Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Disenyo ng Pananaliksik

KWANTITATIBO
Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng
iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga
teknik na pamamaraan na gumagamit ng komputasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ng mga
nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon,
at pagsusuring estadistikal.
KWALITATIBO
Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang
layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay
laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang
realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
DESKRIPTIBO
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at
kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may
kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat
naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o
hinaharap.
HALIMBAWA
Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro sa kanilang pagtuturo.
ACTION RESEARCH
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan,
modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang
isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung
paanong makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din ang mga serye ng
ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
HALIMBAWA
Anong estratehiya sa pagtuturo ang pinakaepektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral na may
suliranin sa pandinig?
HISTORIKAL
Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos
upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya,
pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay. At
ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan.
HALIMBAWA
Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
CASE STUDY
Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang
partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-
aaral. Ginagamit ito upang paliitin, maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na
halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
HALIMBAWA
Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni Prospero Covar (1978)
Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos
KOMPARATIBO
Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura,
bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong
uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan,
kultura at institusyon.
HALIMBAWA
Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya
Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer sa
pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas
NORMATIVE STUDY
Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong normative dahil
naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito
sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa
pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o
pamantayan.
HALIMBAWA
Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng Magsaysay High School Batay sa
Itinakdang Kompetensi ng DepEd
Bumababang kakayahan ng mga guro sa Ingles sa pagsasalita at pagtuturo ng wikang Ingles
ETNOGRAPIKONG P A G- A A R A L
Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa
kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunindad sa pamamagitan ng
pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong
naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga,
pangangailangan, wika, kultura, at iba pa.
HALIMBAWA
Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw
EKSPLORATORI
Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol
sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa
isang paksa na maaring magbigaydaan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
HALIMBAWA
Panimulang Pagu-nawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang Pangkapayapaan sa
Mindanao

You might also like