Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

“PIPING-SAKSI”

DIRECTOR:
Chantal Dominique Saballo
SCRIPTWRITER:
Chantal Dominique Saballo
CAMERAMAN:
Kathleen Isaac
Janelle Francis Reyes
VIDEO EDITOR:
Reign Daniel Gutierrez

RAY CAMORRA: Joshua Ray Magpoc


JULIA GOMEZ: Lynde Lyza Bea
INTERROGATOR: Jibb Singson
SANJO REYES: Jai Rus Matthew Layos
JUANITO GOMEZ: Jaycob Domanico
DANIEL VALENCIA: Reign Daniel Gutierrez
TEACHER: Jerammelle Gregorio
ALLIYAH LIBRES: Charity Grace Ravino
YVONNEY MIRANDA: Jofel Regalona
POLICEWOMEN:
Airel Marie Turallo
Lyan Desiree Roque
Rhodora Santos
Clarisse Anne Reales
SCENE 1

[Interrogation room]
RAY: Maganda si Julia, matalino, sobrang bait, siya yung tipo ng babaeng hinding-hindi mo
pakakawalan kapag nasa’yo na, pero nawala siya sa akin. Matapang ang loob ni Julia pero
hindi na niya siguro kayang tanggapin ang nangyari sa kan’ya nang gabing iyon, kaya na lang
siguro pinili niyang tapusin ang buhay niya.

SCENE 2

[school; February 14; 9:08 AM]


(naglalakad si Julia galing sa second floor ng building)
YVONNEY: Uy, Julia!
ALLIYAH: Kumusta ang buhay top 1?
JULIA: (nahiya) Ano ba? Nakakahiya. (titingin sa salamin niya)
(mag-uusap-usap sila at makikita ni Julia si Sanjo)
JULIA: Teka lang. (lalapit kay Sanjo)
JULIA: Uy, babe. (sabay ngiti ng mapang-asar)
SANJO: Uy, babe. (sabay tawa nilang dalawa)
JULIA: Kumusta, buhay?
SANJO: Ang hirap mong talunin sa pagiging top 1.
JULIA: Natural na kasing matalino eh, mas galingan mo pa kasi. (sabay tawa)
(may nagmamasid sa likod ng mga dahon-dahon)

SCENE 3

[Interrogation room]
RAY: Lagi silang magkasama sa school. Hinding-hindi niya hinihiwalayan si Julia at lagi kong
nakikita ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.
INTERROGATOR: Ano sa tingin mo ang dahilan kaya mo nasabing maaaring siya ang gumawa
niyon sa biktima?
RAY: Sa tingin niya pa lang sa girlfriend ko ay halatang may gusto siya. At isa pa, top 2 siya sa
klase nila kaya hindi malabong magkaroon siya ng galit kay Julia.

SCENE 4

[classroom; February 14; 12:20 PM]


JULIA: Mas mataas ako kaysa sa’yo, paano ba ‘yan?
SANJO: Oo na, alam ko na gagawin ko. Ang hirap mong talunin.
JULIA: (natawa)

SCENE 5

[interrogation room]
RAY: Kaya naman pwedeng siya talaga ang gumawa no’n.
INTERROGATOR: Eh sino si Daniel Valencia? (bubuksan ang folder, kukunin at ipapakita ang
picture ni Daniel)
RAY: Siya ang kaklase ni Julia na may gusto sa kan’ya.

SCENE 6

[classroom; February 14; 2:21 PM]


TEACHER: (hahampasin ang board) Makinig kayo, ibibigay ko ang pangalan ng mga kagrupo
ninyo.
(ipamimigay ang mga ¼ na may pangalan ng mga kagrupo, ipapakita sa camera)
JULIA: (lilingon sa likod) Daniel, magkagrupo nga pala tayo.

SCENE 7

[interrogation room]
RAY: Matagal na siyang may gusto kay Julia, pero hindi siya pinapansin nito.

SCENE 8

[bahay nina Daniel; February 14; 5:32 PM]


YVONNEY: Mauna na kami ha? Anong oras na kasi eh.
ALLIYAH: Oo nga, hinahanap na kasi ako ni mama.
JULIA: Sige, sige, mag-ingat kayo ha?
YVONNEY: Hindi ka pa ba uuwi, Julia?
JULIA: Ah, maya-maya na.
ALLIYAH: Sige, mauna na kami.
(aalis na sila)
DANIEL: Ito na lang yung mga gagawin natin.
JULIA: Ah, sige. (magri-ring yung phone) Teka lang.
(titingnan ang phone at may nag-message ng “Nasaan ka na? Di ba may date tayo?”)
(magte-text ng “Sunduin mo na lang ako, kanila Daniel.”)
DANIEL: Sige, pwede na ‘to.
JULIA: Uwi na ako, Daniel. (titingin sa salamin bago tumayo) Bukas na lang natin tapusin.

