Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PLANO PARA SA PAGPAPATAYO NG

COMPUTER SHOP

I. Ehekutibong lagom

A. Introduksyon

Sa pagpapatayo ng anumang klaseng negosyo, mahalagang isipin kung ito ba ay


magiging mabili o magiging patok sa mga mamimili, tulad na lang ng negosyo na may
kinalaman sa internet. Masasabing modern, ‘online’ o ‘wired’ na talaga ang mga Filipino
sa kasalukuyan. Gadget dito at internet doon. Maraming mga Pinoy na ang takbuhan ay
computer/internet shops para maging ‘connected’ sa mga kaibigan at kapamilya, o para
maging ‘updated’ sa mga pangyayari sa paligid, kaya naman magandang mapagkakakitaan
ang negosyon internet café lalo na kung napakaabot-kaya ng singil kada oras, tulad ng
tinatawag na “Pisonet.”
Ang Pisonet Machine ay isang set ng computer system na merong timer at huhulog-
hulogan ng tig pi-piso (halimbawa, 1 piso kada limang minuto). Ang Pisonet Machine ay
merong keyboard, mouse, monitor at makaka-access ka ng Internet o di kaya ay
makapaglalaro ng online games kapag gumamit ka nito. Napakarami na ang mga tao na
nagsisimula ng pasokin ang ganitong klase ng negosyo, dahil malaki din ang maaaring
kitain. Sa Pisonet Machine makukuha mo na kaagad ang iyong ROI o yung Return Of
Investment. Mas gugustuhin mong magkaroon ng Pisonet Machine dahil hindi mo
kailangan na e-operate yun manualy, dahil ang Pisonet Machine ay self-operated machine.
Ibig sabihin kahit natutulog ka o meron kang ibang ginagawa tuloy tuloy parin yung kita.

B. Target na Mamimili

Ang target na mamimili o ang target na kostumer ng aming Internet Café ay ang
mga kabataan na mahilig mag laro nga mga online games at gumamit ng social media na
gusting makipag-ugnayan sa kanilang mga kaanak sa ibang lugar, mga estudyante, at mga
taong walang personal na gadgets.
C. Competisyon

Dahil maganda ang kikitain sa internet café na negosyo, at hindi masyadong malaki
ang puhunan, marami nang mga negosyante ang pumapasok sa ganitong uri ng negosyo.
Dito sa bayan ng San Jose, marami-rami na ang nagsisitayo ng kanilang mga internet café.
Ang pangunahing produkto ng mga katunggaling negosyo ay halos magkakapareho
lamang, tulad halimbawa ng mga sumusunod na nakatala sa ibaba.

Produkto Competitor
Internet, games, printing, at scanning Go Friday Internet Café
Internet, games, at printing Accord Internet Shop
Internet at games Moma Interent Café

Ang mga produkto ng aming itatayong Internet Café na negosyo ay internet, online
gaming, at printing.

D. Sitwayson na Analysis

Isa sa mga hangarin ng ordinaryong mamamayang Pilipino ay ang magkaroon ng


internet access, o di kaya bumilis ang internet connection sa bansa. Pero masasabing
marami pa ring mga Pilipino ang walang personal na internet connection sa kasalukuyan.
Bago ka makipagsapalaran sa anumang negosyo, mahalaga na magkaroon ka ng
sapat na kaalaman tungkol sa ins at outs. At iyon ang papel ng pagsusuri sa SWOT – o ang
pagsusuri ng “strengths, weaknesses, opportunities at threats.” Sinusuri ang mga
pakinabang at kakulangan para sa iyo upang makita kung ano ang nauna. Layunin ng
SWOT analysis na panatilihin kang bantayan sa anumang hindi kanais-nais na mga
posibilidad at samantalahin ang bawat pagkakataon.
Dahil sa rami ng competitor unti-unti nawawala ang connection ng internet at sa
dami ng kostumer nito ay nagging mabagal ang pagsasagawa ng Gawain. Nag sisilbi rin
itong banta na maaaring masara ang negostong ito.
F. Rekomendasyon

Produkto
Iminumungkahi na ipagpapatuloy ang pagpapatayo ng ganitong uri ng negoyos at
papalawakin pa kung magiging maganda ang kita nito. Ang ganitong uri ng negosyo ay
patuloy na lumalawak sa buong mundo dala na rin ng bagong henerasyon dahil sa itoy
kinakailangan ng mga tao.

Ang mga sumusuond ay ang mga handog na produkto ng negosyor:


 internet surfing
 pag stream nga mga videos at music
 online gaming
 printing at photocopy

Presyo
Kailangang panatilihin ang abot kayang halaga/presyo sa paggamit ng ganitong
negosyo na kung saan ang tatangkilikin at mabalik-balikan ito ng mga kostumer. Ang mga
presyo sa aming Internet Café ay ang sumusunod:
 Sa gamit ng internet o games: P 1 = 6 minuto o P 10 kada oras
 Sa pag print at photocopy: P 1 kung short at P 2 kung long sa black at P 3 kung short
at P 5 kung long sa colored
 P 5 kada pahina sa scan

Promosyon
Kailangang panatilihin ng internet café na ito ang magandang pamamalakad, at ang
mabilis na koneksyon ng internet. Ang promosyon ng negosyo ay gagawin sa pamamagitan
ng social media.

Pamalihan
Ang internet café ay itataguyod sa Marina Street, San Jose, Antique. Ang nasabing
internet café iminumungkahi na itatayo sa mga lugar na malapit sa mga paaralan at sa mga
bayan na walang masyadong ganitong uri ng negosyo.p

You might also like