Talumpati Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pornograpiya: Krisis ng ating Ekonomiya

ni Michiko A. Ito – Paras :D

Sa ating mga Panauhing Pangdangal, kay Prof. May C. Mojica, sa aking mga kamag-aral at
sa lahat ng tagapakinig, magandang umaga sa inyong lahat.

Una sa lahat, atin munang alamin ang ibig sabihin ng salitang “pornograpiya” o mas kilala ng
nakararami sa tawag na “porn” o “porno”. Para sa kaalaman ng lahat, ang “pornograpiya” ay ang
mga malalaswang panoorin o babasahing sekswal, na nakakapagbigay ng “arousal” sa sinumang
makakapanood o makakabasa nito.

Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng mga panonoorin o babasahin ay hindi lamang


nakakapag-baba ng ating moral, kundi, sinisira din nito ang respeto natin sa ating mga kapwa.

Nakakalungkot ding isipin na hindi man lang ito binibigyang – pansin ng ating pamahalaan,
bagkus ito’y ipinagsasawalang bahala lang. Bakit nga ba nila uunahin ang ganitong isyu, gayong
mas marami pa silang kailangang asikasuhin tulad ng mga Pilipinong walang trabaho at walang
makain?

Pero ang hindi nila alam, ang pornograpiya ang isa sa mga higit na nakaka-apekto sa ating
Ekonomiya. At yun ang nais kong ipaliwanag sa inyong lahat. Ang epekto ng pornograpiya sa ating
ekonomiyang pambansa. At heto sila;

Una, sa panahon ngayon masyado ng sopistikado ang pornograpiya at patuloy itong


namamayagpag sa pamamagitan ng teknolohiya. Kung noon ay nagkalat lamang ito sa mga diyaryo
at komiks, ngayon ay makakapamili na ang mga parokyano sa mga pirated VCD’s at DVD’s. Maging
sa mga cellphone na kung saan pwede kang magpa-download sa mga kompyuter shops sa
pamamagitan ng internet ay sadyang patok din.

At sa aminin man natin o hindi, lubos na pinagkakakitaan ng mga negosyante ang


pagkahumaling ni Juan dela Cruz sa mga porno. Talamak ang bentahan ng mga piniratang XXX
VCD’s at DVD’s sa mga bangketa, at kung susumastahin, ni wala naman silang permit na galing sa
DTI at BIR na nagbibigay sa kanila ng karapatan upang magbenta ng mga ganoong klaseng
produkto. At imbis na nagbabayad sila ng buwis sa ating gobyerno at para makatulong sa
sambayanan, ay nakakaperwisyo pa sila.

Nais ko lang ding gawing halimbawa dito ang pagsabog ng isyu ng “Katrina Halili – Hayden
Kho Sex Video Scandal”. Kung atin lamang matatandaan, napaka-aktibo ng massmedia nang
lumabas ang eskandalong ito. Kaliwa’t kanan ang headlines, at napakalaki talaga ng perang nagawa
ng media dito. Mula sa mga primetime na balita, sa radyo at kahit sa mga tabloid. At sa aminin man
natin o hindi, pumatok din ito sa internet pati na sa cellphone na naging dahilan ng kaliwa’t kanang
pamimirata dito. Grabe talaga yung impact nito sa ekonomiya natin. Oo, kumita talaga sila. Maganda
para sa kanila, pero ang tanong, tama ba?!

Pangalawa, ang pagbebenta ng katawan ang nakikita ng karamihan bilang solusyon sa


lumalalang kahirapan.
Ang nakakaalarma pa dito, mas maraming minor-de-edad ngayon ang pumapasok sa mga
ganitong uri ng kalakaran, katulad ng Cyber Sex. Kung tutuusin, napakalaking pera ang pumapasok
sa mga sindikatong nasa likod nito, subalit hindi naman sila nagbabayad ng kaukulang buwis sa
ating gobyerno, dahil illegal nga ang kanilang ginagawa.

At ang huling suliraning pang-ekonomiyang nakikita ko dito ay ang paglobo ng ating


populasyon, sa dalawang dahilan:

a.) Ang pagpasok sa pre-marital sex ng mga kabataan nang dahil sa mga kuryosidad na
nakapaloob sa kanya at;

b.) Ang pagdami ng mga bilang ng mga single mothers – maaring resulta ng rape, o dala ng
sobrang kuryosidad.

Paano na lang ang sinabi ni Gat Jose Rizal, “na ang kabataan ang pag-asa ng bayan?”
Kung halos lahat ng kabataan natin, nabubuhay at lumalaki sa sirang pamilya. Nakakalungkot.
Anong magagawa mo Juan dela Cruz?

Sa simpleng paraan lamang bilang Pilipino, malaki na ang maitutulong natin. Ang pagsugpo
sa mga illegal na pagbebenta ng pornographic materials, ang pagbibigay-edukasyon sa ating mga
kabataan, at ang mismong hindi pagtangkilik dito.

At nararapat lamang po nating tandaan na ang “sex”, ay ginawa ng Panginoon upang


dumami ang sangkatauhan. Masyado itong sagrado at dapat lamang na ginagawa ito nang mga
mag-asawang nakapaloob sa kasal. Hindi ito ginawa upang maging pang-aliw o pang-negosyo
lamang. Pahalagahan natin ang Poong Maykapal at igalang natin ang ating kapwa, gaya ng
paggalang natin sa ating mga sarili.

Maraming Salamat po.

You might also like