Professional Documents
Culture Documents
Dagli
Dagli
Dagli
Isang hapon, papauwi ako galing sa konstraksiyon na pinagtatrabahuhan ko tuwing wala akong
pasok sa eskuwela. Bagong sahod. Limandaan na tig-iisandaan na malutong at amoy bangko pa.
Naisipan kong dumaan sa isang restwaran para bilhan ng pansit ang nanay.
“Boy. Baka gusto mo, yung babaeng naka-asul. Maganda ‘di ba? Kaka-debut lang nyan.” Sabi
sa’kin ng isang babae na sa tantsa ko’y mga kwarenta y singko hanggang singkuwenta anyos na
ang edad.
“Kuwatro siyentos lang hijo, ikaw na ang bahala kahit iuwi mo pa ‘yan. Perstaym lang yan ni
Baby kailangang kailangan lang daw talaga sabi sa’kin ng nanay nya.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Si Baby. Lumapit siya sa akin at binulungan niya ‘ko,
hinding hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon ng aking buhay.
“Sasama ako sa’yo kahit saan mo gusto. Parang awa mo na, ser.”
Agad kong dinukot ang aking pitaka at kinuha ang pera. Ibinigay ko iyon sa babaeng bugaw at
niyaya ko na si Baby na umalis sa lugar na iyon. Walang araw na hindi ko naaalala ang parteng
iyon ng buhay ko. Si Baby, inosente, biktima ng sistema.
Sa ngayon, hindi ang malaki kong bahay, magagarang sasakyan at milyun-milyong pera ang
itinuturing kong kayamanan. Si Baby, na simula nang ako’y nangangarap pa lang, ay kasama ko
na.
WAKAS
Bagaman maikli ang isang dagli, mapapansin parin na ito ay maaaring maging makapangyarihan
upang tumalakay ng mga maseselang paksa gaya ng mga suliranin sa lipunan. Upang makabasa
pa ng iba pang bagay ukol sa dagli, bisitahin lamang ang mga sumusunod na link:
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1095703#readmore
Nung mga nakaraang araw ay madalas akong makatanggap ng mga mensahe sa aking Facebook
Page tungkol sa Dagli. Mayroong mga nagtatanong kung paano ba, at mayroon ding mga
nakikiusap kung maaari ba silang humingi mula sa akin. Hindi ko alam kung bakit, maaaring
para sa kanilang pag-aaral o personal na interes sa pagsusulat. Kaya minabuti ko na lang na
magsulat ng isang sanaysay tungkol sa pagsusulat ng isang Dagli.
Ang “Dagli” ay isang uri o paraan ng pagsusulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling
kuwento. Kaya naman ito ay kilala rin sa tawag na “maikling maikling kuwento”. Matagal nang
nakikita at nababasa ang ganitong anyo sa ating lokal na panitikan, at sa kasalukuyan, ilan
lamang sa mga kilalang kuwentista ng ating panahon sina Eros Atalia (Wag Lang Di Makaraos:
100 Dagli) at Jack Alvarez (Ang Autobiografiya ng Ibang Lady Gaga).
Bakit nga ba? Ganito yun, sa bawat araw ng ating buhay, ay mayroong tayong iba’t ibang
sitwasyon o eksena na nadidinig, nakikita, nararanasan o nararamdaman. At ang bawat eksena ay
isang ‘Kuwento’. Ano ba ang nakita mo habang papauwi ka galing eskuwela o trabaho?
Halimbawa, isang batang nagpupunas ng sapatos ng mga pasahero sa loob ng sinakyan mong
dyip. Magnobyong nag-aaway sa gitna ng daan. Isang matanda na nagpapahangin sa ilalim ng
puno at marami pang iba. Ang bawat eksenang ‘yon ay pasok na pasok para sa isang Dagli.
Kadalasan, ang isang Dagli ay binubuo lamang ng isandaan hanggang tatlongdaang salita. Upang
maging epektibo ang isang Dagli, ito ay ilan lamang sa mga kinakailangang isaalang-alang:
1.) Mensahe – maaari kang magparating ng isang mensahe sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
Dagli. Kahit na kathang-isip lang ang isang Dagli ay maaari mo itong gamitin bilang salamin ng
reyalismo.
2.) Tagpo at Diyalogo – importante ang pagbuo ng isang makabuluhang tagpo sa umpisa ng
iyong Dagli, upang maiksi man ang iyong akda ay mayroon pa ring mabuong imahen ang
mambabasa.
