Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Ang Deaf Program

ng mababang paaralan ng Bagong Silangan


Villamor Sgtreet, Barangay Bagong Silangan, Lungsod Quezon

Pinal na kahingian para sa asignaturang


Berbal at Di-berbal ng Komunikasyon sa Filipino
FILI 30073

Ipinasa nina:

Cantar, Evangeline
Cho, Christine Joy
Ladia, Rhea
Robregado, Jonathan

ABF 2-2

Ipinasa kay:

Propesor Giselle Cabrera

2019
Panimula

Isa sa basikong pangangailangan ng isang imdibidwal ay ang makapag-aral. Sa


pamamagitan nito nagkakaroon ng kakayahan ang isa na maunawaan ang mga bagay na
nangyayari sa kanyang lipunan. Ngunit ang edukasyon sa ating bansa ay may pinupuri at dahil
dito mayroong mga iilan na nauuri. Dapat ang edukasyon ay maging salamin kung paano
nagiging pantay-pantay ang mga tao. Hindi ito dapat nag-uuri base sa edad, kasarian, katayuan sa
buhay at higit sa lahat sa pisikal na kapakinabangan ng isang inbidwal.

Ayon sa census ng Philippine Statistics Office noong taong 2010 mayroong 1.44 milyon
na bilang ng mga persons with disabilities (PWD) sa Pilipinas. Makikita sa census na ginawa
noong 2010 na marami ang bilang ng mga pwd. Ibig sabihin mas marami ang dapat bigyang
pansin at tuon pagdating sa pangkaunlarang pansarili lalo na sa edukasyon. Ayon sa
nakapanayam ng mga mananaliksik na si G. Layla Perez isang guro ng SPED sa Baging Silangan
Elementary School, marami ang hindi tumutuloy ng pag-aaral na kabilang sa pwd lalo na ang
mga deaf dahil pagtungtong nila ng sekondarya ay nakakaranas sila pambubulas. Dagdag pa
hindi lamang sa aspeto ng pakikisalamuha ang kinakaharap na pronlema ng mga deaf hinaharap
din nila ang kalbaryo ng gastusin sa mga paaralang nagkakanlong ng katulad nila. Dahil mas
madami ang bilang ng pribadong paaraln na nagbubigay ng programa para sa mga bingi. Ibig
sabihin hindinlamang sa uaspin ng edukasyon nababansit ang pangangailangan nila bagkus sa
usaping pang ekonomiko din.

Sa kabilang banda masasabing maaaring maging masuwerte ang komunidad ng mga


bingi dahil mayroong mga paaaralang pang elementarya na nagbibigay ng program para sa
kanila. Isa na rito ang paaralang elementarya ng Bagong Silangan. Da mga ganitong simulain
makakahugot ng lakas at inspirasyon ang komunidad ng bingi na hindi pa huli ang lahat upang
ipakita nila na sila ay hindi persons with disabilities bagkus sila'y persons with abilities. Himdi
man sila nabiyayaan na makapagsalita at malahad ang kanilang saloobin. Marinig ang nais
sabihin ng iba. Biniyayaan naman sila ng kakayahan makita at masulyap ang kagandahang
mayroong ang mundo.

1
I. Ang Kasysayan ng paaralang elementarya ng Bagong Silangan

Nagsimula ang kasaysayan ng paaralang elementarya ng Bagong Silangan noong taong


1970. Nagbigay ang barangay Bagong Silangan ng 5000 kilometrong kuwadradong lupa para sa
pagtatayuan ng eskwelahan. Pinangunahan ito ng noo’y kapitan ng barangay na si Laureano
Ramos. Gayundin pinasimulan ni Ramos ang pagbuo ng paaralan kasama ang kanyang mga
nasasakupan. Ang unang tinayo ay ang dalawang silid aralan para sa baiting isa at dalawa at
pinanglanan ang eskwelahan bilang mababang paaralan ng New Silangan. Ang bagong tayo na
paaralan ng New Silangan ay parte ng mababang paaraln ng Balara.

