Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Epekto ng Pagkakaroon ng Watak-watak na Pamilya sa Pag-aaral sa Ilang Piling

Indibidwal sa Isang Pribadong Paaralan ng Lanao del Norte

Isang Pananaliksik na Iniharap


kay Gng. Noralia U. Montaner
sa Asignaturang Filipino II
sa North Central Mindanao College
Maranding, Lala, Lanao del Norte

Grupo ni
Belos, Mary May C.
Acalain, Merry Rose T.
Benecario, Jessielou
Maceda, Ferdie N.
Pebrero, 2018

Talaan ng Nilalaman

Paunang Pahina

Abstrak

Dedikasyon

Pasasalamat

Talaan ng Nilalaman

TSAPTER

1. INTRODUKSYON

1.1 SULIRANIN NG PAG-AARAL

1.2 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

1.3 SAKLAW NG PAG-AARAL

1.4 DEPINISYON NG MGA TERMINO

2. MGA KAUGNAY NA LITERARURA


2.1 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
2.2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA
2.3 BATAYANG TEORITIKAL
2.4 BATAYANG KONSEPTWAL

3. METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
3.1 LUGAR NG PANANALIKSIK
3.2 MGA IMPORMANTE
3.3 PANGANGALAP NG MGA DATOS
3.4 PAGSASAAYOS NG MGA DATOS
3.5 PAG-AANALISA NG MGA DATOS
ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay pumamatungkol sa epekto ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya

sa pag-aaral ng isang indibidwal. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung ano ang mga

posibleng mga dahilan, epekto at maaaring maging paraan na posibleng gawin ng isang

indibidwal upang malagpasan ang mga nagbabadyang kalungkutan na maaaring makatagpo ng

biktima sa mga panahong tumatayo pa lamang siya sa pagkalugmok dulot ng sakit na kaniyang

kakaharapin. Ang mga naturang impormasyon na nakalap ay nagmula sa sarbey ng kwarenta ka

taong nakabatay sa pag-aaral ng mga mananaliksik, ang pagkakaroon ng watak-watak na

pamilya. Ang mga impormasyong natipon ay pinag-aralang mabuti upang magkaroon ng isang

kumprensibong konklusyon upang makapagbahagi ng mga impormasyong maaaring magsilbing

tulong.

DEDIKASYON

Ang pag-aaral na ito ay bilang pagsaludo sa mg produkto ng mga broken family na patuloy pa
ring namumuhay ng masaya sa kabila ng hirap na kanilang pinagdaraanan. Saludo kami sa inyo!
PASASALAMAT
TSAPTER I

I. INTRODUKSYON

Ang pamilya ang pinakamahalagang bagay sa mundo na hinding- hindi mapapalitan

ninuman pagbalik-baliktarin man ito. Ang pamilya ang may pinakamalaking impluwensya sa

buhay ng tao. Ito ang pinakamaliit na yunit sa isang lipunan na siyang humuhubog sa pagkatao

ng bawat miyembro ng komunidad. Pamilya rin ang pinakamahalagang tagapagbigay inspirasyon

sa mga taong nangangailangan nito sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit.

Ang isang karaniwang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak na pinag-iisa ng

pagmamahal, kilala rin ito sa katawagang nuclear family. May iba’t ibang uri ng pamilya ayon sa

bilang ng miyembro nito, una na rito ang extended family na binubuo hanggang sa lolo’t lola at

ang pangalawa ay ang conjugal family na binubuo lamang ng nanay at tatay.

Sa paglipas ng panahon ang pakakabuklod ng isang pamilya ay unti-unting nagbago di

lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Sa isang pamilyang matibay na pinagbuklod hindi

maiiwasan ang pagkakaroon ng pag-aalitan, pagkamatay ng isang kaagapay maaring ina o ama,

tungkol sa pinansyal o di kaya ay sa pagtitiwala na maaaring magresulta sa pagkakawatak-watak

ng pamilya na mas kilala sa tawag na broken family. Ang isang broken family ay ang tawag sa

pamilya na kung saan hindi magkasama ang nanay at tatay sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng pagkakaroon ng watak na

watak na pamilya sa pag-aaral ng estudyante. Sa usapang ito, ang kabataan ang may

pinakamalaking papel at nararapat lamang na magmula sa kanila ang mga saloobin at mga

pahayag tungkol rito. Sa pananaliksik na ito malalaman, mauunawaan, masasagutan at

matutugunan ang mga problemang kinakaharap ng mga estudyanteng nabibilang sa watak-watak

na pamilya.

1.1 Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng pagkakaroon ng watak-

watak na pamilya sa pag-aaral ng ilang piling indibidwal sa isang pribadong paaralan sa Lanao del

Norte. Upang maisakatuparan ito, pinagsikapang sagutin ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya?

2. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya sa sikolohikal na pananaw

ng mag-aaral?

3. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya sa pag-aaral na aspekto

ng mag-aaral?

4. Anu-ano ang mga paraan na naisagawa ng mga mag-aaral upang malampasan ang kahirapan

ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya?


1.2 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pananalisik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng pagkakaroon

ng watak-watak sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa isang pribadong paaralan ng Lanao del Norte.

Ang resulta at kalalabasan ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kung paano maaari nila

malalagpasan ang pagsubok na hatid ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya. Ang pag-aaral

na ito ay maaaring maging balangkas ng kanilang pangaraw-araw na pamumuhay sa kung paano

maging aktibo sa usaping ito.

Mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay ng mga magulang sa pag-iisip sa

responsibilidad na nakaatas sa kanila. Ito ay magsisilbing paalala sa kanila sa kung gaano kahirap

ang mga magiging buhay ng kanilang mga anak sakaling sila ay magdisesyon na maghiwalay.

Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay kaalaman sa mga guro sa kung paano iintindihan

at gagabayan ang mga mag-aaral na may problema sa kanilang pag-aaral sanhi ng pagkakaroon

ng watak-watak na pamilya.

Mga Mananaliksik at Mambasa. Magsisilbi itong gabay at makapagbibigay ng kaalaman at

inspirasyon sa mga karanasang napagdaanan ng mag-aaral na nabibilang sa watak-watak na

pamilya. Ito ay laging magpapaalala sa atin na magpasalamat at makunteto sa kung ano ang

mayroon tayo.
1.3 SAKLAW NG PAG-AARAL

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang epekto ng pagkakaroon ng watak-watak na pamilya

sa pag-aaral ng ilang piling indibidwal sa isang pribadong paaralan ng Lanao del Norte. Kung

kaya’t ang mga impormasyon at datos na nabanggit ay base lamang sa resulta mula sa mga

respondante at mga kaugnay na literatura. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng kwestyoner sa

ilang mga piling mag-aaral mapababae man o lalaki na nagmula sa watak-watak na pamilya. At

mga kaugnay na literature naman ay nagmula sa internet o di kaya ay sa mga limbag ng iba’t

ibang manunulat na may kaugnay sa pag-aaral na ito.

1.4 DEPINISYON NG MGA TERMINO

Nuclear Family

- Pamilyang binubuo ng nanay, tatay at mga anak.

Extended Family

- Pamilyang binubuo ng nanay, tatay, mga anak at maaaring kasama ang mga tiyuhin,

tiyahin, mga pinsan maging ang mga lolo’t lola sa isang bubungan.

Conjugal Family

- Pamilyang binubuo ng nanay at tatay lamang.


Broken Family

- Pamilya na kung saan hindi magkasamang itinataguyod ng mga magulang ang

kanilang mga anak.

You might also like