Kultura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“Pananaliksik sa kulturang pilipino”

Isang Pananaliksik Na Ihaharap Kay:

Ginang: Sharon Macauling

Bilang Bahagi Ng Katuparan

Ng Mga Gawaing Kailangan Sa Asignaturang

Pagbabasa At Pagsusuri Ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo Sa Pananaliksik

Nina:

Princess Joy Mejias

Heizel Alvarez

Janine Myca Achun

Edcel Malabiga

Jaypee Mendoza

Iceah Van Bundal


Unang Semestre 2019

I. Pagtingin Sa Kabuuan Ng Pananaliksi

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin na cultura na may literal na kahulugang

“kultibasyon” o “paglilinang”. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan

sa mundo at sa kanilangkapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri

ngpamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sabigkis ng

pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa,pananaw, kaugalian, at adhikain.

Sa kultura nakasalalay ang kalinangan ng lahi ng bawat etnikong grupo sa loob ng

Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing tanda ng kanilang pagkakakilanlan sa lipunan. Nahahati ang

kultura sa dalawang komponent, ang materyal at di-materyal na kultura. Ang materyal na kultura

ay tumutukoy sa mga tradisyunal na kagamitan. Ito ang mga bagay na nililikha at ginagamit ng

bawat etnikong grupo na nagiging tanda ng kanilang kultura na wala sa ibang grupo. Binubuo

naman ng norm, valyu, paniniwala at wika ang di-materyal na kultura. Ito ang kulturang hindi

nahahawakan ngunit nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Hindi nahihiwalay sa

ganitong kultura ang mga pamahiin, antoka o palaisipan, gawi sa iba’t ibang aspektong

pangkultural at paraan ng pagsasalita ng grupong gumagamit nito.

Ang kahinaan lamang ng materyal na kultura sa di-materyal na kultura ay ang dinamikong

sistema nito. Madali ang pagbabagong nagaganap sa materyal na kultura sanhi ng pag-usbong ng

teknolohiya. Kilala ang kultura bilang isang manipestasyon ng isang lipi na nagpasalin-salin sa

bawat henerasyon. Patuloy itong nagbabago at umuunlad kasabay sa pagdaan ng panahon. Hindi

mapipigilan ang pagbabagong ito sapagkat mas higit na madali ang paraan ng paggamit ng mga

makabago.
Isa sa mga etnikong grupo ang katutubong Maranao sa Baloi ang naapektuhan na ng

pagbabago ng materyal na kultura sa kanilang siklo ng buhay. Sa kasalukuyang panahon, iilan

lamang sa Maranao ang nakakaalam ng sinaunang kultura nila. Subalit habang tumatagal ay

nauubos din ang mga matatandang nagbibigay paalala sa karamihan upang panatilihin ang

nakagawian. Kung may nanatili man sa pagsunod sa sinaunang materyal na kultura sa siklo ng

buhay, nahahaluan pa rin ito ng fashion o modernisadong kagamitan. Mula sa nabanggit na

paliwanag at elaborasyon tungkol sa materyal na kultura at kalagayan nito sa lipunan ay

nakakainteres ding malaman ang pagbabagong nagaganap sa mga tradisyunal na kagamitan ng

mga Maranao sa Balo-i sa pag-aasawa, panganganak at kamatayan. Pinaniniwalaang may

nabago, napalitan at nawala sa mga nakagawiang tradisyunal na kagamitan na ito.

II. Paglalahad Ng Suliranin

Ang pagkawala at ang pagbabago ng mga piling kulturang pilipino. Ang pananaliksik na

ito ay naglalayon na mapaunawa sa mga mamayang Pilipino tungkol sa mga kaugalian noon na wala na

ngayon dito sa Pilipinas. Ito ay binigyang pansin para malaman o matutunan ang kulturang Pilipino sa

kadahilananng mga lumipas na panahon. Kaya napili naming magsagawa ng pananaliksik sakulturang Pilipino

upang makita ang mga naging pagbabago mula noon at sa pangkasalukuyan.Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw

sa mga mamayang Pilipino na nakatirasa Pilipinas, kasama rin dito ang mga posibleng kahihinatnan ng

pagbabago pa sakulturang Pilipino.