Bilang panimula binigayn sila ng talong gurong gagabay sa magiging takbo ng panuruan.
Sa kasamaang palad ang bagong tayong paaralan ngNew Silangan ay sinalanta ng bagyo noong
taong din na iyon. Sa matinding sira hindi na muli itinayo ito at pinalitan ng building na Pre-fub
noong taong 1971. Pagkaraan ng ilang buwan matapos ang pagsasara nagbukas muli ang
paaralana at nadagdagan ng baitng apat, lima at anima ng mga baiting na kanilang kakanlungin.
Nadagdagan din ang mga guro ng mamahala sa dunong na ipapamahagi sa estudyante. Ito ay
nangyari sa pamu muno ng noo’y teacher in charge na si Roasarion Dimaano. Sa wakas sa taong
1971 hanggang 1972 ang paaralan ng New Silangan ay naging opisyal ng paaralan kasama ang
punong guro na si Magdalena Perez. Kaakibat din nito ang pagtatatag ng bagong pangalan ng
eskwelahan na Bagong Silangan Elementary School, na hanggang sa kasalukuyan ay ang
nanatiling pangalan parin ng eskwelahan. Ganap na naging pampublikong paaralan ang Bagong
Silangan mula kinder garten, baiting isa hanggang anim, kasama na rin ang Special Education
(SPED) sa distrito anim ng pampaaralan ng Lungsod Quezon.

Sa paglipas ng taon ang Bagong Silangan ay nagkaroon ng mga punong guro na


nagkaroon ng iba’t ibang paraan ng paamalakad sa eskwelahan. Ang unang punong guro na si
Rosario Dimaano ay sinundan ni Lorenzo Rufen, at sina Florentino Agudera, Corazon Noble, Eli
Valereso, Perfecto Manansala, Manuel Soliven, Efren Gabrida, Alejandria Agbayani, Dionisia
Cabrillas, Violeta Sumook, Paulino Mendrano, Erlinda Julian, Virginia Calosing, Escarlita
BAndong , Eloisa Opena, Arsenio Honrejas Jr., at ang kasalukauyang punong guro ng Bagong
Silangan Elementary School na si Wilma C. Manio.

2
II. Ang Deaf program ng paaralang elementarya ng Bagong Silangan

Sa paki-kipagpanayam kay Gng. Irena S. Manalon, head techer ng SPED program, ang
programa para sa mga deaf ay nagsimula noong taong 2004. Ayon sa kanya ang kanilang
ginagamit na sign language ay English sign language. Sa kanyang pagdidiin ay hindi sila
maaaring gumamit ng Filipino sign language dahil mayroon silang “uniformity” sa iba pang
eskwelahan na nagbibigay din ng deaf program sa kanilang paaralan.

Ayon naman kay Eddie S. Busadre nagtapos ng masterado sa Sped, ang programa na
kanilang inilalatag ay depende sa pangangailangan nila,ang mga deaf. Ito ay hindi talaga
programa bagkus ito ay isang gawi na nagmula sa puso. Kung anu yung pangangailangan nila ay
yun ang kanilang ibinibigay. Isang halimbawa na ibinigay ni G. Busadre ay ang pagsamaa nila sa
kanilang mga estudyante kapag ito ay naghahanap ng trabaho. Kanyan ding naibahagi na minsan
sa pagsama niyang iyon sa kanyang estudyante ay kanyang napagtanto ang kahirapan sa
paghahanap ng mga trabahong tatanggap sa kanilang kakulangan bilang indibidwal.

Sa paraan naman ng set-up ng kanilang pag-aaral. Ibinahagi ni G. Busadre na gaya ng


normal na klase ay mayroon ding antas ng pag-taas sa knailang mga pag-aaralan, parang baiting
isa hanggang anim, mayroon din silang ganon. Sa pagtatanong naman ng mananaliksik, nasabi
rin ni G. Busadre ang ginagawa niyang estratehiya sa paglinang ng kaalaman sa mga deaf na
klase niya. Ani niya siya, bilang isang guro siya di umano ay nagtuturo ng kinder hanggang
baiting tatlo. Sa ganito daw di umano na set-up na gsinusunod niya na lesson plan ay aralin pra
sa baiting 1 hanggang dalawa.

Mula naman sa usapin ng kung ano ang ginagamit nilang paraan ng sign language.
Kanyang sinabi ng may pagdidiin na ang hindi nila ginagamit na gtagalog bilang isang mdyum
ng pagtuturo sa mga deaf bagkus naroon sila sa kung ano ang nakasaad at napagkasunduan. Ito
aya ang Sign in Exact English o English Sign Language. Sa kanayang pagdadagdag, iginiit niya
na ginagamit lamang ang Filipino sign language upang makipag-usap sila sa mga deaf dahil mas
madali nila itong naiitindihan. pero kapag sa usapin na pang-akademiko mas tinutuuon nila ang
pansin sa pagtuturo ng sign in exact English. Kanyang sinabi na mas mahihirapan daw ang mga
deaf kung Filipino sign ang ituturo sa kanila, habang ang karamihan sa kanilang komunidad ang

3
alam ay English sign. Ibig sabihin magkakaroon ng proseso kung saaan maaring maiwan ang isa.
Kanya din sinabi na ang Filipino sign language ay pinaikli na mga termino kung saan ito ay
madaling maiintindihan ng mga deaf. Mga pariralang nagiging isa o dalawang salita nalamang, o
kaya naman isang salita na sinundan ng isang aksyon ng bagay na inilalarawan.

