! janice!" hanap ni alyssa ang mga
kaibigan. naghiwalay sila ni arnold aa paghahanap, si alyssa ay sa kabilang tent
samantlang si arnold ay don naman sa katabing tent.
"Ram!" lalo tuloy siyang natakot para sa lalaki, paglingon niya ay nakita niya si
chad na nakahandusay.
"Wag mo kong alalahanin haharapun ko siya, isa pa kailangan ko pang makita si ram"
paliwanag nito.
"Oo"sagot nito. "bilisan mo at baka kung mapaano pa si chad" utos nito sa lalaki.
Agad naman nitong binuhat si chad para dalahin sa mansion, puro sugat na rin kasi
ito at kailangan mabigyan ng paunang lunas.
Sa paghahanap niya ay bigla siyang napasigaw ng makita niya ang isang babae sa na
nasa gitna ng ilog at sakal sakal si randy. Halos hindi na ito gumagalaw ay tingin
nga ni alyssa ay wala na ito ng buhay.
Dahil sa nakikitang sakit sa muka ni alyssa ay lalo pang lumakas ang halakhak nito.
"Alyssa!" biglang sigaw sa bandang likod niya. Paglingon ni alyssa ay nakilala niya
kung sino ang tumawag sa kanya, walang iba kung di si ram.
"Lubayan mo ang kaibigan ko!" sigaw nito kay allenna. "maawa ka sa kanya" narinig
pa ni alyssa na sabi ni ram kay allenna.
Dahil sa ginawang pagsigaw ni ram ay siya naman ang binalingan ni allenna. Sa isang
iglap lang ay nasa harapan na niya ito. Biglang hinawakan si ram ni allenna sa
leeg, iniangat niya ito sa may ere sabay hagis sa may ilog. Nang tumayo si ram ay
laking gulat niya ng nasa harapan na kaagad niya ito, biglang kinalmot ni allenna
si ram sa may leeg, dahil sa maagap nitong pag iwag ay hindi nito napuruhan si ram.
Nang makabawi si ram ay sinugid nito si allenna at pinagsusuntok, ngunit ganon na
lang ang gulat nito ng tumagos lang lahat ang kanyang mga suntok. Dahil doon ay
tumawa ng tumawa si allenna.
"Matapang ka" panunuya nito. " sa palagay mo ba ay tatalab sa akin yang mga suntok
mo?" sabi pa nito. bigla nitong sinakal si ram at iniaangat uli sa ere. Nagpupiglas
si ram ngunit di sapat ang kanyang lakas para bitiwan siya nito.
Samantala halos sabay nakarating sina mang karding at don ramon sa May ilog,
nagkagulatan pa nga sila pero dahil sa parepareho silang nagmamadali ay hindi na
nila pinansin ang bawat isa, alam nilang kailangan nilang magtungo agad sa ilog,
kahit malakas ang ulan ay hindi nila ininda iyon, ang mahalaga ay makarating sila
kaagad sa ilog at mailigtas ang buhay ng mga bata.
============================
Konting hinga na lang po at matatapos na ang kwentong ito, abangan nyo po ang
kasunod, sinisimulan ko na po. "ASTRAL BODY" sana po ay magustuhan nyo rin at
subaybayan gaya ng pagsunaybay nyo sa ANG SUMPA NI ALLENNA.
=================
Sumpa ni allenna 44
Nahintatakutan ang mga kasama. ni don ramon sa nakita nila, sakal sakal nito si ram
habang nakaangat sa ere. Nang mahimasmasan si alimg delia at vangie ay agad na
nilapitan nila si alyssa para saklolohan.
"Allenna" ulit ni don ramon sa babaeng sakal sakal ang apo niya.
Biglang lumuwag ang pagkakasakal mi allenna kay ram pagkakita nito kay ramon,
biglang nagbago ang anyo nito, bumalik ang dating ganda na akala mo ba'y hindi pa
namamatay.
"Maawa!?" tanong ni allenna at biglang nagbago uli ang itsura nito, bigla uli itong
nanging isang nakakatakot na nilalang. Bigla nito binitawan si ram dahilan para
malaglag ito sa ilog, agad namang dinaluhan ni mang karding ang binata dahil sa
baka ito'y malunod, halos wala na itong lakas dahil sa pagkakasakal ni allenna at
dala na rin ng maraming sugat sa katawan.
Unti unting lumalapit si allenna kay don ramon. "maawa?" ulit nito. "yan din ang
mga binigkas ko noon sa inyo" umiiyak ng dugo si allenna habang papalapit ng
papalapit ito sa matanda. "lahat ng pamamakaawa ay ginawa ko na" at biglang
humagulgol na si allenna sa sobrang pihagti.
Dahil sanpagkasindak ay hindi agad nakakilos ang kasama nilang pari, kung hindi pa
siya tinawag ni mang karding para simulan ang dasal ay hindi pa ito matatuhan.
Binuksan ni father damian ang kanyang bibliya ay binasahan ng mga dasal.
"Sa ngalan ng diyos, inuutusan kitang. . "hindi na natapos ni father damian ang
sinabi nito dahil sa isang iglap ay humangin ng malakas, pagkumpas ng isang kamay
nito ay bigla siyang tumalsik.
"Ma. . ma. . awa ka" utal na sabi ni don ramon. "pa. . pa. . tawarin mo ko"
sumasamo nitong sabi.
"Ngayon mo tikman ang bagsik ng aking paghihiganti" sabi nito sabay halakhak.
