Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 96

`

St. Peter’s College

Sabayle St. Iligan City 9200

PANANALIKSIK SA MGA

KWENTONG SINULAT NG

MGA TANYAG NA AWTOR

Ipapasa ni: Roel M. Mocorro

Ipapasa kay: Mrs. Teresita Semorlan PhD

September 2019

`
`

TALAAN NG TALAHANAYAN

I. INTRODUKSYON

I.1 Paglalahad ng Layunin

I.2 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

I.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

I.4 Depinisyon ng mga katawagan

II. METHODOLOGY

II.1 Ang pagkalap ng mga datos sa library ay limitado lamang kayat nagpasyahan ko na

manaliksik nalang gamit ang internet.

III. INTERPRETASYON NG DATOS

III.1 Pagkilala ng mga tauhan

III.2 Tagpuan,Simbolo,Tema at Mensahe

III.3 Saglit ng Kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan at Kakalasan

III.4 Wakas, Wika, Estilo at Buod

IV. BUOD

IV.1 Kongklusyon

IV.2 Rekomendasyon

REFERENSIYA

APENDIKS

`
`

I. INTRODUKSYON

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni na bunga sa

malikhaing pagiisip na hinango sa mga pangyayari ng buhay.Nagbibigay ito sa mga magbabasa

ng nakapupukaw ng damdamin, isang tagpuan, at mabisang nakakapagtintal ng diwa o di kayay

isang damdaming mayroong kaisahan.Sa buhay ng mga tauhan ay tinatalakay ng mas maigi para

makita ang kahalagahan sa mga pangyayari. Sya rin ang nagpapakita sa sa halaga o

makabuluhang bahagi ng tao (scribd.com). Ayon pa kay Teodoro Agoncillo, ang maikling

kwento ay gumagamit ng unang panauhan, naglalahad sa buhay sa lunsod, matimpi na

paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin. Sa mga sumusunod na mga maikling kwento ay

pinapahayag ang ibat-ibang konteksto sa binahagi ng mga tanyag na manunulat sa pinas. Ang

mga kwentong ito ay kapupulutan ng aral at makapagbibigay nang bagong sensasyon o

damdamin sa mga magbabasa.

I.1 Paglalahad ng Layunin

Layunin ng pananaliksik na ito na “palawakin ang kaalaman at maunawaan ang iniiwang

kakintalan sa isip ng magbabasa.” Pangalawa,“upang mailahad at mapalawak ang kaalaman sa

maikling kwento.” Pangatlo, “nilalayon din ng pananaliksik na ito na malaman ang mga ibat-

ibang bahagi ng maikling kwento,” at ang panghuli ay para malaman kahalagahan ng maikling

kwento.

`
`

I.2 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay makakalap ng sampung maikling kwento na

makakapagbigay aral, kaalaman at kaya’y umuukilkil sa utak ng magbabasa. Kalakip rin nito ay

ang mga kwento na na-publish noon at ito pa rin ay papanahon at maaaring makapagbigay o

makapagbukas ng isip.

Ang pag-aaral na ito ay sumasakop lamang sa mga kwentong napili na sinulat lamang ng mga

pilipinong tanyag sa larangan ng panunulat.

I.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagpapalawak sa kaalaman na maaring makuha

sa mga bahagi ng maikling kwento at ito rin ay makakapagbigay ng katuturan. Inaasahan na

makakatulong nang maigi o mas makakakita ng epektibong paraan para mas maintindihan ng

lubos ang mahirap at malalalim na salita at pangungusap na ginamit sa pagsasalaysay o

pagtalakay sa madulang bahagi ng kwento.

I.4 Depinisyon ng mga Katawagan

Pagsusuri Pagsasagawa ng pag-aaral sa isang particular na paksa na may layuning mahanap

ang kasagutan at mabigyang linaw ang kuryusidad ng mananaliksik ukol ditto.

`
`

II. Metodolohiya

Inilalahad sa parting ito ang mga pamamaraang ginamat sa riserts sa pagsusuri sa mga

napiling maikling kwento. Matatagpuan dito ang pamamaraanng ginamit sa pagkalap ng mga

datos.

2.1 Ang pagkalap ng mga datos sa library ay limitado lamang kayat nagpasyahan ko na

manaliksik nalang gamit ang internet. Nasa reperensya ang mga site na ginamit sa paglakap ng

datos.

Ang disenyong ginamit sa pagpapanaliksik ay Kuwalitatibo. Dahil tumutugon sa tanong na sino,

ano, kalian at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral at nag-uusis at eksplor o

nakapagbibigay ng tiyak at deskriptibo.

`
`

III. INTERPRETASYON NG DATOS

Sa bahaging ito ipapakita ang interpretasyon ng datos sa maikling kwento. Nakabatay din

rito ang mga simbolo, tema, mensahe, kasukdulan, kahalagahan at ang tunggalian na ginamit at

nakahalahad sa nilalaman ng kwento.

3.1 Pagkilala ng mga tauhan

1. Sa Lupa ng Sariling Pagpapakilala ng mga tauhan:


Bayan
1.Layo o si Atty.Pedro Enriquez
2.Tiyo Julio
3.Ben
4.Ising
5.Fe
6.Tata Indo

Makikita natin sa talahanayan ang sampung maikling kwento na kinalap at susuriin ang

mga tauhan nakapaloob rito. Ang unang kwentong na nakapaloob sa grapiko ay ang kwentong

“Sa Lupa ng Sariling Bayan” na isinulat ni Rogelio R. Sicat ang mga tauhang tampok sa

kwentong ito ay sina Layo o si Atty. Pedro Enriquez na naulila at inampon ng kanyang amain.

Tiyo Julio natitirang kamag-anak ni Layo, Ben anak ni Tiyo Julio, Ising asawa ni Layo, Fe anak

ni Layo at Ising, Tata Indo kapatid sa ama ni Layo at Gellego pinakamayaman sa San Roque at

nagmamay-ari ng isang poultry.

2. Impeng Negro Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Impen

`
`

2. Ogor

Pangalawang kwento “Impeng Negro” na isinulat ni Rogelio Sukat ang mga tauhan sa

kwentong ito ay sina Impen ang pangunahing tauhan isang maitim o negro, sarat ang ilong at

may makapal na mga labi at si Ogor na binanggit na hari ng mga agwador at matinding kaaway

ni Impen.

3.Sinsil Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Buboy
2. Bolet
3. Buda
4. Omeng
5. Pakloy at Unyo
6. Unday
7. Manong Ben
8. Ang Reporter at si Ruby

Pangatlong kwento ay ang “Sinsil Boys” ni German Gervacio ang mga tauhan ay sina

Buboy na taga-Nasilhig na napadpad sa Maynila, Bolet kaibigan ni Buboy, Buda pinakabata sa

kanilang grupo, Omeng pinakamatagal na nagsisinsil sa kanila, Pakloy at Unyo kabilang rin sa

grupong sinsil boys, Unday nakakabatang kapatid ni Buboy, Manong Ben isang porter, Reporter

ang dahilan kung bakit mailalabas sa TV ang magkakaibigan at Ruby ang assistant reporter.

4.Ang kwento ni Mabuti Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Mabuti
2. Mga mag-aaral

`
`

Pang-apat na “Ang kwento ni Mabuti” na isinulat ni Genoveva Edroza-Matute at ito ang

sumusunod na tauhan si Mabuti isang guro, Tagapagsalaysay studyante ni mabuti, Mga mag-

aaral, nagiisang anak ni Mabuti at ang kaniyang asawa na isang mang gagamot.

5.Kalupi Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Andres Reyes
2. , Aling Martha
3. Aling Gudy
4. Mamang Pulis

Panglima ay ang kwentong “Kalupi” ni Benjamin Pascual at ito ang mga tauhan sa

kwento Andres Reyes ang sinising kumuha ng kalupi, Aling Martha may ari ng kalupi, Aling

Gudyang nag pautang sa kaibigan, Mamang Pulis ang nagimbestiga sa pagkawala ng kalupi.

6.Utos ng Hari Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Jojo
2. Guro

Panganim na kwento “Utos ng Hari” na isinulat ni Jun Cruz Reyes umiikot ang kwento sa

isang studyanting si Jojo at ang kanyang Guro.

7.Walang Panginoon Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Marcos
2. Don Teong
3. Ina ni Marcos

`
`

Pangpitong kwento “Walang Panginoon” isinulat ni Deogracias Rosario at ang mga

tauhan ay sina Marcos pangunahing tauhan, Don Teong mayamang asendero at ang Ina ni

Marcos.

8.Bangkang Papel Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Bata
2. Nanay
3. Miling
4. Mga kapitbahay ng bata

Pangwalong kwento “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza-Matute mga tauhan sa

kwento ang Bata na pangunahing tauhan, Nanay ng bata, Miling kapatid ng bata at ang mga

kapitbahay nilang sina Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading , Feli, Turing, at Pepe

9.Aloha Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Dan Merton
2. Noemi
3. Editor
4. Aloha
5. Ama ni Dan

Pangsiyam na kwento “Aloha” na isinuloat ni Deogracias Rosario at ito ang mga tauhan

sa kwento Dan Merton isang amerikano, Noemi maybahay ni Dan Merton, Editor kaibigan ni

Dan Merton, Aloha anak ni Noemi at Dan at ang Ama ni Dan na tutul sa kanilang pagiibigan ni

Noemi.

`
`

10.Sandosenang Sapatos Pagpapakilala ng mga tauhan:


1. Amang Sapatero
2. Karina
3. Nanay
4. Susie

Pangsampung kwento “Sandosenang Sapatos” na isinulat ni Luis P. Gatmaitan ang mga

tauhan sa kwento: Ang Amang Sapatero nasumkabilang buhay, Karina panganay na anak ng mag

asawa, Nanay at si Susie ang pinanganak na walang paa.

3.2 Tagpuan, Simbolo, Tema at Mensahe

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


1.Sa Lupa ng San Roque, Katanyagan at Pagtanaw sa Kakayanahang
Sariling Bayan Quezon City at kayamanan pinanggalingan magpatawad sa
sa San Fernando isang tao kahit
gaano pa kabigat
ang ginawa nito

Nasa taas na ang mga tauhan na tampok sa mga napiling maikling kwento, sa parting ito

ay ihahayag naman ang mga tagpuan na hindi lingid sa mga kwentong na banggit.

Magkakasunod-sunod ang pagtampok ng impormasyon sa ibaba sundin lamang numerong na

banggit para maitagpi-tagpi. Ang unang kwento ay ang “Sa Lupa ng Sariling Bayan” na isinulat

ni Rogelio R. Sicat at ang tagpuan nito ay sa San Roque, Quezon City at sa San Fernando.

Kantanyagan at kayamanan ang sumisimbolo sa akdang ito. Marapat lamang na matuto

tayong lumingon sa pinanggalingan kahit na saan man tayo makarating. Anumang pait ang

nakaraan.

`
`

Ang tema sa kwentong ito ay ang pagtanggap sa kapalaran at pagtanaw sa pinaggalingan.

Anuman ang naranasan natin noon sa mga taong umalipusta at umulila sa atin ay dapat matuto

tayong magpasalat at patawarin sila.

Ang mensahing umuukilil sa bawat magbabasa na sa bawat takbo o yugto ng buhay ay

ikaw lamang gumagawa kung bakit ka humahantong sa gayoong pangyayari. Kaya’t marapat

lamang itong pagbutihin at dapat ay maging handa sa lahat ng pagsubok na kakaharapin para

mapagtagumpayan.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


2.Impeng Negro Sa Gripo Impeng, Negro, Pangaalimpusta Respeto sa ibat-
at Balde sa kalagayan o ibang posisyon
uri ng buhay ng pamumuhay
ay mahalaga

Pangalawang kwento “Impeng Negro” na isinulat ni Rogelio Sukat sa tagpuan ng kwento

ay hindi inilarawan ng maagi kung saan pero saaking pagkakaintindi ay sa gripo kung saan

laging nagtatagpo ang landas nila Impen at Ogor.

Sa pangalan ng tauhan na Impeng na marahil ginamit dahil pwede itong sumisimbolo o di

kayay ikapit sa malapit na tawag na ‘aping” o naapi. Negro na maari ding ipag-uri sa

pamamagitan ng kulay at katayuan na hinuhusgahan ng mga tao. Balde na pwedeng ihambing sa

tao na pweding punan at tao ring pweding mapuno at luamaban.

Tinatalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalimpusta ng mga taong iba ang

katangian at kalagayan o uri ng buhay ito marahil ang tema ng kwento. Tinatalakay din kung

`
`

paano dapat ipaglaban ang dangal at dignidad na di dapat sila husgahan at kutyain dahil sa bagay

na kinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang

alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.

Ang mensahe ay wag husgahan ang pangalabas na kaanyuan at subukang mas kilalanin

ito at intindihin.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


3.Sinsil Sinsilan at sa Pigura ng anghel Pagharap ng Maging metatag
Nasilhig tunay na buhay at matapang sa
sa murang edad pagsubok ng
buhay na dapat
kaharapin

Pangatlong kwento ay ang “Sinsil Boys” ni German Gervacio ang tagpuan sa kwentong

ito ay ang sinsilan na kung saan madalas nagsisinsil ang mga bata at mayroon ding mga dala-

dalang mga maso at sinsil na gagamitin para kumita. Nabanggit din sa kwento ang lugar na

Nasilhig kung saan nanggaling si Buboy na bida sa storya.

Pigurang anghel na nagsisimbolo sa nawalang inosente ng mga sinsil boys dahil sa

kahirapan.

Ang temang ng kwento ay ang realidad at totohanang nagaganap sa kasalukuyan na pilit

parin tayoy nagbubulagbulagan.

Ang mensahe sa kwento ay ang pagiging metatag at masigasig para magpatuloy sa buhay

at manatiling buhay kait na lugmok na sa kahirapan.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


4.Ang kwento ni Sa Paaralan Bata, Guro, Ang babae ay Maging matatag
Mabuti Silid-aralan may tinatago ring sa lahat ng bagay
kalakasan sa dahil maraming

`
`

ibang bahay tao ang umaasa


kalakip sa at nagmamahal
pagiging sayo
emosyunal nito

Pang-apat na “Ang kwento ni Mabuti” na isinulat ni Genoveva Edroza-Matute hindi man

direktang pinahiwatig kung saan naganap ang storya pero di maipagkakaila na sa paaralan ito

nangyari.

Simbolo ay ang bata na nagsilbing inspirasyon kay mabuti, ang kanyang pagiging guro na

dapat maging modelo sa pagiging masigasig at silid aralan na pangalawang bahay ng kanyang

mga estudyante at kailangan mung maging pangalawang magulang ng mga ito.

