Kung Ano Ano Lang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ika-2 ng Hulyo, 2019

Block 279 Lot 13 Sweet Orange Street,


Barangay Rizal, Makati City

HONORABLE MARK BRYAN C. BERAN


Barangay Chairman
Rizal, Makati City

Dear Chairman Beran:

Una sa lahat ay binibati ka po namin sa iyong pagkakalulok bilang


Kapitan ng ating minamahal na barangay. Kami ay lubos na umaasa na sa
pamamagitan ng iyong pamumuno ay higit na mapapaigting ang kaayusan
at kapayapaan sa kabuuan ng ating barangay.

Sumulat po kami sa inyong tanggapan sapagkat noong maganap ang


lindol noong ika-5 ng Abril ng taong kasalukuyan, aming napag alaman na
nagkaroon ng mga bitak sa mga platada ng aming bahay na makikita sa
mga biga nito. Dahil dito ay unti-unting nahuhulog ang mga tipak ng
semento buhat sa itaas na bahagi ng aming bahay. Ito po ay maituturing
na mapanganib sa mga tao at sasakyan na dumaraan sa tapat ng aming
bahay. Aming nalalaman na bilang mga may-ari, kami ay may pananagutan
at may responsbilidad na magsawa ng kinakailangang pagsasaayos ng
aming bahay para sa kaligtasan ng lahat.

Kung kaya kami ay buong galang na humihiling sa inyong tanggapan


upang pahintulutan ang pansamantalang pagsasara ng Block 279 Sweet
Orange Street habang aming isinasagawa ang nasabing pagsasaayos. Ito
ay maaaring tumagal ng hindi hihigit sa anim na oras. Kami po ay may
sapat na mga tauhan at kagamitan ukol dito.

Lubos po ang aming pag-asa na ang aming kahilingang ito ay inyong


mapagbibigyan para sa kapakanan at kaligtasan ng iyong mga
nasasakupan. Maraming salamat po sa inyong pagtulong at pagunawa.

Gumagalang at nagpapasalamat,

Loreto A. Villezca Menen R. Villezca

Contact Nos: 09214036327 / 09954335011

You might also like