Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Munting Alaala

(Suring Basa)
Isinulat ni:Jean Dyna Aton
1. PAGKILALA SA MAY AKDA – Sa aking obserbasyon isinulat ito ng akda dahil na rin sa kanyang
karanasan sa buhay
2. URI NG PANITIKAN – Sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na opinyon ng may-akda.
3. LAYUNIN NG AKDA –nais ng akda na ipaalala sa mga mambabasa ang mga bagay na dati ay
nagagawa natin
4. TEMA O PAKSA NG AKDA –Ang tema ng akda ay napapanahon sapagkat naglalahad ito ng
totoong pangyayari
5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA –
6. TAGPUAN/PANAHON –
7. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI –Maayos ang nilalaman at
pagkakabalangkas ng mga pangyayari , nailahad ng maayos ang ideya at nakaaaliw sa mambabasa
8. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA –Maganda ang kaisipang taglay ng akda.Tama
naman ang may akda na hindi naman masamang gawin ang ating mga nakagawian at hindi din
naman ganoon kalaki ang mundo upang makalimot tayo sa mga alaala
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Maganda ang istilo ng may akda sapagkat sa kanyang
isinulat ay maihahambing ng mambabasa sa tunay na buhay
10. BUOD –
Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing
pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan. Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila
napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.
Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng
bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala
lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o
nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga
kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na
dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong
tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks.
Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang
pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?
Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga laruan, kaylan
mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga secret notes sa likod ng
mga school notebook mo, o tinignan ang mga matataas na grade na ibinigay sayo ng teacher mo,
bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-
unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya
sa tao?
Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda
ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na
nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito.
Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng
maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.
Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi
iiwan ng kalikasan ang mundo.
Madaling Araw
Kilala bilang Odalager, si Iñigo Ed. Regalado ay isa sa mga kinikilalang mahusay noong kapanuhan niya.
Isinilang noong Marso 16, 1888. Ang kanyang unang nobela ay ang Madaling Araw na nalahala noong
1909.

Tungkol sa "Madaling Araw"