Ang tema sa kwentong ito ay ang mga babae ay matatag sa mga problema lingid sa

kaalaman ng mundo.

Ang maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay. Huwag mong itago ang iyong

nadarama dahil hindi ito makatutulong. Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti. At ang

apnghuli ay ang pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


5.Kalupi Kalsada na Kalupi Pantay pantay na Pagtanggap sa
malapit sa panghuhusga sariling kamalian
outpost ay mahalaga

Panglima ay ang kwentong “Kalupi” ni Benjamin Pascual isang bahay o maliit na

barung-barong kung saan nakatira ang pamilya ni Aling Marta na sya ring lugar kung saan

naiwan ang pinaniniwalaang ninakaw na kalupi ni Andres. Pamilihan sa Tondo na kung saan

natuklasan ni Aling Marta na wala na ang kanya ang kalupi. At ang panghuli ay ang kalsa na

malapit sa outpost kung saan binawian ng buhay ang bata.

`
`

Ang kalupi ang sumisimbolo sa kwento dahil ditto nakagawa ng bagay si Aling Marta na

maaaring makasama sa kanya.

Ang tema ng kwento ay wag maging mapanghusga lalo na kung walang nagpapatunay na

ginawa iyon ng iyong kintutuban upang hindi makagawa ng mga desisyong maaaring pagsisihan

sa huli.

Ang mensahe ng kwento ay maging mapanuri at mas maging masigasig sa mga desisyon

na ginagawa.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


6.Utos ng Hari Sa Silid-aralan Chapel Realidadna Pag-unawa at
nagag-anap sa pagintindi sa
silid-aralan ating kapwa

Panganim na kwento “Utos ng Hari” na isinulat ni Jun Cruz Reyes ang tagpuan sa

kwentong ito ay sa paaaralan kung saan pumapasok si Jojo.

Ang sumisimbolo sa kwento ay ang Chapel kung saan nakita si Jojo at ang kanyang

gurong nagdadasal ang lugar kung saan tayo’y pantay-pantay at wari ay wala tayong karapatang

manghusga dahil sa mata ng Diyos tayo ay mabuti.

Ang tema ng kwento ay nagpapakita ng makatotohanang pangyayari dahil ito’y

napapanahon sapagkat maraming studyanting katulad ni Jojo ng maaring maypinagdadaanan.

Ang mensahe ay ang pagunawa at pagkilala sa mga taong kinagagalitan dahil maaaring

meron itong malalalim na pinaghuhugutang kung bakit sa ganoon at may mabigat na

pinagdadaanan at nararamdaman tulad mo.

`
`

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


7.Walang Isang Bayan Kabukiran Pagkaganid sa Maging makatao
Panginoon lupain at at patas sa lahat
pangaabuso sa ng bagay ay
mahihina dapat pairalin

Pangpitong kwento “Walang Panginoon” isinulat ni Deogracias Rosario ang tagpuan sa

kwento ay sa isang bayan kung saan nakakaranas si Marcos ng masidhing damdamin at poot

kapag napapakinggan nya ang animas o ang tunog ng kampana na naghihikayat ng mesa o

panalangin para sa mga taong nasa purgatoryo.

Kabukiran ang sumisimbolo kung saan ang lupang tinitirhan nina Marcos at nang

kaniyang ina na pilit na inaangkin ni Don Teong.

Ang tema ng kwento ay umiikot sa dalawang pwersa na nagpapatigasan sa isang

maralitang pamilya at sa isang mayamang pamilya na namamantala sa kanilang kahinaan ng

kalaban nito.

Sa pagbanggit ng “Walang Panginoon” sa hulihan ng kuwento ay ang mensahing sa isang

pag-asam ng lipunang walang mataas at walang mababa dahil tayo ay pantay pantay walang

lamang walang kulang ganoon tayo ka espesyal sa mata ng Diyos.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


8.Bangkang Sa Bahay Bangkang papel Malagim na Bago sumapi sa
Papel resulta ng isang kilusan
digmaan laging isipin ang
kapakanan ng
pamilya

`
`

Pangwalong kwento “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza-Matute ang tagpuan ay sa

mismong bahay kung saan sila ay nangangamba kung bakit di pa dumarating ang kanilang ama

na di na makakauwi dahil pumanaw na.

Ang bangkang papel na sumisimbolo sa kabataan ng batang lalaki na Malaya at

masayang nakakapaglaro noong buhay pa ang kaniyang ama.

Ang mesahe ng kwento ay umiikot sa isang batang lalaki na nagging ulila dahil sa

digmaan. Maging matatag at puno ng pag-asa. Pag-asa na minsan sinakay natin ang ating

munting pangarap. Ngunit dahil sa mga alon na dumarating sa ating buhay, lumulubog ang

bangka kasama ang mga pangarap natin. Pero dahil pursigido tayong magtagumpay, gagawa at

gagawa pa rin tayo ng bangkang papel at babaunan ng panalangin na malayo ang mararating

nito. Malayo ang mararating ng mga pangarap natin.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


9.Aloha Honolulu, Lupa at Langit Rasyal Walang estado
Hawaii at sa diskriminasyon ang pagmamahal
California, USA dahil tayo
pantay-pantay

Pangsiyam na kwento “Aloha” na isinuloat ni Deogracias Rosario ang tagpuan sa

Honolulu, Hawaii kung saan nagkita sina Dan at Noemi at sa California, USA gusting isama ni

Dan si Noemi para magpakasal.

Langit at lupa ay sumisimbolo sa mahirap at mayaman na numiraunong proble nang

magkabiyak sa kwentong ito.

Ang tema ng kwento ay rasyal diskrimanasyon dahil sa hindi sang-ayon nang ama ni Dan

si Noaime dahil hindi nila ito ka uri at ka leybel.

`
`

Ang mensahe ng kwento ay dapat ipaglaban ang pagmamahalan kung alam mo na ito ay

tama at matutung tumanggap ng desiyon kung di naman ito nakakasakit at nakakasama sa iba.

Kwento Tagpuan Simbolo Tema Mensahe


10.Sandosenang Sa Bahay Sapatos Walang Maging positibo
Sapatos kapansanan ang sa lahat ng
hahadlang sa pagsubok
pagmamahal ng sabuhay
isang ama

Pangsampung kwento “Sandosenang Sapatos” na isinulat ni Luis P. Gatmaitan ang

tagpuan ay sa aking pagsusuri ang buong kwento ay ay umiikot sa bahay at komunidad lamang

nila Karina.

Sandosenang sapatos na tinago ng yumaong ama nagsisimbolo so pagmamahal ng

nito sa kanyang anak na mayroong kapansanan..

Ang tema ng kwento ay ang pagtanggap at pagpuna ng pagmamahal sa

kakulangan mapapisikal man ito o mentalidad sa membro n gating pamilya o sa mga taong

nakapaligid satin na mayroon silang karapatan na tanggapin at mahalin.

Walang kayang humadlang sap ag-ibig ng isang pamilya, kahit anong mangyari sa

ating buhay o kung ano mang mga problema an gating harapin, hindi tayo mag-iisa dahil naryan

an gating pamilya.

3.3 Saglit na Kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan at Kakalasan

3.3. 1 Sa Lupa ng Sariling Bayan

Saglit na kasiglahan

`
`

Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao dahil sa kalupitan ng kapatid ng ama ni

Layo na si Tata Indo na kahit matagal na itong pumanaw ay hindi parin ito nawala. Hanggang sa

ito’y magkaroon ng kanser at nagpasyahang patawarin ang kanyang tiyuhin sa mga masasakit na

pinaggagawa sa kanya.

Kasukdulan

Kakalasan

3.3.2 Impeng Negro

Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng

pagkatao mayroon sila sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan din paglalahad ng may akda sa

katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng kanyang mga

nakakasalamuha sa lipunan.Sa pang aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili at

ang kanyang pamilya. Naroroon nasi Impen sa igiban at inaasar ni Ogor tinawag nanaman syang

negro hinayaan nya lang ito pero ng sipain nya ang balde ni Impen nanlumo sya sa ginawa sa

kanya. Sa sobrang galit ay ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga

dagok na binitawan niya sa kasagupang si Ogor

Tao laban sa lipunan, dahil si impen ay nakikipaglaban at pinapakita niyang kailangan

siyang respituhin iba man ang pisikal nitong hitsura sa nakakarami.

Sa pamamagitan ng kanyang dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya.

Hindi niya mapaniwala ang lahat sa nagyari kaya’t ganun na lamang ang katahimikang naganap.

Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyang mga mata na tinutuyo ng pagtitig ng

mga matang nasa kapaligiran niya. Nadama niya na siyay tila mandirigma na matatag na

nakatindig sa pinagwagihang larangan.

`
`

3.3.3 Sinsil

Si Buboy ngayon ay nasa Maynila na at mas dinaig pa ang Manong Ben nya at hindi na

nya kailangang magtago sa porter para makarating sa Maynila. Sa makatuwid ay libre syang

nakapaglakbay patungong Maynila.

Ang tunggalian sa kwento ay ang pakikipaglaban ng grupong sinsil boys sa kahirapan

kahit silay nasa mura pang edad.

Sa interview ng mga reporter ay gusto nilang malaman kung nakapag-aral ba ang mga

sinsil boys. Subalit walang nagtaas ng kamay gusto sana ni Buboy dahil nakapagaral naman sya

hanggang greyd tri pero inabot sya nang hiya dahil wala nino man sa ka grupo nya ang

nakatuntong sa pagaaral.

Ang tunggalian ay tao laban sa lipunan dahil iniisip ng marami na ang mga sinsil ay pisti

sa kanialng lugar

3.3.4 Ang kwento ni Mabuti

Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil

sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa

Panitikan dahil dito siya bihasa.

Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan

dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan.

Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si

Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot ni

`
`

Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa pagtuklas sa

suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.

Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na

pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting

manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang

sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang

puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa

pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw

din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng

mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.

Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang

asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.

3.3.5 Kalupi

Si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke.

Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang

paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na

niyang ikabuwal.

Nang napagalaman niyang nawawala ang kanyang kalupi iisang tao lamang ang kaniyang

iniintrigang kumuha nito ang batang paslit na sumubsub sa kanya kanikanina lang.

`
`

Ang tunggalian na tinalakay sa maikling kwento na ang kalupi ay tao laban sa tao, tao

laban sa lipunan at tao laban sa sarili. Dahil sa kawalan ng pruweba at ang mabilis na

panghuhusga sa pisikal na anyo ay nagging sanhi sa pagkawala ng innosenting buhay.

Nang nalaman ni Aling Marta na ang kanyang kalupi ay naiwan lamang sa bahay ay

sobra ang kanyang pagsisi kung bakit pinaibabawan sya ng emosyon at di pinakinggan ang

hinaing ng batang lalaki.

3.3.6 Utos ng Hari

Ang pagsasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na

patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero

walang karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na

gusto niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na

hindi siya pakikinggan. Kung pakikinggan man siya, alam pa rin niya na mababalewala lang din

ito.

Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na

patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero

walang karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na

gusto niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na

Sabi nga ni Jojo sa kanyang sarili: Ano bang masama sa ginawa ko sa chapel?

Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yun? Siguro ang masama’y kung bakit

biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi.

3.3.7 Walang Panginoon

`
`

Nang magkita ang landas nina Anita at Marcos na syay humantong sa kanilang

pagiibigan.

Nang malaman ni Don Teong na magkasintahan sina Anita at Marcos at dahil doon

sinaktan nya ang kanyang anak na humantong sa pagkakamatay nito. At mas nagpasama pa ng

loob ni Marcos at ginustong maghiganti rito. At kung papano at sa anong paraan

makakpaghiganti si Marcos kay Don Teong.

Nang sinusuwag na ng kalabaw ang mapangalipustang matanda na si Don Teong at

kadahilanang ito ay binawian sya ng buhay.

Kumalat ang balitang si Don Teong ay namatay sa pagkakasuwag ng kalabaw. Sinabi ng

mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinisimpang galit

sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamang matanda at nasapul ang kalamnan ng sikmura

ng matulis na sungay ng hayop.

3.3.8 Bangkang Papel

Nagsimula ang kwento sa isang batang lalaki ang nagising sa malakas na dagundong at

nakasisilaw na liwanag subalit napagtanto niyang wala ng pumapatak sa bubungan. Hinanap niya

ang kanyang ama at ina ngunit pinatulog lang sya ulit at kinumbising magpapalutang sila ng

bangkang papel paggumising na sya.

Pagkagising nya ay gusto na nyang magpalutang ng bangkang papel subalit nakita nya

ang kanyang ina na nakalugmok at hinahapyos ang buhok ng kanyang kapatid na si Miling.

Napagtanto nyang marami ang nakapaligid na tao sa kanilang bahay at di maintindihan kung

bakit sila nandoon.

Napag-alaman ng batang lalaki na nabilang ang kanyang ama na napabalitang kasama sa

labinlimang napatay sa isang engkwentro ng mga sundalo.

`
`

Tinanong ng batang lalaki ang kanyang ina kung bakit napasali at napaslang ang kanyang

ama at bakit ito pinatay ng mga sundalo pero napagtanto rin nya na pareho lamang sila ng

katanungan ng kanyang ina.

3.3.9 Aloha

Nang nagbakasyon si Dan sa Hawaii regalo ng kanyang ama sa kanyang pagtatapos at sa

kanyang bakasyon nakilala nya si Noaemi. At nagmahalan ang mga ito at isinama sa kanyang

pagbalik si Naoemi.

Ang tunggalian sa kwento ay ang di pagsang-ayon ng ama ni Dan Merton kay Noaemi at

sa kanilang pagmamahalan.

Napagpasyahan ni Dan na umuwi at isama si Noeami at ipaalam sa ama nito na sil ay

magpapakasal na.

Sa parting tinanong ng ama ni Dan si Naoemi kung nabawasan baa ng kanyang

pagmamahal para kay Dan sa kanyang nakita at inalok niya si Noemi ng 10,000 dollars kung

nais niyang tumakas at sinabi din niya na hindi magiging maligaya sa kianyang anak sa piling

niya sapagkat lalayuan si dan ng kanyang mga kalahi.

3.3.10 Sandosenang Sapatos

Nasa Grade II na si Korina ng muling magbuntis ang kanyang Nanay. Kay tagal na

nitong hinihintay na magkaroon ng kapatid. Sabi ng Lola nito, sinagot na raw ang matagal nilang

dasal na masundan ito.

Ng pinanganak ang bunsong kapatid ni Karina na si Susie at napansin na kulang at wala

itong mga paa.

