Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Filipino 8 Pang-Uri
Banghay Aralin Sa Filipino 8 Pang-Uri
Banghay Aralin Sa Filipino 8 Pang-Uri
Rodriguez Campus
BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 8
(PANG-URI)
Maurine A. Remulta
BSE-2B Filipino
Prof. Willie Samulde
Banghay Aralin sa Filipino 8
I. LAYUNIN
1. Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Mabatid ang uri at kaantasan ng Pang-uri.
b. Magamit ng tama ang mga pang-uri sa pakikipagtalastasan.
c. Mabigyan ng kahalagahan ang Pang-uri.
II. PAKSA: PANG-URI
SANGGUNIAN
Hiyas ng Lahi (panitikan,gramatika at retorika)8, 184-185
KAGAMITAN
Biswal o visual aids
multimedia
III. PAMAMARAAN:
MGA GAWAIN
Dasal
Pagbati
Pagtatala ng liban
Balik-Aral
A. PAGGANYAK
a. Magpapabasa ng mga pangungusap na may mga nakasalunguhit
na salita.
Napakaganda ni Maam Berdan sa suot niya.
Ang dami naman ng mga gulay na tanim mo.
Ang kulay ng capus shirt ng mga mag-aaral ay abuhin.
Mabaho ang pinuntahan naming palikuran.
Napakabait niyang anak.
Ano ang iyong nababanaag sa mga salitang may salungguhit?
b. Papangkatin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo’y
may kaniya kaniyang Gawain.
Unang pangkat ay gagawa ng skit na nagpapakita ng
naglalarawan.sa pangngalan o panghalip (3 minuto
lamang)
Pangalawang pangkat ay gagawa ng isang senaryo o skit
na makikita sa palengke. (3 minuto lamang)
Pangatlong pangkat ay ilarawan ang mundo sa
pamamagitan ng graphic organizer.
Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng kabaliktaran
at ipaliwag.
Ano ang iyong napansin sa lahat na ginawa ng bawat
pangkat?
B. PAGTALAKAY SA PAKSA
Pang-uri
ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Kulay-asul Hitsura-maganda
Bilang-anim Laki-mababa
Uri ng Pang-uri
Panglarawan
-nagpapakilala ng pangngalan o panghalip
-Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis,
at laki ay pang-uring naglalarawan.
Halimbawa:
masipag, maganda pula ,kalbo, mabango, palakaibigan, mahiyain
Pamilang
-nagpapakilala ng bilang,halaga o dami ng pangngalan.
Halimbawa:
Marami,mga,tatlo,kalahati,ika,pito,buo,pangalawa,sandaan
Kaantasan ng pang-uri
Lantay
-Naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Si Rodrigo Duterte ay matapang
Pahambing
-Naghahambing sa dalawa oo higit pang pangngalan o panghalip.
-mas,lalo,pinaka,napaka,higit na,parehong,di gaanong magkasing,magsing at ubod
Magkasing kisig sina Piolo at Dingdong.
Pasukdol
-katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa
Pinakamatangkad sa klase si Christopher.
C. PANGKATANG GAWAIN
PAMANTAYAN:
PAGKAMALIKHAIN 30%
PAGKAKAISA 20%
KAAYUSAN 20%
PRESENTASYON 30%
KABUUAN 100%
PANGKAT 1…Pumili ng dalawa o higit pang mga presidente sa ating
bansa at gamitin ang kaantasan ng pang-uri upang ilarawan ang mga ito.
PANGKAT 2…Paghambingin ang ina at ama pagdating sa usapin,
gumamit ng kabalintuang salita sa dalawa.
PANGKAT 3…Magkaroon ng debate tungkol sa kahit anung paksa at
gamitin ang iba’t ibang pang-uri
D. PAGLALAHAT
Sa ating mga tinalakay,ano magandang naidudulot nito sa ating
pakikipagtastasan sa araw araw? Nabibigyan ba ito ng halaga sa
simpleng pag-uusap lamang?
E. PAGTATAYA O PAGSUSULIT
-Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga sumusunod, ito ba
ay lantay,pahambing at pasukdol.