Sa mga nakalap na impormasyon makikita na maayos naman ang deaf program na


inilalatag ng Bagong Silangan para sa mga estudyantemg bingi. Hindi lamang sila nakatuon sa
pang-akademikong approach bagkus hinahaluan nila ito ng passion sa pagtuturo. Makikita na
hindi nila itinuturing na iba ang kanilang sarili bilang mga normal bagkus kanilang
ipinaparamdam sa mga bingi na katulad lamang sila ng mga hearing na mayroong kakayahang
matuto at umunlad.

III. Ang English Sign Language at Filipino Sign Language

Ang ASL ay ang pagpapahayag gamit ang pagsenyas, paggalaw ng kamay o rehistro ng
mukha. ANG ASL ay nagmula sa North America at sa hindi malamang petsa kung kalian ito
natuklasan. Sinasabing ang ASL ay hindi ang pangkalahatang wika sa pag-senyas. Ang iba't
ibang mga wika ng senyas ay ginagamit sa iba't ibang mga bansa o rehiyon. Halimbawa, ang
British Sign Language (BSL) ay isang kakaibang wika mula sa ASL, at ang mga Amerikano na
alam ng ASL ay maaaring hindi maunawaan ang BSL. Karamihan lamang sa sign language ng
mga ibang bansa ay naka konekta sa ASL at isa na dito ang Pilipinas.

Sa Paaralan ng Bagong Silangan Elementary school ay ipinaliwanag nila na ang kanilang


midyum ng pagtuturo sa ay naka base sa ASL. Mahirap sa mga mga guro pari na rin sa mga
magaaral na mag aral ng FSL kung ang midyum ng pagtuturo na sinusundan ng mga guro ay
ASL. Para sa mga guro nang nasabing eskelahan ay isa itong confussing para sa bata lalo na sa
nasa pinaka mababang baiting. Nagbibigay ito ng kagukuhan sa utak ng mga bata kung ang
susundan nating pagtuturo ay FSL dahil sa mga salitang mahahaba na may kahulugan naman sa
ingles na maikli lamang. Upang palalimin pa ito ay ipinaliwanag din nila na Ang Filipino sign
language ay hindi tagalog na kapag ang Filipino sign language ay isinulat ito ay sa english. May
mga salita kasi sa Filipino na kapag isinalin mo ng senyas sa English ay walang kahulugan kay
naguguluhan ang mga bata. Filipino sign language is shortened sign na mas maiintindihan ng

4
deaf. Pero once na sinulat mo, if you are a deaf it will be written in english. So most of the deaf, i
think 90% of the deaf they understand english and they do not understand tagalog. Now ang
siniusulong nila na filipino sign language ay its teacher using the grammar that is being use to
communicate.”

Ipinaliwanag di niya na mas naiintindihan ang F.S.L. kasi ito yung mga language na
ginagamit ng bata kahit hindi pa siya pumunta ng paaralan. Kapag pumasok na sila sa paaralan
malaking problema sa kanila ang pagiintindi ng Filipino kasi ang Filipino ay malawak. Sagdag
pa nila kung sa pagtuturo ay gumagamit sila ng ASL ang FSL naman ay ang paraan nila ng
pakikipag komunikasyon sa mga taong may kapansanan lalo na sa pandinig.

IV. Ang tulong na nabigay ng deaf program ng mababang paaralan ng Bagong


Silangan sa kanilang mga bingi na estudyante

Malaki ang naging tulong ng paaraalan ng Bagong Silangan sa kanilang mga bingi na
estudyante. Ayon kay Gng. Irena S. Manalon, head techer ng SPED program ng Bagong
Silangan. Isa sa kanyang ibinahagi ang naging tagumpay nang may isang estudyante nila na
bingi ang nakapasa sa College of Saint Benilde at nakatanggap ng full scholarship. Labis ang
kanilang naging galak dahil alam nilang kasama sila sa tagumpay ng kanilang estudyante. Kaya
alamang dahil sa prblemang pang pinansyal kinailanagan na bitawan ng estudyante ang
pagkakataong naibigay sa kanya.