`
`

Nang may isang mama na nakakita kay Susie ay kinutya ito. Biglang namula ang ama ni

Korina at tinikom ang kamao nito sa galit at kasabay nitong ang ngitngit at nangugusap nitong

mga mata. Muntik na sanang gulpihin ang mama ng hindi ito pinigilan ng kanyang asawa.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi si Korena sa bodega ng bahay nito.

Naghahalungkat siya ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-

ampunan Sa paghahalughog, nabuksan nito ang isang kahong mukhang matagal nang hindi

nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na

nakasalansan. Napaiyak ito nang makita ang mga sapatos. Hindi nito akalaing ganu’n pala

kalalim ang pagmamahal ng Ama. Binitbit nito ang sandosenang sapatos at ipinakita sa Ina at

kay Susie.

3.4 Pangwakas

3.4.1 Sa Lupa ng Sariling Bayan

Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa San

Roque dahil sag alit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan sya ng kanyang tiyuhin na

si Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad ang mga taong nagpahirap sa kanya

ng mahabang panahon. At sa kanyang pagpanaw ay inuwi na ang kanyang katawan sa

kinamumuhian nyang lugar na sa San Roque.

3. 4.2 Impeng Negro

Napasuko na nga ni Impen si Ogor na nang hihina. Napatingin lahat ng tao at sa

kaunaunahang pagkakatataon namangha ang mga ito sa taglay na sa kalakasan ni Impen.

3. 4.3 Sinsil Boys

`
`

Hinubad ni bubo yang kanyang duguang damit. Tinitigan niya sandal ang pigurang

anghel at ibinalot sa hinubad bna t-syirt. Matapos ay itinapon niya ito sa nakatmbak na basura sa

kabila ng barbwayr. Ipiniligpilig nya ang nagsisimula nang mamigat na ulo. Humugot siya ng

isang malalim na hininga at kumaripas na ng takbo papunta sa naghihintay na mga kasama.

3.4.4 Ang kwento ni Mabuti

Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at

iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

3. 4.5 Kalupi

Namatay ang bata at simula ng araw nay un nagbago na si Aling Marta hindi na sya

nagging panghusga. At Masaya narin namumuhay si Andres kasama ang kanyang pamilya.

3. 4.6 Utos ng Hari

Ang wakas ng kwento ay bagamat ganoon ang pagbibigay-suri sa guro na nasa kwento,

hindi ko naman sinasabi na ang mga guro ay isang malaking “antagonist” sa kwento. Oo.

Maraming pagkakataon na perfectionist ang mga guro. Dahil gusto nilang matuto ang kanilang

mga estudyante. Mula sa pananaliksik hanggang sa kung paano mo ilalatag ito sa klase. Gusto

nila na tinatahak mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid na landas kaya lagi silang nagpapaalala sa

mga tama at kagandahang asal. Pero ang tanong, pati nga ba ang personal na buhay ay kailangan

nilang panghimasukan?

3. 4.7 Walang Panginoon

Nagwakas ang kasakiman at pagkaganid ng matandang si Don Teong sa kanyang

pagpanaw ng pasuwag sya ng kanyang alagang kalabaw.

3. 4.8 Bangkang Papel

`
`

At ang pangwakas ng kwento ay di na makakapagpalutang ng bangkang papel ang batang

lalaki dahil maaalala nya nanaman ang hindi magandang napaghantungan ng kanyang ama.

3. 4.9 Aloha

Nagtapos ang maikling kwento sa pasabi nila Dan at Noemi na mayroon silang anak na

nagngangalang Aloha.

Nakatanggap si Dan Merton ng isang kable galing sa kanyang ama kung saan sinasabi na kung

nais niyang makasama ang kanyang asawang kanaka sa isang maligayang pasko ay huwag na

huwag siyang tatapak sa unang baitang ng hagdan ng kanilang tahanan, ngunit hindi niya ito

sinabi kay Noemi.

Nagsimula ang kwento sa pag-uusap ng isang mayamang Amerikanong mamahayag na nagtapos

sa Unibersidad ng Southern California na si Dan Merton, at ang nagsasalita sa istorya na di

pinangalanan sa Wakiki Tavern sa Honolulu, Hawaii habang papalubog ang araw.

3. 4.10 Sandosenang Sapatos


Nagwakas ang kuwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may kalakip na

sulat na pagbati sa minamahal na anak. Nang Makita ito ni Susie ang napakaraming sapatos ay

nagulat siya dahil ang mga ito ay nakita na nya kanyang panaginip. At sa pagsusuri nito ay lubos

niya itong nagustuhan at sa wakas ay nagliwanag ang kabuuan at mensahe ng kuwento – ang

pambihirang pagmamahal ng ama sa anak at ang ispiritwal na koneksyonng nabuo bunga sa

pagmamahalang ito.

`
`

3.5 Wika

3.5.1 Sa Lupa ng Sariling Bayan

Ang wikang ay ginagamit pakikipag realismo, na taliwas sa idealismo, ay naglalayong

irepresenta ang mga pamilyar na bagay sa kung ano talaga sila. Ang mga may-akdang realista ay

namiling ilarawan ang mga pang-araw-ataw at mga pangkaraniwan na mga gawain at karanasan.

3.5.2 Impeng Negro

3.5.3 Sinsil Boys

Ang wikang ginamit ay realismo at sikolohikal.

3.5.4 Ang kwento ni Mabuti

3.5.5 Kalupi

Wikang ginamit ay realismo

3.5.6 Utos ng Hari

Wikang ginamit ay formal dahil ang taong nagsasalita ay professional o guro.

3.5.7 Walang Panginoon

Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And

akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa buhay.

3.5.8 Bangkang Papel

Bakas sa kwento ang kinikimkim na saloobin ng awtor tungkol sa digmaan na laganap

parin ngayon at di lahad sa atin na marating bata ang nagiging ulila dahil sa digmaan.

3.5.9 Aloha

`
`

Ang pagmamahalan ay wala sa lahi kundi nasa puso.

3.5.10 Sandosenang Sapatos

3.6 Istilo

3.6.1 Sa Lupa ng Sariling Bayan

Ang estilo ng pagsulat ng may akda ay propesyunal dahil ang uri ng pagsulat na nakatuon

o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon ng tauhan sa kwento.

3.6.2 Impeng Negro

Ang wikang ginamit ay realism dahil sa pagtingin ng lipunan sa mga taong iba ang itsura.

3.6.3 Sinsil Boys

Ang estilong ginamit ay ang Daloy ng Kamalayan na sinasalaysay ang mga pinagdaanan

ni Buboy at ang kanyang mga kasamahan.

3.6.4 Ang kwento ni Mabuti

Ang ginamit na estilo ay ang pagbabalik-tanaw upang isalaysay ang kwento ng kanyang

mga tagpo kasama si Mabuti at kung papaano niya nakilala ito. Ang pamamaraang ito ay

ipinapakita sa simulang bahagi ng maikling kwento kung saan nagsimulang maghayag ang

nagkukuwento sa kasalukuyang ang sinundan ng kanyang mga pagbabalik-tanaw ng mga alaala

niya tungkol kay Mabuti.

3.6.5 Kalupi

`
`

Ang tema ng may akda ay may makabuluhan sapagkat ito’y nagpapamulat sa mga

mambabasa kung ano ang magiging epekto ng mapanghusgang isipan ng tao dahil lamang sa

pisikal na anyo o kalagayan ng isang tao.

3.6.6 Utos ng Hari

Ang istilong ginamit ay paglalahad ng Malaya dahil pinapahiwatig ng may akda nang

walang pagtitigil kahit makahagip man ito ng issue sa mga titser.

3.6.7 Walang Panginoon

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan

sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

3.6.8 Bangkang Papel

Ang istilong ginamit sa pagsasalaysay sa kwento ay pagbabalik tanaw dahil sa tuwing

nakakakita siya ng mga batang nagpapalutang ng bangkang papel.

3.6.9 Aloha

Ang istilo ay sosyolohiya bilang ang pag-aaral sa mga buhay na panlipunan ng mga tao,

grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating pag-uugali bilang mga nilalang na

marunong makisama; sa ganitong paraan sinasakop ng nagustuhang larangan sa sosyolohiya

mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa pagitan ng hindi magkakilalang indibiduwal sa

daan hanggang sa pag-aaral ng proseso ng pandaigdigang lipunan..

3.6.10 Sandosenang Sapatos

Ang istilong ginamit ay malayang pagsasalaysay paglalahad ng pagkakasunod ng

mga pangyayari na maaaring gawa-gawa lamang o di kaya ay nakabase sa totoong buhay.

`
`

3.6 Buod

3.6.1 Sa Lupa ng Sariling Bayan

Bata pa lamang ay naulila na si Layo. Kaya’t inampon siya ng kanyang tiyuhin na si Tata

Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang amain. Kaya’t siya’y

nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa

kanilang bayan at sa gabi naman ay nag-aaral siya. Hanggang sa makatapos siya na pag-aaral at

nagging topnotcher. At nagging isang tanyag na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang

malaking bahay sa Quezon City.

At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon ng dalawang anak. Sa

kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na

dinanas nya sa San Roque kahait na namatay na ang gumawa nito kanya. Sa loob ng mahabang

panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga

magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong

ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay

Layo.

Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang

nadarama ng kanyang pamilya. Itinago niya ang takot na nararamdaman. Ipinilit niya na huwag

siyang ilibing sa San Roque dahil sag alit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni

Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap

sa kanya noon. At inuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.

`
`

3.6.2 Impeng Negro

Isa siyang batang uling ang itim ng balat, makapal ang buhok, malaki ang mata ang

ngoso niya ay sa palaka. Siya si Impen masipag magtarabaho sa pag-aagwador. Nagpunta si

Impen sa igiban ng tubig dahil mahina ang kita ng kanyang ina sa paglalabada patuloy parin

siyang pumunta roon kahit maraming nangaapi sa kanyo. Inaapi sila dahil sa kanilang panglabas

na kaanyuan at sa estado nang kanilang pamumuhay. Isa sa mga ito ay si Ogor kapwa niyang

agwador na matindi kung manukso.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakanim na sya ng karga

ay meron pa lang syang kumakalansing sa bulsa na sisentang sentimos. Nanatili pa rin sya roon

para umigib hanngang nakita niya si Ogor sa malapit na tindahan. Tulad ng nakagawain ay agad

siyang tinawag ni Ogor na Impeng Negro ay saka lumapit ito sakanya at sumingit papaalis n

asana si Impen nang patidin ito ni Ogor at nadapa at nagkasugat sa pisngi. Gumulong pa ito sa

mga balde pinagtawanan lamang sya nang mga tao. Hanggang hindi magkatimpi si Impen at

sinipa at pumailalim si Ogor at nasa itaas si Impen. Pinaulanan niya ito ng suntok dahilan upang

humina at sumuko ito. Dahil sa natukalasang kakaibang lakaw na taglay at nadamang tibay,

katatagan at kapangyarihan sa gitna ng sikat ng araw, siya’y nagging sugatang mandirigma na

ang tanging hiling ay ang kapayapaan kahit siyay iba sa lahat.

3.6.3 Sinsil Boys

Nagsimula ang kwento sa isang batang lalaking nagngangalang Buboy na taga-nasilhig

at napadpad sa Maynila. Kinusot-kusot niyang muli ang naninilaw na t-syirt, mawala lang ang

mantsa ng kalawang, e puwede na niya itong banlawan. Kahit halos maupod na ang gulugod ng

`
`

kanyanng mga daliri, nagbabakasakali pa rin siyang maghimala ang para nang nilamirang bareta

ng sabon na mapaputi ang nilabhan. At ngayon nga’y nasa Maynila na rin si Buboy. Mas daig

niya si Manong Ben. Hindi na niya kailangang magporter (omagtago sa kasilyas) para

makarating ng Maynila. Sa katunayan, libre ang pagpunta niya rito. Isang araw ay may sumulpot

na isang tabogol na ale sa baryo nila na nagrerekrut ng mga leyborer sa Maynila.” “Tiyempo na

lang ang hinihintay niya, kung minsan, siya ang pinagtatapon ng sikyu ng basura lalo na kung

hindi doon natutulog ang may-ari ng pagawaan.” Walang nagtaas ng kamay. Gusto sanang

magtaas ni Buboy pero nag- aaral ang itinatanong at hindi nakapag-aral. Kahit greyd tri lang ang

naabot niya, nakatikim naman siya ng eskuwela hindi tulad ng iba pang Sinsil Boys. “O mga

parts, ano’ng iiskorin natin dito”si Bolet “Magkano ba ang inabot?” si Omeng “Ube ang

hatag,”si Bolet “Di ba nag-abot din yung me dalang tb?”sinit ni Buda na ang ibig sabihin ay

yung kameraman “Gago, ke Buboy ‘yon. Ibili raw ng ban- eyd,”sabay kutos ni Bolet kay Buda.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at kumaripas na ng takbo papunta sa naghihintay na

mga kasama.

3.6.4 Ang kwento ni Mabuti

Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto

de vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.

Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang

mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang

mga sinasabi niya.

Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni

Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y

`
`

hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang

umiyan rin.

Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit

na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang

buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan

ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang

kaniyang buhay.

wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay

patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit

nilulunod na siya ng kalungkutan.

3.6.5 Kalupi

Nagsimula ang kwento sa paglabas ni Aling Marta sa kanyang munting barong-barong

upang mamalengke. Sya akmang dadaan sa isang pasilyo ng di sa sinasadya ay nahagip sya ng

batang nagmamadaling tumakbo at nasagi pa ng bahagya ang kanyang dibdib. Sa kanyang

pagbayad napansin niyang meron syang nakaligtaan, nawawala ang kanyang kalupi at sa

kanyang pagkakatanda ay di nya ito naiwan. Sa kanyang pagiisip ay pumasok sa kanyang isipan

ang senaryong naganap ng sya ay papasok pa lamang sa palengke naalala nya ang batang

hgumagip sa kanya kanina. Hinanap niya ang paslit at agad naman niya itong nakita at hindi sa

paguutibili ay sinambit na “ninakaw mo ang aking kalupi,” malakas itong tumakbo dahil

napagbintangan itong magnanakaw. Narinig ito ng pulis kaya’t sinundan rin niya ang batang

`
`

tumatakbo. Sa hindi inaasahan ay nahagip ang bata nang sasakyan naabutan ni Aling Marta bata

nakalumpasay sa daan at nagsambit pa ng katagang ‘hindi po ako ang nagnakaw kahit kapkapan

pa po niyo ko,” at tuluyan na itong nawalan ng buhay. Sa paguwi ni Aling Marta nagulat ang

kanyang anak kung bakit maraming napamili ang kanyang ina sapagkat ang kanyang kalupi ay

naiwan sa kanilang bahay.