Ang Madaling Araw ay isang romantiko at sosyo-politikal na akda. Bilang romantikong nobela,
isinalaysay nito ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan, sina Mauro at Luisa, ng iba pang
mahahalagang tauhan tulad nina Daniel at Nieves na anak ng isang mayaman. Katulad ng karaniwang
romantikong kuwento, ang pag-iibigan ay masalimuot at puno ng balakid. Tutol ang mga magulang ni
Luisa, sina Mang Marcos at Aling Minang, kay Mauro sapagkat nakikita siya bilang isang taong walang
ambisyon at patutunguhan dahil sa kanyang pagiging isang artista ng sining. Tutol naman ang
tumatayong magulang ni Mauro, si Kabisang Leon, kay Luisa sapagkat balak niyang ipakasal ang binata
kay Ines, isang kolehiyala. Kahirapan naman ang dahilan ng pagtutol ng magualang ni Nieves kay Daniel
subalit nakasal naman ang dalawa nang mahuli ng ama ng babae na nagtatalik ang dalawa. Isa ring
hadlang sa pag-iibigan ng mga magsing-irog ay si Pendong. Parehong umibig ang lalaki kina Luisa at
Nieves subalit lubos na nasaktan nang piliin ng mga dalaga ang lalaking kanilang minamahal. Dahil dito,
gumawa siya ng paraan upang sila’y magkahiwalay. Ipinamalita ni Pendong na magpapakasal sa kanya si
Luisa bilang kabayaran sa pagkakautang. Nagpadala naman ng sulat si Pendong kay Daniel na
nagsasabing hindi si Daniel ang ama ng dinadala ni Luisa. Parehong naniwala ang lalaki sa panlilinlang ni
Pendong at kapwa lumisan. Pagkatapos nang mahabang panahon, bumalik ang dalawa sa kanilang bayan.
Sina Mauro at Luisa ay nagkatuluyan subalit hindi na inabutang buhay ni Daniel si Nieves dahil sa
matinding karamdaman.
Bilang sosyo-politikal na nobela, kasabay nitong inilalarawan ang panlipunan, pang-ekonomiya at
pampulitikal na sitwasyon sa Katagalugan noong panahong iyon. Isinasalaysay nito ang mga usapin at
pangyayari tungkol sa paggawa, pagbabago ng lipunan, kawalang katarungan, karahasan at
pamamahalang Amerikano sa bansa. Ang ganitong tunggalian ay maaaring katawanin ng dalawa pang
mahalagang tauhan sa nobela. Si Kabisang Leon ay kumakatawan sa kasamaan ng mga Pilipinong
tumutulong sa mga Amerikano samantalang si Juan Galit naman ay kumakatawan sa mga Pilipinong sa
una ay tahimik lamang sa mga nagaganap ngunit sa huli ay naging aktibo sa paglaban. Ang ganitong
tunggalian ay umabot ng kasukdulan nang mapatay ni Galit si Kabisang Leon samantalang pinarusahan
niya si Pendong na kumakatawan din sa iba pang mapansamantalang Pilipino. Tumatayo rin bilang tinig
ng lipunan si Galit. Sa maraming bahagi ng nobela, naririnig siyang tila isang guro at propeta na
nagbabahagi ng mga nararapat gawin at isipin ng kuwento. Sa katapusan, nagpaliwanag si Galit na ang
kamatayan ni Kabisang Leon ay hudyat ng pagtatapos ng kadilimang dinadanas ng bansa ngunit hindi
nangangahulugang lubusan na itong lumaya. Para sa kanya, nasa “madaling araw” o maagang yugto pa
lamang ang tinatamasang kahirapan at maaari pang kailangang gawin upang masigurong magtutuloy-
tuloy ito.
PANGKALAHATANG BUOD: Isinulat ni Iñigo Ed. Regalado noong disiotso anyos siya, ang Madaling
Araw ay masalimuot at malawak na nobelang tinalakay ang maraming bagay mula pansarili hanggang
panlipunan at pampulitikang usapin. Isang malaking hibla, na sinusuhayan ng ilang salaysay ang nag-
uugnay sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Si Mauro, isang makatang pintor ay napamahal kay Luisa,
na ang magulang ay yamot sa nasabing binata. Napaibig naman si Daniel kay Nieves na anak ng isang
mayaman. Ang hadlang sa kanilang pag-iibigan ay hindi lamang mula sa mga magulang, bagkus maging
kay Pendoy, na nabalani sa dalawang dalaga. Noong una, naniwala ang dalawang binata sa mga maling
pinagsasabi ni Pendoy laban sa dalawang dalaga. Tinalakay din ng nobela ang kondisyong panlipunan at
pampulitika, lalo na ang mga dukhang pinagsamantalahan ng gaya nina Kapitan Leon, ang tiyo ni Mauro
na gahamang dayuhang kapitalista. Isinakataga naman ni Juan Galit ang pangunahing tema ng nobela.
Nagbabala si Juan Galit na dadanak ang dugo para sa pakikibaka, dahil tanging iyon lamang ang paraan
upang maintindig nito muli ang sarili mula sa karukhaan at kaalipustaan.

PAMBUNGAD NA TALA: Ang Madaling Araw ay may tekstura ng mga naunang akda, gaya ng sinulat
nina Roman Reyes at Valeriano Hernandez Peña, na gumamit ng matitingkad na imahen ng pamumuhay
at gawi ng maraming bayan sa rehiyong Tagalog. Ngunit kaalinsabay ng ganitong paglalarawan ang
mababalasik na tagpo ng pag-aaklas ng manggagawa, ang maiinit na pagtatalo sa paggamit ng mga
paraan upang baguhin ang lipunan, at sa isang kabanata, itinampok ang kasapi ng Liga ng mga Kontra-
Imperyalista at tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng kilusang ito na tumututol na gawing estado
ng Amerika ang Pilipinas
Buod ng nobelang "Kuko ng Liwanag"

Isang maralitang mangingisda si Julio na lumuwas ng Maynila para hanapin ang


kanyang kasintahang si Ligaya. Si Ligaya ay matagal nang sumama sa isang
babaeng nagngangalang Mrs. Cruz at nangako ito na ihahanap ng trabaho at pag-
aaralin siya sa lungsod.

