Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Buhay ng Estudyante

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging

sandata sa kanilang kinabukasan. Sa panahon ngayon ay maraming mga kabataan ang

nagsusumikap upang makapagtapos ng pag-aaral. Ballpen at libro ang sumisimbolo sa mga

kabataang natuto at nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan. Ito ang susi upang magtagumpay

at makamit ang inaasam na pangarap. Bilang isang estudyante, marami tayong dapat gampanan sa

ating pang-araw-araw na pagpasok sa paaralan. Minsan, sa dami nito ay nakakalimutan na nating

gawin ang mga bagay na nakakapagbigay saya sa atin. Napupuno na tayo sa mga gawain ngunit

hindi ito dahilan upang tayo ay tumigil. Dapat ay patuloy parin tayong lalaban sa kung ano man

ang pagsubok na darating sa atin. Isa lamang ito sa mga paraan upang lubusan nating malaman na

tayo ay mayroong natutunan sa mga panahon na tayo ay nagkakaroon ng diskasyon sa loob ng

silid-aralan. Nararapat lamang na ito ay hindi natin gawing hadlang upang ating makamit ang ating

inaasam na makapagtapos at maging matagumpay sa ating mga minimithi.


Adyenda ng GAS 1 Baitang 12 Class Officers para sa Community Service sa Paaralang TMCSHS

Saan:

Gaganapin sa TRECE MARTIRES CITY SENIOR HIGH SCHOOL, ikatlong palapag sa

kwartong may numeron 402

Kailan:

Setyembre 26 2019 Oras: 1 ng hapon hanggang 5pm

Layunin:

Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng Class Officers

ay: Paghahanda para sa selebrasyon na gaganapin sa susunod na buwan. Para sa kalinisan at

kaayusan ng Paaralan.

Paksa:

I. Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Community

Service tulad ng nasaad sa ibaba: Pagtatanim ng puno at halaman Paghihiwalay ng mga

basura na naaayon sa 3 Waste Disposal Paglalagay ng Karatula patungkol sa pagtapon

ng basura Paglilinis at pagbubunot ng damo At iba pang suhestiyon

II. II. Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating

tagapaggabay ng organisasyon

III. III. Pagkwenta ng mga kakailanganing materyal sa paggawa ng aktibidad at kung saan

kukuha ng pera para dito

IV. Pagtalakay kung saan kukuha ng mga materyales na kakailanganin tulad ng mga

panglinis

V. Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ng

aktibidad
VI. Pagsasaayos ng mga gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mga

estudyante

VII. Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga Class Officers sa bawat seksyon

VIII. Pagsasaayos ng gabay at opinyon ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sa

susunod na pagpupulong. Maraming Salamat sainyong Kooperasyon! Inihanda ni:

Shermaine Salomeo Mga dapat dumalo: Ernesto Mojica Punong Guro John Paul Joel

Racal Presidente Ryzan Mendevil Bise Presidente Albert Solijon Ingat Yaman
Hindi Sagot sa Kahirapan ang Pagiging OFW

Ang pangingibang bansa ay isa sa mga naiisip na solusyon ng bawat Pilipino sa ating bansa

upang mapaunlad ang kanilang buhay at upang mabuhay ang kanilang pamilya.Napakalaki din ng

natutulong nito sa ating buhay .Marami ang Pilipino ang bumabalik sa ating bansa na umunlad dahil

maganda ang nagging kapalaran sa ibang bansa .Ngunit sa kabila nito marami pa ding mga Pilipino

ang hindi nagiging maganda ang kapalaran sa ibang bansa ,idagdag mo pa ang pangungulila nila sa

kanilang pamilya. Naandon na tayo na kumikita tayo ng malaki ngunit napapalayo naman sa ating mga

mahal sa buhay . Nakikita dito na napakalaki ng epekto ng pangingibang bansa ng bawat Pilipino sa

ating bansa .Walang kaularang nagaganap sa ating bansa dahil sa halip na mapabuti ay mas lalo lang

nagiging mahirap ang buhay ang buhay natin ,katulad nalang ng mga kababayan nating kinikitil ang

buhay sa ibang bansa ng kanilang amo maging ang gobyerno doon.

Tayo bilang praktikal na pilipino,mas pinipili natin ang pagpunta sa ibang bansa dahil ang

katwiran natin ay mas malaki ang kita doon.Maraming mga studyante na nagtatapos o magtatapos

palang ay pinaplano na na mangibang bansa, kung kaya’t walang pag-unlad na nagaganap sa ating

bansa.Oo maraming pilipino ang walang trabaho at ang isa sa mga dahilan nito ay ang pangingibang

bansa ng mga negosyante.Sa halip na sa ating bansa na lamang magtayo ng negosyo upang

masolusyunan ang suliranin ng kakulangan sa trabaho.Sa halip na sa sariling bansa maglingkod ay mas

pinipiling sa hindi natin sariling bansa.Lumalaki ang kita natin bilang isang indibiduwal ngunit paano

naman ang ibang tao sa ating bansa? Ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa

kung magpapatuloy ang mga ganitong gawain walang iuunlad ang ating bansa,maraming magugutom

at maghihirap sa halip na umunlad tayong mga pilipino.Dapat nating tangkilikin at isipin o isaalang

alang ang ikauunlad ng ating bansa hindi lang sa pansariling kapakanan kundi para sa nakararami.
Panukalang Proyekto
I. Pamagat: Pagtatag ng isang samahan (Community Service) ng mga mag aaral sa Trece

Martires City Senior Highschool

II. Lokasyon: Baranggay Gregorio, Trece Martires City Senior Highschool

III. Panahon ng pagsasagawa: Oktubre 2019-Marso 2020

IV. Mga tagapanukala: Shermaine Salomeo, Geraldine Buenafe

V. ayunin: Layunin nito ang makabuo ng isang samahan na syang makakatulong sa

paaralang TMCSHS sa larangan ng kalinisan ng kapaligiran at mapanatili ang

magandang kalusugan tungo sa maayos na pag aaral ng mga kabataan.

VI. Paglalahad ng mga suliranin: Ang paaralang TMCSHS ay ipinatayo noong 2016 at ito

ay kulang sa kagamitan na syang gagamitin para sa kalinisan ng paaralan. Ito ay

naglalayon na makalikom ng sapat na pondo para sa kakailanganing mga kagamitan

para maganap ang nasabing samahan.

VII. Plano na dapat gawin:

1. Paglikom sa pondo na gagamitin para sa Community Service. (4 araw)

2. Paghahanap ng mga materyales na gagamitin. (7 araw)

3. Pag paplano ng mga dapat gawin at paghingi ng payo sa mga guro. (7 araw)

IX. Badyet

Mga gastusin Halaga

mga kagamitan sa mga gagamiting 5000

materyales

kabuuang halaga: 5000


VIII. Benipisyo ng proyekto at makikinabang nito: Ang samahan na itatatag (Community

Service) ay makakatulong sa mga magaaral at guro ng paaralang Trece Martires City

Senior Highschool dahil mapapanatili ang kagandahan at kalinisan ng paaralan na

syang makakainganyo sa mga magaaral at guro na pumasok araw araw, maiiwasan din

ang mga sakit mula sa maruming kapaligiran at mapapanatili ang maayos na kalusugan.

You might also like