3.6.6 Utos ng Hari

Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanting nakakulong sa konsepto ng mapaniil na

patakaran ng institusyon. Marami syang gusting sabihin dahil sa eh may karapatan sya na hindi

nya kayang itago sa kanyang sarili. At kung mabibigayan man nang pansin ay marahil hindi rin

naman ito mapagbibigyang ng pansin. Nung araw dingn iyon ay napagsabihan sya ng kanyang

guro na si Ms.Moral Character sa isang cubicle tungkol sa kanyang ugali. Marahil ay sa kanyang

kakulitan na di naman maiitanggi dahil bata pa itong si Jojo. Ni hindi niya nga alam kung saan

sya magsisimula kumakatawan din sa lahat ng guro ang ibat-ibang uri ng guro na sina

Mr.Discipline, Mrs.Gles-Ing at Mr.Mathematician. Mayroon ding ibat-ibang uri ng mukha ang

mga ito ang iba ay perfectionist sa bawat detalye, moralist at pagiging intruder sa buhay ng

estudyante. Dahil ka kagustuhan na matuto ng mga estudyante ay mula sa pananaliksik hanggang

kung pano mailalatag ang klase. Gusto nila na mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid na landas kaya

lagi silang nagpapaalala sa mga tama at kagandahang asal. Pero ang tanong, pati nga ba ang

personal na buhay ay kailangan nilang paghimasukan?

3.6.7 Walang Panginoon


Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa

mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni

Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at

`
`

kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses

nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay

matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong

ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal

at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y

kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang

karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang ang dahilan ng

pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama

ngloob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos

kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na

si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami

nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang

animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya

naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan,

ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.

Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang

tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng

mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan

kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong.

`
`

Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa

bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang

suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa

bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay

na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana,

hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang

matapang na kalabaw.

3.6.8 Bangkang Papel

Nagsisimula ang kwento sa isang batang mailgayang nagtatampisaw sa baha habang

naglalaro ng kanyang bangkang papel. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking

bangkang papel na hindi nna niya napalutang sa tubig kailaman. Nagising ang bata isang gabi sa

isang dagundong na nakakagulat kagaya sa kanyang naririnig tuwing bagong taon. Nakita niya

ang kanyang ina at pinatulog lang ulit at pinangakuan na maglalaro sila ng bangkang papel

pagkagising nito. Pumutok na ang araw at napansin ng batang lalaki na kay rami ng tao sa

kanilang bahay. Tinanong nya ang kanyang ina kung dumating naba ang kanyang ama para silay

makapaglaro ng kanyang bangkang papel. Subalit din a ito sumagot dumating pa ang mga

kapitbahay nila at maaaninag sa kanilang mga mukha ang kalungkutan. Naririnig nya sa paligid

ang balitang napaslang ang kanyang ama kabilang pa sa iba ingkwentro dawn g mga sundalo at

gayoon nalang nanlamig ang kanyang katawan dahil sa lungkot na kanyang naramdaman.

Namuo sa kanyang isipan ang tanong kung bakit pinatay ng mga kawal ang kanyang ama.

Umalis sila sa kanilang bahay sa bawat hakbang ay humalili’y tigib ng pangamba at ng mga

katanungang hinahanap ng tugon.

`
`

3.6.9 Aloha

Sinabi ng kanyang ama na sa isang hotel katabi ng dagat sila tutuloy at may magaganap

na isang party para sa kanilang dalawa.Iminungkahi ni Noemi na sana ay hindi ito isang Wild na

Party, ngunit ng pagsapit ng ika-4 ng umaga ay nakita ni Noemi na lasing si Dan at may mga

babaeng nakapulupot sa kanya na halos wala ng damit at ang iba pa na kasama sa party.

Matapos ikwento ni Noemi Merton ang kanilang romansa ay sinabi ni Dan na pag-ibig

ang magpapalapit sa silangan at kanluran. Nakita ito ni Dan Merton at prinotektahan si Noemi sa

mga humahabol sa kanya at sumigaw na dudurugin niya ang sinumang mangahas na humipo sa

katawan ng asawa niya.Tumawa si Noemi ng narinig niya ito dahil siya ay nagtagumpay at

tumugtog ng piyano at umawit ng Aloha, isang awit ng tagumpay. Nag-iwan ng 500, 000 dollars

ang ama ni Dan Merton at sila'y bumalik sa Honolulu.

Tinanong ng ama ni Dan si Noemi kung nabawasan daw ba ang kanyang pagmamahal

para kay Dan sa kanyang mga nakita at si Noemi ng 10, 000 dollars kung nais niyang tumakas at

sinabi pang hindi magiging maligaya sa piling niya si Dan dahil lalayuan siya ng kanyang mga

kalahi kaya't tinaasan pa niya at ginawang 25, 000 dollars para pabayaan niya si Dan.

Nagtungo sila sa bahay nila Dan Merton upang ang asawa nito ang magkwento na ligaw

o mali si kipling sa kanyang sinabi na : Ang silangan ay silangan, ang kanluran ay kanluran,

magkapatid silang kambal, magkalayo habang buhay.

Ang bakasyon daw ni Dan Merton sa Hawaii bilang isang regalo ng kanyang ama sa

kanyang pagtatapos at dito niya nakilala si Noemi na isang Kanaka na napakagaling magsalita

kaya naman nahulog ang loob niya rito ng magpunta siya sa Punahu School kasama ang kanyang

kaibigan na editor.

`
`

3.6.10 Sandosenang Sapatos

Sa tuwing may okasyon, ginagawan ng bagong sapatos si Korena. Natuwa ang mga

magulang niya nang magkaroon siya ng kapatid. Nang malamang babae ang kasunod niya,

sinabi ng tatay niya na magiging ballet dancer ito. Ngunit di ito nagkatotoo; isinilang ang

sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit ng ina nang ipinagbubuntis pa lang

siya. Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni Karina. Sa tuwing igagawa si Karina ng sapatos

ng kanyang tatay, napapatingin ito sa bunso at napapabuntung-hininga. Isang araw, ikinuwento

ni Susie na napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan pa niya ito. Sa tuwing

nalalapit ang kaarawan si Susie, nananaginip siya ng sapatos. Nang 12 taong gulang na si Susie,

namatay ang kanilang ama. Isang araw, pinasok ni Karina ang bodega upang maghanap ng mga

sapatos na ibibigay sa bahay-ampunan. Napansin niya ang ilang kahon na maingat na

nakasalansan. Nang buksan niya ang mga ito, nakita niya ang isang dosenang pares ng sapatos

na may iba’t ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati

pang nakasulat mula sa tatay niya – para sa pinakamamahal na anak nitong si Susie. Nang

makita ang mga ito ni Susie, sinabi niya na ito ang mga sapatos na napapanaginipan niya.

`
`

4.1 Kongklusyon

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng pagsaliksik, nakita natin at mas

naintindihan ang bawat kwento sa paghimayhimay natin nito. Mas nabibigyan natin ng madaling

paraan sa pagintindi sa bawat maikling kwentong napili.

1. Napapagaan nito ang mga mahihirap intindihin na bahagi ng kwento.

2. Nagkakaroon ng kaugnayan sa sa magbabasa dahil mas napapadali nito ang

pagintindi.

3. Nagkakakonekta talaga ang bawat bahagi ng kwento

4. Mas madaling makakuha ng bagong impormasyon

5. Napapalawak ang kaalaman ng magbabasa

4.2 Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

Para sa magbabasa

1. Mas pagtoonan ng pansin ang pagbabasa dahil mas nakakapagpalawak ito ng kaalaman at mas

napapayabong nito ang kaalaman saating kultura at wika.

2. Sanayin ang sarili sa pagtangkilik ng sariling atin upang makatulong sa pagpapalawak ng

talasalitaan

`
`

REFERENSIYA

Lebus, J. (2012, June). Buong Kwento Ng sa Lupa Ng sariling Bayan Ni Rogelio Sikat.

Retrieved from http://jayzielebusproyektofilipino.doomby.com

Anonymous. (2009, March 24) Markjan. Impeng Negro.

Retrieved from https://markjan-markjan.blogspot.com/

Anonymous. (2012, July 13). Markjan. Ang Kwento ni Mabuti.

Retrieve from https://markjan-markjan.blogspot.com

Anonymous. (n.d.). Pambuliglig Samutsaring Sanaysay. Aloha.

Retrieve from https://evdumlaosanaysay.blogspot.com

Anonymous. (2014, June 12) Panitikan Philipine Portal. Sandosenang Sapatos.

Retrieve from https://panitikan.ph/2014/06/12/

Castro, J.D., Clara, R., Dancillo, A.M., Domingo, D.O. (2014, Oct 2). Pagsusuri sa Panitikang

Pilipino sa Panahon ng Kontemporaryo.

Retrieve from https://www.slideshare.net/dennimardomingo/pagsusuri-sa-panitikang-

pilipino-sa-

panahon?fbclid=IwAR0buYp4p8PTqPG2kyVZBtCPqomtns2WS1TWOnDf9ERs1sgsQUfuQ2V

UAMA

Baloro, N. (2017, March 20). Pagsusuri sa Akdang Utos ng Hari.

`
`

Retrieve from https://www.slideshare.net/nessa-baloro/pagsusuri-sa-akdang-utos-ng-hari-

ni-jun-cruz-reyes?fbclid=IwAR0LwzP7HEpJwD3TPCIQBsui4j4L8zwsUf1DXHWg-

OeNabDMXcuhklgBXnA

Anonymous. (2012, December 14). Short Story Review. Ang Kalupi

Retrieve from https://colintupaz.blogspot.com/2012/12/short-story-review-benjamin-p-

pascuals.html?fbclid=IwAR3I5GQ6YGEIXJdGB-

VTqczMf4ey711t8agzcnAV7AIO0L0MQfjYdEjR3lg

Mikee, R. (2015, March 20). Sinsil Boys

Retrieve from https://www.slideshare.net/weinamyki/sinsil-

boys?fbclid=IwAR1N57UiY8uSys0L-CoaMVitU8ohfMK-Bn23HdGcVsDIrDzlNqp6k9ugCiY

`
`

APENDIKS

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Walang hindi umuuwi sa atin. Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Namatay ang kanyang

ina noong siya’y limang taong gulang lamang. Di naglipat-taon, sumunod na namatay ang

kanyang ama,. Siya’y inampon ng isang amain - ang kapatid ng kanyang ama sapagkat wala

nang ibang sa kanya’y mag-aampon. “Dalawang pera lang ang hihingin niya noon sa kanyang

Tata Indo ay kailangan pa niyang maghapong umiyak.” Sa ganitong pangungusap malimit

ilarawan ni Ama ang kakuriputan at kabagsikan ng amaing iyong nag-ampon kay Layo. “Kaya

ang gagawin ng Layong iyan ay paririto sa iyong ina sasabak ng iyak. Ku, kumakaripas pa ng

takbo iyan kapag nabigyan ng ina ng tatlong pera. “Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng

batang iyong binabanggit ni Ama: Mula sa isang api-apihang kamusmusan, siya ngayo’y isa na

sa mga kinikilalang manananggol sa lunsod. Kausapin mo ang isang abugado o kaya’y isang

kumuha ng abugasya at malamang na nakikilala niya kung sino si Atty. Pedro Enriquez.

Sasabihin ng abugado na talagang magaling ito ( topnotcher yata iyan, sasabihin sa iyo ng

abugado): sasabihin naman ng estudyante na talagang magaling ito, lamang ay mahigpit sa klase

( si Layo ay nagtuturo rin ng batas sa isang unibersidad at isang taga-San Roque ang minsa’y

ibinagsak niya). Tatlo ang tanggapan ni Layo: isa sa Escolta, isa sa Echague ( sa itaas ng isang

malaking hotel doon), at isa sa Intramuros, sa pinakamalaking gusaling nakatayo noon ngayon.

Bago siya naratay ay umuwi siya sa amin sa San Roque, Bakasyon noon at nasa San

Roque rin ako. Kasama niya ang asawa at dalawang anak. Sakay sila ng isang kotse-

bihirang mapasok ng kotse ang San Roque. Sa tapat ng aming maliit na bahay huminto

ang kotseng iyon. “Galing kami sa San Fernando ( ang bayan ng kanyang asawa), at

`
`

nagyaya si Ising at ang mga bata rito. Gusto raw nilang makita itong San Roque.” Ayaw

umuwi ni Layo sa aming Bayan: totoo nga marahil na ang pinakamapapait na hinanakit

ay inilalaan ng isang nilikha sa kanyang sariling bayan: hindi pa nakakalimutan ni Layo

ang kanyang mga hinanakit sa San Roque - kahit ngayong maluwag na ang kanyang

buhay. Hindi sila gaanong nagtagal sa amin sa pagdaraang iyon. Pagkainom nilang

mag-anak ng inuming pampalamig ay nagpaalam na sila. Sumakay sila sa kotse at mula

noon ay hindi na nagbalik. Gayon man, malimit pa rin silang magkita ni Ama sa

Maynila. Si Ama ay isang retiradong guro. Isang kumpare niya ang magpapatulong sa

isang kaso sa manahan. Hinahabol ng kanyang kumpare at ng mga kapatid nito ang

isang malawak na lupa sa San Jose na itinatayang hihigit sa kalahating milyong piso

nag halaga. Inirekomenda ni Ama si Layo sa kanyang kumpare at dito nila inilapit ang

kaso kadastral na iyon. Tuwing maluluwas si Ama at kanyang kumpare ay dumaraan

sila sa tinutuluyan kong bahay – pangaserahan. Sinasamahan ko sila sa pagpunta kina

Layo. Marami akong nalaman sa pagsama-sama kong ito sa opisina ni Layo. Malaki na

pala ang bahay ni Layo sa Quezon City. Malawak pala ang kanyang lupa sa Isabela.

Siya pala ang umusig kay gayo’t ganitong tao. Siya pala ang abugado ng malaking

korporasyong iyon. Tanyag na nga at matagumpay si Layo. Ngunit ang hinanakit sa San

Roque ay hindi pa rin nalilimutan. “Ni puntod ni Ama’t Ina ay di ko madalaw,” minsa’y

nasabi sa amin ni Layo. Nagpauna noong umuwi sa Kalookan ang kumpare ni Ama at

kami’y isinama ni Layo sa kanyang bahay. Doon nang kami na lamang ang

magkakaharap, ay nakabitiw siya sa kanyang mga kilos, gawi at salitang abugado.