SCENE 9

[interrogation room]
RAY: Late na siyang nakaalis sa bahay nila Daniel, dahilan para hindi siya makapunta sa date
namin. Nakita ko pa ngang hinawakan ni Daniel ang kamay ni Julia bago siya umalis.

SCENE 10

[labas ng bahay nina Daniel ; February 14; 6:03 PM]


RAY: Huwag na huwag ka nang lalapit sa kan’ya.
JULIA: Bakit naman?
RAY: Basta, wala lang akong tiwala sa kan’ya.

SCENE 11

[interrogation room]
INTERROGATOR: Nasabi mo ring maaaring kasama ang kuya niyang si Juanito Gomez.
RAY: Tama, sobra siyang malapit sa kapatid niya at talaga namang pinaghihiwalay niya kaming
dalawa ni Julia.

SCENE 12

[labas ng bahay nila Julia; February 14; 6:31 PM]


JUANITO: Late ka nang naka-uwi, bunso.
JULIA: May ginawa po kasi kaming groupwork.
JUANITO: (titingin nang masama kay Ray) Pasok ka na, bunso.

SCENE 13

[interrogation room]
RAY: Ang laki ng galit niya sa akin, hindi ko alam pero parang may gusto siya sa kapatid niya.
Pero alam kong naiinggit din siya sa kapatid niya dahil paborito ito ng mga magulang nila.
SCENE 14

[bahay nila Julia; February 14; 6:34 PM]


JUANITO: Kasama mo nanaman si Ray.
JULIA: Nagpasundo lang ako kuya.
JUANITO: (aakbay kay Julia) O, sige na. Magpahinga ka na muna.

SCENE 15

[interrogation room]
INVESTIGATOR: Nakita ito sa crime scene at nasa bagay na iyan ang mga fingerprints ni
Daniel. (ipakikita ang swiss knife)

SCENE 16

[bahay ni Julia; 9:41 PM]


JULIA: (papasok sa bahay habang may kausap sa phone) Nakauwi na ako, Daniel. Maraming
salamat.
[loob ng kwarto; 9:44 PM]
JULIA: (tatawag kay Ray) Pwede ba tayong magkita, Ray?

SCENE 17

[interrogation room]
INTERROGATOR: Anong oras kayo nagkita?
RAY: Mag-a-alas diyes na nang magkita kami. Nag-usap kami pero umalis din siya agad na
para bang masama ang loob niya.
INTERROGATOR: Anong oras naman siya umalis?
RAY: Pasado alas diyes na.
INTERROGATOR: Nakita rin ito sa crime scene. (pinakita ang key chain ni Sanjo) May
pangalan ito ni Sanjo.

SCENE 18

[bahay ni Julia; 10:12 PM]


JULIA: Hindi ko na kasi kaya, Sanjo. Baka ‘yon na talaga ang tamang gawin.
SCENE 19

[interrogation room]
INTERROGATOR: Isa ka sa mga tinawagan ni Julia, bago mangyari ang krimen. Anong pinag-
usapan ninyo?
SANJO: Nagsabi siya sa akin na nakipag-break na siya sa boyfriend niyang si Ray. Masyado
na raw kasing mahigpit sa kan’ya kaya nakipaghiwalay na siya.
INTERROGATOR: Nakita namin ang bagay na ito sa crime scene. May pangalan mo at
fingerprints.
SANJO: Binigay ko ‘yan kay Julia, isang araw bago mangyari ang krimen.

*back to* [classroom; February 14; 12:20 PM]


JULIA: Mas mataas ako kaysa sa’yo, paano ba ‘yan?
SANJO: Oo na, alam ko na gagawin ko. Ang hirap mong talunin.
JULIA: (natawa)
SANJO: Oo nga pala, kapag nai-stress ka, hawakan mo lang ito. (bigay ng keychain)

SCENE 20

[bahay ni Julia; 10:23 PM]


JUANITO: (dumating siya) Natapos niyo na gawain niyo?
JULIA: Opo kuya. (malungkot)
JUANITO: Ano nangyari, parang ang lungkot mo?
JULIA: Pagod lang kuya.
[palabas ng bahay; 10:31 PM]
(nag-ring ang phone)
JULIA: Oh, napatawag ka Daniel. (titigil sandali) Sige, buti na lang natapos mo na.

[sa labas ng bahay; 10:36 PM]


(may hihila kay Julia)

SCENE 21

[interrogation room]
INTERROGATOR: Ikaw ang huling tumawag sa biktima...
DANIEL: Sinabihan ko siyang natapos ko na ang project namin. Tinext ko pa nga sa kan’ya ang
bagay na iyon bago ako tumawag, hindi ba?
INTERROGATOR: Tama, pero ano ang ginagawa ng swiss knife mo (ipapakita ang swiss knife)
sa crime scene?
DANIEL: Ibinigay ko ‘yan kay Julia noong unang araw ng paggawa namin ng project dahil para
may pang-self-defense siya. Dumidilim na kasi ng mga oras na iyon, maganda si Julia kaya
nakakatakot na umuwi siya nang mag-isa na walang kahit anong panglaban.

