Professional Documents
Culture Documents
Gloria Macapagal Arroyo
Gloria Macapagal Arroyo
Senado
Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidatong may pinakamataas na boto
ang magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may
pinakamataas na boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng
pinakamataas na boto na halos 16 milyong boto.[6]
Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o
tumulong sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador,
kabilang na ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People's Rights Law, at ang Export
Development Act.[2]
Ang 1995 Mining Act, na nagpapahintulot ng 100 % pag-aari ng mga banyaga sa mga
kumpanyan ng pagmimina sa Pilipinas, ay binatikos ng mga grupong makakaliwa.
Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidatong may pinakamataas na boto
ang magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may
pinakamataas na boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng
pinakamataas na boto na halos 16 milyong boto.[6]
Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o
tumulong sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador,
kabilang na ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People's Rights Law, at ang Export
Development Act.[2]
Ang 1995 Mining Act, na nagpapahintulot ng 100 % pag-aari ng mga banyaga sa mga
kumpanyan ng pagmimina sa Pilipinas, ay binatikos ng mga grupong makakaliwa.
Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004 ngunit ang halalang
ito ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng
usapan sa telepono sa pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong
canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.
Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni Arroyo ang
kanyang pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001
hanggang 2010, ang pangkaraniwang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%.[12] Ito ay higit na
mataas kung ihahambing sa pamumuno ng kanyang mga kahalinhinan, Corazon
Aquino (3.8%), Fidel Ramos (3.7%), at kay Joseph Estrada (3.7%).[13] Lumago ang ekonomiya
ng Pilipinas sa pinakamabilis nitong antas sa loob ng nakaraang tatlong dekada noong 2007, na
may pagtaas ng real GDP na 7%.[14] Isa ang ekonomiya ng Pilipinas ang nakaiwas sa epekto ng
pandaigdigang krisis pinansiyal ng 2008, na higit na mabuti kaysa sa mga karatig bansa nito
dahil sa sa mababang pagtuon sa mga kalakal na iniluluwas at mataas na padala ng mga OFW
na mula sa apat hanggang limang milyon, at ang papaunlad na industriya ng BPO.[15] Ang
paghawak ni Arroyo sa ekonomiya ng Pilipinas ay umani ng papuri mula kay dating Pangulo ng
Estados Unidos Bill Clinton, na sinabing ang mga "mahihirap na desisyon" ang nagpabalik sigla
sa ekonomiya ng Pilipinas.[16] Sa kabila ng paglago, nanatili ang kahirapan dahil sa mataas na
antas ng paglaki ng populasyon at hindi pantay-pantay na pagbabahagi ng kita sa
mamamayan.[17] Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan
ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang
pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay
nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay
nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor
ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng
pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng
pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago
ng GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang
mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo
ng mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng
nakaraang dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng
paglago sa ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya
upang makasulong sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng
Pilipinas na isa sa may pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na
mahirap ay tumaas mula 24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng
karagdagang 3.3 milyong mga mahihirap na Pilipino.[17]
Mga kontrobersiyang kinasangkutan[baguhin | baguhin ang batayan]
Jose Pidal scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson noong 2003 ang asawa ni Arroyo na si Mike
Arroyo ng money laundering ng mga 260 milyong piso gamit ang mga bank account sa ilalim ng
pangalang Jose Pidal na sinasabing mula sa mga kontribusyon sa pangangampanya ni Gloria .
Hello Garci scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Hello Garci scandal
Sinasabing ang pondo ng Department of Agriculture (DA) na P728 milyong piso na inilaan para
sa pagbili ng mga fertilizer para sa mga magsasaka ay ginamit para sa pangangampanya ni
Arroyo sa kanyang muling pagtakbo sa pagkapangulo noong 2004.
NBN-ZTE scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: NBN-ZTE Scandal