Naghubad rin siya ng barong-tagalog at nakakamiseta na lamang sa pakikipag-usap sa

amin. Ang tungkol sa puntod na iyon ng kanyang mga magulang ang hindi malimut-

`
`

limutan ni Layo. Maliit lamang ang libingan ng San Roque noon; mabuti ngayon at may

bakod na’t may malalaking nitso. Marahil, ang puntod ng mga magulang ni Layo,

kaawa-awa rin ang kanyang ama’t ina, kung nakabuhayan ba nila ang pagtatagumpay

ni Layo ay nakasama sa putol na lupang nabili ni Gallego, ang pinakamayaman sa

amin. Ngayo’y may nakatayong poultry ng manok sa dating bahaging iyon ng libingan,

isang malaking bahay ng manok sapagkat malaki ang poultry ni Gallego. Sinasabing sa

mga dumi lamang iyon ay pinapala ng kanyang mga trabahador sa ibabaw ng mga

dating puntod, at ipinagbibili sa mga palaisdaan ng bangos.

Ang katulong na abugado ni Layo. Dinaraanan pa rin ako ni Ama sa bahay-

pangaserahan. Iyon ang bilin ko sa kanya; matanda na si Ama at natatakot akong baka

sa pagtawid-tawid niya ay matumbok na lamang siya sa sasakyan. Madalang na niyang

makasama ngayon ang kanyang kumpare; naisaloob marahil ng kanyang kumpare na

totoong nakaabala na siya kay Ama kung kaya siya na lamang ang sumama sa abugado

sa mga bisita. Dinadalaw namin ni Ama si Layo, na itinuturing na ni Amang pamangkin,

hindi dahil sa nais naming tumunton ng isang mayamang kamag-anak ( dumarami ang

kamag-anak ng isang tao kapag mayaman na siya), kundi dahil si Layo na rin ang

tumunton kay Ama at sa amin bilang mga kadugo. “Kayo lamang ang matutunton kong

kamag-anak sa San Roque ,” minsa’y sinabi niya sa aming mag-ama. “ Kayo lang, Tiyo

Julio , Ben.” Malaki ang ipinangangayat ni Layo mula nang siya’y magkasakit. Ngayo’y

maputlang-maputla siya. Malimit namin siyang datnan na mahaba ang balbas. Maliit

siyang lalaki at lalo pa siyang lumiit sa tingin ko nang siya’y magkasakit. Lalo namang

lumaki ang kanyang ulo. ( Marunong talaga ang Layong iyan, malimit sabihin ni Ama,

`
`

iyon ba namang laki ng ulong iyon!)

Sa isang pribadong silid sa ospital siya nakatigil. Hindi siya iniwan doon ng kanyang

maybahay . Kung minsan, naroon ang isa niyang anak, si Fe, ang bunso. Walang imik

ang may bahay ni Layo. Dati raw itong modista sa San Fernando. Ngayon ngang

maratay si Layo, mga kamag-anak lamang nila sa panig ni Ising ang dumadalaw sa

kanya. “ Walang napaparitong taga-San Roque?” minsan ay itinanong ni Ama. “ Hindi

ko sila hinihintay Tiyo Julio.” Ang tungkol sa kanyang tunay na karamdaman ay

kamakailan lamang namin nalaman. Kinausap ni Ama ang doktor na tumitingin sa

kanya. Malaki na raw ang naputol na bahagi ng kanyang bituka.“Sana’y nakasama na

roon ang bahaging may kanser,” sabi ng manggagamot.Yaon ay sa pangalawang pag-

opera kay Layo.

Hindi na niya kinakailangan ang ikatlong operasyon. Nang muli naming kausapin ang

doktor,sinabi nitong laganap na ang kanser sa kanyang bituka at tatlong buwan na

lamang ang pinakamahabang itatagal ng kanyang buhay. Ang sabi ni Ama’y may

tatlumpu’t pitong taong gulang lamang si Layo. Nang kami’y pumasok sa silid ay

mataman ko siyang pinagmasdan. Kay bata pa niya upang mamatay. Tanyag siya

ngayon, ngunit hindi pa niya naaabot ang tuktok ng katanyagan. Sino ang makaaalam ,

nasabi ko nga kay Ama nang kami pauwi na, kung magiging hukom siya balang-araw?

Sa loob ng tatlong buwan na ibinigay na taning ng manggagamot ay malimit naming

dalawin si Layo. Gusto ni Layo na lagi naming dinadalaw. Kapag may isang linggo

namin siyang hindi madalaw, naghihinakit na siya. Kami’y raw ba’y nagsasawa na sa

`
`

pagdalaw sa kanya? “ Naiinip kami rito, Tiyo Julio.” sabi niya kay Ama. Nagtaka pa

ako nang malaman kong alam ni Layo ang kanyang sakit. “May kanser pala ako. Tiyo

Julio, ay di ko nalalaman” pabiro niyang sabi kay Ama. “ Ang buhay nga naman, oo,”

bahagya siyang tumawa, “kay lakas-lakas kong tao’y may kanser pala ako.” Sinabi niya

iyon na parang iyon ang pinakakaraniwang bagay na kanyang masasabi. Natingnan ko

tuloy si Ising na nasa silid din at naririnig ang aming pag-uusap. Ano kaya ang nasa

loob ni ising? Naka-upo si Ising sa sopang naroon. Nang pumasok kami at patuluyin ni

Ising ay tila iiyak ito. Ngayon nga narinig niya ang sinabi ni Layo ay tahimik siyang

nagpapahid ng luha…

“Akala ko’y ulser lang noong una. Hindi pala. Ito pala ang pinakamabagsik. Bakit kaya

naman ako ang pinakapili-pili nito, ha. Tiyo Julio?” “Nakalimot ka sigurong kumain

noon,” sa kawalan ng nasabi ni Ama. Tumingin sa kisame si Layo. “hindi nga ako

nakapagkakain noon, Tiyo Julio,” aniya. “Napaggugutom ako. Trabaho sa araw, aral sa

gabi. Nakapagtrabaho pa ako noon sa diyaryo, a” baling niya sa akin sapagkat alam

niyang interesado ako sa trabaho sa peryodiko. Journalism ang aking tinapos “City

Editor na ako noon,” aniya at binanggit ang isang maliit, malinis, ngunit patay nang

pahayagan, “nang ako’y magbitiw. Mahirap, mahirap na buhay iyang buhay ng

manunulat.”

Wala kaming sukat masabi ni Ama kaya siya ang pinabayaan naming magsalita.

Nahihirapan siyang magsalita, ngunit nakikita naming ibig niyang magsalita. Parang

nakatutulong iyon sa kanya; parang nakababawas iyon sa tinitiis niyang kirot.Tumawa

`
`

ng mahina si Layo. “Kangina’y pinag-usapan namin itong si Ising, Tiyo Julio,- oy, Ising,

sinasabi ko sa kanila iyong sinabi ko sa iyo kangina - kung saan ako ililibing. Dito sa

Maynila, ‘ka ko, gusto kong dito sa Maynila malibing.”“Huwag na nga nating pag-

usapan iyan,” sansala ni Ama. “Ikaw ang kung anu-ano ang pinagsasabi mo.”“Hindi

nga, Tiyo Julio, hindi ko na inaasahang bubuti pa ako,” nakangiti pa ring pakli ni Layo.

“Huwag ninyo ako ililibing sa San Roque, Tiyo Julio, huwag. Dito sa Maynila”

Tumayo si Ama. “Aalis na kami ni Ben, hala ka.”Tumaas ang maputla at batuhang

kamay ng nakangiti pa ring si Layo. “Ang Tiyo Julio naman,” ani Layo at bahagyang

umiling. “Siya,” aniya at tiningnan ako, “iba na ang ating pag-uusapan, takot ang Tiyo

Julio. Nakapaglalathala ka na ba,Ben?” Hindi ko siya sinagot. Marami akong naiisip

habang nakatingin sa kanya. Nakikita ko sa kanya ang paghahangad na maging matatag

sa harap ng nalalapit na kamatayan, ngunit bigo ang hangarin niyang maging matatag.

Bigo ka, Layo, bigo ka. Natatakot ka rin, nagtatapang-tapangan ka lang. Bakit hindi

mo pa amining takot ka? At itong libing sa San Roque. Kung ayaw mong mailibing doon

ay bakit lagi mong binabanggit?” “Palaisip itong si Ben,” itinuro ako ng maputlang

hintuturo ni Layo, “makasusulat nga siguro ito.” Kay Ama naman siya tumingin.

“Dalas-dalasan naman ninyo ang dalaw, Tiyo Julio. Sa amin na kaya kayo umuwi, si

Ising lamang at ang mga bata ang naroroon? Baka nahihirapan kayong umuwi sa

probinsya.”Ipinangako na lamang ni Ama na lagi namin siyang dadalawin.Mahinang-

mahina na si Layo nang siya’y muli naming dalawin. Paos ang kanyang tinig at halos

hindi na niya maigalaw ang mga kamay. Ngayo’y wala na ang kanyang tatag. Umiiyak

`
`

siya ngayon.“Kaawa-awa naman itong Ising,” sabi niya, “Kaawa-awa naman ang aking

mga anak. Kayo na, Tiyo Julio, Ben ang bahala sa kanila. Kayo na, ang bahalang

tumingin sa kanila. Kay Ama niya inihabilin ang paglilibing sa kanya. Dito sa Maynila,

sinabi na naman niya. Mag-iisa akong malilibing dito, Tiyo Julio, ngunit gusto kong

dito malibing. “Magdasal ka,” payo ni Ama, “iyang hinanakit mo’y kalimutan mo na.

Masama iyang babaunin mo pa ang mga iyan.”“Mahirap makalimutan, Tiyo Julio.

Natatandaan ba ninyo noon, noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang libing ni

Ama’t ina? Wala akong mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.”

Tumungo ang maputing ulo ni Ama; pati siya’y ibig na ring maluha sa sinasabi ni Layo.

“Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Mayroon nga riyan, namamatay sa Amerika,

pagkatapos manirahan doon nang kay tagal, ngunit ang huling kahilingan ay ang

malibing dito sa atin.”

“Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo Julio.”“Wala ngang hindi umuuwi sa atin, sa kanyang

bayan, Layo. Ikaw man ay uuwi rin.”Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan, ibig ko ring

sabihin kay Layo. Maaaring narito ka, ngunit ang iyong kaluluwa ay naglalakbay na

pabalik doon. Maaaring naging mapait ang kabataan mo roon, ngunit huwag mong

sabihing ikaw ay di babalik.

Ngayo’y hindi siya nakatingin sa akin, ni kay Ama, ni kay Ising. Nakatingin siya sa

kisame. Nakaangat ang kanyang baba at tila mga mata ng isang bulag ang kanyang

mga mata. Alam kong naglalakbay ang kanyang diwa: marahil, nalalaman ko kung saan

naglalakbay iyon.Gusto kong isipin na ngayo’y naglalakbay ang kaluluwa ni Layo

`
`

patungo sa aming bayan; gusto kong isipin na ngayo’y tila mga tuyong dahon nang

malalaglag ang kanyang hinanakit: gusto kong isipin na sa paglalakbay ng kanyang

kaluluwa, sa paglalakbay na iyong pabalik, ay nakatatagpo siya ng

kapayapaan…Nalagay sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Layo.Ang sabi sa

pahayagan ay ilalagak daw ang kanyang bangkay sa San Roque.Ang kabaong ni Layo ay

isinakay sa isang itim na kotse.

Mula sa Maynila, naglakbay iyon sa mga bayan-bayan.Tumitigil iyon sa mga bahay-

pamahalaan. Nanaog ang nakaunipormeng tsuper at ipinagbigay-alam ang

pagdaraan.Hapon na nang dumating iyon sa San Roque.Sa San Roque, marami ang

naghihintay na makikipaglibing kay Layo…Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng sariling

bayan.

Impeng Negro

"BAKA makikipag-away ka na naman, Impen."Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral

na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa

paghuhugas ng mumo sa kamay."Hindi ho," paungol niyang tugon."Hindi ho...," ginagad

siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi ka ngang mababasag-

ulo."May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na

niya ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.

Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay,

pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos."Dumaan ka kay Taba mamayang

pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang gatas si Boy. Eto ang pambili."

Tumindig na siya. Nanghihinamad at naghihikab na iniunat ang mahahabang kamay.

`
`

Inaantok pa siya. Gusto pa niyang magbalik sa sulok na kanyang higaan. Ngunit

kailangang lumakad na siya. Tatanghaliin na naman bago siya makasahod. At naroon na

naman marahil si Ogor. Kahit siya ang nauna ay lagi siyang inuunahan ni Ogor sa

pagsahod.

Umingit ang sahig ng kanilang barungbarong nang siya'y pumasok."Nariyan sa kahon

ang kamiseta mo."Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina.

Nakaupo ito, taas ang kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig

ang ulo sa tagpiang dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris,

nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso.

Pinasususo."Mamaya,aka umuwi ka namang...basag ang mukha."Bahagya na niyang

maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid. Sunud-sunod na

nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng nanggigimalmal na

mesang kainan. nagsisikain pa.Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang

sumunod sa kanya. Maputi si Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook.

Kakutis ni Kano ang iba pa niyang kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong

taon na si Kano. Siya nama'y maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang

kanyang biyas.

Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit

nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang

kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.

`
`

"Yan na'ng isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.Isinuot niya

ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong bili ngunit

ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit wala

naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina sa

paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.Nagbalik siya sa batalan.

Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang

hagdan."Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang

papansinin."Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya,

muntik na siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang

hagdan.Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina.

Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw

gayon ito: basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang

hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunuksyo sa kanya sa

gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.

Si Ogor, na kamakailan lamang ay bumabag sa kanya, ang malimit magsisimula ng

panunukso:"Ang itim mo, Impen!" itutukso nito."Kapatid mo ba si Kano?" isasabad ng

isa sa mga nasa gripo."Sino ba talaga ang tatay mo?""Sino pa," isisingit ni Ogor, "di si

Dikyam!"Sasambulat na ang nakabibinging tawanan. Pinakamatunog ang tawa ni Ogor.

Si Ogor ang kinikilalang hari sa gripo.Noong una, sinasagot niya ang mga panunuksong

ito:"E ano kung maitim?" isasagot niya. Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan

`
`

siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa

kanyang batok. "Negrung-negro ka nga, Negro," tila nandidiring sasabihin ni Ogor.

