Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

Para sa: Punungguro/Lider sa Filipino ng mga Pribado at Pampublikong Paaralang


Elementarya
Mula sa: Punong Tagapamanihalang Pansangay

Layunin: 2019 Pansangay na Tagisan ng Talento sa Filipino


Petsa: Setyember 16, 2019
________________________________________________________________________
1. Alinsunod sa direktiba ng Kagawaran ng Edukasyon tungkol sa taunang
Pambansang Tagisan ng Talento sa Filipino, ang Sangay ng Pampanga ay
nakikiisa sa programang ito upang lalong malinang ang iba’t ibang kakayahan ng
mga mag-aaral sa elementarya.

2. Mayroong tatlong kategorya ang paglalabanan sa 2019 Pansangay na Patimpalak


sa Elementarya; ang Madulang Pagkukuwento para sa mga nasa ika- 4,5,6 na
baitang at isang SPED, ang SulkasTula at Iispel Mo para sa mga nasa ikaanim na
baitang.

3. Ang nasabing patimpalak ay gaganapin sa Oktubre 24, 2019 (Huwebes) at


sisimulan ng alas otso ng umaga (8 o’clock a.m.) sa ______________________.
4. Mayroong dalawang-daang piso (Php 200.00) na rehistrasyon ang bawat batang
kalahok sa sasalihang patimpalak. Ito ay maaaring kunin sa lokal na pondo ng
paaralan alinsunod sa alituntunin na naaayon sa “auditing”. Ang perang malilikom
ay ilalaan para sa mga gastusin sa patimpalak.

5. Kalakip nito ay ang mga alintuntuning dapat na istriktong sundin ng mga kalahok at
gurong tagapagsanay sa patimpalak.

6. Itinatagubilin ang malawakang pagbibigay-alam sa nilalaman ng memorandum na


ito sa kinauukulan.

7. Inaasahan ang inyong kooperasyon sa adhikaing ito.

LEONARDO D. ZAPANTA, Ed.D., CESO VI


Office of the Schools Division Superintendent

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

Pambansang Paligsahan sa Ispleing:IISPEL MO! Ng Komisyon sa Wikang Filipino


as per Advisory No. 135 s. 2019
DESKRIPSYON NG PALIGSAHAN
1. Ang paligsahan ay pambansa at tatawaging Iispel Mo.
2. Magkatuwang na isasagawa ng Sangay ng Salin ng Komisyon ng WIkang Filipino (KWF) at
Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino (KASAGUFIL).
3. Ang paligsahan ay bukas para sa mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang (Grade 6) sa
antas elementarya ng mga paaralang publiko at pribado.
4. Magsisimula ang paligsahan mula sa eliminasyon sa division level at ang mananalo ang
magiging kinatawan ng bawat rehiyon na sila ang maglalaban-laban para sa national level
na isasagawa sa Metro Manila.
5. Magkakaloob ang KWF ng premyong cash, plake, trope, medalya, sertipiko para sa mga
mananalo sa national level.
6. Magkakaloob ang KWF ng medalya sa unang tatlong (3) mgamananalo sa regional level
7. Pangungunahan ng Regional Supervisor sa Filipino katuwang ang Kalupunan ng mga
Direktor ng KASAGUFIL ang pagsubaybay sa isasagawang paligsahan sa regional level
para sa ebalwasyon nito.
8. Magkatuwang na pangangasiwaan ng Sangay ng Salin ng KWF at pamunuan ng
KASAGUFIL ang kulminasyon ng paligsahan sa national level sa Metro Manila.

