Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Dalubhasaan ng Lunson ng San Pablo


Kagawaran ng Edukasyon
Integrated School
Brgy. San Jose, San pablo City, Laguna 4000

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng


Filipino 7

Inihanda ni:
Jennifer J. Alday
Student Teacher
DLSP-Teacher Education Department

Jasven Arada
Cooperating Teacher

DLSP Integrated school


Cooperating School
October 23, 2017
I. Layunin
 Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kwento sa pamamagitan nang
pagsusunod-sunod ng mga tagpo sa akda.
 Napahahalagahan ang bias ng akda sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ibat- ibang
pangkatang Gawain.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: “Prinsipe Bantugan” (Epiko ng Mindanao)
B. Sangguniang Aklat: Hiyas ng Lahi 7
C. Pahina: 264-265
D. Kagamitan: Mga panulong na biswal, mga larawan, sipi ng kwento

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Magsitayo ang lahat at tayo ay Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito


manalangin. Pangunahan mo ________________. Santo, Amen.

b. Pagbati

Magandang araw 7 Helium. Magandang araw din po Bb. Alday.

c. Pagsasaayos ng silid

Bago kayo maupo pulutin muna ang mga (pinilot ang mga kalat at inayos ang hanay ng
kalat at ihanay ng wasto ang mga upuan. upuan)

Maaari na kayong maupo. Salamat po

d. Pagtatala ng liban

_______________ mayroon bang liban sa Wala po.


klase ngayong araw?

Mabuti kong at walang liban ngayong araw


sapagkat walang maiiwan sab ago nating aralin
ngayong araw.

e. Pagbabalik-Aral

Bago natin simulan ang bago nating aralin Tunggaliang tao laban sa sarili po.
at tuklasin ang bagong kaalaman atin munang
balikan ang ating tinalakay noong nakaraang
aralin. Ito ay patungkol saan ngang muli
_____________?

Tama!

Ano nga bang muli ang tunggaliang tao Ang suliranin po dito ay nagaganap sa tao at
laban sa sarili ____________? sa kanyang sarili.

Mahusay!

Ano-ano ngang muli ang uri ng mga Ito po ay ang tao laban sa lipunan, tao laban
tunggalian? sa kalikasan, tao laban sa sarili at tao laban sa tao.
Mahusay!

B. Aktibiti (Gawain)

Ngayon handa na ba kayo para sa bago Opo. Handa na po.


nating aralin?

At sa pagsisimula ng bago nating aralin


kinakailangan ko ang inyong imahinasyon
sapagkat tayo ay maglalakbay patungo sa lupain
ng mga Maranao, sa Ka-Mindanaoan.

Ngunit bago magsimula ang ating


paglalakbay bubuo tayo ng apat na pangkat. At
ang bawat pangkat ay pipili ng isang pinuno na
siyang magsusuot nitong tali bilang tanda na siya
ang pinuno ng pangkat. Sapagkat ang bawat
pangkat ay mayroong pagsubok na pagdaraanan.
At tatawagin natin itong “Larawan ko, Buuin mo”.
Sa loob ng envelop na ito nakalagay ang larawan
na bubuuin ng bawat pangkat. Kapag natapos
nang buuin ang larawan ay isisigaw ng pangkat
ang pangalan ng nasa larawan at ang katangian
nito. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto
upang maisagawa ang gawain.

Naunawaan ba? Opo.

Ngayon aking inaanyayahan sa unahan


ang pinuno ng bawat pangkat upang bunutin ang
larawan na inyong bubuuin.

Maaari na kayong magsimula.

Unang pangkat: Jose Rizal Jose Rizal - Pantas

Ikalawang pangkat: Andres Bonifacio Andres Bonifacio – Magiting

Ikatlong pangkat: Tandang Sora Tandang Sora – Dakila

Ika-apat na pangkat: Gabriela Silang Gabriela Silang – Tapat

(Matapos ang paunang gawain)

C. Analisis

Mahusay! Palakpakan ang mga sarili


sapagkat nalampasan ninyo ang unang pagsubok.
At dahil ito’y inyong napagtagumpayan maaari na
nating simulant ang ating paglalakbay

Ayon sa ginawa at binuo ng bawat Tungkol po sa mga bayani/ kabayanihan.


pangkat, ano sa palagay ninyo ang aralin natin
ngayong araw _____________?

Tumpak!
At sa ating aralin ngayon, ating tunghayan
ang kabayanihan ng isang Prinsipe. Kaya’t
maghanda na ang lahat at tutungo na tayo sa
Mindanao upang tuklasin kung anong kabayanihan
ang ginawa ng isang prinsipe sa kwentong
pinamagatang “Prinsipe Bantugan”.

Ngunit bago tayo tuluyang makapaglakbay


ay atin munang pansinin ang mga salitang ito na
magbibigay ng susi, upang ating matuklasan ang
mga maaring mangyari sa kwento.

