Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PILGRIM CHRISTIAN COLLEGE

UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE


PHILIPPINES

Basahing Pambahay Blg. 3


Ika-13 ng Setyembre, 2019

Ipinasa kay:
Gng. Erlinda G. Bardilas
Filipino 10

Ipinasa ni:
Zak Bluesette I. Elizaga
Grade 10 – Integrity
Pamagat ng Parabula: Pinatigil ni Jesus ang Isang Bagyo
Pinagkukunan: Mateo 8:23-27
Talasalitaan: gunigunihin – ipalagay | pananampalataya – paniniwala
tubig-tabang – tubig galing dagat | tiwasay – sigurado | alagad - lingkod
Buong Parabula:
Nakakapagod ang maghapon ni Jesus. Kinagabihan, sinabi niya sa kaniyang mga
alagad: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo,” ang kabila ng Capernaum. Nasa gawing
silangan ng baybayin ng Lawa ng Galilea ang lupain ng mga Geraseno, na bahagi ng
rehiyon na tinatawag na Decapolis. Ang mga lunsod sa Decapolis ay sentro ng
kulturang Griego, pero marami ring Judio roon. May mga nakakita sa pag-alis ni Jesus
sa Capernaum. May kasabay silang ibang bangka na patawid din sa lawa. Hindi naman
ito kalayuan. Ang Lawa ng Galilea ay isang malaking lawa na tubig-tabang; mga 21
kilometro ang haba at mga 12 kilometro ang pinakamalapad na bahagi. Pero malalim
ito. Perpekto si Jesus, pero dahil sa abalang ministeryo niya, natural lang na mapagod
siya. Kaya nang maglayag sila, nagpunta siya sa likuran ng bangka, humiga sa unan, at
nakatulog. Bihasa sa paglalayag ang ilang apostol, pero hindi magiging madali ang
paglalakbay nila. May mga bundok sa paligid ng Lawa ng Galilea, at ang temperatura
sa ibabaw ng lawa ay mainit-init. May mga pagkakataong nagsasalubong ang malamig
na hangin mula sa bundok at ang mainit-init na tubig, na lumilikha ng malalakas na
bagyo sa lawa. Iyan ang nangyayari ngayon. Mayamaya lang, hinahampas na ng alon
ang bangka at “pinapasok ng tubig ang kanilang bangka at malapit nang lumubog.”.
Pero tulog pa rin si Jesus! Agad na kumilos ang mga alagad at ginamit ang karanasan
nila sa paglalayag kapag may bagyo. Pero ibang-iba ang pagkakataong ito. Dahil takót
mamatay, ginising nila si Jesus at sinabi: “Panginoon, iligtas mo kami, mamamatay na
kami!”. Natatakot ang mga alagad na baka malunod sila! Pagkagising ni Jesus, sinabi
niya sa mga apostol: “Bakit takot na takot kayo? Bakit ang liit ng pananampalataya
ninyo?”. Pagkatapos, inutusan ni Jesus ang hangin at ang lawa: “Tigil! Tumahimik ka!”.
Tumigil ang nagngangalit na hangin at kumalma ang tubig. (Sa mga ulat nina Marcos at
Lucas, sinabi muna nila na makahimalang pinatigil ni Jesus ang bagyo, at saka
binanggit ang kakulangan ng pananampalataya ng mga alagad.) Gunigunihin ang
epekto nito sa mga alagad! Kitang-kita nila nang kumalma ang nagngangalit na bagyo.
Nabalot sila ng takot. Sinabi nila sa isa’t isa: “Sino ba talaga siya? Kahit ang hangin at
ang lawa ay sumusunod sa kaniya.” Kaya nakarating sila nang ligtas sa kabilang ibayo.
Malamang na nakabalik din sa kanlurang baybayin ang iba pang bangka. Yamang may
kapangyarihan ang Anak ng Diyos sa mga elemento ng kalikasan, hindi na tayo
mangangamba! Kapag ibinaling na niya ang kaniyang atensiyon sa lupa sa panahon ng
pamamahala ng Kaharian, magiging tiwasay ang buhay ng lahat dahil wala nang
nakakatakot na kalamidad!

Tanong:
1. Ano ang mensahe ng parabula?
- Wag mong mamaliitin ang mga hindi mo kilala.

2. Ano ang halagang pangkatauhan ng parabula?


- Dapat maging kalmado.
Pamagat ng Parabula: Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Pinagkukunan: Mateo 25:1-3
Talasalitaan: langis – mantika | nagsigayak – nagsiyahan | hangal – gago
nangagsalisi – regret | lampara – ilaw
Buong Parabula:
“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang
sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan. 2 Ang lima sa kanila'y
hangal at ang lima nama'y matatalino. 3 Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga
ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. 4 Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis,
bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. 5 Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal
kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay.

6 “Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas
na kayo upang salubungin siya!’ 7 Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang
kanilang ilawan. 8 Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit
kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’

9 “‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa tindahan
at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino. 10 Kaya't lumakad ang limang
dalagang iyon upang bumili ng langis. Habang wala sila, dumating ang lalaking
ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang
pinto.

11 “Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon, panginoon,


papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila.

12 “Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.’”

13 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo
alam ang araw o ang oras man.”

Tanong:
1. Ano ang mensahe ng parabula?
- Dapat maging handa sa lahat.

2. Ano ang halagang pangkatauhan ng parabula?


- Wag palaging umasa sa mga tao.

You might also like