Sa kanyang paghahanap, naranasan ni Julio ang maging biktima ng masasamang


elemento ng lipunan gaya ng pagnaknakaw at awayan, mapagsamantalahan sa
loob at labas ng konstruksiyon, mawalan lagi ng trabaho, makapatay ng taong
nang di sinasadya, magkagutom-gutom at makatulog sa kung saan-saan na
lamang.

Subalit sa gitna ng tensyon at kabiguan, naisip niyang hindi siya puwedeng


magpatalo sa lipunan at kailangan din niyang mag-anyong mabangis para hindi
magapi ng kalaban. Si Julio mismo'y naging mapanganib din.

Di kalaunan, nagkita rin sila ni Ligaya. Nalaman ni Julio na siya pala ay naging
biktima ng pagsasamantala, binili at mistulang bilanggong kinakasama ng isang
Tsino. Nagkasundo silang tatakas si Ligaya, anuman ang mangyari.
Pamagat: Maynila sa Kuko ng Liwanag
May-akda: Edgardo M. Reyes

Buod:
Sa simula, si Julio isang lalaking karaniwan sa bukid na buhok ay
tumatambal,malaginto sa kauhawan sa porma, dibdib na wari’y bariles dahil sqa malaki nitong
masela t m a k a k a p a l n a k a m a o a y h i n d i m a t a t a g p u a n s a b u k i d k u n d i s a m g a
l a n s a n g a n n g Lungsod. Maaaninag sa kanyang itsura na siya ay maralita. Umaga noong
Marso, siya aynakatayo sa Issac Peral, nangangamba sa pagtawid. Dahil sa mga
animo’y mabangis nasasakyan sa kanyang harapan. Sa kanyang patu loy na
paglalakad natunton rin niya angkanyang paroroonan. Sa gusali ng The Future La Madrid
Building Architectural Design:T.S. Obes and Associates. Naroroon siya upang maghanap ng
trabaho at hindi naman siyanabigo. Pinasok siya sa pagpipiyon, kahit na mas malaki
ang sahod iya sa dati niyang p i n a g t r a t r a b a h u a n s a k o n s t r u k s y o n n a m a t a t a p o s
n a s a C u b a o . K a ya ’ t h i n d i n i ya i t o n a h i n d i a n . D o o n n a k i l a l a n i ya s i O m e n g
n a n a g h a t i d s a k a n y a s a l u g a r n g k a n y a n g pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng
simento. Sila ay sina Atong at Benny na tigatakalng graba at buhangin. Si Imo naman ang
nagtutubig at nag-uuho ng simento. Dahil samatinding init ng araw, gutom at hirap
ng trabaho hinimatay sa Julio at agad siyangsinaklolohan ni Atong at ibinigyan ang
baon nito upang maibsan ang nararamdamanggutom.Dahil sa inalmusal ni Julio ang baon
ni Atong. Nananghalian naman siya sa baonni Omeng. Ibinahagi nito ang baong tatlong
pritong galunggong at kamatis. Matapos nilang mananghalian sila ay nag-umpok-umpok at
nagkwentuhan habang namamahinga.Sa pagkwekwentuhan ng apat nalaman nila na si Julio ay
taga- Marinduque, doon siya aymangingisda. Matapos nito bumalik na sila sa kanilang trabaho.
Kinahapunan ay pumilasila kay Mister Balajadia upang lumagda sa kanilang pay-roll. Dahil sa
walang matirahan si Julio, napagpasyahan niyang magpalipas ng gabi sa sa mismong
konstruksyon site.Bago pa man umuwi sina Omeng at Atong binigyan nila si Julio ng tig-
diyes sentimo. Sakonstruksiyon site kasam niya si Benny at Imo na isang estudyante sa kolehiyo.
Lumabassi Julio at naglakad lakad ito sa malapit na parke.Isang umaga, matapos mag-
almusal nina Julio,nabalitaan nilang may napatay naordinaryong mangagawa kagabi.
Sina Atong ay nagkausap tungkol ditto. Samantala si Julio ay naibagsak ang sako ng
simentong hawak. Naisip ni Julio, bakit niya pinatay angk a t u l a d n i y a n g o r d i n a r y o n g
m a n g a g a w a d a h i s a m a l i i t n a h a l a g a n g l i m a n g p i s o . Bumaling na
lamang sa paghahalo ng simento si Julio. Samantalng si benny naman, na kilalang
masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtratrabahoi. Di akalaing lubosng kanyang
mga kasama na ito na ang huli trabaho nito. Ang masaklap pa ay namatayitong