Handa na ba kayong makuha ang


magiging susi sa pagpapatuloy ng ating Opo. Handa na po.
paglalakbay?

Sa sanga ng puno ay may mga salitang


nakasulat at sa ilalim nito ay may mga laglag na
dahon, kung saan nakasulat ang magiging
kahulugan ng mga salitang nasa sanga ng puno.

Panuto: Ilagay ang naangkop na dahon sa


sanga ng puno upang makuha ang hinihinging
kahulugan.

1. Konseho a. tauhan
2. gagawaran b. kumunsulta
3. sumuway c. tumaliwas
4. kawal d. bibigyan
5. isangguni e. pamunuan

Magaling!

May katanungan pa ba tungkol sa mga Wala na po.


salitang ito?

At dahil natanggal natin ang maaring


maging panganib sa ating paglalakbay at hawak
na rin ng bawat pangkat ang mga bakas na siyang
magiging gabay. Atin ng simulant at buksan ang
bagong aralin.

Babasahin ko ang unang talata at ito ay


susundan ninyo gamit ang mga bakas na hawak
ninyo.

Paalala: Kung ang hawak ninyong bakas


ay higit sa isa ang nilalaman. Uunahing hilahin ang
nasa likuran. Sapagkat kapag nauna ang nasa
unahan. Maaaring hindi na tayo makabalik at
manatili na lamang kung saan tayo nagkamali.

Maliwanag ba? Opo.

Handa na ba? Opo handa na po.


Buksan ang inyong mga tenga at
pakinggan ang kwento ng kabayanihan ni Prinsipe
Bantugan

“Prinsipe Bantugan”
Ikatlong Salaysay ng Darangan

Magkapatid sina Bantugan at Haring


Madali ng kaharian ng Bumbaran. Labis ang inggit
ni Haring Madali sa kapatid sapagkat hindi lamang
ang kakaibang katapangan ang totoong
hinahangaan sa kaniya, maging ang paghanga at
pagkagusto ng maraming kadalagahan ay hindi
niya nagugustuhan. Kaya, bilang hari, ipinag-utos
niya na walang makikipagusap kay Prinsipe
Bantugan at sino man ang sumuway, gagawaran
ng parusang kamatayan.

Sa inyong palagay ano kaya ang gagawin


ni Prinsipe Bantugan kapag nalaman ang kautusan
ng kapatid na niyang hari?

Ating tuklasin sa bakas na hawak ng Sa pangyayaring iyon, nagging dahilan ito ng


unang pangkat ipagpatuloy ninyo ang pangingibang-bayan ni Prinsipe Bantugan. Sa pag-
pagsasalaysay. alis sa Bumbaran, kung saan-saan siya
nakarating. Sa labis na kapaguran, nagkasakit at
namatay sa lupaing nasa pagitan ng dalawang
dagat.

Sino kaya ang nakakita sa katawan ni


Prinsipe Bantugan, at ano ang ginawa ng mga ito
sa bangkay ng Prinsipe?

Ating tunghayan sa bakas nahawak ng Natagpuan si Prinsipe Bantugan ng


ikatlong pangkat. magkapatid na Prinsipe Datimbang at ng kapatid
na hari.Hindi nila kilala si Prinsipe Bantugan kayaʹt
tinawag nila ang konseho upang isangguni kung
ano ang dapat gawin. Habang nagpupulong, isang
loro ang dumating at sinabing ang bangkay ay ang
magiting na Prinsipe Bantugan ng kaharian ng
Bumbaran.

Samantalang,nang bumalik ang loro, ibinalita


naman niya kay haring madal ang nangyari sa
kapatid. Kaagad siyang lumipad sa langit upang
bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Nang
mga oras na iyon, papunta naman sina Prinsipe
Datimbang sa Bumbaran upang dalhn ang
bangkay ni Prinsipe Bantugan. Sa pagbalik ni
Haring Madali, pilit niyang ibinabalik ang kaluluwa
ng kapatid. Nabuhay ngang muli ang prinsipe at
nagsaya ang lahat. Nagbago rin si Haring Madali.

Sa muling pagkabuhay ng prinsipe, ano Opo.


naman ang kaya ang mga mangyayari? Handa na
ba kayong malaman ang mga susunod pang
mangyayari?
Sa bakas na hawak ng ika-apat na Nabalitaan naman ni Haring Miskoyaw ang
pangkat ating tunghayan ang mga nangyari.. pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Kaaway ni
Haring Madali si Haring Miskoyaw. Kasama ang
maraming kawal, nilusob nila ang kaharian ng
Bumbaran.

Sa pagdating ng pangkat ni Haring Miskoyaw


sa Bumbaran, hindi niya alam na muling nabuhay
si Prinsipe Bantugan at kasalukuyang may
pagdiriwang sa kaharian. Nauwi sa paglalaban ang
pagdiriwang.

