Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REAKSYONG PAPEL

(Simpleng Pangarap)

Unang basa ko pa lamang sa pamagat ng sanaysay na “Simpleng Pangarap” ng aming


guro na si Ginoong Arlan Manalon Camba ay napatanong ako nang ‘bakit kaya simpleng
pangarap yung pamagat?’ Hindi ba’t sabi nga nila “kung mangangarap ka, bakit hindi mo pa
taasan?” oo nga naman, mangangarap ka na lang din, bakit hindi pa iyong bongga? libre
naman ang mangarap di’ba?. Marahil siya ay mayroong dahilan bakit ito ang pamagat.
Noong ako ay nagsimula na sa pagbabasa sa unang talata, ang mga tanong na nabasa
ay tumakbo sa utak ko bigla. Naisip ko, oo marahil naikwento na ng tao ang kwento sa
mundo pero hindi lahat. Nabulatlat na kaya ng tao ang lahat ng misteryo ng sandaigdigan?
“di natin sure” sabi nang kabataan. Paano naisip ang hindi pa naiisip? At paano natuklasan
ang hindi pa natutuklasan? Ngunit dito ako nakasisiguro na ang tao ay may kanya kanyang
karunungan sapagkat may iba’t ibang uri ng karunungan na pwede natin matutunan, pero
hindi ako sigurado kung ano pa kayang bagay ang hindi pa naaabot ng karunungan ng tao.
Sumasang-ayon ako sa pangungusap na “Ang karunungang hindi pa raw nagagawa o
naaabot ng tao ay ang tapusin niya ang lahat ng kurso sa mundo”. Isang kurso pa nga lang ay
nahihirapan na ang nakararami, ang tapusin pa kaya ang lahat ng kurso sa mundo? Ano ka,
“isang alamat”?
Tunay nga naman na “ang buhay ay walang katapusang pag-aaral ngunit hindi rin
nangangahulugang kailangan mo ang sangkatutak at sangkaterbang diploma para
maunawaan mo ang buhay at maintindihan mo kung paano ang mabuhay. Minsan,
nagsisilbing pasaporte na lamang ito para sabihing may pinag-aralan ka. Nagiging tatak para
ituring kang matagumpay sa maraming taon na iginugol mo sa pakikipagbolahan sa loob ng
eskwelahan.” Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makapag-aral kaya hindi natin masisisi
ang mga taong umaasa na lamang sa swerte ng buhay.
Ako ay namangha sa aking nabasa, tila nabuksan ang sarado kong kaisipan at may
nabago sa aking pananaw. Nakakabilib, ako’y natutuwa na ito ay aking nabasa at isang
karangalan na ang nagsulat nito ay ang aming kagalang galang na guro. Mag-iiwan lang ako
ng opinyon na walang masama sa simpleng pangarap at hindi ko naman ibig sabihin na
huwag nang mangarap ng mataas. Hindi din kasalanan ng mahihirap na umasa nalang sa
pangarap na jackpot, hindi rin ibig sabihin ay hindi na mag-aaral sapagkat naniniwala pa rin
ako na ang edukasyon ay isang mahalang sandata sa isang pagpupunyagi.

You might also like