Professional Documents
Culture Documents
Ang Romeo at Ju-WPS Office
Ang Romeo at Ju-WPS Office
Ang Romeo at Ju-WPS Office
Shakespeare. Ang dula ay patungkol sa una sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon
ng alitan kung kaya't naging magkaaway, kung kaya't ang lahat ng kanilang kabataang mga
tagapaglingkod ay naging magkakaaway din. Ang kabataang mga lalaking naglilingkod para sa
mga Montague at sa mga Capulet ay nasali sa mga barkada o mga gang at naglalaban-laban sa
mga kalye. Dahil sa naging gawi ang pagdadala ng espada, kung minsan mayroong mga
nasusugatan. Ang Verona ay pinamumunuan ni Prinsipe Escalus. Sinabi niya sa mga Montague at
sa mga Capulet na dapat na mawala na ang mga paglalaban-laban, dahil kung hindi ito titigil ay
magbabayad sila na hahantong sa kaparusahan, subalit napakahirap na kontrolin ang kabataang
mga lalaki.
Sa mga Montague ay mayroong nag-iisang pansalinlahing supling, isang lalaking nasa kaniyang
kabataan na nagngangalang Romeo. Mayroon ding nag-iisang pansalinlahing supling ang mga
Capulet, isang babaeng maganda na nasa kaniyang kabataan, may edad na 13, na tinatawag na
Julieta. Hindi magkakilala ang dalawang kabataang sina Romeo at Julieta, dahil si Julieta ay hindi
nagpupunta kahit saan man na hindi kasama ang kaniyang yaya. Subalit nagkakilala sina Romeo
at Julieta sa isang handaan at sila ay umibig sa isa't isa. Ang kanilang pag-iibigan ay dapat sanang
makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng kanilang mga mag-anak, ngunit dahil
nasa kanilang kabataan pa lamang sila, inisip nilang mapapahamak lamang sila mula sa kanilang
mga magulang, kung kaya't nagpakasal sila nang palihim. Dahil sa kanilang lihim na
pagpapakasal, isang magkakasunod na mga pangyayari ang naganap na humantong sa maraming
mga pagkamatay.
Paglalarawan
Baguhin
Unang Tagpo: Inisip ni Romeo na walang makakapalit kay Juliet sa puso niya, kahit sino pang
magandang babae na kanyang makaharap ay hindi siya matuturuang kalimutan si Juliet.
Samantalang iniisip ni Juliet ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa lalaking nais siyang ligawan.
Pangalawang Tagpo: Dumalo sa piging si Romeo at batid niya ang umaapaw na kagandahan ni
Juliet. Pinakita ni Tybalt ang kanyang pagkapuot kay Romeo nang sabihin niya sa tiyuhin niyang
Capulet na si Romeo ay isang Montague at dapat na paalisin sa piging na ito. Sinabi ng tiyuhing
Capulet na hindi siya dapat paalisin dahil batid niya ang dangal ng kanyang pagkatao. Nagkita si
Romeo at Juliet at sila ay naghalikan.
Ikatlong Tagpo: Sa yugtong ito ay ang pagkakabunyag ng pangalan ni Romeo bilang Montague.
Dito rin ang pagtatapatan ng pag-ibig sa pagitan ni Romeo at Juliet. Ipinangako ni Romeo ang
tunay niyang pagmamahal kay Juliet.
Ika-apat na Tagpo: Ang pagkikita ni Romeo at Juliet sa simbahan kasama ang isang pari.
Ikalimang Tagpo: Ang pagpatay ni Tybalt kay Mercurio at ang pagtutuos nila ni Romeo.
Ika-anim na Tagpo: Inisip ni Juliet ang pagpapakasal niya kay Paris.
Ikapitong Tagpo: Binigyan ni Padre Laurence ng lason si Juliet upang solusyon sa paghadlang sa
pagpapakasal niya kay Paris.
Ikasiyam na Tagpo: Nalaman ni Romeo ang sinapit ni Juliet. Dahil dito, pumunta siya sa isang
butikaryo upang humingi ng lason upang magpakamatay na rin.