Sa inyong palagay, sino kaya ang


nanguna sa pakikipaglaban ng mga taga
Bumbaran at ano kaya ang naging resulta ng
kanilang labanan?

Ating tunghayan sa pagpapatuloy ng sa Magiting na nanguna sa pakikipaglaban si


bakas na hawak ng ikalawang pangkat. Prinsipe Bantugan. Dahil kabubuhay pa lamang at
napakarami ng kalaban, madaling nanghina ang
prinsipe. Nabihag siya sa pagkakagapos at muling
lumakas.

Sa laki ng galit sa mga kalaban, lalo siyang


lumakas at nagawa nyang mapuksa ang lahat.

Nang matapos ang labanan, pinasyalan ni


Prinsipe Bantugan ang buong Bumbaran. Lahat ng
kaniyang kasintahan ay pinakasalan niya at sila ay
dinala sa kanilang kaharian.

Pagdating sa kaharian, masaya silang


sinalubong ni Haring Madali. Muli, nagkaroon ng
pagdiriwang sa kaharian. Masaya nang namuhay
si Prinsipe Bantugan sa piling ng pinakasalang
mga babae.

Nagustuhan ba ninyo ang kwento? Opo.

D. Abstrasyon

Sa inyong palagay, anong tunggaliaan ang Tao laban sa tao po.


umiiral sa kwentong ating tinalakay?

Tama! Bakit kaya ang tunggalian nito ay Sapagkat ang tunggalian po ay nagaganap
tao laban sa tao? sa pagitan ng dalawnag tauhan.

Tumpak!

Sa inyong palagay anong kultura ng mga Nasasalamin po dito ang kultura nila na
Maranao ang nasasalamin sa kwentong ating pagkakaroon ng madaming asawa ng isang lalaki.
tinalakay?

Mahusay!

Ihalintulad nga natin ito sa kulturang Kung sa kanila po ang isang lalaki ay
mayroon tayo dito sa San Pablo. maaaring magkaroon ng madaming asawa sa atin
po dito sa San Pablo ay hindi. Sapagkat
naniniwala po tayo na ito po ay labag sa sampong
utos ng diyos

Tama!

Ano ang ipinakita ng pangunahing tauhan Nagpakita po siya nang kabayanihan


sa kwento? sapagkat naipagtanggol niya sa kalaban ang
kanilang kaharian.

Tama!

Ano ang aral na nakuha ninyo sa ating Higit po na masmalapot ang dugo kaysa sa
tinakay ngayong araw? tubig.

Mamgandang kasagutan!

Sa inyong palagay anong akdang Ito po ay isang epiko.


pampanitikan ang ating tinalakay?

Tumpak!

Ano ba ang epiko? Basahin nga ang Epiko – nagmula sa salitang Griyego na epos
kahulugan nito. na ang katumbas na kahulgan ay salawikain I o
awit at pagsasalaysay ng kabayanihan.

May katanungan pa ba kayo tungkol sa Wala na po.


ating aralin?

Batid kong lubos na ninyong naunawaan


ang ating aralin ngayong naman ay magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain.

E. Aplikasyon

Pangkatang Gawain”

Ang panuto ng bawat gawain para sa


bawat pangkat ay nakasulat dito sa mga papel na
hawak ko.

Bibigyan ko lamang kayo ng limang


minuto upang makapaghanda ang bawat pangkat.

Rubrics
Pamantayan 5 4 3 2 1
Kaangkupan
Kooperasyon
Kawilihan
Tinig
Kabuuang presentasyon

Pangkat 1. Pangkat 1. Sa pamamagitan ng


pagbabalita, ibibigay ang aral na nakuha sa epiko
na tinalakay.

Pangkat 2. Pangkat 2. Sa pamamagitan ng RAP ilahad


ang Kultura ng mga maranao ang nasasalamin sa
epiko.
Pangkat 3. Pangkat 3. Sa pamamagitan ng pagkanta
ilahad ang katangian ng pangunahing tauhan.

Pangkat 4. Pangkat 4. Sa pamamagitan ng Tula


ihalintulad ang kultura ng mga maranao sa kultura
ng ibang Bayan.

(Matapos ang ibat-ibang paraan ng


pagpapaulat)

Magaling! Muli ay palakpakan ang inyong


sarili.

IV. Pagtataya

Gumawa ng Slogan tungkol sa aral na


nakuha sa akdang tinalakay. Isulat sa isang-kapat
na bahagi ng papel.

Maliwanag ba? Opo.

V. Takdang-Aralin

Sa isang buong papel gumawa ng


maikling salaysay tungkol sa mga magandang
pinagdaan ninyo kasama ang inyong kapatid.

Maliwanag ba? Opo.

Batid kong naunawaan na ninyo ang ating


tinalakay, hanggang dito na lamang ang ating
talakayan sa araw na ito, nawa’y madami kayong
natutunan.

Paalam helium! Paalam na po Bb. Alday!

You might also like