Halimbawa:
Isang gabi, naglalakad ako sa isang napakadilim na eskinita. Sisipul-sipol pa ko habang bitbit
ang pancit na pasalubong para sa mag-iina ko, nang bigla na lang akong undayan ng saksak ni
Berto. Kilalang adik at tulak sa lugar namin. Tangka na niyang huhugutin ang ‘ice pick’ mula sa
pagkakabaon nito sa bandang ilalim ng aking tiyan nang hablutin ko ang kanyang kamay.
– “Pare. Parang awa mo na huwag mong huhugutin.” Sabi ko.
– At bakit hindi?
– Kapag hinugot mo ‘tong ice pick, maiuuwi ko pa itong pancit sa bahay, pero hindi na ‘ko aabot
ng ospital.
– At kapag hindi ko hinugot?
– Aabot pa ko sa ospital. At ‘pag dinalaw ako ng mag-iina ko, may pagsasaluhan pa silang
pancit.
– Sinasabi mo ba sakin na kapag namatay ka hindi na makakakain ng pancit kahit kailan ang
pamilya mo?
– Oo pare.
Agad akong itinakbo ni Berto sa ospital. At magmula nuon hanggang ngayon, magkaibigan pa
rin kami…
Wakas
3.) Damdamin – lahat ng uri ng pagsusulat, awit, kuwento, nobela o tula ay nangangailangan ng
damdamin. Syempre ‘di ba? Ganoon din ang Dagli. Kung tutuusin nga ay hindi ganoon kadaling
maiparamdam ang “sinseridad” ng isang manunulat sa kanyang mga mambabasa, kung ang
piyesa ay maikli lang. Kaya naman kinakailangang epektibo ang “pagtatahi” ng mga salita sa
pagbubuo ng isang Dagli. Nang sa gayo’y sumibat pa rin sa damdamin ng ating mga mambabasa
ang bawat Dagli na iyong isusulat sa hinaharap.
Paalala lang, ang mga nakasaad sa sanaysay na ito ay base lamang sa aking personal na “istilo”
ng pagsusulat/pagkukuwento. Marami pa kayong maaaring matutunan sa pagsusulat ng
magaganda at epektibong Dagli. At alam nating lahat na ang primerong kinakailangan nating
gawin upang tayo’y unti-unting maging epektibong manunulat, ay ang magbasa.
Gusto ko ring pasalamatan ang mga patuloy na nagbabasa at sumusubaybay sa website na ito. At
para sa iba pang mga Dagli sa aking koleksyon, maaari ninyong bisitahin ang pahinang ito:
https://juanbautistastories.com/reads/mga-dagli/
Sa kwentong “Ako po’y ay pitong taong gulang” naka sentro ang takbo ng kwento sa isang
babae na nagngangalang “Amelia”. Nagmula sa isang mahirap na pamilya na kumakayod sa
araw-araw na buhay, si Amelia ay ipinamigay ng kanyang mga magulang sa isang pamilyang
may angking yaman. Siya ay patuloy na naninirahan sa bahay ng pamilya na iyon bilang isang
utusan o isang yaya.
Tagpuan:
Isla ng Caribbean; Bahay ng mayamang pamilya
Pangyayari 1:
Si Amelia ay ipinamigay ng kanyang magulang sa isang pamilya habang siya ang nasa edad na
pitong taong gulang pa lamang.
Gumigising si Amelia ng alas singko para makapag-igib at makapagluto ng pagkain para sa
pamilya.
Nahuli ng ilang oras si Amelia sa pagsasaayos ng pagkain kung kaya’t siya ay hinampas ng
sinturon.
Pangyayari 2:
Maghahatid si Amelia ng anak ng kanyang mga amo sa paaralan.
Siya ay mamimili, maglalaba, at maglilinis ng mga pinggan.
Siya ay inutusang linisan ang paa ng kanyang amo, ngunit ito ay galit kaya’t sinampal siya nito.
Pangyayari 3:
Walang maayos na tulugan si Amelia, kung miminsan siya ay natutulog sa labas ng bahay, kung
minsan naman ay sa sahig ng bahay.
Walang maayos na kalinisan at mga damit si Amelia, dahil hindi siya pinapayagang gamitin ang
mga tubig sa bahay.
Hindi si Amelia nakakapag-aral kung kaya’t hindi siya ang nakapagsulat ng mga pahiwatig na
nasa kwento.