Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TANKA

PAG-IISA
Tahimik at malayo
Sa ingay at huntahan
Magkakape ako at
Buntong hininga
Sarap mag-isa

HAIKU

TAPAT DAPAT
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat.

TANAGA

Palay
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

PABULA
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad
niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa.
Dali-dali niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa
kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas
mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at
nagulat siya sa repleksyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang
kanyang nakita, sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang ito’y
matakot at ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag
pa siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay naanod sa
ilog.

PANINIWALA/ KAUGALIAN NG MGA BANSA SA SILANGANG ASYA

Ang paniniwala ng mga Tsino ay umiikot sa pangunahing relihiyon ng Tsina, ang Budismo. Parte
ng kaugalian ng mga Tsino ang pagiging magaling pagdating sa matematika at sa negosyo.
Bukod dito, ang prinsipyo ng Confucianism ay may impluwensiya sa kultura ng Tsina:
tinuturuan nito ang mga Tsino na sundin at respetuhin ang mga nakatatanda, maging mabuting
miyembro ng pamilya, maging tapat sa mga kaibigan, maging mapagkumbaba at maging
magalang.

Ang mga Mongol ay naniniwala sa konsepto ng swerte at malas. Sila ay naniniwala na ang pag -
apak sa mga bagay na sagrado sa diyos at ang pag - lapastangan sa isang lugar ay magbibigay sa
kanila ng kapahamakan. Minsan, pinipintahan nila ng uling ang mga noo ng bata upang
maisahan ang mga masasamang espiritu na hindi ito isang bata kung hindi ay isang kuneho na
may itim na buhok.

Kapag sila'y dadaan sa mga ovoos sa kanilang paglalakbay, nagaalay ang mga Mongol ng mga
matatamis na pagkain upang magkaroon ng magandang biyahe. Para sa isang bata, ang pinaka -
malaking selebrasyon ay ang kaniyang unang paggupit ng buhok (haircut) imbes na kaniyang
kaarawan.

Ang paniniwala sa relihiyon ng mga Taiwanese ay ang pinaghalong - halong Buddhismo,


Taoismo, Chinese folk religion at maging ang pagsamba sa mga ninuno. Naging aktibo ang mga
Kristiyanong simbahan sa bansa lalo na ang Protestantismo. 93 bahagdan ng kabuuang
populasyon ay Buddhismo-Taoismo, 4.5 bahagdan ay Kristiyano at 2.5 bahagdan ang ibang
relihiyon.

DULANG PELIKULA NG KOREAN

Arirang (pelikula ng 1926)

ARAL NA NATUTUNAN:

Ang pelikula ay tumatalakay sa isang Estudyante na nag ngangalang Ch'oe Yeongjin,na naging
isang baliw matapos siyang mabilanggo at pahirapan ng mga Hapones dahil sa kanyang
pakikilahok sa isang protesta noong 1 Marso 1919 laban sa pamahalaan ng Bansang Hapon, siya
ay nakabalik at namuhay kasama ng kanyang Ama at kanyang kapatid na babae na si Yeongheui,
sa isang maliit na nayon si Yeongjin ay may kaibingang nag ngangalang Yun Hyeon'gu, na
nagkagusto kay Yeongheui.Habang ang mga tao ay nagdiriwang ng Pista si O Kiho na isang
Chinilpa ng o Sugo ng mga Pulisya ng mga Hapon ay nag tangkang gahasain si Yeongheui,si
Yeongjin at Hyeon'gu ay nag-laban ng mabalik ang katinuan ni Yeongjin ay nakita niyang
napatay niya si Kiho, Ang pelikula ay nag tapos sa isang malungkot na tagpo ng ang Pulisya ng
Hapones ay dinakip si Yeongjin sa burol ng Arirang inamin ng nakakatandang kapatid ang lahat
ng kasalanan upang maprotektahan ang nakababatang kapatid.

MGA AKDA NG MONGOLIA:

Hearing birds fly


Wolf Totem

MGA AKDA NG CHINA:

Romance of the Three Kingdoms


The Three-Body Problem

You might also like