dukha. Si Atong naman ay masuwerteng daplis lang ang natamo sa masaklap
naaksidente. Dahil ito ay hirap lumakad inihatid ito ni Julio sa kanilang tahanan.Sa pagkakahatid
ni Julio kay Atong. Nakita niya sa daan ang realidad ng hirap ng buhay. Mula sa Bus, bumaba
sila sa North Boulevard na patunong Estero Sunog-Apo. Saesterong ito nananahan ang ama
at kapatid na babae ni Atong. Si Perla kapati d ni Atong na sumalubong sa kanilang
pagdating. Siya ay tumatanggap ng pagantsilyuhing kobre k a m a . S a m a n t a l n g
ang ama naman niya ay paralitiko dahil nakipaglaban sa
n a i s kumamkam ng lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a binaril
attinamaan sa buto.A r a w n g S a b a d o , i t o a n g a r a w n a p i n a k a h i h i n t a y n g
m g a t r a b a h a d o r d a h i l ibibigauy na ang kanilang pinagpaguran sweldo.
K a h i t n a n a d a ya s i J u l i o n i M i s t e r Balajadia sa sweldo niyang kinse pesos, ayos
lang. Napagpasyahan niyang mamili ngdamit at tsinelas kaya’t nagpasama siya kay
Atong sa Central Market. Matapos mamilikumain sila ng goto at nagkwentuhan
tungkol sa mapait na nangyari sa nobya ni Julio. Gabi na ng makabalik sa Julio sa
gusaling kanyang tinutuluyan. M a t a g a l n a s i J u l i o s a G u s a l i n g p i n a g t r a t r a b a h u a n .
S i M i s t e r B a l a j a d i a a y nagpasyang magbawas ng tao at kasamang matatanggal si
Julio. Dahil patapos na anggusali kaya pinapa-unti-unti na ang mga taong nagtratrabaho roon
lalo na sa piyon. Isanglingo nalang ang itatagal niya sa trabaho. Napag-isip niyang manuluyan pa
rin sa bodegang gusali para may matulugan lamang. Ngunit hindi siya pinayagan ng gwardia ng
gusali.Lumabas si Julio at naglakad-lakad sa malamig at marahas na lungsod, hangang
maratingniya ang kalye ng A. Mabini.Sa patuloy na paglalakad ni Julio nagawi ito sa
Santa Cruz sa may Misericordiakung saan marami siyang nakitang sulat intsik.
Nagpagala-gala siya at natulog sa kalye.Sa matandang apartment sa Doroteo Jose,
kumatok siya at nagtanong tungkol sa babaengnagngangalang Misi Cruz na kumuha kay nobya
niyang si Ligaya, ngunit isang lalaki angnagbukas ng pinto at kunot ang noong sumagot
na wala ang hinahanap niyasa bahay naiyon. Unti-unti inalala ni Julio ang sinabi ni Pol at
Imo sa kanya, na maaaring ipinasok sakasa at ibinenta sa Intsik si Ligaya upang pakasalan. At
isang araw, sumulat si Misis Cruzsa ina ni Ligaya at ayon sa sulat ang kasintahan niya
ay nawawala at bukod pa rito ayninakawan pa raw siya ng Diyamanteng hikaw.
Isang pagkakataon, nakita ni Julio saMisis Cruz na pumasok sa tinitirahan nito sa Doroteo
Jose. Patuloy siyang nagmanman,hindi naman siya nabigo sa pagsunod_sunod niya sa
mga pinupuntahan ni misis cruznakarating siya sa Sta Cruz sa lugar kung saan
maraming nakasulat na intsik. Matapos pumasok ni Misis Cruz sa isang pintuan.
Agad siyang kumatok at nagtanong sa isang katulong. Kung mayroon nakatira Ligaya
Paraiso roon. Ngunit biglang may dumating naintsik mula sa loob na nagngangalang Ah Tek at
pinagsaraduhan siya ng pinto.Bumalik sa gusaling pinagtratrabahuan si Julio. Sa
kanyang pagbabalik siya ay p i n a k i u s a p a n n i I m o n a h u m a l i l i s a k a n y a
k i n a b u k a s a n d a h i l m a g - a a p l a y s i y a s a Advertising Company. Dahil
nalaman ni Mister Balajadia na nagsisinungaling sa Imotungkol sa kunwaring may
libing siyang pupuntahan agad siyang tinangal sa listahan. Ngunit magkaganoon
man swerte pa rin niya dahil natanggap siya sa opisina. Kumalat ang balita hanggang
obrero. Masaya sina Gido, Atong, Omeng at Frank sa tinatamasa ngkanilang kaibigan.
Nanunuluyan si Imo sa Vito Cruz. Araw ng Linggo at araw ito ng