III. Paglalahad Ng Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na makamit ang mga sumusunod na layunin:

1. Maisalarawan ang mga Kulturang Pilipino na naisabuhay sa nakalipas na

panahon.

2. Mailahad ang mga Kulturang Nayon na hindi na naisasagawa ngayon.

3. Maipaliwanag ang kahalagahan ng mga Kulturang Pilipino na naisabuhay

noon at hindi na naisasagawa ngayon.

IV. Pagtukoy sa Pook at mga Taong may Kinalaman Sa Pagsusuri

Ang pagsasaliksik na ito ay isinagawa sa mataas na paaralan ng Sta. Monica National Highschool. Ang

aming nakatuwang sa pagsusuri na ito ay ang mga mag aaral ng paaralang ito sa mga piling mag-aaral mula

baitang 7 hanggang baitang 11 na may sapat na kaalaman o nais palawakin ang kaalaman papatungkol sa

kulturang Pilipino. Maging ang mga kabataang hindi nag aaral ay maaring makiisa sa pananaliksik na ito.

V. Paglalahad ng Hangganan ng Pagsusuri

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula ika-14 ng oktobre hanggang ika-15 ng oktobre taong 2019.

Ang pagsusuring ito ay isinagawa sa mataas na paaralan ng Sta. Monica National Highschool. Ang mga kalahok

ng pananaliksik na ito ay ang mga mag aaral mula ikapitong baiting hanggang baiting 11. Kaming mga

manananaliksik ay kumausap ng sampung tao na makakatulong sa aming pananaliksik.


VI. Pamamaraan Sa Pagkuha Ng Kinakailangan Impormasyon.

Kami ay nagsagawa ng pananaliksik sa mataas na paaralan ng Sta. Monica National

High School upang magtanong kung sino ang mga taong maaaring maging bahagi ng aming

pagsusuri. Sumunod dito, sila ay magpapakilala at ilalahad ang mga layunin ng kanilang

pakikipag-usap. Kaming mga mananaliksik ay gagamit ng paraan ng pakikipaghuntahan upang

makalap ang mga kinakailangang impormasyon na magagamit sa aming pagsusuri. Ito ay aming

lilinawin sa pamamagitan ng muling pagtatanong sa mga sagot ng aming mga nakausap.

Matapos na makumpleto naming mga mananaliksik ang amingmpakikipag-usap sa

sampung taong kanilang napili na naaayon sa batayan ng aming pagsusuri ay isasaayos nila ang

bawat impormasyon na aming nakuha. Kami ay magkakaroon ng pagtatasa at pagbubuod sa mga

nakalap na impormasyon bago ito ilathala at ihain sa aming guro.

VII. Mga nakalap na impormasyon tungkol sa mga kulturang nakasanayan noon.

Ang panghuhuli ng mga isda, hipon, igat at iba pa sa ilog ay isa lamang sa
kanilang nakagisnang pamumuhay. Noon ay may malawak na palayan sa kanilang
lugar at pagtatanim ang isa sa kanilang hanapbuhay. Pag-aararo, paghahabi, paggawa
ng tableya ay ilan lamang sa pangunahing hanapbuhay nila noon. Sa poso at sa tangke
sila kumukuha ng tubig. Tuwing Mayo nagkakaroon sila ng pagdiriwang na Flores de
Mayo na kung saan imbes na pag-parada ay pagsasadula ang kanilang ginagawa. At
pag-pista naman ay nagsasagawa ng Baylehan na kung saan ang mga kababaihan ay
naka-upo at lalapitan ng mga kalalakihan upang isayaw, ngunit dahil sa pagdami ng
populasyon unti-unti ng nakalimutan ang nakasanayang kultura.
VIII. REPLEKSYON

Ang mga kultura natin ay dapat na bigyang halaga dahil ito ay malaki ang
maitutulong para sa ikakaunlad ng ating bayan.

You might also like