Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TBOLI

Ang mga T’boli ay isang katutubo na matatagpuan sa Timog Cotabato na nasa Katimugang
Mindanao. Kilala ang mga T’boli sa mga makukulay na kasuotan hindi kagaya ng ibang tribo na
isinusuot lamang ang kanilang mga kasuotan kapag may pagtitipon o tuwing pista.

Ang kasuotan ng mga t’boling babae sa ulo ay ang Kayab. Ito ay mahabang yarda na gawa sa
silk at nakatali ng maluwag sa kanilang buhok. Ang S’long Kinibang ay bilog na salakot na yari
sa bamboo strips, isinusuot lamang pag magtatrabaho sa bukid. Ang Bangat S’laong naman ay
may dalawang mahabang band na gawa sa beads at makapal na buhok ng kabayo na binurlas,
isinusuot lamang pag may okasyon o kapag ikakasal na ang babae. Mayroon ring inilalagay sa
kanilang buhok at ito ay ang tinatawag na head dress. May iba’t ibang klase at katawagan nila sa
head dress nila. Ang Su’wat Blakang na gawa sa kawayan, ang Su’wat Tembuku na
napapalamutian ng mala-salamin, ang Su’wat L’mimot ay napapalamutian ng makukulay na
glass beads at ang Su’wat Hanafak na gawa sa brass.

May tinatawag naman na mga kagamitan sa kasuotan ng mga lalaki. Ang Kubul ay ang ear
plugs ay yari sa makapal na kahoy at may sukat na isang pulgada. Ito ay isinusuot ng mga lalaki
sa tainga. Sunod naman ay Angkul na karaniwang isinusuot ng mga Datu, kapiraso ng mga
espesyal na tela na inipon-ipon upang maging makapal, at ikinakabit sa dibdib, at ang Onit
Tebed na coat na gawa sa hinabi na balakbak/bark.

Narito naman ang kasuotan ng mga lalaki. Ang Kgal Saro ay dyaket na gawa sa abaka. Ito ay
may mahahabang manggas at hapit sa katawan.Ang Sawal Taho ay pantalon na hanggang tuhod
o hanggang bukong-bukong ang haba, at ang bahaging nasa baywang ay abot hanggang balikat
ng nagsusuot. Tinatalian ito ng sinturong abaka sa baywang., pagkatapos ay hinahayaan ang
bahaging nasa itaas na lumaylay na parang palda na nakatabon sa balakang. Ang Olew naman ay
simpleng turban o putong sa ulo.

Pagdating naman sa kasuotang pambabae, ang pang-itaas ay long sleeves at naka-V neck at
mayroong zipper sa magkabilang gilid at napapalamutian ng mga bead, mga patern at iba pa.
Ang kanilang palda naman ay gawa sa sarong. Ito ay itinatali ng pabuhol sa harapan, itinutupi
hanggang sa baywang at ginagamitan ng malapad na sinturon na gawa sa mga bead, iba’t ibang
burda at mga brass bell upang maging mahigpit ito at hindi malaglag. Ang bawat disenyo na
nakalagay sa kanilang kasuotan ay may kahulugan. Tulad na lamang ng isang damit nila na may
disenyong alimango. Dahil kumakain sila ng alimango kapag ito ay panahon na para sa
pagtatanim at pag-aani ng palay. Mayroon ring disenyo na galing sa rattan fruit dahil ginagamit
nila ang tangkay ng rattan sa paggawa ng kanilang mga bahay. Narito naman ang katawagan sa
kanilang mga kasuotan; ang Lewek Tedeyung ay palda/tyub na kulay itim na hanggang bukong-
bukong ang haba.Ang K’gal Bengkas ay blusang mahaba ang manggas at bukas ang harapan. Ito
ay kadalasang may palamuting kulay pula na naka-ekis sa likod at nakapalibot sa manggas. Ang
K’gal Nisif ay blusang may mas magarang palamuti. Ito ay kadalasang may burda sa disenyong
tao o hayop, o di kaya ay disenyong heometriko o zigzag na kulay pula,puti, at dilaw. Ang K’gal
Yahasung ay blusang na kulay itim, na nakabukas o open ang bandang likuran o harapan. Ang
K’gal Binsuirt ay may burda na disenyong pa-tatsulok na shell at ang Fan De naman ay paldang
kulay pula o itim, binibili mula sa mga taga-lambak o kapatagan.

