Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG ULAN

Noong unnag panahon sa isang baryo o nayon ay may isang dalagang nagngangalang Luna. Siya
ay anak nina Ula at An na mayroong pinakamalaking bahay sa lugar na tila isang palasyo.
Lumaking may mabuting kalooban at may takot sa Diyos si Luna. Tulad rin siya ng kaniyang
mga magulang na mahilig tumulong sa mga nangangailangan. Mayroon silang taniman at laging
hitik sa bunga ang kanilang mga panananim kaya naman kapag nagkakaroroon ng krisis tulad ng
tagtuyot ay kaagad silang nagbibigay tulong sa kanilang mga kababayan. Sa hindi inaasahang
tagpo, mula sa isang pagglalakbay ay naaksidente si Ula at namatay. Naging matahimik ang
lugar matapos iyon. Dahil sa sobrang kalungkutang at depresyon sa pagkawala ng kaniyak ay
nagkaroon ng sakit sa pagiisip ang kaniyang asawa na si An. Ang nagaalaga sa huli ay ang anak
niyang si Luna. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang sakit ng kaniyang ina. Hirap na hirap
si Luna ngunit tumanggi siyang humingi ng tulong s aiba dahil sa hiya. Nawalan siya ng tiwala
sa Diyos at nanghina ang kalooban. Bunga nito ay napabayaan na niya ng tuluyan ang kaniyang
ina at hindi na rin niya nagawang tumulong sa ibang taong nangangailanagn. Tumagal ay
namatay ang kaniyang ina. Ang tagpong iyon ang nagpagising sa kaniya. Nagsisi siya ngunit
dahil napabayaan na rin niya ang kaniyang sarili. Hindi na niya nagawnag makabangon pa.
Habang nakalatay sa kama at umiiyak at umusal siya ng panalangin sa Diyos na sana ay
makatulong pa rin siya sa kaniyang kapwa kahit na wala na siya. Sa hindi inaacahang tagpo,ay
bumuhos ang masaganang tubig mula sa langit at kasabay nito ay ang pagkawala ni Luna mula
sa kaniyang silid. Tinawag ito ng mga taong ulan mula sa pangalang Luna na pinagsamang
pangalan ng kaniyang mga magulang.

You might also like