Research Paper of S.I.P

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Maikling Kuwento (Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D.

Bas)
WebQuest Description: Ang webquest na ito ay nilikha upang mas mapalalim ang pag-unawa at pagsusuri sa isang akdang
pampanitikan.
Grade Level: 6-8
Curriculum: Life Skills / Careers
Keywords: maikling kuwento, teoryang humanismo, pagkabata
Published On: 2016-12-01 08:28:34
Last Modified: 2016-12-01 08:40:39
WebQuest URL: http://zunal.com/webquest.php?w=338860

              Mayroon ka bang mga karanasang hindi


mo malilimutan noong ikaw ay bata pa? Alin sa mga ito ang paborito mong balik-balikan? Sino ba sa nanay at tatay mo ang mas
mahigpit? Anong paghihigpit ang kanyang ginagawa? May mga pagkakataong mas mahigpit ang tatay, sapagkat siya ang
haligi ng tahanan at iniisip din niya ang mga bagay na makabubuti sa kanyang mga anak . Ito ang
paksa ng kuwentong iyong babasahin, maiibigan mo ito sapagkat masasabi mong may mga bagay na sadyang napakahirap
maunawaan kapag ikaw ay bata pa
lamang.              Ang iyong kaalaman sa
pagsusuring panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikan ay lalo pang mahahasa sa araling ito. Ang mga dati mo ng kaalaman ay
magagamit at maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang iyong karanasang pansarili at pang-iba ay maaari mong pagkunan ng
iyong mga kasagutan. Tutulungan ka ng aking mga inihandang gawain upang maisakatuparan ang pag-unawa mo sa aralin na ito.
Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo ‘to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

Unang Gawain:Panuto: Isulat ang mga kapuna-punang pagbabago sa saloobin at damdamin bilang patunay ng pamamaalam sa
pagkabata. Piliin ang titik ng wastong sagot.Pagpipiliang sagot:a. Anuman ang nais nasasabi na ito.b.Lumalawak ang pag-iisip sa
kaganapan sa paligid.c.Simula na ng pagkakaroon ng kamalayan sa takbo ng buhay.d.Pag-iyak ang tanging pagpapahayag ng
nais.e. Inaasam-asam na pag-aaral sa mababang paaralanIkalawang Gawain:Panuto: Iguhit mo sa isang papel ang mga
simbolismong ginamit sa akda ayon sa sumusunod na “clue”. At tukuyin ang nais ipahiwatig ng mga ito sa tekstong binasa.
Pagkatapos masagutan ay ibahagi ito sa klase.1. Nakasabit ito sa dingding kung saan niya naalalang nakita na ang lalaki sa bahay-
pawid.Pahiwatig:____________________________________________________________________________2. Ito ang bagay
na laging pinagmamasdan ng ina ni
Celso.Pahiwatig:____________________________________________________________________________3.Pinagbawalan&nbs
p;si Celso ng kanyang ama na lapitan
ito.Pahiwatig:____________________________________________________________________________IkatlongGawain:Panuto:
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap mula sa tekstong binasa, gamitin ang banghay ng maikling kwento upang
matukoy ang mga ito. Gamiting gabay sa iyong pagsagot ang pagpipilian sa ibaba. (Pangkatang Gawain)a.Palaging nag-iisip si
nanay at nakatanaw sa lambat na nakasampay.b.Tinapon na ito ni nanay, ikinagalit ni tatay.c.Nilabag ko ang kautusan ni tatay na
huwag lumapit sa bahay-pawid.d. Alam kong galit si tatay kaya kumulo ang dugo ko, pinagtataga ko ang lambat,
bugbog sarado ako kay tatay matapos kong masira ang lambat.e. May itinatagong misteryo ang lambat.f. Nawalan ako ng ulirat
at sa pagmulat ng aking mata si tatay ang aking nakita at yakap-yakap ako.g. Umiiyak na naman si nanay, pilit na pinipigilan
ang kanyang mga hikbi.h. Batid ko na alam ng tatay na wala akong kasalanan na siyang namutawi sa bibig ni nanay habang ako’y
sinasaktan ni tatay.

