Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Group Three (3)

Balagtasan ang Patas sa Sagutan


Tema: Kristiyanong Etika (Christian Ethics)
Paksang Pagtatalunan: Kristiyanong Etika: Mainam o
hindi mainam gamitin sa buhay.
Isinulat nina: G. Christian Dolfo Dela Cruz at G. Ed An
John Marquez Tuting
Petsa ng Pagtatanghal: Ika-30 ng Enero 2019

MAMBABALAGTAS LAKAMBINI MAMBABALAGTAS

ED AN JOHN MARIE NICOLE MARY JANE


TUTING MORENO SEGOVIA

Lakambini (Moderator): Isang mapagpalang umaga sa ating


lahat ngayon ay ating matutunghayan ang isang
balagtasan mula sa dalawang panig na nagsasalpukan sa
topikong “Kristiyanong Etika: Mainam o Hindi Mainam
Gamitin.” Kaya’t makinig, matuwa at matuto! Ginoo
umpisahan ang iyong punto.
Mainam Gamitin: Ako si Ginoong Ed An John Marquez
Tuting, isang kahanga-hangang Anak ng Diyos na nagmula
pa sa bayan ng Sapian, may paninindigan, may
pinaglalaban mainam gamitin ang Kristiyanong etika sa
pakikipagsapalaran sa araw-araw na basehan sapagkat ang
turo nito ay mula sa Panginoong walang makakatalo
kailanman. Isinaad nga sa Bibliya: Sundin mo ang aking
mga tuntunin at tuparin ang aking mga batas at lumakad
sa kanila. Ako ang Panginoon mong Diyos.” Levitico 18:
4:
Lakambini (Moderator): Ating narinig ang punto na pabor
sa Kristiyanong Etika, ngayon nama’y ang sa hindi ang
ating pakinggan.
Hindi Mainam: Ako si Mary Jane Duran Segovia na taga-
Panitan (Panit-an), araw-araw namumuhay dito sa mundong
luhaan, kaya’t sa aking pakikipagsapalaran aking
natutunan na dapat sumunod sa kung ano ang dinidikta ng
mundo, sa kung ano ang sa paningin ng tao ay tama upang
walang gulo, kaya’t hindi mainam gamitin iyang sinasabi
mong etikang kristiya nino? Sa ganda ko pa namang ito
tiyak Ginoo, ika’y talo.
Lakambini (Moderator): Napakainit ng umpisa ng laban,
sino kaya ang magwawagi sa bandang hulihan. Ngayon
umpisahan na ang totoong salpukan.
Mainam Gamitin: Ang mundo ay hindi luhaan, sapagkat sa
Bibliya nakasulat ang totoong nangyayari sa sanlibutan.
Dito ang sagot sa ating mga katanungan at hindi totoong
dapat sumunod sa yapak ng sinuman lalong-lalo na sa mga
taong makamundo at panghuhusga lang ang nalalaman.
Marikit sa panlabas na Binibini tila ang iyong mga
sinasalita dito sa bulwagan ay isang halimbawa ng
kasanalan sa mahal nating Ama sa Langit, Ang hindi
pagsunod sa utos ng Diyos at pagiging makamundo ay
sumisira sa ating relasyon mga kaibigan. Laging
tatandaan ang kasalanan ang nagpapalayo sa tao papunta
sa langit lalo na sa ating Ama.
Hindi Mainam: Saan kaba nakatira Ginoo, sa bundok na
kung saan-saan. Wala ng ganyan sa kasalukuyan, kaya’t
tanggapin mo nalang na sa mundong ating kinatatayuan
ika’y laging nahuhusgahan. Gising Edan baka ika’y
hindi maparangalan sa darating na pagtatapos. Modernong
panahon na ngayon at ang pag-usbong ng siyensya ay may
hatid na kalinawagan, walang bang telibisyon o wifi man
laang sa inyo?
Mainam Gamitin: Ang panghuhusga sa kapuwa ay isang
maling paraan dahil ang Diyos lamang ang may
natatanging karapatan at ang hindi paniniwala sa
dakilang Lumika ay isang kalapastangan! Isinaad sa
banal na kasulatan na tayo ay mabuhay tulad ni Hesu
Kristo anong ginagawa mue? Tila baga kinakain ka na ng
sistemang walang kabuluhan, ang Diyos ang naglalang sa
atin, linikha tayo ng Diyos mga kaibigan kaya’t marapat
na Siya’y ating pakasundin kagaya sa nakasaad sa 1
Corinto 10:31 “Kaya’t kung kumain ka o uminom, o anuman
ang iyong ginagawa, gawin mo ang lahat para sa
kaluwalhatian ng Diyos.”
Lakambini (Moderator): Talagang walang papaawat sa
sagutan lahat ay may pinaglalaban. Sino kaya ang mas
may karapatan, sa titulong Balagtasan ang pantas sa
sagutan. Isang minuto pa ang natitira kaya’t hindi
mainam banatan mo na.
Hindi Mainam: Sa huling punto ko itatak sa inyong mga
malalapad na noo na naririto na ang ang buhay dito sa
mundo ay nagbabago, marapat na tayo’y sumunod sa mga
datos na tiyak at may ebidensya. Ang siyensya ay may
maaliwalas na paliwanag, pinag-igihan at pinag-aralan
sa mahabang panahon saksi ang mga mahahabang bigote ng
mga Siyentipiko upang ipakita ang puro at tunay.
Maraming sagot at tuklas ang siyensya na malinaw pa
ilalim ng puting puting ilaw at dilaw na buwan.
Mainam Gamitin: Kristiyanong etika, tinuturuan tayo
nito na mabuhay base sa gusto ng Panginoon gamit ang
bibliya na daan upang makilala ang Diyos. Ang mga
kalaban ay nandiyan lang sa ating paligid. Nag-aabang
at sumusubok sa ating katawang lupa at kaluluwa. Pilit
tayong pinapagawa ng kasalanan. Ang pagiging pabor sa
Kristiyanong etika ay isa sa mga instrumento upang
matalo ang mga kalaban. Ang kasalanan ay kasamaan.
Kapuwa ko Kristiyano tayo ay “Lumakad sa paraang
karapat-dapat sa Panginoon, lubos na kalugod-lugod sa
kanya.”
Lakambini (Moderator): Ating natunghayan ang nagtapos
na labanan sa Balagtasan ang pantas sa sagutan.
Parehong may puntong pinaglalaban ngunit isa lamang ang
dapat putungan ng titulong pantas sa Balagtasan. Mainam
nga ba ang Kristiyanong Etika na gamitin kailanman o sa
dikta ng mundo ay magpakain na lamang. Sagutin niyo yan
sa inyong mga isipan nang mapagtanto niyo kung sino ang
tunay na may totoong kaalaman at pantas sa larang ng
balagtasan. Ang bawat katuturan kayo na ang humusga at
huwag lumisan tara’t atin silang palakpakan samahan
niyo pa ng matinding hiyawan.

Ihinanda ng: Pangkat Tatlo (3)


Ed An John M. Tuting
Christian D. Dela Cruz
Mary Jane D. Segovia
Marie Nicole Moreno
Cherry Mae H. Ebacuado
Princess A. Villasotto
Angie L. Baylon
Lowella O. Nepumuceno

You might also like