Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Dalawang Uri ng Paghahambing

Ano ang Paghahambing?

Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, hayop, ideya at
pangyayari. Sa Ingles: comparison.

Ang pahiwatig na paghahambing ay metaphor — isang uri ng panghahambing ng dalawang bagay na


magkaiba, ngunit tinutukoy kung ano ang katangiang pinag-uusapan. Tinatawag din
itong pagwawangis sa Tagalog.

Dalawang Uri ng Paghahambing

1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na katangian ng isang bagay o anuman.

Mga Halimbawa:

Magkasing-haba ang buhok nina Ana at Elena.


Magkasing-tangkad kami ni Miguel.

2. PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATUL AD

Ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman.

Mga Halimbawa:

Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Pilar.


Mas matangkad ka sa kuya ko.

May dalawang uri ang kaantasang pahambing:

a. Paghahambing na magkatulad - Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlapi:

ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad,
hawig/kahawig, mistulang, mukha/kamukha, ka-

Sa pangungusap:

"Magkasingganda ang ginuhit ng digital artist at pintor."

"Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng Singapore dahil sila ang sentro ng teknolohiya."

"Gamundo ang pagpapahalaga ng India sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng


pagkakaisa."
b. Paghahambing na Di-Magkatulad - nagbibigay ito ng diwa ng pagtanggi o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.

May dalawang uri ang hambingang di-magkatulad:

b1. Hambingang Pasahol - May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.

Halimbawa:

"Di-gaano kahusay ang mga baguhang artist kaysa sa mga matagal nang nasa industriya ng multimedia."

b2. Hambingang Palamang - May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan.

Halimbawa:

"Lalong nagalit ang mga pintor kaysa sa mga digital artist na gagamitin ang mga makabagong application
sa computer para sa paligsahan."

You might also like