Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KASANGKAPAN ang edukasyon. Hasaan!

Hasaan ng isip, damdamin, at katawan ng tao


upang mapabisa ang kanyang pakikipagkapwa. Sa mabisang pakikipagkapuwatao nakasalalay
ang tagumpay para sa kapakanang pansarili at pambayan. Sa ibang sabi, ang edukasyon ay
instrumenting gamit sa paghubog ng buong personalidad ng individwal na nalalangkapan ng
kanyang kamalayan at kaluluwa.

Institusyong itinatatag ng tao at para sa tao ang edukasyon. Ipinaako rito ang tungkuling
palaganapin at ipamana ang mga karunungan, kasanayan, saloobin, pagpapahalaga, at isang
particular na kultura para sa bawat kalipunan ng mga mamamayan.

Tagapagsalin ang edukasyon sa sumusunod pang mga henerasyon ng ano mang inaakalang
makabuluhan ng mga nagpapamana. Dahil dito ay maaaring makapagpamana ng mga kaisipang
mapagpalaya at makapagpapunlad ng tao at sa bayan. Maaari rin namang mga ideyang kolonyal o
diwang – alipin ang maipamana. Depende ito sa mga namamahala sa institusyon….. sa edukasyon.

Kung hasaan ang edukasyon ay sadya kayang napatatalas ng Edukasyong Pilipino ang pag-iisip
ng mag-aaral na Pilipino para sa ikauunlad ng kanyang sarili at ng bayan? Napagiging sensitibo ba siya
para sa pangangailangan ng kanyang kapuwa at ng bansa? Napabibiusa bang pagtuturo ang relasyon
niya sa katulad niyang Pilipino, o inilalayo siya nito sa kalahi? Pinagiging- Pilipino bang kasalukuyang
edukasyon ang kanyang kamalayan at kaluluwa?

Ang lahat ng pag-aalinlangan ay mabubuod sa iisang tanong: Kolonyal pa ba ang Edukasyong


Pilipino?

Mamumukhaan lamang kung kolonyal o hindi ang Edukasyong Pilipino matapos maliwanagan
ang tinatawag na kolonyalismo at ang mga kakanyahan ng isang kolonya.

Isang uri ng relasyon ang kolonyalismo..ugnayan ng mananakop at sinasakp ng nang-aalipin at


inaalipin, ng nambubusabos at binubusabos. Walang pagkakapantay-pantay sa ganitong uri ng relasyon.
Lagi nalang may panginoon at alipin. Ang alipin ang siyang kolonya o sinasakop na indibidwal at bayan.

Ngunit, likas sa sino mang tao ang maghangad ng kaunlaran. Pangarap ito kahit nan g isang
alipin, kaya’t madalas na manuyo siya sa kanyang panginoon upang makahimod kahit ng kaunting
biyaya. Mumunti man ang biyayang ito ay pinasasalamatan at tinatanaw na utang na loob ng isang
nasasakop.

Ang pagkakaloob ng pabor o pabuya, at hindi ng karapatan, ay isa pang katangian ng relasyong
panginoon at alipin. Ang ano mang ibigay sa alipin ay hindi sadyang ukol sa kanya. Naibigay iyon gawa ng
kagandahang-loob ng mananakop. Dahil sa pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ay ipinatatanggol
ng busabos ang kanyang amo.

Nakahandang mamatay ang sinakop para sa mananakop. Bunga nito ay may mga pagkakataong
higit na pinapanigan ng alipin ang kanyang panginoon kaysa kapuwa niya alipin. Inilalayo ng isang
busabos ang kanyang sarili sa katulad niya dahil sa pabor o pabuyang maaaring ipagkaloob sa kanya ng
kinampihang panginoon, nasa katwiran man iyon o wala.
Sa kolonyalismo ay mananakop ang palaging bida. Siya ang magaling. Siya ang malakas. Siya ang
marunong. Siya ang tama. Ang sinasakop, sapagkat siya ay nasasakupan lamang, ang palaging mali.
Mangmang siya at hindi makapag-isip para sa sariling kapakanan, kaya’t palagi ring dinidiktahan.

Ipinaskil sa isipan ng alipin ang kahinaan niya. Pinangarap niya tuloy ang matulad sa kanyang
amo. Ginagad niya ito. Tinularan ang kilos at pag-uugali. Siya ngayon ang “langaw na malaki pa kaysa sa
kalabaw na tinutungtungan”! Sa sandaling siya ay pagkatiwalaan ng tungkulin ay labis pa siyang mapang-
alipin kaysa sa kanyang panginoon. Sa ganitong kilos pinalalaki ang maliit niyang pagkakakilala sa sarili.