Kilala rin ang T’boli sa mga palamuti.Ang mga kwintas at hikaw ay yari sa buhok ng kabayo,
nilagyan ng maliliit na kadena at nilapatan ito ng mga beads. Narito naman ang katawagan nila
sa mga palamuti na ito.Sa Hikaw; ang Kawat ito ay gawa sa brass, ang B’keto ito naman ay
round mirror na may glass beads, ang Nomong ay chandelier-type na may glass beads, ang
B’koku katulad ng Nomong maliban sa disenyo na pa-triangular na piraso ng mga kabibe at ang
Kowal o Beklaw n aman aybinubuo ng mga maliliit na hibla at makulay na beads. Sa Kwintas;
ang Hekef = ito ay choker na may disenyo ng kulay na pula, puti, dilaw, at itim na beads, ang
L’mimot ay multi-stranded necklace na may pula, puti at itim na beads, at ang Lieg ay may
mahaba at makapal na kwintas at double/triple na brass chains, na may tassels at beads sa dulong
parte. Sa bracelets naman; ang Blonso,at Kala. Sa Singsing; ay ang T’sing. Ang mga disenyo
ng kanilang sinturon ay magkakaiba. Bawat pamilya ay may kanya-kanyang sariling disenyo at
patern at ito ay ipinapasa sa mga susunod na henerasyon upang hindi ito mawala. (Isa sa mga
ipinakita na patern sa larawan ay galing sa kanyang mga magulang at ito ay tinawag nilang
“Bang Gala”.Narito rin ang mga katawagan nila rito, ang Hilot, nasa 3 pulgada malawak na
sinturon, ang Hilot L’mimot ay may solidong beadwork na maliliit na kulay ng pula, puti, at
dilaw na beads, ang Hilot T’noyong, ito ay regular hilot na may hawk bells na siyang lumilikha
ng tunog habang suot ito o habang naglalakad ang babaeng may suot nito Sa mga Anklets; ang
Tugul ay nasa 2 pulgada ang haba at itim na bands na isinusuot sa itaas na bahagi ng bukung-
bukong,ang Singkil linti nasa 4 na pulgada ang haba at isinusuot ng maluwag sa bandang
bukung-bukong, ang Singkil babat ay katulad lamang ng linti, ngunit may palamuti sa bandang
labas at ang Singkil sigulong ay may makapal at may guwang na mga pebbles(bato) upang
lumikha ng tunog.

Sa paghahabi naman ng mga tela ay ang T’boli ay natatangi sa mga kasuotan dahil sa pagiging
matingkad at makulay ng mga ito. Halos karamihan ng kanilang kasuotan ay yari sa T’nalak,
isang telang kulay tsokolate na pinatingkad ng mga pula at kayumangging ornament. Ang t’nalak
ay tinaguriang “Land of the Weavers” isang pagkakakilanlan sa mga T’boli na sumasalamin sa
buhay at mayamang kultura.

Paano nga ba ito ginagawa? Gawa ito sa abaka at ang abaka ay tumatagal muna ng walong
buwan bago maging mayabong. Ang gitnang bahagi ng puno (trunk) ay hinahati pahaba ( 1 inch
strips) at pipira-pirasuhin gamit ang sprung knife upang maialis ang katas at maihiwalay ang mga
fiber. Pagkatapos na mapatuyo ang mga abaka, ito ay binabatak o hinihila upang bilang
paghahanda na ito ay gagamitin na sa paghahabi. Kadalasan ng mga kanilang disenyo ay mula sa
kanilang panaginip at doon nakikita nila ang disenyo na gagamitin na siyang inililipat sa tela
gamit ang Ikat method.

