Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA SALITANG PAREHO ANG BAYBAY

NGUNIT MAGKAIBA ANG KAHULUGAN


Ang mga salitang magkapareho ng paraan ng pagkabaybay
subalit may magkaibang kahulugan ay tinatawag sa Ingles na
"homonyms." Sa wikang Filipino ay madalas din may magkaibang
paraan ng pagbibigkas ang mga salitang ito. Mahalagang
malaman natin ang tamag gamit ng mga salitang ito upang hindi
tayo malito sa kanya kanyang mga sariling kahulugan o kahit sa
pagbibigkas.

MGA HALIMBAWA
LOBO

A. uri ng laruan

Pumutok ang lobo ng bata.

B. uri ng hayop
Nakakatakot ang mata ng lobo.

BAGA

A. ningas ng sinindihang uling

Namatay ang baga sa siga dahil sa malakas na ulan.

B. parte ng lamang loob.


Masarap ang bopis lalo na pag baga ng baboy ang
sangkap.
INAKAY

A. anak ng ibon o manok


Nawala ang mga inakay ng inahin.
B. Inalalayan
Inakay ko ang matanda sa pagtawid.

TALON

A. lundag
Napataas ang talon ko dahil sa baha.
B. Uri ng anyong tubig
Ang talon ng Maria Cristina ay napakaganda.

LABI

A. Parte ng mukha
Ang labi ni Anna ay mapula.
B. bangkay
Bukas darating ang labi ni Padre Diaz.

TASA

A. tulis ng lapis
Bago ang klase inayos ko muna ang tasa ng along lapis.
B. uri ng inuman
Nabasag Ang tasa na regalo no ate.

TABLA

A. manipis at malapad na kahoy


Nabali Ang tabla sa tula
B. pareho ang iskor
Tabla ang iskor kaya nagovertime.

PASO

A. nabalian/nadarang
Ang Paso ng sigarilyo ay mahapdi.
B. bagay na tinataniman
Bumili ang ate ng malaking Paso.

TUBO

A. pinagkukunan ng asukal
Matamis ang tubo na aking nabili.
B. gamit para sa daanan ng tubig
May kalawang na ang tubo kaya delikado.

BINASA

A. tinitignan at iniintindi ang nakasulat


Binasa ko ang aklat ng mga pari.
B. tinapunan ng tubig
Binasa ni Pedro and damit ko.

TUYO

A. isang uri mg isda


Masarap kumain ng tuyo pag umuulan.
B. hindi basa
Sana tuyo na ang paborito kong sapatos

TAYO

A. kabaliktaran ng nakaupo
Ang hirap pag puro tayo ang pwesto ko.
B. panghalip na tumutukoy sa maraming Tao.
Tayo ay magtatanim ng gulay.

KITA

A. tanaw
Kita ko na ang rurok ng tagumpay.
B. Sweldo
Malaki ang kita sa pagtitinda.

SAWA

A. ayaw na
Sawa na ako sa pagkaing yan.
B. uri ng ahas
Nahuli ni Pedro ang sawa.

BAON

A. ilagay sa ilalim
Baon mo nga ang buto ng pakwan
B. pagkain o salapi
Ang baon ko ay sobra pa sa isang lingo.

BUKAS

A. hindi sarado
Naiwan kong bukas ang pinto sa bahay.
B. sa susunod na araw
Bukas na ang kaarawan ng aking kapatid.

You might also like