II. Pagtalakay
A. Tauhan
Julio ay isang mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila upang hanapin ang
kanyang kasintahang si Ligaya o Ligaya Paraiso - kasintahan ni Julo na lumuwas sa Maynila
dahil pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng prostitusyon

Pol ay ang matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa kanyang mga problema

Atong ang mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang construction site
Ah Tek ay isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution den; nagkagusto siya kay
Ligaya kaya pinakasalan niya

B. Tagpuan
Maynila- sa lugar na ito halos nangyari ang lahat ng pangyayari sa kuwento.
C. BANGHAY

a. PANIMULA

Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction


site. Hindi sapat ang kaniyang kita gayundin ng kaniyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang
sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kaniyang kasamahan rin sa trabaho.

b. SAGLIT NA KAKINTALAN

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa
ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay
umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya
nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at
kumikita na siya ng maayos.

Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si
Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang
parang paupahan.

c. PAPATAAS NA AKSYON

Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang
kababata at kaibigan sa probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni
Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may nakilala siyang
isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at
umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose
hanggang alas tres.

d. KASUKDULAN

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang
si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

e. PABABANG AKSYON

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay na si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang
mailibing si Ligaya.

f. WAKAS

Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.
D. TUNGGALIAN

Tao laban sa lipunan, sapagkat si Julio at si Ligaya ay mga probinsyano at dahil doon ay tinatrato
silang maliit at hamak lamang ng mga taga- Maynila.

