Panukalang Proyekto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANUKALANG PROYEKTO

Pagdagdag ng Water System sa Pobacion ng Malapatan

1. Proponent ng Proyekto:
Mga opisyal ng barangay.

2. Lokasyon ng Proyekto:
Purok 6 at purok 7 poblacion Malapatan, Probinsya ng Sarangani.

3. Diskripsyon ng Proyekto:
Ang water system ay ang nagsusupply ng tubig sa kahit saan mang
lalawigan. Ito ay isa sa mga malaking tulong sa gawaing pang araw-araw. Ito rin
ay napakahalaga upang punan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao.

Ang purok 6 at purok 7 ng poblasyon ay isa sa mga lugar ng Malapatan.


Isang malaking problema ng mamamayan doon ang mahinang daloy ng tubig
kaya nais naming ipanukala ang pag lagay ng water system upang hindi na
mahirapan ang mga tao sa mahinang daloy ng tubig. Ang proyektong ito ay
isasagawa sa darating na Oktubre 9 hanggang Oktubre 11.

4. Rasyunal ng Proyekto:
Ayon kay J. Reyes (2014) isang mananaliksik, ang tubig ay napakahalaga
sa buhay ng tao, marami itong gamit, hindi tayo mabubuhay kung walang tubig.
Pwede natin itong magamit bilang inumin, pampaligo, panghugas ng pinggan,
panglilnis ng kagamitan at panglaba. Kung gayon ang water system ay lubhang
malaki ang maitutulong sa ating buhay at sa ating kabuhayan.

Ayon kay GingGing Canubas Engineer ng water system. Ang purok 6 at


purok 7 ay nakakaranas ng mahinang daloy ng tubig sa kadahilanang mataas ang
lebel ng lupa. Kung gayon ang mga lugar na ito ay mas nangangailangan ng
atensyon na malagyan ng water system upang masolusyonan ang kanilang
problema sa mahinang daloy ng tubig.
5. Layunin ng Proyekto:
5.1 Pangkalahatang Layunin:
 Naglalayong mabigyan ng maayos na daloy ng tubig ang purok 6 at
purok 7.
5.2 Mga Tiyak na Layunin:
a. Hindi na mahihirapan ang mga mamamayan sa purok 6 at purok 7
sa mga gawaing bahay.
b. Upang tuloy-tuloy na ang pag-daloy ng tubig.
c. Makakatulong sa mga naghahanap buhay lalong-lalo na sa mga
nagkakarendirya.

6. Proseso:
 Magsasagawa ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay sa gagawing
proyekto.
 Ipanukala ito sa purok chairman ng purok 6 at purok 7, kapitan nga barangay
poblasyon, alkalde ng munisipalidad ng Malapatan, head ng Enginnering ng
water system sa Malapatan at local Government unit (LGU) at NGO’s upang
mapasang-ayonan at malaman ang pundo o badget.
 Pagpunta sa purok6 at purok7 upang makahanap ng wastong lokasyon kung saan
ilalagay ang mga tanki ng tubig.
 Maghanap ng plumber at welder sa pagpapatayo ng tanki.
 Magrenta ng welding machine, steel cutter, at steel grinder.
 Bumili ng mga materyales na gagamitin.
 Simulan ang pagpapatayo ng tanki.
 Gagawa ng survey kung maayos na ang daloy ng tubig.

7. Badget:

A. Mga Materyales at Supply

Kategorya Deskripsyon Bilang Halaga


php130 * 3
Materlayes Welding rod 3 kls. = 390
Angle bar Php 1,400 * 3
Materyales Per length 3 pcs. = 4,200
Welding machine
Equipment (rent) 2 pc. Php 350 x 2= 700
700x3= 2100
Steel cutter
Tools (rent) 2 pc. Php 250 x 2=500
500 x 3 = 1500

Steel grinder
Tools (rent) 1 pc. Php 250 x 2 = 500
500 x 3 = 1500
PVC tank Php 18,000 * 2
Materyales (8000 Lt.) 2 pcs. = 36,000
Php 12,500 * 4
Materyales Stainless pippe 4 pcs. = 50,000

Kabuuang halaga ng mga materyales Php 95,690

B. Pasuweldo ng mga Manggagawa

Pasweldo sa mga
manggagawa Bilang Halaga

Php 700 * 3= 2100


Shilled plumber 2 2100x 2 = 4200

Php 700 * 3= 2100


Shilled welder 2 = 4,200

Kabuuang halaga ng pasweldo Php 8,400

C. Kabuuang Gastusin
A. Kabuuang halaga ng mga
Matetryales Php 95,690

B. Kabuuang halaga ngn Pasweldo Php 8,400

C. Pangkalahatang kabuuan Php 104,090

You might also like