Ang mga kakanyahan ng kolonya o sakop ay taglay din ng mga taong may kolonyal mentalidad.
Pag-iisip niya ang totoong naimpluwensiyahan ng dayuhan, dulo nito’y wala siyang tiwala sa sariling
kakayahan. May taglay siyang inferiority complex. Maliit ang tingin niya sa sarili, sapagkat ito ang
tuwina’y sinisikap itatak sa kanyang isipan ng mananakop. Bunga nito’y higit niyang tinatangkilik ang
kaalaman at produkto ng dayo. Para sa taong alipin ang pag-iisip ay higit na magaling ang imported
goods, imported technology at ano mang mula sa ibang bansa.

Siya ngayon ay estranghero sa sariling bayan. Ang kanyang pag-iisip, damdamin at mga pagpapahalaga
ay hinubog ng kulturang dayuhan. Angat ang gawi ng kanyang pamumuhay sa katutubong kultura kahit
siya’y nasa sariling bayan.

Higit niyang pinangangalagaan ang interes ng dayuhan sa paghahangad na siya’y


magantimpalaan- mabahaginan ng kahit na mumo ng interes.

Kaisipan ng mga taong kolonyal ang mapaganib humubog sa iba pang mga kaisipan sa
pamamagitan ng edukasyon . Hindi iilan ang nag-aakalang kolonyal ang Edukasyong Pilipino, dapat
lamang lingunin ang kalagayan ng edukasyon sa bansa sa panahon ng pananakop ng Kastila, Amerikano
at Hapones upang masagot ang tanong na; Kolonyal pa ba ang Edukasyong Pilipino.

Tatlong panahon ang nilandas ng Edukasyong Pilipino nang panahon ng pananakop ng mga
dayuhan sa Pilipinas. Ito’y panahon ng Kastila, panahon ng Amerikano, at panahon ng Hapones. Iba-iba
ang paraang ginamit sa pananakop pati sa isipan ng mga Pilipino sa ngalan ng edukasyon.

Pinanatiling mangmang ng mga Kastila ang mamamayang Pilipino. Dalawang uri ng


kamangmangan ang kanilang pinalaganap. Ang isa ay kapansin-pansin sa masa. Nanatiling ignorante ang
malaking bahagi ng populasyon dahil sa laganap na kahirapan at kaatrasaduhan sa lagay ng pamumuhay
ng mga taga-baryo. Ipinagkait sa masa ang maraming kaalaman, maliban sa relihiyon. Ang magsuri at
maghayag ng sariling kuru-kuro ay itinuring ng mananakop na kilos ng isang supersibo. Filibustero ang
bansag sa ganitong Pilipino noon.

Subalit dahil sa kakaunti ang mga Kastila sa bansa ay kinakailangan nilang magkaroon ng mga
kapanalig na Pilipino. Istratehiya itong magpapanatili sa kanilang kapangyarihan. Kaya’t nagtatag sila ng
mga paaralan para sa mga anak ng kanilang kapanalig. Sa simula ay mga anak ng datu at raha ang
tinatanggap sa paaralang itinatag ng kumbento. Kalaunan ay nakapag-aral narin dito ang mga anak –
mayaman. Ang mga pinunong katutubo at mayayaman ay siyang bumubuo ng principalia. Sila ang mga
naging gobernadorcillo (mayor) at cabeza de barangay (chairman ng barangay). Ang mga pinunong
katutubo ay mga “alalay” ng naghaharing dayuhan. Sila ang Elite. Sila at kanilang mga anak ang sumagap
ng kulturang Kastila sa tulong ng paaralan. Dumunong sila sa kaalamang-dayuhan na kailanma’y hindi
nakapagpaunlad sa pamumuhay ng masa. Naging tauhan silang sunud-sunuran sa panginoong
mananakop. Ipinagtatanggol nila ang interes at kapakanan ng mga iyon bilang kapalit ng ilang pribilehiyo
para sa sarili.

Sa pagtuturo sa karaniwang mamamayan ay kaalaman sa relihiyon, kagandahang-asal at


kasanayang bokasyonal ang binigyang-diin. Ipinakilalang kagandahan-asal ang walang tutol na pagsunod
sa lahat ng ipinag-utos. Nagturo rin ng sining at musika, pagbasa, pagsulat at aritmetika. Subalit, kinastila
naman ang pagtuturo kahit hindi totohanang binasa sa wikang iyon ang mag-aaral. Pamamaraan ito ng
naghaharing kapangyarihan upang hindi magkaroon ng iisang wikang magagamit at mauunawaan ng
mga Pilipino. Batid nilang ang pambansang wika ay makakapagbubuklod ng isipan ng mga mamamayan.
At, ang gayong pagkakaunawaan at pagkakaisa ay maaaring maging instrument ng pag-aalsa laban sa
kanila.