Magsusunuran nang manukso ang iba pang agwador. Pati ang mga batang naroon:

Tingnan mo ang buhok. Kulot na kulot! Tingnan mo ang ilong. Sarat na sarat! Naku po,

ang nguso...Namamalirong!Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon

ang totoo, sinasabi niya sa sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit

siya. Ang tatay niya'y isang sundalong Negro na nang maging anak siya'y biglang nawala

sa Pilipinas.

Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang

pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya kasama

ang kanyang ina?) "Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka

makatatlo pa ang kanyang nanay ngayon!" Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid

niyang bunso ay iniwan ito ng asawa. Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit

kailanman, naging hamak sila sa pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada

ang kanyang ina, nahihiyang lumabas sa kanilang barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa

pag-aagwador. At siya ang napagtuunan ng sarisaring panunukso.

Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang umalimpuyo

sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik: nagsusumigaw na

paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng pagkakataong makagitaw at

mabuhay nang payapa. Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip

`
`

ni Impen habang tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana

ng mga barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya

ng mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito,

ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit:

Negro!Napapatungo na laamang siya.Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig

ngunit maliwanag nang sikat ng araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador.

Nagkakatipun-tipon ang mga ito. Nagkakatuwaan. Naghaharutan.Sa langkay na iyon ay

kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si Ogor? Sa mula't mula

pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng pagkakataong maging

kaibigan.Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito.

Malakas si Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde

ng tubig; tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.

Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila.

Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y

huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.

Nakakaanim na karga na si Impen. May sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng

kutod niyang maong. May isa pang nagpapaigib sa kanya. Diyes sentimos na naman.

Kapag tag-araw ay malaki-laki rin ang kinikita ng mga agwador. Mahina ang tulo ng

tubig sa kanilang pook. At bihira ang may poso.Tanghali na akong makauuwi nito, nausal

niya habang binibilang sa mata ang mga nakapilang balde. Maluwag ang parisukat na

sementong kinatitirikan ng gripo at ang dulo ng pila'y nasa labas pa niyon.Di-kalayuan sa

`
`

gripo ay may isang tindahan. Sa kalawanging medya-agwa niyon ay nakasilong ang iba

pang agwador. May naghubad na ng damit at isinampay na lamang sa balikat. May

nagpapaypay May kumakain ng halu-halo.Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok

ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan

si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi. Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa

roon, kahit nakabilad sa init. Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din

ako.Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa

tindahan:"Hoy, Negro, sumilong ka. Baka ka pumuti!"Si Ogor iyon. Kahit hindi siya

lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at nanunukso na naman."Negro,"

muli niyang narinig, "sumilong ka sabi, e. Baka ka masunog!"Malakas ang narinig

niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya

sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng ina, na huwag na niyang

papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?

Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang balde.

At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng araw. Sa

paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y nasilaw.

Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap ang balat

sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa ibabaw ng

kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.Itinaas niya ang tirante ng

kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di natagalan, isinawak niya ang

kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa ang batok---kaylamig at kaysarap

`
`

ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang ulo. Kinuskos niya ang kanyang

buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya ang balikat, ang mga bisig. May

nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang iyon. Di nagtagal, muli niyang

naramdaman na tila nangangalirang na naman ang kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang

batok at balikat."Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran

lamang niya ang nagsalita. Si Ogor. "Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."

Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo,

muli niyang nakita na nginingisihan siya nito.Napakatagal sa kanya ang pagkapuno ng

mga balde ni ogor. Napabuntong-hininga siya nang makitang kinakawitan na ni Ogor ang

mga balde. Sa wakas, aalis na si Ogor, naisip niya. Aalis na si Ogor. Huwag na sana

siyang bumalik.May galak na sumusuno sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang

pagkapuno ng sinundang balde. Susunod na siya. Makaka sahod na siya. Makakasahod

na rin ako, sabi niya sa sarili. pagkaraan ng kargang iyon ay uuwi na siya. Daraan pa nga

pala siya kay Taba. Bibili ng gatas.Datapwa, pagkaalis ng hinihintay niyang mapunong

balde, at isasahod na lamang ang sa kanya, ay isang mabigat at makapangyarihang kamay

ang biglang pumatong sa kanyang balikat. Si Ogor ang kanyang natingala. Malapit

lamang pala ang pinaghatidan nito ng tubig."Gutom na ako, Negro," sabi ni Ogor. "Ako

muna."Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga

balde. Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit.

"Kadarating mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako

muna sabi, e," giit ni Ogor.Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor.

Itinaob niya ang kaunting nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at

`
`

umabog sa kanilang mga paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako.

Mamaya na lang ako iigib uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang

pingga ngunit sa paghakbang na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor."Ano pa ba ang

ibinubulong mo?"Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang

pisngi sa labi ng nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas

na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang

nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang

mga daliri. Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!

Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na

pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.

"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad.

Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay

naisigaw niya.Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito.

Gumulong siya. Buwal ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig

siya ng tawanan. At samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang

sulingan niyang mga mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa

kanya.Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor.

Nakaakma ang mga bisig."O-ogor..."Tumawa nang malakas si Ogor. Humihingal at

nakangangang napapikit siya. Pumuslit ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Nasa

ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdaman ang isang ubos-lakas na sipa sa

kanyang pigi. Napasigaw iya. Umiiyak siyang gumuglong sa basa at madulas na semento.

`
`

Namimilipit siya. Tangan ang sinipang pigi, ang buong anyo ng nakaangat niyang

mukha'y larawan ng matinding sakit.Matagal din bago napawi ang paninigas ng kanyang

pigi. Humihingal siya. Malikot ang kanyang mga mata nang siya'y bumangon at itukod

ang mga kamay sa semento.Si ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong

kaaway...Bakit siya ginaganoon ni Ogor?

Kumikinig ang kanyang katawan. Sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang

muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli ay tila nauulol na asong

sinunggaban niya iyon at niyakap at kinagat.Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si

Ogor. nagyakap sila. Pagulung-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw,

sinunud-ssunod niya: dagok, dagok, dagok... pahalipaw... papaluka...papatay.Sa pook na

iyon, sa nakaririmarim na pook na iyon, aba ang pagtingin sa kanila. Marumi ng babae

ang kanyang ina. Sarisari ang anak. At siya isang maitim, hamak na Negro! Papatayin

niya si Ogor. papatayin. Papatayinnn!Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang

mga ugat. Tila asong nagpipilit makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga

kamay. Sa isang iglap siya naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya.

Tatagilid. Naiiri. Muling matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw

siya sa araw. Napipikit siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala

siyang nararamdaman sakit. Wala siyang nararamdamang sakit! Kakatatlo ng asawa si

Inay. Si Kano...si Boyet...si Diding...At siya...Negro. Negro. Negro!

Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri

`
`

siyang umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok,

bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok, bayo,

dagok, dagok, dagok... Mahina na si ogor. Lupaypay na. Nalalaglag na ang

nagsasanggang kamay. Humihingal na rin siya, humahagok. Ngunit nagliliyab pa rin ang

poot sa kanyang mga mata. Dagok. Papaluka. Dagok, bayo, dagok, bayo, dagok...

Gumagalaw-galaw ang sabog na labi ni Ogor."Impen..."Muli niyang itinaas ang kamay.

"I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-

ako...s-suko...n-na...a-ako!" Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si

Ogor! Napatingala siya Abut-abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-

dahan at nanlalambot siyang tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang

kanyang kamiseta at duguan ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang

nguso. Marmaing sandaling walang nangahas magsalita. Walang makakibo sa mga

agwador. Hindi makapaniwala ang lahat. Lahat ay nakatingin sa kanya. Isa-isa niyang

tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang

nababakas niya'y paghanga. Ang nakita niya'y pangingimi. Pinangingimian siya!

May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya

ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang

tatag.Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa'y

nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. Sa matinding sikat ng araw, tila

sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.

`
`

Ang Kwento ni Mabuti

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating

pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang

silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung

manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng

mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang

natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa

isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang

maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…

Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang

ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga

panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon

ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya

maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang

malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti

nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya

akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring

suliranin.

`
`

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga

nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa

isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon

niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.

“Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay

ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang

magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos.

Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang

kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa

kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat

sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa

paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak

sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na

ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay

natatanaw na nang bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo

na … iniiyakan ko?”

`
`

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na …

iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y

masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit

na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita

niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga

ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang

mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,”

ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa

pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-

aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming

dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong

magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina,

kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na

guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti

ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa

kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya

sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa

kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga

pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang

`
`

iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay

walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-

aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi

niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama

ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid

sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap

niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang

nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi

umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-

ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang”

pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay

nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang

anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan

niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa

susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging

manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang

bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

`
`

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha

habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may

kaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon

na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa

kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay

gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng

dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang

isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral

kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang

ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng

buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti

gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang

maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating

aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na

iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya

sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at

ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na

kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

`
`

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng

kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa

Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng

buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa

pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang

manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa

isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang

lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

Kalupi

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-

barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang

hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang

pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang

dibdib. "Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung

lumabas!" "Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-

bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho

kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e." "PASENSYA!" sabi ni Aling Marta. Agad siyang

tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili

ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad.

Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo. "Bakit ho?" anito. "E. . .e,

nawawala ho ang aking pitaka," "Ku, e magkano ho naman ang laman?" "E, sandaan at sampung

`
`

piso ho." Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang

kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit.

Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang

lumapit at binatak ang kanyang liig. "Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang

dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho

akong knukuha sa inyong pitaka" May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang

uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay

lumapit ang isang pulis, na tanod. "Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata. "Andres

Reyes po." "Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis. Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa

Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam,

para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang

kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay. "Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi

niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang

balikat sa likod. "Napahiyaw ang bata sa sakit." Halos mabali ang kanyang siko at ang nais

lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan

at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan. Bahagya

nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa

isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim

na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya

makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at

ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta. "Maski kapkapan nyo ako, e wala

kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko

kinuha ang iyong pitaka!" Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng

`
`

isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang

Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.

"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis. Naalala nya ang

kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na

sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay? "E. . . e," Hindi magkantuntong

sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama. "Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa

"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at

kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili

mo nyan?" Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling

Marta ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang

kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay."

Utos ng Hari

Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na patakaran ng

isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero walang

karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na gusto

niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na hindi

siya pakikinggan. Kung pakikinggan man siya, alam pa rin niya na mababalewala lang din ito.

Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral Character na pumunta sa kanyang cubicle

pagkatapos mananghalian. Kinausap siya nito tungkol sa kanyang attitude. Kahit na naiinis na

siya, pinilit pa rin niya na ngumiti dahil alam niyang hindi siya mananalo sa guro. Malinaw na

`
`

isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway na estudyante si Jojo, nakukuha pa rin niya ang

makinig at ibigay ang respeto nito sa kanyang guro kahit papano.

Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanag pagiging teenager. Nasa antas siya ng

pagtatanong-tanong at pagtuklas sa mundo. Masasabi kong matalino siyang estudyante dahil

nagagawa niyang tuligsain ang kanyang mga guro.

Bukod dito, masasabi ko na malawak ang kanyang pag-iisip dahil nagagawa niyang bumuo ng

mga diskuro sa isip niya na may kinalaman sa pagtuklas:

Mahirap nga namang mag-aral. Marami kang kailangang ipasang proyekto, papel at kung ano-

ano pa para makumpleto ang mga kahingian sa eskwelahan. Hindi pa kasama doon ang paggugol

mo ng panahon para pagtiyagaan ang mga guro mong terror at nagteterror-terroran lang. Ang

nakaiiritang mga kamag-aral na nagtatali-talinuhan at nagdudunung-dunungan. Sa madaling

salita, pakikisama. Mahirap makisama sa isang mundo na taliwas sa mundong gusto mong

kalagyan. Marahil ito ang naging problema ni Jojo. Marami siyang gustong gawin sa buhay niya.

Marami siyang gustong patunayan sa sarili niya maging sa mga taong nasa paligid niya. Subalit

hindi niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Dahil alam

niya na hindi tatanggapin ng mundong kinalalagyan niya ang mga galaw na gusto niyang gawin.

Bukod kay Jojo, binigyang-buhay rin sa kwento ang isang Mrs. Moral Character. Guro siya ni

Jojo. Siya naman ang naging kinatawan ng lahat ng guro sa kwento. Siya ang nagsilbing Mr.

Discipline, Mrs. Gles-Ing at Mr. Mathematecian sa kwento.

Makikita sa kwento, sa pagsasalaysay ni Reyes, ang iba’t ibang mukha ng guro: Ang

pagiging perfectionist sa bawat detalye, ang pagiging moralist, at ang pagiging intruder nito sa

personal na buhay ni Jojo. Bagamat ganoon ang pagbibigay-suri sa guro na nasa kwento, hindi

`
`

ko naman sinasabi na ang mga guro ay isang malaking “antagonist” sa kwento. Oo. Maraming

pagkakataon na perfectionist ang mga guro. Dahil gusto nilang matuto ang kanilang mga

estudyante. Mula sa pananaliksik hanggang sa kung paano mo ilalatag ito sa klase. Gusto nila na

tinatahak mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid na landas kaya lagi silang nagpapaalala sa mga tama

at kagandahang asal. Pero ang tanong, pati nga ba ang personal na buhay ay kailangan nilang

panghimasukan?

Bangkang Papel

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula

nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong

araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang

tigil ang pag-ulan.

Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig,

naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang

lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya

napalutang sa tubig kailanman...

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.

Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong

ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,

nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang

makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay

ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.

`
`

Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong

ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli.

Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat

ng dako.

Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.

“Inay, umuulan, ano?”

“Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.

“Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”

Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at

humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y

nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang

tao.

Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng

kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip

sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi

pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at

siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.

Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa

kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.

Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa

kumot.

“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”

“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng

`
`

mga bangkang ginawa mo.”

Natuwa ang bata sa kanyang narinig.

Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng

tubig.

Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang

kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman

niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa

kanyang ulo at pabulong na nagsalita:

“Siya, matulog ka na.”

Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na

hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may

mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.

“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina.

Ngunit ito’y hindi sumagot.

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay

hindi niya makita.

Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito.

Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...

At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang

panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag

at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng

hangin at ulan...

`
`

Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating...

Ngunit kakaibang kinabukasan.

Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang

kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.

Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si

Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.

Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.

Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si

Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

Nahihintakutang mga batang humanap kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng

batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si

Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata

noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.

Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang

nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”

Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang

kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y

biglang natigil nang siya’y makita.

Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”

`
`

Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang

ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...

“Bakit po? Ano po iyon?”

Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang

kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.

Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.

“Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y

ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw

sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”

Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.

Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-

maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.

Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa

sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.

Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa

paghakbang.

“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”

Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha.

Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.

“Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.”

Samantala...

`
`

Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay

nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.

Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga

bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal.

Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang

isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na

hindi niya napalutang kailanman..

Aloha

MANIWALA KA sa kadalubhasaan[3] ni Rudyard Kipling[4]! Hindi ako naniniwala sa

kasabihan niyang:

“Ang Silangan ay Silangan

Ang Kanluran ay Kanluran;

Magkapatid silang kambal,

Magkalayo habang buhay.”[5]

Ayaw kong ipahalata sa kausap ko ang malaking pagkamangha sa pagpapasinungaling niya sa

sumulat ng “The Ballad of East and West.”[6] Noon ay magkaibayo[7] kami sa isang mesa

sa veranda[8] ng Waikiki Tavern[9] sa Honolulu[10] at nakikipagpaalam sa “paglubog ng araw”

sa bantog na pasigan ng Waikiki. Tig-isa kaming tasa ng mainit na kapeng Haba[11] na

`
`

isinasalit[12] namin ang paghigop sa pagtanaw sa malalapad na dalig[13] sa ibabaw ng

malalaking alon.

Ang tanawing ito’y pangkaraniwan sa pasigan ng Waikiki, kung laki[14] ang dagat at

nagngangalit[15] ang alon. Isang sport[16] ito ng mga taga-Haway[17] na sariling-

sarili[18] lamang nila. Bawat isa ay may mga dalig na tatlong dipa[19] ang haba at kalahating

dipa ang lapad na taluhaba[20] ang hugis. Sa ibabaw ng mga dalig na itong sumasalunga[21] sa

ibabaw ng alon ay doon sila tumitindig na nakadipa ang dalawang kamay at kung minsan nama’y

itinutukod ang kanilang ulo na unat na unat ang katawan na ang dalawang paa naman ang tuwid

na tuwid na tila itinuturo sa langit. Ang “pangangabayong[22] ito sa alon ng mga taga-Haway”

ang ipinagmamalaki sa akin ni Dan Merton, Amerikanong mamamahayag sa Honolulu noong

ako’y maparaan doon.

Iyan ang dahilan kaya’t noong hapong yaon ay magkaharap kami sa veranda ng Waikiki

Tavern. Palibhasa’y nagtapos sa Unibersidad ng Southern California[23] sa Los Angeles[24], at

lipi[25] ng isang angkang[26] milyonaryo sa Hollywood[27], si Merton ay isang tunay

na gentleman na wala kang sukat ipintas sa pakikihrap kanino man.

Nalalaman ni Dan Merton ang sakit[28] ng kanyang mga kalahi, at hindi lamang ng mga

Amerikanong[29] katulad niya, kundi lahat ng kakulay nila ... ng lahat ng puti[30].

“Ako ay may ibang paniwala, kaibigan,” ang sabi niya sa akin bago nabuksan[31] ang kay

Rudyard Kipling. “Ang palagay ng mga taga-Kanluran[32] ay binigyan sila ng maputing balat ng

`
`

katalagahan[33] upang maging Kayumangging sumilang sa Kasilanganan[34]. Ang kasaysayan

ng sangkatauhan ay aking pinag-aralan. Ngunit kailanman ay hind nabanggit sa mga aklat kong

napagaralan ang mga tagumpay sa panitikan ng isang Rabindranath Tagore[35] at ng mga

tagumpay sa karunungan ng mga dalubhasang Hapones na kinukusa nilang itago. Balang araw ay

naasahan kong isa namang Pilipino[36] ang maririnig nating magwawagi kung di sa pulitika ay

sa kabuhayang pandaigdig. Makikita mo kaibigan![37]”

Kinakailangan kong tumungga ng kape at sundan ng hitit ng sigarilyo upang huwag mahalata

ni Merton na ako’y pinanunuyuan ng laway[38] nang mabanggit niya ang ukol sa aking

kalahi. Diyata’t[39] may isang Amerikano pang gaya nito na umaasang balang araw ay may

isang Pilipinong magkakaroon ng isang katangiang pandaigdig[40]? Diyata?

Pasasalamatan ko sana si Merton sa kanyang mabuting hangad sa aking kalahi,

datapuwa’t[41] doon nga nga nabanggit ang “pagkaligaw”[42] ni Rudyard Kipling sa pagkasulat

ng kanyang kasabihang[43] ngayo’y palasak[44] na sa buong daigdig.

“Kung ang langit at lupa’y maaaring paglapitin,” ang giit[45] niya sa akin nang mahulaan

niyang ako’y may pag-aalinlangan[46] sa kanyang sinabi, “ay ang Kanluran at Silangan pa

kaya?”

Sasabihin ko sanang ako’y naniniwala na sa kanyang palagay, ako ay naakit[47] na niya laban

sa :kasinungalingan ni Kipling” at nahuhulaan[48] ko na ang kanyang ibig sabihin, datapuwa’t

`
`

siya na rin ang nagdugtong. “Hala, ubusin mo na ang iyong kape. Tayo na sa bahay. At ang

asawa ko ang magsasabi sa iyong “ligaw” si Kipling.”

NANG MAGTAPOS si Dan Merton sa Unibersidad ng South California, ang naging

gantimpala[49] sa kanya ng kanyang ama ay isang pagliliwaliw[50] sa “Paraiso ng

Pasipiko”[51] – ang Haway. Bagong labas sa kolehiyo, may pangalan at tanyag[52] palibhasa’y

kapitan ng mapagwaging[53] koponan[54] sa football[55] ng kanilang paaralan; anak ng

milyonaryo sa Hollywood at sadya namang magandang lalaki, si Merton ay naging

“idolo”[56] ng mga sakay[57] sa Malolo, nang minsang tumulak[58] ito buhat sa Los Angeles

hanggang Honolulu.

Halos ay sundan siya sa kanyang kamarote[59] ng mga kasama niyang mga debutante[60] sa

bapor. Hindi lamang dalawang dosenang “aklat ng mga lagda”[61] ang napaglagyan ng kanyang

pangalan at lilimampung pamaypay ng mga pasahera ang kanyang nasulatan. Minsang ipininid

niya ang pinto ng kanyang kamarote, ang maluwang na laylayan ng isang paa ng

“pajama”[62] ng huling humingi sa kanya ng lagda ay naipit pa.

“O, ang mga babaing ito!” ang nasabi na lamang niya, “bakit kaya ayaw akong patahimikin?”

Sa agahan, hindi pa siya nakatatapos ay may kumakasundo[63] na sa kanya upang maging kalaro

ng deck sports. Sa tanghali, hindi pa siya nakapaghihimagas, ay may lumalapit na sa kanya

upang siya’y makalaro, kung di ng bridge ay kahit na mahjong[64]. At sa gabi, anim-anim na

may sulat na menu ng mga dalaga ang dinaratnan niya sa kanyang mesa at nagsasabing ibig

nilang maging kapareha nila siya sa sayawan sa kubyerta[65].

`
`

Kung nag-iisa na si Merton sa kanyang silid, ang gayong tila paghanga sa kanya ng

karamihan ay nagiging paksa ng kanyang dilidili[66]. Akala niya’y sa isang Rudolph

Valentino[67] o isang Ramon Navarro[68] lamang maaaring “masira”[69] ang mga dalaga.

“Hindi pala’t sa isang bagong labas sa kolehiyong gaya ko ay mayroon ding maaaring

mahaling[70].”

INO

er 23,

Natatawa lamang si Merton sa harap ng nangyayari sa kanya. Kung hindi kaya siya si Dan

Merton, na kapitan ng koponan ng football sa Unibersidad ng Southern California at angkan ng

milyonaryong Merton sa Hollywood, ay pintuhuin[71] kaya siya ng sinuman na gaya ng

ginagawa sa kanya sa bordo[72] ng bapor Malalo? Palibhasa’y mapag-aral siya ng ugali ng mga

tao, kaya’t ang kilos ng kanyang kapwa ay pinag-aalinlanganan pa rin niya. Naniniwala siya

hangga ngayon, na ang sangkatauhan ay sumasamba pa rin sa diyus-diyusan[73], hindi lamang

sa ayos-bakang pintakasi[74] ng mga taga-Ehipto[75], kundi sa gintong sangkap sa katawan ng

nasabing baka. Kabalintunaan[76]!

Bago siya nagtungo sa Haway ay wala siyang anumang yaring palatuntunan[77] ng kanyang

dapat gawin. Maliban sa kanyang nababasang polyeto[78] na ipinamamahagi ng mga

turista[79] tungkol sa nasabing “Paraiso ng Pasipiko” ay wala siyang anumang nalalaman

tungkol sa nasabing lupaing sakop ng Amerika. Nasa sari-saring pagmumuni siya sa loob ng

`
`

kanyang kamarote nang sa butas ng lagusan ng hangin[80] sa bapor ay tila kalatas[81] na

ibinalita sa kanya ng taginting[82] ng musika ang pagdaong[83] nila sa Honolulu. Noon niya

nasukat[84] na may limang araw na pala siyang naglalayag, hindi man lamang siya nainip, at

dumating na siya sa kanyang patutunguhan.

Agad niyang binuksan ang kanyang traveling trunk[85] at sa isa sa mga kahon ay kinuha ang

tarhetang[86] bigay sa kanya ng kanyang ama na kinaroroonan ng pangalan ng isang taong

sasalubong sa kanya.

“Aha!” ang nasabi niya sa sarili. “Editor ito ng pinakamalaganap na pahayagan[87] sa

Honolulu. Dapat siyang maging malaking tao[88].”

Pagbaba niya sa andamyo[89] , isang lalaking may kagulangan na,[90] mapuputi ang buhok at

may kunot na ang mukha, ang biglang sumunggab[91] sa kanya.

“Hindi ako maaaring magkamali,” sabi sa kanya. “Kamukhang-kamukha ka ng aking

kaibigang si Daniel Merton. Hindi ba ikaw ang kanyang anak? Tinanggap ko ang kable[92] ng

iyong ama, kaya kita sinalubong.!”

Hindi pa nakasasagot man lamang ng “salamat po!” si Merton ay isinabit sa kanyang liig ang

isang mahabang kuwintas ng mga bulaklak na sariwang kilala sa tawag na lei.

“Iyan ang Aloha[93] ko sa iyo,” sabi sa kanya.

`
`

May isang buwan na si Dan Merton sa Royal Hawaiian Hotel sa Waikiki. Isang

magandang suite de luxe[94] ang sa pamamagitan ng kable ay ipinahanda ng kanyang ama buhat

sa Hollywood upang kanyang matirhan. Nagsawa na siya sa lahat ng sinasabing ganda ng

Honolulu. Napagod na siya sa paglangoy sa War Memorial Natatorium[95] at sa Waikiki. Hindi

miminsang nagdaan-daan siya sa matayog na Pali[96], nadalawa na niya ang templo ng mga

Mormon[97] na may bughaw na tubig ukol sa mga binibinyagan, at makailan na ring nagpalipas

siya ng gabi sa sayawan sa Kailuwa[98], kung nagsasawa na siya sa bulwagan ng kanyang

otel. Nakadalawa na rin siya sa Hilo[99] at sa Molokai[100], sa pamamagitan ng eroplano, nakita

na niya ang kumukulong laba ng bulkan, saka ang mga “buhanging tumatahol[101]”. Ano pa ang

nalalabi sa kanyang hindi nakikita sa “Paraisa ng Pasipiko”?

Talagang naghahanda na siya sa pag-alis nang sabihin sa kanya ng kaibigang editor ng

kanyang ama sa Honolulu, na hintayin muna niya ang pagtatapos ng klase sa kolehiyo ng

Punahu[102]. “Ako ang nahirang na magbigay ng pangaral[103] sa mga natapos sa taong ito,”

ang sabi niya kay Merton, “at maibabalita mo sa iyong ama sa Hollywood kung gaano kabuting

magsermon sa mga wahini[104] (babae sa wikang Kanaka[105] )ang kanyang kaibigan sa

Honolulu.”

Pumayag si Dan Merton. Sa nasabing Commencement[106] ng Punahu School, doon niya

nakilala si Noemi[107], isang tunay na Kanaka, subali’t halimbawa ng dalagang may mataas na

pinag-aralan. Hindi niya malaman kung bakit ang mga matang buhay na buhay ni Noemi

ay walang iniwan[108] sa palasong[109] sabay na tumuhog sa kanyang puso[110]. Si Noemi ang

naging patnubay[111] ng mga pangaral, palibhasa’y siyang pangulo ng Kapisanan[112] ng

`
`

mga Senior[113] sa nasabing kolehiyo. Anong tamis niyang magsalita ng wikang Ingles! Anong

lambing[114] niyang bumigkas ng mga pangungusap!

“Wala pa akong naririnig na dalagang Amerikana na kasintamis niyang magsalita!” ang sabi

pa ni Merton pagkatapos.

“Ginoong editor,” ang sabi niya sa kaibigan ng kanyang ama, “Hindi ako uuwi na di kasama

si Noemi.”

“Talaga bang totoo ang sinasabimo?” ang usisa sa kanya ng matanda.

“Paris ng katotohanang ang umaga’y sumusunod sa gabi[115].”

“Dan!” ang may halong pangaral na pahayag ng matanda, “ang mga Kanaka ay mamamayang

Amerikano lamang[116], ngunit hindi laging Amerikano. Kawika lamang natin sila,

datapuwa’t hindi natin sila kalahi[117].”

Ang palagay ni Dan Merton ay napakakitid ng noo[118] ng kanyang kausap. “Matanda

na at editor pa naman ng pahayagan,” ang bulong niya sa sarili. “Maano[119] kung hindi kalahi?

Maano kung hindi kakulay? Hindi ba bayan ng pagkakapantay-pantay ang Amerika[120]? At

hindi ba lahat ng tao ay mamamayan ng daigdig?”

`
`

Sa sarili na lamang nangatuwiran si Merton. At nang minsang umalis sa Honolulu ang

bapor City of Los Angeles, sa talaan ng mga sakay ay mababasa ang ganitong mga pangalan:

“Mr. Dan Merton” at “Mrs. Dan Merton”. Ang “Mrs. Merton” ay si Noemi – ng Punahu School.

Nang umuwi si Merton, halos ang mga kasabay rin niya sa malalo na mga debutante ang

kanyang kasamang umuwi, ngunit hindi na gaya ng dati. Kahit na siya nag-iisa sa kubyerta kung

ayaw lumabas ni Noemi, ay maanong sulyapan[121] man lamang siya. Kung pagmasdan niya’y

tila pa nasusuklam sa kanya, dahil sa nanghahaba ang kanilang mga labi [122], at nagsisitalim

ang kanilang mga mata sa pagtanaw sa kanya.