Mariin niyang ipinaliwanag na kahit na anong tulong nila ay didipende parin ang resulta
kung ipagpapatuloy ng mga estudyante kasama ang suporta ng kanilang magulang ang kanilang
pag-aaral. Idinagdag naman ni Gng. Ramos na nakikita niya na umasenso naman ang mga deaf
na kanilang naturaan dahil may nabalitaan sila na may nagtatrabaho na sa Makati sa isang
pribadong kompanya at ang isa naman ay nasa public service sa ilalaim ng opisina ng noo’y Bise
Alkalde ng Lungsod Quezon na si Joy Belmonte.

Para naman kay G. Eddie S. Busadre isang guro ng SPED program ng Bagong Silangan
elementary School. Kinakikitaan niya ng pag-unlad ang isang bata kapag nakikita niya oitong

5
natuto ng ,ahusay sa loob ng kanyang klase. Natututong makipagsalamuha gamit ang kanyang
mga natutunan mula deaf program ng kanilang paaralan. Sa kabilang banda naman, ibinahagi ni
G. Eddie S. Busadre ng minsang siyang pumunta ng komperensiya sa Philippine Womans
University na mayroong isang mananaliksik na deaf na nagg present ng kanyang pananaliksik
tungkol sa kanyang ginawang application upang maibaybay ang isang English Sign Language
patungong Filipino Sign Language.

Nakakatuwa ang iinahagi na ito ni G. Busadre dahil makikita na mayroong talagang


kakayahan ang mga deaf na makipagsabaayan at umunlad sa anumang larang na kanilang naisin.
Ang kailangan lamang nila ay tulong mula sa kanilang pamilya, kanilang komunidad at sa nga
hearing upang lalong magkaroon ng inspirasyon ang kanilang mga mithiin sa buihay.

Sa paglalahat ang tulong na ibinibigay ng mababang paaralan ng Bagong Silangan ay


nagsisilbing pundasyon ng mga deaf. Ito ang kanilang sandigan sa upang magkaroon ng
inspirasyon sa kanilang pag-aaral. Dahil sa deaf program ng Bagong Silangan naitutulay nila ang
kanilang mga estudyante na deaf sa isang maliwang na kinabukasan.

Konklusyon

Makikita sa mga lumabas sa mga nakalap na datos na ang paaralang elementarya ng


Bagong Silangan bilang kanlungan at hasaan ng mga deaf ay ginagawa ang lahat upang
iparamdam, ipabatid, at iparating sa Pilipinas na ang isang bingi na hindi nakakapagsalita ay may
kakayahan at talento na dapat ibahagi sa lipunan. Ang pinaka basikong pangangailangan na
makapag-aral ay hindi nila ipinagkait para sa mga bingi. Kaya naman ang paaralan nil aya dapat
saluduhan. Subalit kahit na ganun, nakita parin sa ilang nakalap na datos na hindi nagkakaroon
ng pantay na tingin a ng lipiunang Pilipino para sa mga katulad nila.

Nalaman din sa mga nakalap na datos ang kaibahan ng English sign Language at Filipino
Sign Languagge. Naliwanagan kung ano ang gamit ng bawat isang metodo sa pagpapaunlad ng
dunong kakayahang makapagroseso ng mga bagay-bagay ng mga bingi. Naipakita rin na

6
bagamat mayroong mga program tulad ng SPED ay mayroong kakulangan sa mga libro na
kanilang dapat pagbasihan. Isa pa nakita din na maaari pero hindi pa handa ang Deaf Community
na yakapin ang Filipino sign language bilang panguhaing metodo nila ng pagsa-sign. Dahil
karamihan sa kanilang mga bilang ay nakasanayan at namulat sa English Sign language na
siyang ginigiyayis sa mga paaralang may programa para sa mga bingi.

Sa paglalahat mahihinuha na ang mga programa para sa mga bingi tulad nang mayroon
ang mababang paaralan ng Bagong Silangan ay magangdang simula para sa pagpapanday ng
sipan ng mga kabataang hindi nabiyayaan ng kakayahang makarinig at makapagsalita. Malaki
ang magiging tulong nito kung magkakaroon ng spat na mga batas at panukala para sa kanilang
pangangailan. Gayundin dapat makapaglatag ang DepED at CHED ng mga dagdag na asinatura
na makakapaglinang sa mga natatanging kakayahan ng mga bingi. Sa ganitong gawi
maipapamalas nila ang kanilang kakayahan at makikita ng lipunang Pilipino ang kanilang
kakaibang mga abilida at maipapakita na nila na mayroon din silang espasyo sa lipunang
Pilipino.

Sanggunian:

History-Bagong Silangan Elementary School. 17 Hulyo 2017. 5 Oktubtre 2019.

Persons with Disabilities in the Philippines (Results from the 2010 Census). 10 Enero 2013. 15
Oktubre 2019.

You might also like