Upang higit na maunawaan ang paksang tatalakayin ay hahatiin ang klase sa limang pangkat para ibahagi sa bawat isa ang
kaalamang inyong matututunan mula sa mga paksang ilalahad sa ibaba sa pamamagitan ng ilang websites o link mula sa
internet.Sipi ng akdang “Paalam sa Pagkabata”http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/kwentocebuano-salin-ni-nazareno-
d.htmlPaalam sa Pagkabata (Video
Clip)https://www.youtube.com/watch?v=2ok85X9ea4Yhttps://www.youtube.com/watch?v=4pTrZWVdmQUhttps://www.youtube.com/w
atch?v=7CWm_j0mEO4Paalam sa Pagkabata (buod)https://prezi.com/m/761f-ibhupmx/paalam-sa-
pagkabata/ Talasalitaanhttps://prezi.com/m/ql-rt8lrfdfh/copy-of-
talasalitaan/Simbolismohttp://ranieili2028.blogspot.com/2012/07/simbolismo-at-alegorya-anoang-sagisag-o.html?m=1Maikling
kuwento (Bahagi, elemento, sangkap)http://documents.tips/documents/ang-maikling-
kwento.htmlhttps://prezi.com/m/pqgrajadsdnz/sangkap-ng-maikling-kwento/Teoryang
Humanismohttp://www.slideshare.net/eijrem/teoryang-humanismo
Para sa pangwakas na gawain ay magsasagawa o susulat ng isang maikling kuwento ang mga mag-aaral. Nasa iyo ang pasya kung
anong uri o tema ng kuwento ang gusto mong isulat. Nasa ibaba ang gagamiting pamantayan sa iyong pagsulat.Rubric
o Pamantayan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento Binigyan ng Tuon 5 puntos Natatangi
3 - 4 puntos Katamtamang Kagalingan 1 - 2 punto Nangangailangan ng Tulong Paksang-Diwa Makabuluhan, naging parang
bago dahil sa pamamaraan ng pagsasalaysay at estilo. Makabuluhan, bagama’t hindi nagmistulang orihinal. Naging
napakakaraniwan ng paksa. Banghay Maayos ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari. May pagkakaugnay-ugnay ang mga
pangyayari ngunit may ilang bahaging naging masalimuot. Magulo at nakalilito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Tauhan Maingat ang paglalarawan ng katauhan. Umaangkop ang kilos at pananalita sa katauhang ginagampanan sa kuwento.
Umaaangkop ang kilos at pananalita sa katauhang ginagampanang ngunit may pagkakataong hindi nagiging konsistent. Hindi
umaangkop sa kilos at pananalita ang mga tauhan sa katauhang ginagampanan. Tunggalian Napukaw ang kamalayan ng isipan
at damdamin ng mga mambabasa. Naipakita ang tunggalian sa kwento. Hindi gaanong nakaantig sa isipan at damdamin ng mga
mambabasa. Nagbibigay-daan sa mga madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili ang mga pangyayari. Pananaw
Malinaw at mahusay na nagamit ang pananaw sa kabuuan ng kwento. Malinaw subalit hindi nagamit nang lubusan ang pananaw
sa kabuuan ng kwento. Nagpasalin-salin ang pananaw na nagpasalimuot sa kabuuan ng kwento. Simula at Wakas Naging
kaakit-akit ang simula ng kwento at ang wakas ay nakapagkalas sa suliranin ng kwento. Naipahiwatig ang suliranin sa simula ng
kwento ngunit hindi naging kawili-wili and kakalasan patungong wakas.  Naging kawili-wili ang simula upang maakit ang mga
mambabasa ngunit hindi naging kawili-wili ang wakas upang maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang tema ng salaysay.

Category and Score Score

Total Score

Mula sa mga paksang ating tinalakay ay madali na nating matutukoy kung ano ang kaibahan ng maikling kwento sa iba pang uri ng
akdang pampanitikan. Sa tulong ng  mga prinsipyo, paniniwala at mga ideya ay higit na mapalalalim ang pag-unawa, pagtingin
o pagsusuri sa isang akda. Sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa sa isang akda,natutukoy na rin kung anong
teorya ang ginamit sa pagsulat ng isang akda. At batay na rin sa tekstong tinalakay mahihinuha na bilang isang bata kinakailangang
makisangkot at makialam sa kung ano ang nangyayari sa ating paligid sa tulong ng pagpapaunawa at paggabay ng mga
magulang.

Standards
Mga kasanayang dapat malinang pagkatapos talakayin ang aralin:

Pag-unawa sa Napakinggan (PN)


F7PN-IIi-11
Nasusuri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang maikling kuwento.

Pag-unawa sa Binasa (PB)


F7PB-IIi-11
Nailalahad ang mga elemento ng maikling kuwento

Pagsasalita (PS)
F7PS-IIi-11
Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Pagsulat (PU)
F7PU-IIi-11
Naisusulat ang isang orihinal na akdang nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento
Credits
Narito ang mga link o website na ginamit sa pagbuo ng webquest na ito.

*Welcome (img)
http://previews.123rf.com/images/tigatelu/tigatelu1403/tigatelu140300092/27166458-Happy-family-cartoon-reading-book-Stock-
Vector.jpg

*Introduction (img)
http://4.bp.blogspot.com/_jbQXx2Sv-QI/TN5f7eFiYgI/AAAAAAAAAxk/x-88OpA1P-o/S910-R/cartoon-for-kids.png

*Task (img)
https://angelleamadrinan.files.wordpress.com/2012/09/paalam-sa-pagkabata-angelleamadrinan.jpg

*Process (img)
https://angelleamadrinan.files.wordpress.com/2012/09/paalam-sa-pagkabata-angelleamadrinan.jpg

*Evaluation (img)
http://previews.123rf.com/images/toonerman/toonerman1501/toonerman150100001/35959251-School-Boy-writing-Cartoon-Boy-in-
Grade-school-writing-on-paper-Stock-Vector.jpg

*Conclusion (img)
http://images.clipartpanda.com/thinking-light-bulb-clip-art-stock-vector-business-man-with-light-bulb-in-speech-bubble-representing-
idea-107814989.jpg

*Teacher Page (img)


https://image-gr.s3.envato.com/files/122365047/pv_590.jpg

Rubric o Pamantayan na ginamit sa pagsulat ng maikling kuwento


http://gintongpanulat.blogspot.com/2012/08/rubrik-sa-pagtataya-ng-proyekto.html?m=1

Aklat o Modyul
(Modyul 1)
Pagsusuri ng Akda sa Teoryang
Humanismo at Eksistensyalismo

K to 12 Gabay Pangkurikulum
FILIPINO (Baitang 1 - 10)

Supplemental Lessons
Filipino Baitang 7
Ikalawang Markahan
Other

You might also like