“Kabalintunaan sa sangkatauhan!” ang nasabi na lamang. “Ako’y nag-asawa sa aking

iniibig, dahil ako’y sumunod sa tibok ng puso ko at hindi sa alituntuning magdaraya ng

lipunan[123] at kinasusuklaman na ako ngayon.”

Nguni’t may iba siyang naisip.

“Ano kaya ang sasabihin ni Ama, kung malamang nag-asawa ako sa isang hindi namin

kalahi, sa isang kayumangging[124] Kanaka?”

Natira[125] si Dan Merton sa gayong pagmumuni-muni[126]. Sa kanyang mga mata’y

may sampung daliring maliit na tumakip buhat sa likod:

“Hulaan mo kung sino ako!” ang impit ng tinig na utos sa kanya.

`
`

Disyembre na nang sila’y papauwi sa Los Angeles. Ilang araw na lamang at Pasko na. Sa

loob ng kanilang suite de luxe sa bapor ay inisa-isa ni Merton kay Noime kung gaano magiging

kasaya ang kanilang Pasko. Humigit-kumulang[127] ay nababatid ni Noemi na milyonaryo ang

ama ni Dan, kaya’t di kataka-takang magkaroon siya ng Paskong lalong masaya sa kanyang

buhay sa piling ng sinumpaan niyang “sa buhay at kamatayan”[128] ay kanyang

makakahati[129].

Kinusa ni Merton na huwag ipaalam sa kanyang ama ang kanyang pagbabalik. Ang ibig

niya’y makagawa ng isang “sorpresa.” Datapuwa, isang araw nang dumating ang bapor sa

Wellington[130], tumanggap siya ng isang kable mula sa Hollywood na humigit-kumulang ay

ganito ang sinasabi: “KUNG IBIG MONG MABUHAY HANGGANG PASKO SA PILING NG

IYONG ASAWANG KANAKA, HUWAG KANG MAGKAKAMALING TUMUNTONG SA

UNANG BAITANG NG ATING HAGDANAN...DANIEL MERTON.”

Ayaw na niyang maniwala ay nasisinag[131] niya sa gayong mga kataga ang

pangungusap ng kanyang ama – matitigas, matutulis at mababagsik. Kilala niya ang kanyang

ama. Sabi lamang niya sa lumuluhang si Noemi na isang biro lamang yaon, bagama’t iniisip niya

kung sa Embassy[132] o sa Baltimore[133] sila tutuloy na mag-asawa pagsapit[134] sa Los

Angeles. Hindi siya magtutuloy sa Hollywood.

`
`

Balisa at kumakaba ang kanyang dibdib, ang bapor ay dumaong sa Wellington,

datapuwa’t laban sa kanyang pag-asa [135], nasa himpilan ng perokaril[136] ang malaki

niyang Rolls Royce[137].

“Nakita mo na!” ang sabi ni Merton kay Noemi. “Hayun ang awto[138] namin. At hayun

si ama sa loob. Hinihintay tayo!”

Isang ngiting may kahulugan – ang ngiting may pangamba at alinlangan -- ang itinugon

ni Noemi sa malaking galak[139] at lukso ng puso ng kanyang asawa. At sino naman ang hindi

malulugod?

Ang mag-ama ay nagyakap at si Noemi ay kinamayan ng kanyang biyenan[140]. “Wala

kayong dapat alalahanin!” ang sabi sa kanila na lalo pang ikinatahimik ng loob ni Merton.

“Sa bahay, at nang makapagpahinga kami agad!” ang utos ni Dan sa kanilang

tsuper[141], na gaya ng karaniwang pag-uutos kung ginagamit niya ang nasabing kotse kung siya

ang nagpapalakad[142].

“Hindi!” ang sigaw ng matanda. Ikukuha ko kayo ng isang bungalow[143] sa Sta.

Monica[144] beach, malapit sa bahay ni Bebe Daniels[145]!”

“Mabuti nga’t nasa tabi ng dagat.” salo ni Dan. “Hindi na maninibago si Noemi, dahil sa

katulad din ng Waikiki beach. Makalalangoy kami kahit anong oras!”

`
`

“Kahit saan ay masisiyahan ako,” ang bulong ng Kanaka ng hinigpitan ang pagkakahawak sa

kanyang bisig, “nasa piling lamang kita.”

Napatingin sa kanila ang matanda na tila sinusukat ang ibig na sabihin. “Bilang pasalubong sa

inyo,” sabi ng matanda, “ay magdaraos doon ng party[146] ngayong gabi. Pinaanyayahan ko na

ang lahat ng dalaga’t binata sa Hollywood, karamihan ay mga artista sa sine, upang masiyahan

kayo sa pagsisimula sa pagsisimula ng isang bagong kabuhayan.”

“Pasintabi[147] sa inyo,” ang pakli[148] ni Noemi, “inaasahan kong ang nasabing party – ay

hindi katulad ng mga wild party[149] na ikinamatay ng isang artista nang magdaos si Fatty

Arbucle[150] o kaya’y ng nangyari kay Miss Pringle[151] nang magdaos naman si

Pantages[152].”

Tatangu-tango ang matanda na tila noong lamang niya nakilala kung gaano kataas ang napag-

aralan ng kanyang manugang[153]. Ibig sabihin ng kanyang sarili ay “Mahigit pa sa roon”

subali’t iba ang binigkas ng kanyang bibig: “Marahil ay mahuli-huli roon.”

“Nguni’t, Ama!” ang agaw ni Dan, “ang asawa ko ay marangal na babae. Tila hindi dapat sa

kanya ang gayong pasalubong.”

Tutugunin pa sana ng matanda ang pasalubong ay siya ang may handog, nguni’t biglang

tumigil ang awto sa tapat ng isang gusali sa tabi ng dagat.

`
`

“Narito na ang inyong bahay!” ang sabi sa kanila. “Lahat ay nakahanda na para ngayong

gabi!”

Ipikit at idilat ni Noemi ang dalawa niyang mata ay hindi niya mapaniwalaan ang kanyang

nakikita, gayong mag-iikaapat na ng madaling-araw. Ang mga babaing panauhin at halos wala

nang damit, sapagka’t punit-punit na ang kanilang mga kasuutan sa pakikipagbatakan sa mga

lalaki. Ang mga lalaki naman ay kusa nang nag-aalis ng kasuutan nila at wala nang natitira sa

katawan kundi ang kahuli-hulihang inaalis bago matulog[154].

Ang lahat ay lasing. Lasing na ang lahat na ang mga mata’y nakulabaan[155] na ng matapang

na sugapa[156] ng alak, kung kaya’t hindi na napapansin ang kahiya-hiyang kalagayan ng lahat.

Si Dan ay lasing na rin. Apat na kilalang artista sa Hollywood ang nagpupulupot[157] ng

katawan nilang halos ay bilad nang lahat sa kanyang matipunong katawan.

Si Noemi ay nagdahilang nahihilo pa sa malaking hapo[158] sa bapor, kaya’t kahit

pinagbatakanan siya ay hindi siya nakihalubilo. Samantalang pinagmamasdan niya ang

magandang kuwadro[159] ng kahalayan sa kanyang tahanan ay may tumapik sa kanyang balikat.

Nang lumingon siya ay nakita niya ang ama ni Merton, ang kanyang biyenan.

“Ano, Noemi?” ang bati sa kanya. “Hindi ba nanghihinawa[160] ang pag-ibig mo kay Dan?

Ibig mo ba ng ganyang buhay? Hindi ka ba nasusuklam[161]? Kung ibig mong tumakas ngayong

gabi ay nariyan ang kotse. May bapor na tutulak bukas. Pababaunan kita ng sampung libong

dolyar[162]. Ano, sumagot ka?”

`
`

Tinitigan ni Noemi ang matanda. Ibig niyang sa kanyang tingin ay mawatasan[163] ng

matanda na nababatid niya na ginawa yaon upang mapawi ang pag-ibig niya kay Merton,

sapagkat laban sa kanyang kalooban ang pagkakapag-asawa nito sa isang hindi kalahi, sa isang

Kanaka. Tutugon na sana si Noemi ng “Gayon pala!” datapuwa’t naunahan siya ng matanda.

“Hindi magiging maligaya sa piling mo si Merton,” ang sabi uli. “Sa habang panahon ay

lalayuan siya ng kanyang mga kakulay, ng kanyang mga kalahi. Gagawin kong $25,000,

pabayaan mo na lamang siya.”

Sa nagdidilim na pag-iisip ni Noemi, ang mga pangungusap ng matanda ay naging kidlat na

nag-iwan ng apoy, kaya’t nagliwanag. Walang kibo, si Noemi ay tumakbo sa kanyang silid, at

nang lumabas ay hindi na ang Noemi na gayak-Amerikana[164], kundi isang tunay na Kanaka;

walang takip sa dibdib kundi ang makapal na lei at sa ibaba ng katawan ay ang

kanyang sayandamo[165]. Nanaog siya. Nakisalamuha siya sa madla[166] at sa saliw ng

inaaantok nang orkestra[167] ay nagsayaw ng Hulahula[168].

Sa gayo’y tila nagising ang mga lalaki. Ang kanyang katawang katutubo ang

pagkakayumanggi at hindi sinunog sa araw[169], paris ng mga Amerikana, nguni’t walang

iniwan sa kumikiwal[170] na ahas ang galaw ng katawan, pati ng dalawang bisig at ng dalawang

paa, ang damdaming makahayop[171] ng mga lalaki ay nagising. Iniwan ang mga kapiling

nilang babae at ibig nilang yakapin, lingkisin[172] at kung ano pa, nguni’t maliksi naman nitong

naiwasan.

`
`

Sa gayong ayos nadilat ang mga mata ni Merton. Nakita niya ang babaing “una at huli”

niyang inibig ay nasa bunganga ng mga halimaw na lasing na hindi nalalaman ang ginagawa.

Bigla siya nagpupumiglas sa apat na babaing “namumulupot” sa kanya at humadlang sa

nagsisihabol kay Noemi.

“Mga alibugha,” nakadipang wika niya sa paghadlang sa lahat. “Madudurog ang liig ng

sinumang mangangahas humipo sa katawan ng asawa ko!”

Nang marinig ito ni Noemi ay napahalakhak[173] ng tawa sa kanyang tagumpay. Noon din ay

lumapit siya sa piyano, sinimulan niyang saliwan[174] ang kanyang sarili sa pagawit ng

Aloha[175], awit ng tagumpay! Awit ng luwalhati[176]!

Nang lumingon siyang muli ay wala nang ibang tao sa bulawagan[177]. Pati ang biyenan

niya ay wala na rin. Walang natira kundi si Dan Merton na hawak sa kamay ang isang

tsekeng[178] $500,000. Nguni’t yaon man ay pinagkasunduan nilang ibalik sa matanda.

“Babalil uli tayo sa Honolulu!” ang may pagdaramdam na sabi ni Dan Merton. “Iniwan ni ama

ang pabaon niya sa atin!”

“Nasabi ko na sa iyo,” ang ulit ni Noemi. “Kahit saan ay masisiyahan ako, nasa piling lamang

kita, aking hari!”

`
`

“Pag-ibig! Pag-ibig, kaibigan, ang makapaglalapit sa Silangan at Kanluran” – ang buong

kasiyahang nasabi ni Merton nang matapos isalaysay ni Mrs. Noemi Merton ang magandang

romansa[179] ng kanilang pag-iibigan. “Ang langit at lupa man ay mapaglalapit, dahil sa pag-

ibig!”

Tila nga naman totoo ang sabi ng mamamahayag[180] na Amerikanong ito. Idinugtong niyang

kung itinaboy man silang mag-asawa sa Paraiso sa Hollywood ay lalong paraiso[181] sa kanya

ang Honolulu, palibhasa’y nakikilala niyang “may katinuan ang mga Amerikanong” naroon,

kaysa mga aristokratikong[182] nasa baybayin ng Pasipiko.

Sa katunayan, nang magbalik sila, ang editor ding kaibigan ng kanyang ama ang nagbigay sa

kanya ng tungkuling makasama sa staff[183] ng pahayagang kanyang sinusulatan matapos

tukuyin sa kanya ang “Sinasabi ko na nga ba!”

“Maganda nga sana ang aking bayan,” ang sabi pa ni Merton, “datapuwa’t lumabis nang totoo

ang yabang na balang araw ay mahuhulog din sa kanyang sariling bigat[184].”

“Narito na ang nagdurugtong sa Kanluran at Silangan!” ang sabi ng ina.

“Oo nga,” ani Merton, “ang nagkakabit sa langit at lupa.”

“May anak na kayo?” ang pamangha kong tanong.

“Oo,” ang sabay nilang tugon. “Bininyagan namin ng ALOHA.”

`
`

Sandosenang Sapatos

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami

ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga

sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga

disenyo ng kanyang mga sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”

“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”

“Parang may madyik ang iyong kamay!”

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang

magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga

kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag

pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase.

Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin

napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.

`
`

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na

magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na

masundan ako.

“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming

igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”

“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ngballet dancer !

Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet .”

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago

kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!

Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay

binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw

raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos

si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie

sa manika.

“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”

`
`

“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang

ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto,” malungkot na kuwento

ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang

naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin

ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.

“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria

class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na

masyadong mailap.

Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay

Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.

“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang

nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. “Ano’ng problema mo,

ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.

`
`

“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki

kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan

niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.

“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.” bulong

ko sa kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya

ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga

niya akong tinatalo sa sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya

kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!

Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay

kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala,

si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos.

Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.

“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.

`
`

“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may

dekorasyong sunflower sa harap!”

Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan,

nananaginip siya ng mga sapatos.

“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malakingbuckle sa

tagiliran.”

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri

niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa

maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang

sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye

ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin

niya ang mga sapatos na ‘yon.

“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko.

Ikaw ang magdodrowing, ha?”

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na

lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan,

niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay

`
`

na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw

na ballet dancer .

“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si

Tatay.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang

sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko

ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon.

Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!

” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang

pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May

sapatos na pambinyag. May pang- first communion . May pangpasyal. May pamasok sa

eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,

Alay sa kanyang unang kaarawan

`
`

Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t iginagawa

ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay

Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan

Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si

Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso

Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si

Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.

“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha sa mga

mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”

“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang

isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.

“Ha?”

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.

Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may

malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay

`
`

puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang

buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na

bilog na kristal sa harap.

Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa

kanya ang mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa

kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang

pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

You might also like