Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Programang Pangkalusugan noong Panahon ng Amerikano

Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang paglitaw ng kolera at bulutong sa Maynila dahil dito nagpatupad ang pamahalaan ng mga
paraan ng pagsugpo sa epidemya.
Sa epidemya ng kolera noong 1902, nagpatupad ng iba’t ibang paraan ang mga kawani ng kalusugan upang hindi ito kumalat.
Binantayan ang mga lugar na apektado at inihiwalay ang mga taong may kolera. Ibinabad sa isang solusyon na may asidong carbolic ang kanilang mga
damit at iba pang personal na gamit. Ipinatapon din ang mga pagkaing nakahanda sa mga lugar na apektado at kung kinakailangan, sinusunog pati ang mga bahay
upang hindi kumalat ang sakit. May nakaantabay na ilang trak ng bumbero na agad na agad na nagsasaboy ng disinpektant para sa mga lugar na apektado.
Nagpalabas din ang mga Amerikano ng mga leaflet at iba pang impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat ng mga sakit. Nagpatupad din ang Kagawaran
ng Sanitasyon at Transportasyon ng ilang mga panuntunan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at kalusugan tulad ng mga sumusunod:
1. Paglilinis ng mga kalye at mga kanal.
2. Tamang pagtatapon ng mga basura sa bahay at mga patay na hayop.
3. Pangangalaga sa mga palengke at katayan ng hayop; at
4. Pangangalaga at pamamahala sa mga libingan.
5. Bahagi ring ng programang pangkalusugan ng mga Amerikano ang pagtatayo ng mga klinika, pagamutan at sentrong pangkalusugan sa iba’t ibang panig ng
bansa.
KALUSUGAN AT KALINISAN
Binigyan-pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino. Itinatag ng mga Amerikano ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of
Public Health noong 1901. Natuto rin ang kalinisan sa sarili at pagkain. Itinayo sa mga bayan ang mga sentrong pangkalusugan tulad ng klinika at ospital.
Pinakatanyag sa mga ito ang Philippine General Hospital na itinayo noong 1910. Sa pamamagitan din ng mga makabagong medisina at paraan ng
panggagamot nasugpo ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng ketong, tuberkolosis, kolera at bulutong.
Quarantine – ginamit upang pigilan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit at upang limitahan din ang pagkilos ng mga rebolusyonaryong Pilipino.
Board of Health for the Philippine Islands – tagapangasiwa at tagapagpatupad ng patakaran at programa sa pagpapabuti ng kalusugang pampubliko.
Nagpapadala ng mga nars at doctor sa iba’t-ibang lalawigan upang magturo ng wastong pangangalaga sa kalusugan at katawan.
Culion Leper Colony –(1905) pagamutan ng mga may ketong sa Palawan
Malaki ang naging pagbabago sa kalusugan at pag-uugaling pangkalusugan ng mga Pilipino. Natuto sila ng wasto pag-uugali sa kalinisan ng sarili at sa
pagkain. Nasugpo ng makabagong gamut ang pagkalat ng nakahahawang sakit.
Nararamdaman ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa Sistema ng
Pagbabago sa Patakaran ng Edukasyon sa Panahon ng(Amerikano) pampublikong edukasyon na itinayo nito sa bansa. Matapos mapasakamay ng
mga Amerikano ang Maynila noong Mayo 1898, sinimulan na ang pagtatatag
ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.

Sa simula, mga sundalong Amerikano muna ang nagsilbing unang guro na


kalaunan ay napalitan ng mga gurong galing sa America. Ang pinakamalaking
pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong 1901 lulan ng
barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang mga gurong ito na
binansagang Thomasites.

Sa ilalim ng Batas bilang 74, itinatag ang Kagawaran ng Pampublikong Instruksiyon (Department of Public Instruction). Sa pamamagitan din ng batas na ito ay
nabigyang-daan ang pagkakaroon sa bansa ng mga normal school at trade school tulad ng Philippine Normal School/University at ang Philippine School of Arts and
Trades na kilala ngayon bilang Technological University of the Philippines.

Noong 1903, nagpadala ng mga Pilipinong iskolar ang pamahalaang kolonyal sa America. Tinawag silang mga pensionado dahil tinutustusan ng pamahalaan ang
kanilang pag-aaral. Marami sa kanila ang nag-aaral ng edukasyon, abogasya, medisina at inhinyeriya. Pagbalik ng mga ito sa Pilipinas, sila ang mga naging guro at
propesor o kaya ay tagapaglingkod sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.

Noong 1907, pinalabas ng Asamblea ng Pilipinas ang Batas Gabaldon na isinulat ng mambabatas na si Isauro Gabaldon ng Nueva Ecija. Sa pamamagitan ng batas na
ito, nabigyang-bisa ang pagtatayo ng dalawang pampublikong paaralan sa bawat lalawigan. Maraming estudyante ang nakapasok sa mga pampublikong paaralan
dahil ito ay sapilitan. Ingles ang ginamit bilang wikang panturo.
Bagama’t hindi na bago sa Pilipinas ang libre at sapilitang pagpapaaral dahil
naisagawa na ito noong panahon ng mga Espanyol, mas malakas naman ang naging
epekto ng programa ng mga Amerikano dahil naging mas malawak ang saklaw nito.
Bukod sa matrikula, libre rin ang kagamitan sa pag-aaral. Kaugnay pa nito,
nagpalabas din ang mga Amerikano ng kautusan na maaring ikulong ang mga
magulang na hindi pinapapasok ang kanilang mga anak sa paaralan.

sa patakarang ito, lumaki ang bahagdan ng mga mamamayan na natutong bumasa


at sumulat at ang wikang Ingles ay agad na naging pangunahing wika ng edukasyon
at pamamahayag. Naging daan din ang edukasyon sa pagsalin ng mga kaalamang
Kanluranin ukol sa pag-aalaga ng kalusugan at pagpapanatili ng kalinisan upang
makaiwas sa sakit.

