AP V 2nd Quarter Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikalawang Markahang Pagsusulit

AP V
Pangalan: _______________________________________________________ Puntos: ___________________

Baitang at Pangkat: _________________________ Petsa: ____________________

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Nakapaloob sa sistemang ito ang patakaran ng isang malakas na bansa sa pagpapalawig at pagpapanatili ng awtoridad o kapangyarihan
sa isang nasakop na bansa o teritoryo.
a. Merkantilismo c. Komunismo
b. Kolonyalismo

2. Sila ang mga sundalong nakibahagi sa pagbawi ng Kristiyanismo sa mga lupaing sinakop noon ng mga Muslim sa Holy Land.
a. Kristiyano c. Crusader
b. Muslim

3. Ito ay pananakop ng lupain upang mapakinabangan ang yaman ng mga lugar o bansa na kanilang magiging kolonya.
a. Kolonyalismo c. Komunismo
b. Merkantilismo

4. Sino ang nagpahintulot sa Portugal at Espanya na magsagawa ng kolonisasyon at ekspedisyon upang higit na mapalaganap ang
katolisismo?
a. Papa Alexander V c. Papa Alexander IV
b. Papa Alexander VI

5. Ang tawag sa bansang nasakop ng isang malaki at malakas na bansa?


a. Kolonya c. Merkan
b. Ekspedisyon

6. Alin ang tatlong pangunahing dahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas?


a. God, Gold, Glory c. God, Glory, Food
b. Good, Glory, Fame

7. Sino ang Portuges na nakarating sa Pilipinas?


a. Lapu-lapu c. Miguel Lopez de Legazpi
b. Ferdinand Magellan

8. Kaninong ekspedisyon ang nagging pinakamatagumpay na ipinadala sa Pilipinas?


a. Ferdinand Magellan c. Villalobos
b. Miguel Lopez de Legazpi

9. Alin ang HINDI layunin ng Espanyol sa pananakop ng Pilipinas?


a. Karangalan c. Katanyagan
b. Kayamanan

10. Kalian ganap nasakop ni Legazpi ang Maynila?


a. Abril 7, 1521
b. Pebrero 13, 1565
c. Hunyo 24, 1571

11. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga ekspedisyon ng mga Espanyol sa Pilipinas?
a. Paghahanap ng ginto at pilak
b. Paghahanap ng mga pari na magpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
c. Paghahanap ng pampalasa.

12. Sino ang isinama sa ekspedisyon upang magturo ng relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo?
a. Mga guro c. Mga pari
b. Mga hari

13. Ano ang pinakalamaking impluwensya ng mga Espanyol sa mga Pilipino?


a. Tradisyon at Paniniwala c. Kristiyanismo
b. Mga Kaugalian at Pagkain
14. Ano ang pangunahing dahilan ng malaking pagbabago sa panirahan ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Espanyol?
a. Merkantilismo c. Kolonyalisason
b. Kristiyanismo

15. Bakit naging mahirap sa mga pari ang uri ng panirahan ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Espanyol?
a. Dahil limitado lamang ang kanilang bilang
b. Dahil mahirap puntahan ang kanilang panirahan.
c. Dahil matatanda na sila at mahirap na sa kanila ang maglakad ng malayo.

16. Ano ang naging solusyon ng mga pari upang di sila mahirapan sa uri ng panirahan ng mga katutubong Pilipino upang higit na mapadali
ang pagpaplaganap nila ng Kristiyanismo?
a. Sistemang Encomienda c. Tributo
b. Sistemang Reduccion

17. Ano ang paraang ginamit ng mga pari bilang pantawag sa mga taong naninirahan na malayo sa kabisera?
a. Paggamit ng kampana c. Pagpapadala ng liham
b. Paggamit ng megaphone

18. Ano ang naging bunga ng di palipat-lipat ng tirahan ng mga Pilipino noon?
a. Nakatipid sa oras
b. Natuto silang pagandahin ang kanilang mga tahanan
c. Naging madali ang pagtunton sa kanila maging ang pagkakakilanlan.

