Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Talasalitaan : Ano ang kahulugan ng salitang may salangguhit?

Bilugan ang titik ng


tamang sagot

1. Dumalo sila sa pulong.

a. Tago b. natuwa c. miting d. nagustuhan

2. Binasa ni pating ang talaan.

a. Natuwa b. listahan c. miting d. umiwas

3. Nakarating sila sa liblib na pook

a. tago b. natuwa c. nagustuhan d. listahan

4. Nawili siya sa paglalaro.

a. Natuwa b. nagustuhan c. umiwas d. tago

5. Umilag siya sa bato.

a. Umiwas b. natuwa c. tago d. miting

Isulat ang tamang titik ng kahulugan ng bawat salita:

_____1. Nagulat ako sa aking nakita a. pagtigil ng ulan

_____2. Sila lang ang nakalulusong sa bahat b. paglalaro sa mababaw na

tubigan

_____3. Gusto kong magtampisaw sa ilog c. namangha

_____4. Ang bilin nina Nanay at Tatay d. tagubilin, pakiusap

_____5. Tumila na ang ulan e. pagbaba mula sa mataas na

pook
Isulat kung : kami , tayo, kayo, sila

____________ - ipinapalit sa pangalan ng mga taong pinag – uusapan

____________ - ipinapalit sa pangalan ng mga taong kausap.

____________ - ipinapalit sa pangalan ng mga taong nagsasalita at kausap.

___________ - ipinapalit sa pangalan ng taong nagsasalita kasama ang iba

pang tao
Bilugan ang panghalip panaong maramihan na bumubuo sa diwa ng

pangungusap

1. Sina Grace at Eloisa ay magkaklase . (Tayo, Sila, Kayo) ay masipag mag –

aral.

2. Mommy, Daddy sasama ako sa inyo bukas sa Tagaytay. Pupunta ( kami,

kayo, tayo) sa Taal Lake .

3. Vanessa at Ghian, ( tayo, kayo,sila ) na ang susunod na tutula .

4. Si Maggie at ako ay magsisisma bukas. (Kayo, Kami, Sila ) ay dadalo sa

Sabbath School.

5. Ikaw at ako ay dapat kumain ng tama para (kayo, kami, tayo) ay

lumaking malusog at matalino.

Isulat ang mga salitang makikita sa loob ng mahabang salita

1. Bakuran _______________________________________________________

2. Kababayan _____________________________________________________

3. Aparador ______________________________________________________

4. Talampakan ____________________________________________________

5. maybahay ______________________________________________________

6. kaibigan _______________________________________________________
7. paaralan _______________________________________________________

8. bayanihan ______________________________________________________

9. pamahalaan ____________________________________________________

10. kasaysayan _____________________________________________________

11. halamanan ____________________________________________________

12. mangingisda ___________________________________________________

13. kaarawan ______________________________________________________

14. bulaklak ________________________________________________________

15. pagkakaisa _____________________________________________________


Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at


pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan
mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat


ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw.


Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat


ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging


ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

Mga aral ng pabula:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.

You might also like