Sa panahon din ng mga Amerikano, naitatag sa bansa ang mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas nooong 1908. Ito ang naging sentro ng edukasyong
sekular na hindi katulad ng mga pamantasang pinatatakbo ng mga Kongregasyong Katoliko.

Bukod sa simbahang Katoliko, binigyang-laya rin ng mga Amerikano ang ibang sekta ng relihiyon na makapagtatag ng mga institusyong pang-akademya. Ang
halimbawa nito ay ang mga Protestante na nagtatag ng Silliman University sa Dumaguete sa isla ng Negros noong 1901. Nakapagtatag din ang mga sekular na
pribadong mga pamantasan tulad ng Far Eastern University at University of Manila

Nabigyan din ng pagkakataon ang pagtatatag ng mga unibersidad para sa kababaihan tulad ng Escuela de las Señoritas na ngayon ay kilala bilang Centro Escolar
University at Philippine Women’s University. Nagbibigay-daan ito sa pag-usbong ng mga babaeng propesyonal sa larangan ng medisina, abogasya at edukasyon.
Andrés Bonifacio y de Castro was a Filipino revolutionary leader and the president of the Tagalog Republic. He is often called "The Father of the
Philippine Revolution". Wikipedia
Born: 30 November 1863, Tondo
Died: 10 May 1897, Maragondon
Full name: Andrés Bonifacio y de Castro
Spouse: Gregoria de Jesús (m. 1893–1897), Monica Bonifacio (m. 1880–1890)
Siblings: Procopio Bonifacio, Espiridiona Bonifacio, Troadio Bonifacio, Maxima Bonifacio, Ciriaco Bonifacio
Parents: Catalina de Castro, Santiago BonifaciSi Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay Monica Palomar ng Tondo. Ngunit maaga ding
nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa sakit na ketong. Di sila pinalad na magka anak.

Taong 1892 ay nakilala naman ni Andres ang ikalawang asawa na si Gregoria de Jesus o mas kilala sa tawag na Oryang. Noong una ay tutol ang magulang ni Oryang sa
pag iibigan ng dalawa dahil si Andres ay isang freemason at tinuturing na kalaban ng Simbahang katoliko. Ngunit kalaunay nagpakasal din ang dalawa taong 1893 sa
simbahan ng Binondo. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalan ding Andres ngunit si Andres Jr. ay maagang namatay sa sakit na bulutong.

Unang naging bahagi ng katipunan si Andres noong 1892 pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan.

Nabunyag ang kilusang KKK sa mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang "Sigaw ng Pugad Lawin" o ang pagpilas sa cedula laban sa mga espanyol.

Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong Agosto 30, 1896 at maraming umuwing sugatan. Ang labang iyon ay naging malaking banta laban sa
mga mananakop na espanyol.

Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang Magdalo at Magdiwang na pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo.

Nagkaroon ng pulong na ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros, Cavite. Napagpasyahan na maghalal ng pangulo ng unang republika ng Pilipinas.
Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at naging pangalawang pangulo naman si Andres.

Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng halalan at pinawalang bisa nya ito. Ngunit kinabukasan ay nanumpa na si Aguinaldo bilang pangulo.

Habang si Andres ay nasa Indang, Cavite ay inatake sila ng Magdalo ngunit inutos ni Andres sa kanyang mga tauhan na wag nang lumaban. Si Andres ay inaresto sa
salang pagtataksil laban sa pamahalaang Aguinaldo.

Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at mahatulan ng parusang kamatayan.

Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang kapatid na lalaki na si Procopio noong ika 10 ng Mayo taong 1897.

Si Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay Monica Palomar ng Tondo. Ngunit maaga ding nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa
sakit na ketong. Di sila pinalad na magka anak.

Taong 1892 ay nakilala naman ni Andres ang ikalawang asawa na si Gregoria de Jesus o mas kilala sa tawag na Oryang. Noong una ay tutol ang magulang ni Oryang sa
pag iibigan ng dalawa dahil si Andres ay isang freemason at tinuturing na kalaban ng Simbahang katoliko. Ngunit kalaunay nagpakasal din ang dalawa taong 1893 sa
simbahan ng Binondo. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalan ding Andres ngunit si Andres Jr. ay maagang namatay sa sakit na bulutong.

Unang naging bahagi ng katipunan si Andres noong 1892 pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan.

Nabunyag ang kilusang KKK sa mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang "Sigaw ng Pugad Lawin" o ang pagpilas sa cedula laban sa mga espanyol.

Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong Agosto 30, 1896 at maraming umuwing sugatan. Ang labang iyon ay naging malaking banta laban sa
mga mananakop na espanyol.

Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang Magdalo at Magdiwang na pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo.

Nagkaroon ng pulong na ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros, Cavite. Napagpasyahan na maghalal ng pangulo ng unang republika ng Pilipinas.
Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at naging pangalawang pangulo naman si Andres.

Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng halalan at pinawalang bisa nya ito. Ngunit kinabukasan ay nanumpa na si Aguinaldo bilang pangulo.

Habang si Andres ay nasa Indang, Cavite ay inatake sila ng Magdalo ngunit inutos ni Andres sa kanyang mga tauhan na wag nang lumaban. Si Andres ay inaresto sa
salang pagtataksil laban sa pamahalaang Aguinaldo.

Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at mahatulan ng parusang kamatayan.

Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang kapatid na lalaki na si Procopio noong ika 10 ng Mayo taong 1897.

You might also like