Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Quilay, Lance Justine M.

2019-08732-MN-0
AB Sociology 1-3 Prof. Wilbert Lamarca

Kahalagahan ng Filipinolohiya sa Larang ng Sosyolohiya

Ayon kay MV Apigo, ang Filipinolohiya ay isang disiplina ng karunungan na


nakasalin sa maka-agham napag-aaral sa pinagmulan,kalikasan at ugnayan ng wika,
panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karungang
Pilipino, gayundin ay nalilinang nito ang mga karunungang ambag sa daigdig ng
karunungan.

Sa kabilang banda, ang Sosyolohiya ay isang disiplinang akademiko na nag-


aaral patungkol sa lipunan, kasaysayan at interaksyon ng tao sa isang komunidad.

Bilang wikang Pambansa, kinakailangang gamitin ang wikang Filipino hindi lang
sa komonikasyon kundi sa iba’t iba ring larangan-- gaya ng agham, medikal, hukuman,
agham panlipunan at iba pa. Sa patuloy na paggamit sa isang wika bilang kasangkapan
ng kultura, nagiging higit na malawak ang gamit nito kapag ito’y ginamit na rin sa
pagpapahayag ng mga pagbabago o pag-unlad ng kabihasnan, partikular sa mga
paksang may kinalaman sa agham at teknolohiya, sa mga makabagong
pangangailangan at gawain sa pagsulong ng isang bansa tungo sa industriyalisasyon
nito.

Isinasaad sa kasaysayan ng paglinang ng isang wika na ito ay nagsisimulang


gamitin sa panitikan, lalo na sa larangan ng malikhaing panitikan, halimbawa ay sa mga
tulang liriko, sa prosa, tulad ng kwento at sanaysay. Sa kasaysayan ng maraming lipunan,
mapapansin din natin na halos magkaagap ang dula at tulang liriko.

Sa paggamit ng wikang Filipino sa larang ng Sosyolohiya, mas nailalapat ito sa


pagkatao, karanasan, at kalinangan ng mga Pilipino. Sa pagbuo at pagbalangkas ng
isang makabayang edukasyon, mas napalilitaw ang ganitong tunguhin, habang
napauunlad ang paggamit at pag-iintelektuwalisa ng wikang Filipino.

You might also like