SAnaysay at Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista


(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-
ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at


pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang
isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan
lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga
mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may
layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa
ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at
komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang
mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay
ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng


opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang
obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga
bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay
naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita
at nararanasan ng may akda.

You might also like