Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

(SINESOS)

LITERASI SA PANONOOD NG
PELIKULA

BROADCASTING 2B

IAN PAUL BALAGOSA

BRIGITTE A. OMALAY

PAMELA MENDIORO

GEMMALYN ENCILA

BREN-JOHN DOLOR

KATHERINE OROSCO

MARY ROSE MARINAS


LITERACY
 Pag-aaral at pagsusuri ng isang pelikula.
 Kakayahan ng isang tao na makapagbasa, makapagsulat at kakayahang
umunawa ng simpleng mensahe.
 May kakayahan nang makilahok sa ibat-ibang uri o klase ng pamumuhay sa
pamamagitan ng panood ng pelikula.
 Dapat magkaroon ng literacy sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga
Filipino; naglalahad ng pananaw ng ibat-ibang tao; mga batayan ang nabuong
sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw at nabibigyang komento
at napapalawak din ang artikulong na ipost ng kaklase.

Kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa kritikal na pagsusuri bilang isang


mamamahayag.

Binabago nito ang mga detalye base sa taong nagbibigay ng kahulugan, ito ay ang
paggawa ng malinaw at makatuwirang panghuhusga. Sa proseso ng pagiisip ng kritikal
nararapat na pinangangatuwitranan at pinagiisipang mabuti ang mga ideya. Bilang isang
matalinong proseso ng aktibo at dalubhasang pagpapalagay, pagsasabuhay, pagsusuri,
pagbubuo, o dikaya paglilitis ng impormasyong nakalap, o nabuo mula sa, obserbasyon,
karanasan, repleksyon, pangangatuwiran, o komunikasyon bilang gabay sa paniniwala at kilos.

Ang kritikal na pag-iisip ay tumutukoy sa iba’t-ibang kahulugan:

 Ang proseso ng aktibo at mahusay na pagpapalagay, pagsasabuhay, pagsusuri,


pagbubuo, at pagtimbang ng impormasyon upang makuha ang isang konklusyon
 Disiplinadong pag-iisip na malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, at may kaukulang,
ebidensya
 Makatuwiran, mapanimding pag-iisip na nakatuon sa pagpili kung ano paniniwalan o
gagawing pagkilos.

3.

A. IDEOLOHIYA

 Ito ang pamantayang sinusunod ng mga mamamayan


 Lipon ng mga kaisipang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng
maraming tao na kumikilos ayon sa mga ideya, simulain, prinsipyo o
paniniwala napapaloob ditto
 Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Galing
ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

B. Nagbibigay Aliw

Ang pelikula ay isang anyo ng libangan. Ito ay mahalagang sangkap sa isang pelikula.Sa
isang pelikula ay mayroon itong iba’t ibang anyo ng libangan na maaaring
makapagbigay aliw sa isang manonood , katilad na lamang ng horror, love story at
drama na siyang nakakapag pataas ng emosyon level natin sa tuwing tayo ay nanunuod
ng isang pelikula . Ang panunuod ng pelikula ay isang paraan upang takasan panandalian
ang ating mga problema.

C. Gawaing Sosyal

Dito natutunan at nahuhubog ang ating mga sarali kung paano tayo makisama at maki
ayon sa mgatao at ibapang bagay para manood ng pelikula , ito din ang dahilan kung
bakit naging bahagi na nating buhay ang panunuod ng pelikula. Nakakasanayan din natin
ang mga kaugalian natin kung paano tayo makisalamuha sa panunuod ng pelikula
hanggang sa ating pagtanda na siyang naipapaman at naibahagi sa mga bagong
henerasyon na siyang naging kultura na nating mga ta. Ang panunuod ng pelikula ay
nakakapag udyok o nakakaimpluwesya upang magustuhan o bilhin and mga bagay na
nakita o napanuod sa pelikula. Naging Gawaindin nating mga manunuod ng pelikula na
may kasama sa panunuod sapagkat naitatak sa ating isipan na dito tayo pweding
magsaya at makipagdate sa ating mga karelasyon.

D. Kasangkapang panteknolohiya

Hindi matutung hayan ang isang pelikula sa kanyang klaseng anyo kapag hindi ito
pumaloob sa isang teknilohiya. Kung noon ay gumagamit tayo ng Celluloid film ngayon
ay nakapaloob na tayo ng digital camera, cellphone at iba pa. Sa pamamagitan ng mga
makabagong teknolohiya ito ay maari na tayong makagawa ng pelikula, madali na rin
itong mapanuod at higit sa lath ay mabilis na itong maiupload sa ibat ibang platforms ng
internet na pwedeng mapanood ng sabay sabay sa buong mundo hindi katulad noon na
kailangan pang magpalit ng mga rolyo ng celluloid film.
E. Katuparan ng panaginip

Mayroon tayong tinatawag na daydreaming at nightdreaming. Ang nightdreaming ay


nangyayari kapag tayo ay natutulog kung saan wala tayong control at sampung porsyento
lamang ang ating maaalala samantalang sa daydreaming ay kontrolado natin ang ating isip at
walang ibang bida sa ating imahinasyon kundi tayo mismo. Ganoon din ang ginagawa ng
pelikula sa atin, Pinakakalimot sa atin ang ating realidad para tumunghay tayo sa realidad na
kung saan naiuugnay pa rin natin ang ating sarili at handa tayong magbayad para matunghayan
ang ganoong klaseng realidad katulad sa mga pelikula. Nakaka apekto din ito sa kagustuhan
natin, halimbawa sa mga Hollywood films, ang gamit na cellphone at computer ng mga karakter
ay iPhone o Apple computer at sa Korean films ay Samsung, tayong mga manunuod ay nagiging
magkapareho ang gusting brand ng cellphone or computer dahil iyon ang mga nasa
napapanuod natin. Ang ganitong katangian ay tinatawag na Mcdonaldizaton dahil kapag nakita
ito ng lahat ng kabataan sa buong mundo, magiging pare-pareho na ang panaginip nila.

F. Mahahalagang Serbisyo

Tinutukoy ng mga literaco kung pano pag usapan ang pelikula ang kritisismo naman ay
ang pagsusuri ng mga balangkas o framework para mas maintindihan ang ating tinutunghayan.
Katulad ma lamang ng mgs teleseryeng ating napapanood. Kailangan na munang suriin at
intindihin nang sa gayon ay malman mo o mas maging malinaw sa iyo ang ipanarating ng iyong
tinutunghayan.

G. Bilang isang sining

Sinasabing sining ang isang pelikula kapg ang mga pormal na element na bumubuo ng
pelikula katulad ng script, mise en scene (ibig sabhin ito ang yugto ng potograpiya, kung ito ba
ay close up, below shot o malaking shot) ibig sabihin ito ay ang pagpili ng eksena ng mga
director at cinematographer ( pag iilaw sa eksena). Mayroon ding elemento ng tunog at ang
kalahat ng karanasan natin sa panunuod ng pelikula ay nakabaty din sa tunog kahit nakapikit
tayo ay masusundan natin ang pelikula dahil sa iba’t ibang tunog at lalo na ng dayalogo na
nagaganap sa pelikula ,mayroon ding tinatawag na editing. Dito maaaring pahabain o panilisin
ang isang eksena, mayroon ding direksyon at iba pang element katulad ng vision ng isang
director, acting at produksyong disensyo o production design kung saan dito malalaman kung
halimbawa, ito’y bay historical film at ano ang kakailanganin na costumes, props at hitsura ng
mga artista ito ang mga pormal na element at aangat ang isang pelikula kapag nagtulungan ang
mga elementong ito na ipahatid sa atin ang bisyon ng director.

You might also like