Tao laban sa Sarili : Hindi mapigilan ni Julio na makapagnakaw sa isang lalaki. Higit pa, hindi
niyang sinasadyang mapatay ito.
Tao laban sa Kalikasan : Malaki ang dinanas na hirap nina Julio at Ligaya sa Maynila. Gutom,
prostitusyon, kawalang hustisya ang ilan sa mga ito

III. Dulog
Ang kuwentong Maynila sa kuko ng liwanag ay gumamit ng dulog
na Moralistiko sapagkat nagpapakita ito ng mga kaugalian ng mga tao na naninirahan sa
Maynila. May mga taong hindi maalam mag-alaga ng sarili at maging masipag. May mga iba rin
na nandadaya at nangunguha ng pera sa ibang tao. Hindi rin pantay-pantay ang pagtrato sa mga
Pilipino. Ang ibang mayayaman, ibis na tumulong sa kapuwa mahirap ay lalo pang
pinahihirapan kaya dumadami ang kahirapan sa bansa. Kasakimaan, kawalang hustisya, at
pagka-ignorante ang mga nagdulot ng kahirapan. Ipinakita sa kuwento ang pagkakaiba-iba ng
ugali ng bawat mamamayan na naninirahan sa Maynila. Ipinakikita rito ang iba’t ibang uri ng tao na
maaari nating makasalamuha sa pang-araw araw, nakita ko rin na iba’t iba ang ugali ng mga tao lalo na sa
Maynila Mas marami pa rin ang nakita ko sa nobelang kabutihang ginawa kesa sa kasamaan dahil lamang sa pera.

Simbolismo sa Nobelang Sa Kuko ng mga Liwanag

Sa Kuko ng mga Liwanag Sinisimbolo nito ang nakakasakit na pang-aakit ng pangsisilaw ng


liwanag ng Maynila. Ang mga karakter na napapunta sa Maynila na may mga
malalaking pangarap ay naloko lamang.

Ang pangalang Ligaya Paraiso ay tumutukoy sa isang bagay na puno ng kagandahan at


kasayahan. Ngunit kabaligtaran ang lahat ng nangyari kay Ligaya. Kagaya ng Maynila na kung
saan umasa si Ligaya na magbibigay sa kanya ng magandang buhay ay nagdulot lang sa kanya
ng problema.

Ah Tek - Mula sa lumang salitang Filipino na “atik” na ang ibig sabihin ay pera,
sinisimbolo nito ang mga Intsik noong panahon ni Reyes na makapangyarihan dahil sila ang may
hawak ng pera.

Ang pangalan ni Julio ay galing sa pangalang Julius Caesar. Si Julius Caesar katulad ni Julio ay
may malakas na karakter na hindi basta-bastang sumusuko sa anumang pagsubok. Si Julio ay
matatag kahit siya ay naghihirap na. Ngunit ang pagkamatay niya ay nagsimbolo ng
pagkawalang-hustisya at pagkamatay din ng pag-asa.

Estero Sunog- Apog Ang Estero Sunog-Apog ay isang maduming lugar na wari lahat ng
kapangitan sa mundo ay naroon na. Tinutukoy nito ang Maynila na nasisira na ang kagandahan
at puro kapangitan lang ang meron, kahit sa lugar man o sa mga taong nakatira roon.
IV. Reaksyon
Kahirapan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang hindi nakakakain. Madami ang
nawawalang trabaho at marami ang nagtitiis ng hirap. Madami rin ang hindi nabibigyan ng
pagkakataong mag-aral kaya lalong hindi umaasenso ang kanilang buhay. Naapektuhan ang
buhay ng ibang Pilipino kaya nawawalan sila ng pag-asa upang magsikap at mabuhay.
Nagandahan ako sa aking binasa pati sa mensaheng pinaparating nito. Naisip ko na sa buhay
sadyang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga nakakalamang, may mga naghihirap. Pero
kahit anong kapalaran, tayo pa rin ang may hawak ng ating buhay. Tayo ang may desisyon kung
ano ang gusto nating gawin at makamit. Kahit gaano kasama ang mundo, nasa sarili natin kung
paano ito papagandahin.
niyang kinse pesos, ayos

You might also like