"Kayo na muna ang bahala dito" bilin ng matanda sa asawa at kay vangie. Wala pa
ring malay si alyssa maging si ram, pero kapwa mga buhay pa.
"Allenna" agaw pansin nito sa babae. "manahimik ka na" pagsusumamo nito sa dalaga.
"matagal ka ng patay" sabi pa.
"Hinde!"sigaw nito habang hindi oa nito binibitawan si don ramon. "kung hindi dahil
sa kanya buhay pa sana ko" biglang umiyak si allenna. "kaya sumumpa ako, na hindi
ako matatahimik hanggat hindi ko napapatay ang may kagagawan nito sa akin" sabi pa
nito. "Matagal akong nag anaty ng ganitong pagkakataon, kumitil ako ng maraming
buhay para maiaalay ko lang kay satanas ang mga kaluluwa nila at mapanatili ako sa
mundong ito" mahaba nitong paliwanag sabay tawa.
"Pa. .pa. tayin mo na ko allenna" sabat ni don ramon. "kung yan ang makakapagpalaya
sayong kaluluwa ay gawin mo" sabi pa nito. " iaalay ko ang buhay ko, matapos lang
ang sumpa mo" dagdag pa nito.
"Wagggggggg" biglang sigaw ni ram. Nagising na pala ito nasaksihan ang mga
kaganapan sa pag uusap ng tatlo."Loloooooooo" sambit pa nito.
Binitawan ni allenna si don ramon na wala ng buhay. Kaya naman unti unti naman
siyang lumalapit kay karding.
"Isa ka pa" sabi nito. "kasalanan mo rin, hindi mo ko tinulungan" mapait na sabi
nito.
"Allenna" may takot na sabi ni karding. " alam mong sinubukan kong tulungan ka pero
wala akong nagawa" pagsusumamo nito.
"Huli na ang lahat, hindi na niya ako matatanggap" malungkot na sabi nito. "hindi
na ako makakapasok sa pinto ng kanyang tahanan." Umiiyak na sabi nito.
"Hindi pa huli ang lahat" sabi ni father damian na nakalapit na pala sa kanila.
"mapapatawad ka niya, humingi ka ng tawad at ikaw ay patatawarin, ang diyos ang
siyang makapangyarihan sa lahat, wala siyang hindi pinatawad basta't manalig ka
lang sa kanya" sabi pa nito. "magbalik loob ka allenna, tanggalin mo ang poot na
nananahan sa iyong dibdib at lulubayan ka ng mapagsamantlang diablo sa inyong
kaluluwa, manalig ka" panghihikayat ni fahter damian dito. "tutulungan kitang
makapasok sa kanyang tahanan" dagdag pa ng pari. "Paglabanan mo ang diablo sa iyong
kaluluwa at palayain mo ang iyong sarili." si father damian.
Unti unting umusok ang katawan ni allenna, kasabay nito ang unti unting
pagbabago ng kanyang itsura, bumalik na siya sa dati niyang anyo, ng mawala ang
usok sa katawan ni allenna.
"Wala na ang diablo sa kanyang kaluluwa" hapong hapong sabi ni father damian.
At unti unting umakyat paitaas ang kaluluwa ni allenna, kasabay ng paakyat nya ay
ang pagsambit niya sa salitang "SALAMAT".
=================
"Ang kaluluwa ni allenna ay nakalaya na" masayang pahayag ni father damian. "dahil
sa galit at poot ay nilukuban ng mapagsamantalang diablo ang kaluluwa nito, dahil
sa tindi ng pagnanais niya na makapaghiganti ay unti unti siyang kinain ng
kadiliman, nawalan siya ng pananalig sa poong may kapal" mahabang paliwanag nito.
"kaya tayong mga nabubuhay sa mundo ay wag magpatalo sa tukso ng demonyo, manatili
tayong nakakapit sa kanya,tanging siya lang" tigil nito sabay turo sa kalangitan.
"ang may alam kung ano ba ang dapat maganap sa ating buhay, hindi niya tayo
bibigyan ng mga pasakit sa buhay kung walang matinding dahilan" nakangiting pahayag
pa nito.
Tanging ngiti at tango na lang ang naisagot nina ram at alyssa kay father damian.
"Pauwi na po kami manang delia, mang karding" si ram. "kayo na po ang bahala dito
sa mansion, tumawag na lang kayo kung may problema" malungkot na sabi nito.
"Sige ram" si mang karding. "lagi kayong mag iingat" sabi pa nito.
Makaraan ang ilang buwan ay balik na uli sa normal ang buhay nina ram, alyssa,
chad, vangie at alona, nang dahil sa pangyayaring iyon ay lalong tumibay ang
kanilang pagkakaibigan. Tuwing linggo ay sama sama silang nagsisimba para laanan ng
kahit usang oras ang poong may lalang, isa iyon sa natutunannila kay father damian,
ang maglaan ng oras sa diyos kahit konting oras lang, ang magtiwala dito at
manalig. Hindi rin nila nakalimutang dumalaw sa puntod ni janice at randy.
"Sana'y maging masaya na kayo kung saan man kayo naroroon ngayon" sabi ni alyssa sa
puntod ng dalawa. Pinagtabi ang libingan nina janice at randy ng kanilang mga
magulang.
Ang hindi nila alam ay nakatingin pala ang mga kaluluwa ni janice at randy,
magkasama na sila at masayang nakangiti sa mga ito.
============================
Hello po, tapos na po ang kwento ni allenna, maraming maraming salamat po sa lahat
ng nagbasa ng aking storya. Next story po ASTRAL BODY sana po subaybayan nyo rin.
=================
Author's note
Devo0720