Anyong Lupa at Tubig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANYONG LUPA

Kapatagan
Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo na sa Luzon. Ito ang uri ng lupa na
walang pagtaas at pagbaba. Patag ang lupain na ito at malawak. Mainam itong
tamnan ng iba’t ibang pananim katulad ng gulay dahil madali itong linangin.

Bundok
Malaking sukat.Isang bahagi ng lupa na nakataas o nakausbong yari sa mga
bato at lupa.Halimbawa nito ay Bundok Apo, Bundok Bulusan,Bundok
Banahaw,Bundok Dulang-dulang,Bundok Nagpatong.

Bulubundukin
Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming magkakahanay na bundok o pagtaas
ng lupa ng daigdig. Mas matataas at matatarik ito kaysa sa bundok.Halimbawa nito
ay Diwata-ilangang Mindanao, Caraballo, Cordillera at Bulubundukin sa Zambales –
mula sa Cape Bolinao sa Pangasinan hanggang Bataan Peninsula.
Bulkan
Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki ang ipinagkakaiba nila dahil
ang bulkan ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na bato. May mga bulkan
na aktibo at mayroon din namang hindi aktibo.

Burol
Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na malapit rin sa bundok. Ito ay
ang burol na parang maliliit na bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog.
Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-ulan at kulay tsokolate tuwing tag-
araw. Ang isa sa pinakatanyag na burol ay ang Chocolate Hills sa Bohol.
ANYONG TUBIG
DAGAT
Ang dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang
karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan malaking
anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan.

LAWA
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa
sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero.
Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.

May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko,
mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.

BATIS
Ang batis ay isang anyong tubig na may patuloy na agos sa pinanggagalingan nito.
Mayroon itong tubig sa ibabaw na dumadaloy sa ilalim nito at sa mga pampang ng
isang kanal. Karaniwan nang malinis at malamig ang tubig sa batis na madalas
matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat. Pumapalibot ang batis sa pakilos
ng ibabaw at tubig-bukal na tumutugon sa pagpigil pang-heolohiya, pang-
heomorpolohiya, pang-hidrolohiya at biotiko.Depende sa lokasyon nito o sa ilang
mga katangian, maaring tukuyin ang batis sa iba't ibang pangalang lokal o pang-
rehiyon. Maaring tawaging ilog ang mga mahaba at malaking batis.
LOOK
Ang look ay isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o
sa karagatan. Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng
Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.

TALON
Ang talon ay isang matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa. Kabilang sa mga talon
ay ang Talon ng Maria Cristina sa Pilipinas.

You might also like