PARAAN NG PALIGSAHAN
A. Kalipikasyon
1. Isang (1) kalahok sa bawat paaralan maaaring mula sa publiko o pribado ang
pinapayagan sa division level, ang mananalo sa division level ang magiging kinatawan
sa region sa national level ng paligsahan.
2. Taglay ang mga sumusunod:
2.1. Nasa Ikaanim na Baitang (Grade 6) at may mabuting katayuan sa paaralan na
pinatutunayan ng kanyang principal;
2.2. Nakahandang sumunod sa mga panuntunan at patakaran ng paligsahan.
3. Bawat rehiyon ay bubuuin ng apat (4) na delegado na kalahok
isang (1) mag-aaral na kakatawan sa rehiyon
isang (1) tagapagsanay (coach)
isang (1) magulang/guardian ng mag-aaral
isang (1) panrehiyong superbisor sa Filipino
B. MGA KAHINGIAN
Ang mga kahingian para sa Ikatlong Pambansang Paligsahan ay kailangang
maisumite sa Komisyon ng WIkang Filipino sa email address
sangaysalinkwf@gmail.com sampung (10) araw bago ang aktuwal na paligsahan.
1. Dalawang (2) kopya ng sinagutang Pormularyo ng Kalahok mula sa Regional
Level, at
2. Isang (1) kopya ng Sertipiko na nag-eendorso ng kalahok mula sa Regional
Direktor/Superbisor o Superintendente ng paaralang pinanggalingan ng
kalahok.

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

Pambansang Paligsahan sa Ispleing: IISPEL MO! Ng Komisyon sa Wikang Filipino


as per Advisory No. 135 s. 2019

C. MEKANIKS NG PALIGSAHAN

1. Ang wastong pagbaybay ng mga gagamiting salita ay kailangan alinsunod sa


KWF Ortograpiyang Pambansa (OP) at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat
sa Filipino (MMP) bilang mga sangguniang-aklat.

2. Ang maghahanda ng mga gagamiting salita sa division level ay ang Division


Supervisor sa Filipino at ang Regional Supervisor naman para sa regional level.
Samantala, ang KWF ang maghahanda ng mga salita para sa national level ng
paligsahan.

3. Babasahin ng ispeling Master ang pangungusap na kinapapalooban ng salitang


babaybayin. Pagkatapos ng pangalawang pagbasa, ibibigay ang hudyat upang simulan
ang pagsulat ng mga kalahok.

4. Ang puntos at bilang ng aytem na babaybayin ay gaya ng sumusunod:


MADALI -10 aytem x 2 puntos = 20 puntos
KATAMTAMAN - 10 aytem x 3 puntos = 30 puntos
MAHIRAP - 10 aytem x 5 puntos = 50 puntos
KABUUAN =100 puntos

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

Baitang ng Mag-aaral: Baitang 4,5,6 at isang (1) Highly Manageable SPED Learner in a
Mainstream/Inclusive Program (Visually impaired or Difficulty in
Physical Mobility) na may edad labinlima (15) pababa sa taon ng
paligsahan.

Kategorya: MADULANG PAGKUKUWENTO

Bilang ng Kalahok: Apat (4)

Oras na Inilaan: Dalawampung (20) minuto kasama na ang paghahanda

Batayan ng Kapasyahan:

PAGSULAT Pamantayan Bahagdan

Interpretasyon ng Tula 40%


Pagpapalutang ng diwa (20%)

Pagbibigay diin sa damdamin (20%)

Hikayat 20%

Dating sa madla (5%)

Pagbibigay buhay sa tauhan (5%)

Tindig (5%)

Kumpas/Kilos (5%)

Bigkas 20%

Matatas at maliwanag (10%)

May pagbubukod bukod ng mga salita (5%)

May wastong diin at intonasyon (5%)

Tinig 10%

Lakas (5%)

Taginting (5%)

Kaangkupan ng diwa at damdamin (10%) 10%

KABUUAN 100%

KASUNDUAN: ANUMANG DESISYON NG HINAMPALAN AY PINAL.

