Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

*Bahay

Avva: Ma, Pa heto po yung grado ko.


Nanay: Wow! Ang galing mo talaga anak.
Tatay: Manang manang ka talaga sa nanay mo, ipagpatuloy mo lang yan anak.
Avva: Syempre naman po. Gagalingan ko pa lalo.
*Kinaumagahan
(Nagaaway ang mag-asawa)
Nanay: Ano bang problema mo? Pag-usapan naman natin ito Mahal.
Tatay: Sawang-sawa na ako sa ugali mo. Mas mabuti pang maghiwalay na tayo, pagod na pagod na
akong intindihin ka.
Nanay: Handa akong magbago. kung anong gusto mo, sige gagawin ko lahat huwag mo lang gawin ito.
Tatay: (pilit na tinatanggal ako kamay ng asawa) bitawan mo na ako. Ayoko na.
Nanay: Isipin mo ang kapakanan ng anak natin. Kahit huwag na ako. Mahal ayusin natin ito.
Tatay: Mahirap bang intindihin ang salitang ayoko na! Pagod na pagod na ako. (aalis)
Nanay: (iiyak)
*Papasok ang anak sa eksena
Avva: Ma, anong nangyari? Nasaan po si Papa?
Nanay: Iniwan na niya tayo anak. Pero gagawin ko lang lahat, babalik ang tatay mo. Maayos rin ang
lahat.
Avva: Hindi. Sinungaling! Kasalanan mo itong lahat Ma. Hindi na siya babalik pa. Kasalanan mo ang lahat.
Nanay: Hindi maniwala ka sa nanay. Maayos ko ito. Bukas na bukas babalik ang tatay mo.
Avva: Hinding hindi na ako maniniwala sayo. Ikaw ang may pagkukulang kasi wala kang silbing asawa at
nanay.
Nanay: (sampal) Anak…
Avva: Diba tama ako. Pati ako kaya niyong saktan. Deserve niyong iwan ni papa. (aalis)
Nanay: (iiyak)

*School
Kendra: Girl, mukhang problemado ka ha. Tara shot tayo mamaya.
Avva: Sige
Jessica: Huwag kang sumama sa kanya, mapapahamak ka lang yan.
Avva: Sasamahan ko kung sino gusto kong pakisamahan. Hindi na tayo mag kaibigan diba, huwag mo
akong makialaman. Tara na nga Kendra!
Kendra: As in ngayon na? Whoo hindi tayo aattend sa klase (high five)

*Bahay
Nanay: Anak lasing kaba?
Avva: Huwag mo nga akong pakikialaman. Wala rin namang saysay na mabuhay ako e.
Nanay: Anak nandito naman si mama lagi e.
Avva: (tatawa) Oo nga pala nandito ang napakagaling kong nanay. Pero pasensiya na, hindi kayo ang
kailangan ko. Pagod na pagod na ako, gusto ko na rin sumaya.
Nanay: Anak…

*School
Kendra: Girl, shot ulit tayo mamaya?
Avva: Weak! bakit hindi nalang ngayon.
Kendra: Game ako dyan.
Jessica : Kendra, pwede bang huwag mong siyang impluwensiyahan.
Kendra: Wow! Baka gusto mo namang sumama dyan?
Jessica: (naiinis)
*Bahay
Jessica: Tita! Tita! Tita
Nanay: Bakit anong nangyari?
Jessica: Tita si Avva po naaksidente. Hindi ko po alam buong detalye pero ang sabi po nasa ospital na
siya ngayon.
Nanay: Ano?? Ang anak ko.
(Biglang darating ang Tatay)
Tatay: Oh saan ka nanaman ba pupunta?
Nanay: (yayakapin ang asawa) ang anak natin. Kailangan tayo ng anak natin.

*Ospital
Nanay: Anak gumising kana, huwag mo kaming iiwan. Nandito na tatay mo.
Tatay: Ang dami kong pagkakamali bilang ama at asawa, sana mapatawad mo ako.
Nanay: Ako dapat ang humingi ng tawad sayo. May mga pagkakamali rin ako bilang asawa.
Jessica: Tita, Tito gising na po si Avva. Okay ka lang ba? Kamusta na pakiramdam mo?
Avva: Okay na ako. Maraming salamat. Patawad hindi ako nakinig sayo.
Jessica: Hayaan mona yun. Basta ang mahalaga okay ka.
Avva: (Hugs)
Avva: Ma, Pa. Sorry po. Wala na akong masabi kundi patawad.
Nanay: Hindi anak. Kami ang dapat na humingi ng sorry, hindi ka namin nabigyan ng sapat na atensiyon
at pag-unawa.
Avva: Kasalanan ko naman ang lahat. Sobrang swerte ko sa inyong dalawa, kaya dapat ako yung umu-
unawa sa lahat ng problemang dumadaan sa buhay natin.
Tatay: Anak, huwag mo ng uulitin ito ha. Hindi namin kakayanin ng nanay mo kung may mangyari
sayong masama, ikaw ang buhay namin.
Avva: Sorry Pa. Hindi na po mauulit.
Jessica: Group hug naman dyan.
Narrator: Sadyang mapaglaro ang buhay. Minsan susubukan kung gaano ka katibay. Pero sa huli
babangon ka dahil may pamilya at kaibigan kang naniniwala at sumusuporta sayo gaano man kahirap
ang iyong pinagdaanan. Mahalin natin ang ating mga magulang magkamali ka man o madapa,
aalalayan at gagabayan ka nila, dahil ganon ang pagmamahal ng isang magulang.

You might also like