Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“ANG PANGAKO NI ANA”

Sino sainyo ang nakakaalala kay Ana? Siya ang asawa ni Elicana na wala pang
anak, at gustong gusto na magkaanak, kaya lagi silang pumupunta sa Shiloh upang
umattend ng festival para humingi ng pasasalamat kay Papa God.

Ngunit, may problema. Dahil ito ang dahilan kung bakit malungkot itong kumare
kong si Ana. (SHOW PICTURE OF ANA’S SAD FACE). Gusto niya ding maging
thankful gaya ng iba. Ngunit, paano na? Eh wala naman siyang anak. Kaya sobrang
siyang malungkot. [Patingin nga ako ng sobrang lungkot na mukha ng mga Bata.]

Kaya naman, isang araw sa sobrang kalungkutan ni Ana, ginawa Niya ang
nagiisang makakaya niyang gawin para solusyunan ang problema niyang ito. Ano
kaya ito? Anong sa tingin niyo? Siya ay pumunta sa kanilang templo o church upang
magumpisang MANALANGIN.
Sobrang HONEST ng kumare kong ito sa Panginoon. Sinabi niya talaga ang
kanyg nararamdaman, umiiyak Siya kay Papa God sa pananalangin. (SHOW
PICTURE OF ANA’S CRYING WHILE PRAYING) Kaya naman nanalangin si Kumare
kong si Ana ng ganito “Yahweh, Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung diringgin
ninyo ako at maaawa kayo saakin, kung pagkakalooban ninyo po ako ng isang anak
na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo habang siya’y nabubuhay; hindi ko ipapaputol ang
kanyang buhok.”

Kaya naman kinabukasan, may MABUTING NANGYARI. Naalala ng


Panginoon ang panalangin ni Ana. (ANG GALING NOH? HINDI NAKAKALIMOT SI
PAPA GOD SA ATIN) at binigyan Niya ng anak itong si Ana. Nabuntis at naglihi si
Ana. At pagkapanganak sa sanggol, pinangalanan nila ito _________. (Let the
children guess)

Sobra ang kagalakan ni Ana dahil sa wakas ay nagkaanak na siya. Mahal na


mahal niya ang kanyang anak.

Si Ana ay sobrang honest na tao. Kapag nangako siya lagi niyang tinutupad at
ni minsan ay hindi niya ito kinakalimtan. Kaya, ibinigay niya ng buong puso sa
Panginoon ang kanyang anak. Dahil tapat si Ana sa kanyan mga pangako.
(REPEAT)

Noong si Samuel ay lumaki na dinala na siya ni Ana kay Eli at doon na siya
tumira. “Naalala mo ba ako? Sabi ni Ana. “Ako ang babaeng nanalangin sa Panginoon
na bigyan ako ng anak at ipinangako kong ibibigay ko ang buhay nito ng buong puso
kapag lumaki na siya. Ipagkakatiwala ko na siya sayo para matuto at magtrabaho
kasama ka.”

Masakit ito para kay Ana, pero ito ang ipinangako niya. Kaya naman pagkauwi
niya ay bnless siya ni Papa God at bingyan pa ng maraming anak na babae at lalaki.
Mabuting tao si Samuel habang siya ay nakatira kay Eli. Isang gabi habang
natutulog diya, may tumawag saknya, “SAMUEL” kaya naman tumakbo siya papunta
kay Eli. Sabi niya bakit po? Huh? Hindi kita tinatawag bumalik ka na sa pagtulog mo,
sabi ni Eli. Kya bumalik siya sa higaan. Pero may tumawag ulit saknya “Samuel!
Samuel!” Takbo ulit siya, pero ganun ulit ang sinabi ni Eli. Nakailang ulit siyang pabalik
balik. Kaya si Eli ay hindi na alam ang gagawin hindi niya alam kung sino ang natawag
kay Samuel kaya sinabi niya dito na “Lakad humiga ka na, at kapag may narinig kang
boses ulit, sabihin mo lang “YES LORD, NAKIKINIG AKO”.

At may nagsalita n anga ulit, “Samuel! Samuel!” Kaya dali dali siyang sumagot
nang “YES LORD, NAKIKINIG AKO”. At simula non, ay naging propeta na ni Papa
God si Samuel. At bnless niya si Samuel at lumaki siyang isang magaling na propeta
o tagapagsalita ng Panginoon.

Kaya naman tama lang ang ginawa ni Hanna na naging tapat siya sa mga
pangako niya sa Panginoon. Ang anak niyang si Samuel ay ginamit ng Panginoon
para maraming matulungan na tao ang kumilala sa Panginoon.

MORAL LESSON:
Sa araw na ito, ano ang sa tingin niyong aral na mapupulot niyo?
Sa tingin niyo, ano ang dapat na gawin natin kapag tayo ay nangangako?
Katulad ng kumare kong si Ana, tinupad niya ang kanyang pangako kay Papa God.

(Sino dito yung nangako na sakanilang mga kaibigan o magulang o kapatid? Pede
niyo bang ibahagi? )

Ito ba ay inyong tinupad? Anong maaaring mangyari kapag hindi natin natupad an
gating mga pangako sa iba?

Tama. Hindi na nila tayo pagkakatiwalaan pa sa susunod at hindi n din sila maniniwala
kapag nagbigay tayo ng pangako sa kanila.

Ganoon din po sa ating storya, ipinakita ni Ana ang kanyang katapatan kay Papa God.
Pagkatpos siyang bigyan ng anak ni Papa God, kanya itong inihando sa Panginoon
upang manilbihan sa Kanya. Kahit na ito ay napakasakit para sa kanya. Pero, alam
niyo ban a after niya gawin ito, ay bnless siya ni Papa God ng maraming anak na
babae at lalaki.

Kaya naman.. Ang mga pangako ay kailangang seryosohin. At siguraduhin natin na


kapag tayo ay nangako lalo na sa ating panalangin, atin itong tutuparin.
SHARE: Ako din nangako ako dati sa kapatd kong bunso, na bibilihan ko siya ng
bagong sapatos. Kaso, hindi koi to nagawa, kaya naman sa tuwing sasabihin ko
sakanya na mgaral siyang mabuti dahil bibilhan ko siya ng bagong sapatos, ay hindi
niya na ako sinusunod dahl alam niyang hindi ko naman tinutupad ito.

Ang mahalaga ay tumupad tayo sa ating Pangako, lalo na sa promise natin ay Papa
God, sa ating magulang, kapatid at kaibigan.
MAAASAHAN KO PO BA KAYO DOON MGA BATA?

You might also like