Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Theoritikal

Ang pinaghawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga teorya patungkol sa mga salik sa
epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga estudyante.

Ayon sa librong "Facilitating Learning: A Metacognitive Process'' nina Maria Rita D. Lucas at Brenda
D. Corpuz (2007), may iba't-ibang teorya tungkol sa proseso ng pagkatuto at mga salik na nakakaapekto
dito pati na rin mga pamamaraan sa pagtuturo. Una na rito ay ang likas na proseso ng pagkatuto, dito
mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyonal na proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa
impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto
ay nakasalalay sa maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman, ang
matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnayang bagong impormasyon sa dating alam na sa amas
makabuluhang paraan. Pang-apat, pag iisip na may estratehiya, ang matagumpay mag-aaral ay
nakakabuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto. Panglima
ay ang pag-iisip kung ano ang iniisip, mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng
mental na operasyon sa malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-anim, paglatutuo mula sa
konteksto, sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay naiimpluwensiyahan ng kapaligiran, kabilang
na ang kultura, teknolohiya at paniniwalang intruksyonal. Sumusunod dito ay ang motibasyon at ang
emosyonal na impluwensiya sa pagkatuto, ito ay kung paano natuto ang mag-aaral sa pamamagitan ng
motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng mag-aaral ay naiimpluwensiyahan ng indibidwal na emosyon,
paniniwala, interes at kaugalian sa pag-iisip. Hindi lamang ang emosyon ang naiimpluwensiyahan ng
motibasyon pati na rin ang sarili. Ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng
gawain na bagaman mahirap ay nagagawa dahil sa personal na interes ng mag-aaral at bukal sa kanyang
kalooban na gawin ito.

Ayon naman sa impluwensiya ng pagdedebelop, ang pagkatuto ay epektibk kung iba-iba ang
debelopment ng nakuhang kaalaman mula sa pisikal, intelektwal, emosyonal at sosyal na kapaligiran.
Ang pagkatuto rin ay naiimpluwensiyahan ng pakikisalamuha, reaksyon sa sarili at pagkakaroon ng
komunikasyon sa iba.

Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat indibidwal rin ay ay nakakaapekto rin sa pagkatuto
sapagkat bawat mag-aaral ay may iba't-ibang estratehiya ay kakayahan para matuto mula sa kani-
kanilang karanasan maging ng lahi. Mas matutuo rin ang isang mag-aaral kung ang lingwahe, kultura at
sosyal na background na iba-iba ay napag-isa. Batayan rin kung paano itinuturo ang asignatura, paraan
ng pag-ases at batayan kung may natutunan. Ayon naman kay Vygotsky sa librong "Effective Teaching" na
tinuruan ni Aquino (2003), ang paggamit ng scaffolding ay mabisang paraan sa pagbibigay ng kaalaman
na ginagamit upang punan ang gap ng guro at estudyante.

Isa pang teorya na ayon sa sikolohistang si David P. Ausubel na tinuruan ni Aquino (1998), natuto ang
mag-aaral mula sa berbal na materyal- sinasalita at sinusulat. Kaugnay naman nito ang apat na bagay na
pagtuunan ng pansin at mabigyan ng estratehiya, ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat na ang
mga estratehiyang gamit sa pagtuturo ay nakabase sa pisolohikal, sosyolohikal, linguistic at sosyolohikal
na estruktura.

Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang tradisyonal na pamamaraan ayon kay Acero
at Javier (2000), ang karaniwang gawain ng mag-aaral ay ang pagbibigay ng kahulugan, katuturan,
pagsasaulo ng alituntunin, pagbuo ng mga pangungusap at iba pa. Ang lahat ng paksa sa aralin ay
nakatuon sa mga nakasulat sa aklat.

Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni laurente, nakakaimpluwensya sa pag- unawa ng
estudyante ang paraang gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid, nakasalalay sa asal
at estratehiyang gagamitin ng guro kung makakamtan ang nais niyang maunawaan ng estudyante.

Sa ibang banda, nakasalalay pa rin sa estudyante ang pagkatuto at hindi sa titser at pamamaraan ng
titser lamang. Ang estudyante pa rin ang pipili kung gaano siya kabilis matututo.

Ang guro lamang ay tumutulong may kailangan ang estudyamte.

You might also like