Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAMAMAHALA

Mateo 25:14-30

Lahat ng mga kristiyano ay inuutusang maging mabuting katiwala ng masaganang biyaya


ng Diyos.

1 Peter 4:10- Bilang mabubuting katiwala ng iba't- ibang kaloob ng Diyos, gamitin
ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.

Ang KATIWALA ayon sa webster dictionary ay yaong pinagkakatiwalaan ng pamamahala ng


sambayanan; isang gumaganap bilang superbisor ng pananalapi o ari-arian ng iba.

Ang salitang STEWARDSHIP (pamamahala) sa Greek New Testament ay "Oikonomia" at ang


salitang STEWARD ay "Oikonomos" na may kaugnayan ito sa salitang ekonomiya o bagay
na pang pinansyal o pananalapi. Ang salitang Griegong ito ay kombinasyon ng Oikos
(bahay) at Nomos (batas).

May sinabi si Jesu-Cristo tungkol sa katiwala na managot sa pinagkatiwa sa kanya.

Lucas 16:2- Kayat ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, Ano ba itong naririnig
ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na
kita sa iyong tungkulin.

Tayo man ay pinananagot ng Diyos na maging tapat sa pamamahala sa mga


ipinagkakatiwala Niya sa atin.

1 Cor. 6:19- Hindi ba ninyo alam na ang iyong katawan ay templo ng Espiritu Santo
na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang iyong
katawan.

Bilang isang alipin ng Diyos nalaman nating na tayo ay hindi sa ating sarili at
tayo ay ginagamit ng Diyos para ingatan ang mga bagay na Kanya. Lalo na ang ating
panahon, talino at kayamanan. Ang lahat ng bagay ay ipinagkakatiwala lang sa atin
ng Diyos at dapat gamitin sa mga gawaing nakakabuti para sa kaharian ng Diyos.

Romans 14:12 - Kaya, pananagutan natin sa Diyos ang nga bagay na ating ginagawa.

I. Pagiging Matapat
1 Cor. 4:2 - Ang katiwala'y kailangan maging tapat sa kanyang panginoon.

II. Tatlong bagay na dapat nating pamahalaan


1. Panahon (Time)

Ang panahaon ay hindi dapat aksayahin o gugulin sa mga walang kabuluhang bagay
kundi gamitin sa paggawa ng mga bagay na lubhang kapaki-pakinabang. Ang bawat tayo
ay pinagkalooban ng 24 oras. Walang labis, walang kulang. Hindi tayo makakahiram ng
kahit isang minuto sa bukas o magtabi ng kahit isang segundo sa kahapon.

Ang ating tagumpay o kabiguan sa buhay ay nakasalalay sa kung paano natin ginugugol
ang ating panahon o oras.

Efeso 5:16- samantalahin ninyo ang bawat pagkakataaon..

Magagawa natin ito sa pagsasaayos ng ating buhay. Kabilang dito ang pag-alam kung
ano ang nais nating gawin, kailan at kung paano natin maisasagawa ito.

Isang napakahalagang bagay para sa wastong pagpaplano ay ang pagtala ng mga gawain
sa kalendaryo. Laging tandaan at tignan ang kalendaryo araw-araw. Dito mo malalaman
kung ano ang gagawin mo at kailan mo ito gagawin. Mark you calendar

C. Kailan Tayo Magbibigay

1 Cor. 16:2 - Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng
kanyang kinikita at ipunin iyon upang huwag nang manghingi pa ng tulong pagpunta ko
riyan.

Ang talatang ito ay nagsasaad sa atin na ang mga unang kristiano ay nagbibigay
palagi. Tuwing unang araw ng isang linggo. Tayo man dapat magbigay ng maayos at
himdi yaong kung kailan natin gusto o kung kailan lang kailangan ng simbahan o kung
kailan yaon hiniling na magbigay.

D. Ano Ang Ating Ibibigay

1. Ikapu/ Tithes

Napagnakawan ng ba ng tao ang Diyos?

Malakias 3: 8 - Ang tanong ko nama'y, matuwid bang pagnakawan ng tao ang Diyos?
Hindi! Ngunit pinagnanakawan ninyo ako. Sa paanong paraan? Sa mga ikasampung bahagi
at mga handog.

Malakias 3: 9- Isinumpa ko kayong lahat sapagkat ako'y pinagnanakawan ng buong


bansa.

Kaya malinaw na nakikita natin sa binasa nating talata na inaasahan ng Diyos na


tayo'y magbibigay ng mga ikapu at handog sa Kanya.

Ang salitang Tithes ay salitang ingles na ang ibig sabihin ay ikapu o ikasampung
bahagdan o porsiyento. Ang pagbabayad ng ikapu ay pagbibigay o pagbabalik ng
ikasampung porsiyento ng iyong kita sa Diyos.

BAKIT TAYO NAGBIBIGAY NG IKAPU?


1. Ito ay utos Niya
Mat. 3:10
v10- Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng
Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa
bagay na ito kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang
masaganang pagpapala.

2. To honor the Lord

Proverbs 3:9- Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong kayamanan, at mula sa


iyong pinakamainam na ani Siya ay iyo ring handugan.

3. It is holy unto the Lord


Lev. 27:30- And all the tithe of the land, whether of the seed of the land or of
the fruit of the tree, is the Lord's. It is holy to the Lord.

2. Mga Handog/ Offering

Acts 24:17 - Now after many years I came to bring alms and offering to my nation.

Matt. 5:24 - leave your gift there before the altar, ang go your way.First be
reconciled to your brother an dthe come and offer your gift.

Luke 6: 38 - Magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik,


liglig at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo
sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.

3. Mga Limos

Gawa 10:2 - Siya ay isang debotong tao. Siya at ang buo niyang pamilya ay sumasamba
sa Diyos. Siya ay matulungin sa mga Judio at laging nananalangin sa Diyos

Prov. 28:27 - Ang tumutulong sa mahirap ay hindi nagkukulang...

Prov. 19:17 - Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating
ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.

PANGWAKAS: Gal. 6:7 - Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang
itinanim ng tai, iyon din ang kanyang aanihin. .

You might also like