Nagmula ang T’nalak kay Lang Dulay na tinaguriang “Ina ng T’nalak, at kinilalang National
Artist noong 1998 dahil sa galing at talento sa paghahabi ng T’nalak at dito na rin nag-umpisa
ang mga T’boli na makagawa ng sariling disenyo ng T’nalak mula sa kanilang panaginip. Dito
nakilala ang tribong T’boli dahil sa T’nalak at ito na ang isa sa mga pinanggalingan ng kanilang
ikinabubuhay.

Mayroon ding paniniwala ang mga T’boli sa paggawa ng T’nalak. Una ay huwag hahakbangan
ang tela ng abaka. Pangalawa, kapag gumagawa at nagdidisenyo ng patern, huwag magagalit sa
mga anak na nakapalibot/ o lumalapit sa tela na nagiging dahilan ng distraksyon sa paggawa.
Hindi sila naghahabi kapag nasa kalagitnaan ang init ng araw. Ang pinakamagandang oras ng
paghahati ay madaling-araw (early morning at afternoon) at bago mag-tanghali upang makuha o
makamit ang magandang disenyo at kalidad.
BAGOBO

Ang Bagobo ay mayroong mga sub-tribes tulad ng Bagobo Klata, Bagobo - Manuvo at Bagobo
Tagabawa. Kilala sila sa pagiging kakaiba sa paggawa ng kaniang kasuotan.Ang Bagobo
Tagabawa ang kilala sa pagiging makulay na kasuotan sa Davao City. Ang salitang tagabawa ay
ibig sabihing “people from the south” o mga taong galing sa timog dahil nakatira sila sa timog
parte ng Bundok ng Apo.

Beadwork ang tawag sa kanilang ginagawa. Ito ay ‘yong mga palamuti na ginagamit sa
katawan. Gumagawa sila ng mga pulseras, kwintas, anklets at iba pa. Ang kanilang mga
kasuotan ay yari sa abaka.

Ang kasuotan ng mga Bagobo ay karaniwan na isinusuot lamang ng isa o dalawang beses sa
isang taon, kapag may mga okasyon lamang. Kadalasan sa mga nagsusuot na ito, ang kanilang
mga damit ay ipinapares nila ng ibang katutubong kasuotan upang maging unique o kakaiba ang
istayl.

Ang kasuotan ng mga babae ay nakabatay sa kulay nito. Isang halimbawa na lamang ay ang pula
at dilaw na kulay ng palda ay ginagamit lamang ng isang babaeng asawa ng lalaking pumapatay
ng kaaway.Narito naman ang ilang katawagan sa kanilang mga kasuotan; ang Inabal ay gawa sa
abaka, ang Ompak Ka Bayi ay pang-itaas na kasuotan ng mga babae, ang Ompak Ka Mama ay
kasuotang panlalaki, ang Sarodr ay kasuotang hanggang tuhod na hapit para sa mga lalaki, ang
Sonnod ay palda para sa babae, ang Owot ay isang cloth belt na gamit ng mga babae bilang
suporta sa kanilang Tawis o palda at hindi ito malaglag. Nakabase ang katayuan o estado ng
babae sa pagsusuot nito sa pamamagitan ng dulong parte nito. Ang Plab bag at ear disk ( sa
mga lalaki) kapag may suot nito ay ibig sabihin ay mayroon itong mataas na posisyon sa lipunan.