Binuod ni Dr. Jose Rizal ang mga suliranin sa pagtuturoat pag-aaralnang panahon ng Kastila,
tulad ng: (1) kulang sa pondo para sa edukasyon, (2) magkakasalungat ang mga ideya ng guro at
administrador ng paaralan, ng guro at magulang ukol sa mga dapat ituro at paraan ng pagtuturo, (3)
wikang dayuhan ang wikang panturo kaya’t wala halos maunawaan ang mag-aaral, at (4) kulang sa
kailangang materyales para sa mabisang pagkatuto.

Maliwanag na mapag-uuri-uri ang Edukasyong Pilipino nang panahon ng Kastila. Nagawa nitong
pagwatak-watakin ang pag-iisip, damdamin, at layunin ng mga mamamayan. Hindi ito nagsilbing tulay na
naglapit sa guwang na nakapagitan sa mayaman at mahirap, sa marunong at mangmang, sa propesyonal
at manggagawa.

Kung relihiyon ang ginamit na mabisang sandata sa pambubusabos ng mga Kastila ay Edukasyon
naman ang kinakasangkapan ng mga Amerikano sa pag-aabot ng gayon ding hangarin. Itinuro at
pinalaganap ng bagong mananakop ang wikang Ingles kasabay ang pagtatayo ng mga paaralang publiko
sa lahat ng dako ng Kapuluan. Subalit hindi lamang Ingles ang natutuhan ng mga mag-aaral, kundi pati
na ang pag-uugali at Kulturang Kanluranin. Hindi lamang ang mga nabibilang sa elite ang naging biktima
ng ganitong uri ng edukasyon sapagkat para sa lahat ang paaralang publiko. Dumami ang mga mag-aaral
at lalong dumagsa ang mga Pilipinong nagtakwil sa sariling kultura.

Natural lamang na sa pagtuturo sa mga mamamayan ng bagong mananakop ay pangalagaan nila


ang pansariling kapakanan. Dahil dito ay inimulat sa Kabataang Pilipino ang kaunlaran ng sibilisasyong
Amerikano kaysa kulturang katutubo. Ganitong kaisipan ang inihihimig sa awiting pampaaralan noon na
“I was

poorly born on the top of the mountains…” Pinatindi ang naturang ideya ng kasabihang “Cleanliness is
next to Godliness” kaya’t marumi at hindi maka-Diyos ang magsasakang naputikan ang mga paa sa
maghapong pag-aararo sa bukid.

Katakut-takot na panahon ang ginugol sa pagtuturo ng wikang Ingles pagkat ito ang wikang
panturo. Ipinagkamali tuloy ng marami na ang pagtuturo ng Ingles ay isa nang ganap na karunungan.
Winalang bahala kung naipahahayag man o hindi ang tunay na kaisipan at damdaming Pilipino sa
pamamagitan ng wikang dayuhan. Hindi nakatulig sa pandinig ng kolonya ang katawa-tawang paingles-
ingles ng magsasakang-Pilipinong nakasakay sa likod ng kalabaw sa mga kuwento sa Ingles.

Higit sa lahat, ang kaalaman sa nasabing wika ay nakatulong nang malaki upang tangkilikin ng
mamamayan ang sari-saring produktong Amerikano. Tinuruang mas bumili at gumamit ang

Pilipino kaysa lumikha ng kanilang sariling produkto. At, tinuruan din siya ng history o kasaysayan… ng
American history. . Ang ano mang itinurong may-kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas ay kinulayan nan
g pananaw ng dayuhan.

Sa ganitong pangyayari ay minsan pang naghari sa bansa ang nilalaman at pamaraan, ay hindi
maaaring maging kasangkapan sa pagbubuo ng iisang diwa at iisang bansa. Isa ring dayuhan si Dr. Halib
Saleeby ang nagpalagay na hindi sapat ang kaalaman sa wikang Ingles ng mga Pilipino upang maging
kasangkapan iyon sa paghabi at pagpapaunlad ng isang kulturang magbubuklod sa lahat ng
mamamayang Pilipino.

“Ang kahusayan sa pagsasalita ng Ingles ay nag-uuri-uri sa mga tao… sa marunong at di-


marunong magsalita ng Ingles, sa may trabaho, sa ilang mayaman at sanlaksang mahihirap,” dagdag
na obserbasyon ni Dr. Priscilla Manalang.

Katulad nang nakaraang apat na dantaon ay estranghero pa rin ang maraming Pilipino sa
kanilang sarili at sa kanilang bayan. Nalimot nila ang kanilang kahapon at pagkamakabayang sumiklab
nang panahong rebolusyon. At ang lahat ay naganap sa ngalan ng Edukasyon.

You might also like