Esp Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG KAIBIGAN KONG SI JAVIER

Si Javier ay maaasahan,
Kaya siya ay hinahangaan
Palaging inuuna ang pangangailangan ng iba,
Bilang pinuno nangunguna sa pagpapakita
Ng magandang ehemplo sa mga kaeskwela.

Sa oras ng kagipitan, si Javier ay nariyan,


Siya’y tunay na mapagkakatiwalaan.
Hindi namimili ng tutulungan,
Mabilis na tumatalima sa mga nangangailangan,
Nakikinig sa api at para sa lahat ay kaibigan.

Isang araw ay may kamag-aral na nawalan ng pera,


Itinigil niya ang pagkain at dagling nag-abala,
Walang tigil na naghanap sa nawawalang pera,
Kinalimutan ang gutom at inuna ang iba.
Alam niyang mas mahalaga ang makatulong muna.

Habang may klase isang kamag-aral ay nanghina,


Dali-dali siyang tumayo at kalagayan nito ay kinumusta.
Nagpaalam sa guro na kamag-aaral ay dadalhin sa klinika,
Sinamahan niya ito at isinakripisyo ang oras nya,
Ipinagdasal pa ang kamag-aaral upang ito’y gumaling na.
Matematika’y paborito ni Javier na asignatura,
Natatapos siya nang maaga sa lahat ng gawain at takda.
Nang mapansin ang kamag-aaral na halos maluha na,
Nahihirapan daw ito sa mga leksyon at paksa,
Di siya nagdalawang-isip na turuan ito sa halip na magpahinga.

Nagtataguyod ng kapayapaan at walang kinikilingan,


Si Javier ay namamagitan sa mga kamag-aaral na may alitan,
Pinagbabati at pinagkakasundo niya sila.
Kahit na ang mga mahiyain ay kinakaibigan niya,
Sinisigurong sila’y di nalulumbay at di nag-iisa.

Ang bansa’y hinagupit ng matinding kalamidad.


Humingi si Javier ng donasyon para sa mga nasalanta.
Sa paghihikayat at paglulunsad ng proyekto siya ay nanguna,
Masipag na nangalap ng mga donasyon para sa mga nasalanta,
Mga kamag-aaral ay nakipagtulungan at kanilang nakayanan ay
dinala.

Si Javier ay magandang halimbawang dapat tularan,


Nagpapakita ng lubos na pagmamahal, pagmamalasakit, at
pagkawanggawa sa kanino man,
Inuuna ang iba kaysa sa pansariling kaunlaran,
Naglilingkod sa abot ng makakaya at nangangalaga sa mga
nangangailangan,
Upang ang lahat ay magpakita ng kalinga sa kapuwa, isinusulong
ang pagkakaibigan.

You might also like