*back to* [bahay nina Daniel; February 14; 5:32 PM]


DANIEL: Sige, pwede na ‘to.
JULIA: Uwi na ako, Daniel. (titingin sa salamin bago tumayo) Bukas na lang natin tapusin.
DANIEL: Teka lang, pang-self-defense mo. (ibibigay ang swiss knife)
JULIA: Salamat, Daniel.

SCENE 22

[bahay ni Julia 11:22 PM]


RAY: Kuya, si Julia?
JUANITO: Nand’yan lang siya sa labas ah. Bakit?
RAY: Kukumustahin ko lang siya.
JUANITO: Ano bang nangyari?
RAY: Nakipag-break siya sa akin.

[bahay ni Julia: 11:40 PM]


JUANITO: Umuwi ka na tatawagan kita kapag nakauwi na siya.

SCENE 23

[interrogation room]
JUANITO: Pumunta si Ray sa bahay at hinahanap si Julia. Pinauwi ko na siya sa kanila dahil
anong oras na.
INTERROGATOR: Malapit sa inyo ang pinangyarihan ng krimen at iyon ang naging lead namin
sa iyo.

SCENE 24

[bahay ni Julia; 7:36 AM]


RAY: Kuya, wag kayong mag-alala, hahanapin ko si Julia.
JUANITO: Salamat, Ray.
[crime scene; 7:49 AM]
RAY: (tatawag ng pulis) M-may patay rito.

SCENE 25

[crime scene]
*babaeng nakahiga*
*nakakalat na mga gamit (keychain, basag na salamin,)*
*police line do not cross*
{itsura ng biktima: nakahiga, hawak ang salamin sa kanang kamay niya, nasa malapit sa
kanang kamay ang keychain, may laslas sa kaliwang kamay}
*mga gamit sa crime scene*
POLICEWOMEN: (nag-iimbestiga)

SCENE 26

[interrogation room]
JUANITO: Si Ray ang nagsabi sa amin tungkol sa nangyari. Mag-aalas otso na iyon. Pagdating
namin ay ilang minuto lang, dumating na ang mga pulis.
INTERROGATOR: Tama.

SCENE 27

[crime scene]
KRIMINAL:
(pangre-rape *padyak lang ng paa ng biktima)
(sasakalin ang biktima gamit ang stockings *padyak lang ng paa ng biktima)
(ihahagis ang keychain)
(lalaslasan ang kaliwang braso ni Julia)
(ilalagay ang basag na salamin sa kanang kamay)

SCENE 28

[interrogation room]
INTERROGATOR: Nakita rito ang dugo ng biktima at dugo mo na nakakuha ng fingerprints mo
(ipapakita ang keychain at picture na malapit sa kanang kamay ng biktima). Sumunod naming
nakita ang basag na parte ng salamin na may dugo sa dulo (ipapakita ang basag na salamin at
picture na hawak ng biktima sa kanang kamay niya) na hawak ng biktima. Sinasabing ang
salamin ang ginamit ng biktima upang laslasan ang kanyang palapulsuhan ngunit hindi lang ang
dugo ng biktima ang nakita rito kundi ang iyong dugo rin. Sa di kalayuan, nakuha ng mga pulis
ang isang stockings at ang swiss knife ni Daniel, na may fingerprints mo at maraming dugo ng
biktima sa dulo ng talim nito. Halatang itinago upang hindi makita sa pag-iimbestiga. Ang
stockings ang tinuturong dahilan upang magkaroon ng marka ang leeg ng biktima upang sakalin
ito. Wala sanang makukuhang ebidensiya rito kung hindi mo naidikit ang kamay mong may
dugo mo. Nakakapagtakang napakaraming fingerprints at dugo mo sa mga bagay na iyon, hindi
ba? Ang sugat ng biktima ay nasa kaliwang braso niya, ngunit hindi mo ba naalalang, kaliwete
siya? Palabas ang sugat, imbes na maging paloob ito kung tunay ngang nilaslas ng biktima ang
sarili. Napakabilis ring nahanap ang lugar, lalo na’t hindi ka naman taga-roon, hindi ba?
(lalayo ang camera)
INTERROGATOR: Maraming salamat sa kooperasyon mo, at sa pagtangkang paglayo sa amin
sa katotohanan, ngunit naituro ng mga ebidensiya ang lahat sa iyo. (isasara ang folder at
makikita ang picture at pangalang Ray Camorra)

END

You might also like