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

MADULANG PAGKUKUWENTO

I. Patnubay sa Kalahok

a. Isang kuwento ang bibigyan ng interpretasyon batay sa ibibigay ng mga


hurado sa takdang araw ng paligsahan;
b. Bibigyan ng 10 minuto ang bawat kalahok upang pag-aralan ang kuwentong
bibigyan ng interpretasyon;
c. Malayang baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.
d. Iikot ang interpretasyon sa kwento lamang;
e. Ang mga kalahok ay wala nang piyesang hawak habang nagtatanghal.
f. Siguraduhing ang bawat kasapi ng pangkat ay may aktibong partisipasyon;
g. Habang nagtatanghal ang unang kalahok, pag-aaralan naman ng susunod
na kalahok ang kuwento na tatagal din ng sampung minuto, susundin ang
paraang ito hanggang sa pinakahuling kalahok;
h. Lahat ng kalahok ay mamamalagi sa isang malaking silid na hindi naririnig
ang pagtatanghal ng iba pang kalahok; samantalang ang kasunod na
kalahok ay mamamalagi naman sa isa pang silid upang pag-aralan ang
kuwento;
i. Ang pagtatanghal ay hindi lalampas sa sampung minuto kasama ang
pagpasok at paglabas sa entablado;
j. Walang anumang props o kagamitan, musika at instrumento na dadalhin at
gagamitin; at
k. Iikot ang interpretasyon sa kuwento lamang.

II. Kagamitan mula sa Tagapag-organisa ng Paligsahan

a. Kuwentong gagamitin (4) na hard copy - (3 regular, 1 enlarged at 1 naka-


transcribe sa braile);
b. Orasan, numero ng mga kalahok;
c. c.1.Dalawang (2) silid na holding area para sa mga kalahok;
c.2.isang (1) silid para sa pagsasanay; at
c.3 isang (1) silid Tanghalan para sa mga kalahok at manonood

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

2019 PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO SA FILIPIN0

Paligsahan: PAMBANSANG TAGISAN NG TALENTO

Baitang ng Mag-aaral: Baitang 6

Kategorya: SULAT BIGKAS NG TULA (SULKAS TULA)

Bilang ng Kalahok: Isa (1)

Oras na Inilaan: Isang (1) oras para sa pagsusulat, 30 minutong paghahanda at

limang (5) minuto na pagtatanghal

Batayan ng Kapasyahan:

PAGSULAT Pamantayan Bahagdan

Interpretasyon ng Tula 50%

Kaugnayan sa paksa (25%)


Organisasyon ng diwa (15%)
Mekaniks (10%)
Apat (4) na saknong na binubuo ng
Apat (4) na taludtod na may tugma)

Batayan ng Kapasyahan Pamantayan Bahagdan

PAGBASA Hikayat 50%

Dating sa Madla (5%)


Kilos/galaw/kumpas (10%)
Ekspresyon ng mukha (10%)

Tinig at Bigkas

Lakas/Diin/Taginting (10%)
Matatas at maliwanag (10%)
Wastong pagbubukod ng salita (5%)

KABUUAN 100%

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San
Fernando
Pamantayan sa Tagisan ng Talento Para sa
Elementarya
Memorandum Blg._______s.2019

I. Patnubay sa Kalahok

a.) Ang tulang isusulat ay naayon sa tema na ibibigay ng hurado sa araw ng


patimpalak; apat na saknong na binubuo ng apat na taludtod na may tugma;
b.) Ang opisyal na gagamiting papel ay magmumula sa tagapag-organisa;
c.) Ang mga kalahok ay bibigyan ng isang oras na pagsusulat at tatlumpong
minutong pag-eensayo;
d.) Ang lahat ng papel ay lilikumin ng tagapagdaloy at sisimulan na ang paligsahan;
e.) Ang lahat ng kalahok ay bibigyan ng isang oras na pagsusulat at tatlumpong
minutong pag-eensayo;
f.) Ang bawat kalahok ay bibigyan ng limang minuto sa pagbigkas ng tula kasama
ang pagpasok at paglabas mula sa entablado gamit ang tulang sinulat na
ibibigay muli ng tagapagdaloy; at
g.) Ang kalahok ay magsusuot ng kasuotang Pilipino.

II. Kagamitan mula sa Tagapag-organisa ng Paligsahan

a. Paksang gagamitin;
b. Papel, bolpen, lapis at pambura;
c. Orasan, numero ng mga kalahok;
d. Isang (1) silid na holding area para sa bilang ng mga kalahok
e. Isang (1) silid Tanghalan para sa mga kalahok at tagapagsanay na
manonood

SDO PAMP-QF-0014-#cid-09-No.00 ___

You might also like