Ang mga patterns na kadalasang nakalagay sa mga disenyo ng kanilang mga gawa ay ito ay
kanilang petitions at simpleng dasal sa buhay. Kapag may nais silang iparating o dasal, ito ay
ipinaparating nila sa pamamagitan ng mga disenyo ng mga bead sa damit nila kaya mayroong
iba’t ibang disenyo ang kanilang mga damit. Kapag dayagonal o korteng diamond, ipinaparating
ng dasal nila na kapag nakapunta siya sa gubat ay sana walang ahas.
TINURAY

Ang Tinuray/tiruray ay isang maliit na tribo na nasa silangan ng Mindanao. Sila ay nakatira sa
pagitan ng Moros at Bilans. Wala silang alam sa sining ng pagpoproseso at paghahabi ng tela
kung kaya’t ang kanilang mga kasuotan ay nakabase lamang sa mga kasuotan ng mga Moro. Ang
mga babae ay nagsusuot ng malong o paldang maluwag at sobrang fitted na dyaket/jacket.Sa
paligid ng baywang ay mayroong sinturon na may paikot na piraso ng mga brass at ginawang
beads, ang kanilang bukong-bukong ay puno ng brass rings. Iniitiman nila ang kanilang mga
ngipin at kinukulayan ang kanilang labi ng matingkad na kulay pula. Mahirap ang kanilang tribo
dahil hindi sila sakop ng industriya, at nakadepende lamang sa kanilang ikinabubuhay na
pagtatanim ng palay, mais at kamote na siyang pinoproduce ng karaniwang primitibo

IVATAN

Ang mga Ivatan ay matatagpuan sa hilagang parte ng Luzon, sa Batanes. Matatagpuan lamang
sila sa tatlo sa sampung islang bumubuo sa Batanes – ang Itbayat, Batan at Sabtang.

Ang kanilang kasuotan ay simple lamang ang Vakul na isang uri ng salakot na tumatakip sa ulo
at likurang bahagi ng katawan na mula sa pinatuyong dahon ng palming voyavoy at himaymay
ng abaka Dulot ng klimang taglay ng Batanes, ang mga kababaihang Ivatan ay isinusuot ito
kapag nagtatrabaho sa mga halamanan ng mabatong burol ng Batanes bilang kanilang
proteksiyon sa araw at ulan. Ito ang kanilang gamit habang nagtatanim na siyang pangunahing
ikinabubuhay nila. . Ang Vakul ay mayroong matagal na proseso bago ito magawa. Ang dahon
ng voyavoy ay pinapatuyo muna sa init ng araw, hinahati hanggang sa maging maging manipis at
kapagdaka’y doon hahabiin. Tumatagal ng isang buwan sa isang manghahabi upang makatapos
ng isang Vakul. Ang Kanayi at Talugong ay isang uri rin ng salakot na gawa rin sa hinabing
dahon ng voyavoy at isinusuot nama ito ng mga lalaki sa paghahanap-buhay. Ang Tukap o
Chavayanas naman ay isang tradisyunal na tsinelas ng mga Ivatan na yari rin sa pinatuyong
abaka. Chavayanas ang naging bansag o tawag ng mga turista rito.

Ang Voyavoy o Philippine Date Palm ay simbolo ng pagiging malikhain at matatag ng mga
Ivatan. Maraming gamit o kapakinabangan ang Voyavoy, nagagamit nila ito bilang banig,
lalagyan at mismong krib o higaan para sa mga sanggol. Isa rin ito sa mga ipinagmamalaki
nilang disenyo mula voyavoy ay ang kanilang gawang bag, wallet/purses at ang mga tsinelas.

BADJAO

Ang katutubong Badjao ay matatagpuan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung,
Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan,
Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal’u at Pala’u.

Ang pananamit ng mga Badjao ay makukulay rin at kaakit-akit tingnan. Ang tradisyonal na suot
ng mga lalaki ay may saplot sa kanilang ulo at may makukulay na damit. Sa mga babae naman
ay may mga perlas na kanilang gawa upang palamuti sa ulo Ang Patadyong ay ito ay karaniwan
sa mga kasuotan ng mga Badjao at ito ay maraming gamit. Sinadyang malaki ang yari nito upang
magkasya sa mapa-babae o mapa-lalaking Badjao bilang palda o gown na naka-tuck in sa
bandang dibdib.Ang Sablay ay may blusang maluluwag ang mga manggas at umaabot ang haba
sa balakang.

You might also like