19. Bakit inilapit ng mga Espanyol ang mga palengke, paaralan at munisipyo sa simbahan?
a. Upang mas mahikayat ang mga Pilipino na magsimba
b. Upang makatipid sa oras ng mga Pilipino dahil magkakatabi na ang kanilang pupuntahan
c. Upang mas mapadali sa mga Pilipino ang pag-aasikaso sapagkat magkakapalit lamang ang kanilang pupuntahan.

20. Ito ay sistema kung saan ang mga lupain sa bansa na hinati sa maliit na yunit.
a. Sistemang Encomienda c. Sistemang Tributo
b. Sistemang Reduccion

21. Siya ang may tungkuling maningil ng buwis at mangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.
a. Polista c. Gobernador Heneral
b. Encomendero

22. Ano ang tawag sa mga lugar na malayo sa kabisera?


a. Encomendero
b. Visita
c. Kampana

23. Alin ang hindi paggamitan ng buwis?


a. Pambili ng mga lupaing ipapamahagi sa mga katutubong Pilipino
b. Pagpapanatili sa kaligtasan ng bansa
c. Pagpapatayo ng paaralan at ospital

24. Ano ang katumbas ng tributo sa pagkamamamayan?


a. Walong reales o piso c. Siyam na reales o piso
b. Pitong reales o piso

25. Sa magkanong halaga ang itinaas ng reales noong 1851?


a. 15 halaga c. 10 halaga
b. 12 halaga

26. Ano ang kailangan kunin ng mga taong may edad 18 pataas upang magkaroon ng pagkakakilanlan at pagtanggap sa kapangyarihan ng
Espanya.
a. Birth certificate c. Sedula
b. ID

27. Sino sa mga sumusunod ang nararapat magbayad ng buwis?


a. Principalia c. Magsasaka
b. Naglilingkod sa simbahan
28. Paano naging mapang-abuso ang mga naninigil ng buwis?
a. Sapilitan ang pangungupiska ng produkto
b. Pabago-bagong halaga ng buwis
c. Paglagay ng mataas na porsyento sa buwis.

29. Ito ang sapilitang paggawa ng patakarang ipinatupad ng Espanyol.


a. Encomienda c. Polo Y Servicios
b. Merkatilismo

30. Sila ay nagtatrabaho ng apatnapung àraw sa pamahalaan ngunit ibinaba ito sa 15 araw noong 1884.
a. Polista c. Magssaka
b. Falla

31. Paano makakaligtas ang isang Pilipino sa polo?


a. Kung makapagbabayad siya ng multa bulang kapalit ng kanyag paglilingkod
b. Kung makapagbibigay siya ng ginto at pilak sa mga namumuno.
c. Kung makapagbibigay siya ng produkto kapalit ng paglilingkod.

32. Alin sa isa sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo?


a. Pagkakaroon ng maraming asawa
b. Naging mas mapagmahal at mapagpatawad ang mga Pilipino
c. Ang mga bata ay higit na sumunod sa mga alagad ng simbahan kaysa magulang

33. Alin sa mga sumusunod ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga prayle?
a. Pagkakawatak-watak ng pamilya dulot ng iba’t-ibang paniniwala
b. Paniniwala sa turo ng mga prayle tungkol sa relihiyong Kristiyanismo
c. Pagsamba sa mga alagad ng simbahan.

34. Ipinagtanggol nila ang mga mamayan laban sa mapang abusong encomendero at ibang opisyal.
a. Gobernador heneral c. Opisbo
b. Misyonerong katoliko

35. Siya ang nangunguna sa mga gawaing pang misyonero.


a. Gobernador heneral c. Opisbo
b. Misyonerong katoliko

36. Siya ang katulong ng arsobispo sa pagpapalakad ng simbahan at siya rin ang namumuno sa mga diocese o mga rehiyon sa lugar.
a. Gobernador heneral c. Opisbo
b. Misyonerong katoliko
a. Arsobispo.

37. – 40. Magtala ng reaksyon ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga prayle.

GOD BLESS! 
-MD LJ-

You might also like