Filip No

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

I.

GENRE
 PAMAGAT - LALAKI SA DILIM
 MAY AKDA - BENJAMIN P. PASCUAL
II. TAUHAN
 RAFAEL CUEVAS
 MARGARITA CARRASCO
 NICK CUERPO
 LIGAYA
 MARINA CUERPO
 ALING SELYA
 DON BENITO
 SETO
 LUCAS
 TED
III. TAGPUAN
 Bahay at klinika ni Rafael
 Bahay nila Ligaya
 Night Club kung saan nambabae sila Rafael
IV. BUOD
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang
espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya
ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita, isang
opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaing kahaghabaghabag ang kalagayan.
Isang bulag at maralita ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang
hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan. Walang
ebidensyang makapagpapatunay.
Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang kasalanan
kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama
ang liham na nagsasabing sakanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang ng
kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang nagawang kasalan kay Ligaya
na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang
nagawang kabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siya ng
kanyang sariling anak.
Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick.
Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tang kanilang samahan na humatong din sa
hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. Totally
Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang na magkaroon siya ng
lover at gayon din si Rafael basta magkaroon lang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at
maging totoo sa isa’t isa.
Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang sakanya
ang isang balitang napatay si Margarita at Nick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29
ayos. Ito ay si Marina ang asawa ni Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ng
asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatay ito.
Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Sela ang ina ni Ligaya na
siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa katawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael
na papakasalan niya si Ligaya.

V. PAGSUSURI
 TAUHAN – Pag- uugali, kahinaan at kalakasan nila.
1. RAFAEL CUEVAS- Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklam suklam
ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at nagawa pang
manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sa kalaunan ay
makikita ang parteng liwanag ng kaniyang pagiging isang lalaki sa
dilim. Makikita na kahit ganoon siya ay may konsensiya naman
pala siya. Mahalaga na napagtanto niyang ang mga masasamang
gawain niya dati ay bumubulag sa kaniyang pandama upang
makita ang iba pang magaganda at mahahalagang bagay dito sa
daigdig. Mahalaga ang kaniyang papel na ginagampanan dahil isa
siyang patunay na pwede bang magbago ang tao kung nanaisin
lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang tayong tanggapin
ang ating kamalian at maging handa at gustuhin ang pagbabagong
nais nating gawin sa ating mga sarili upang maging maginhawa
ang ating pamumuhay at pakikisalamuha sa ibang tao. Masaya
kaming nga nagbabasa dahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni
Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya
ay hinahayaan niya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at
gawing tanga huwag lang masira ang kaniyang pangalan at puri.
Dapat ay nagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.
2. MARGARITA CARRASCO- Si Margarita, bagaman galing sa
isang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa pa ring
magtaksil sa asawa. Isang opera singer na natuksong maglunoy sa
ibang kandungan. Ginusto niya, gawa ng karaniwang tao, ang
tunay na relasyon ng lalaki at babae. Masasabing pangit sa
panangin ang karakter ni Margarita. Isa rin siyang karakter na hindi
dapat gayahin. Dahil na rin sa implwensya ng mga kanluranin, iba
ang pananaw niya sa kasal at pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo
sa liberismo. Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan.
Nagpatangay siya sa pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang
mga babae ngunit hindi dapat ito gawing lisensya upang pumasok
sa isang magulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni
Nick, siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na
kung ikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo lang
itong pagbayaran at pagsisihan sa huli.
3. NICK CUERPO- Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya’t
hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa asawa at mga anak.
Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalaki at maging ng
mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa kundi pasakitan ang
pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang
mabago, siya ay kahit sa katapusan ng kwento ay hindi nakita ang
liwanag na dapat niyang sundin. Namatay siya kasama ang
kalaguyong si Margarita. Isa siyang patunay na sa kasalukuyan at
sa totoong buhay, may mga taong bulag pa rin sa kanilang mga
responsibilidad at hindi pa rin alam kung ano ang tama at mali.
Dapat lamang ang kaniyang karakter sa kwento dahil siya ang
magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kung ikaw ay may
ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran at
pagsisihan sa huli. Huwag hintayin ang panahong sisingilin ka na
ng panahon. Hangga’t maaga ay magbago na.
4. LIGAYA- Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sa sikat
ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili. Naging matatag
siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap na karahasan mula
sa lalaki sa dilim na si Rafael. Hindi nga siya nakapag-aral ngunit
kahanga-hanga ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay. Kapwa siya
at ang kaniyang inang si Aling Selya ang sumisimbolo sa liwanag
na dapat makita ng mga tao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam
sila sa buhay. Sila ang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si
Ligaya kahit na sinapit isang kalunos lunos na pangyayari at nabuo
ito, pinili niyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda ang
prinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ng
Diyos. Handa siyang bumangon at itayo muli ang kaniyang mga
paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay sa anak. Handa
rin itong magsakripisyo upang mabigyan ng kinabukasan ang mg
anak sa hirap man o ginhawa. Totoong kahanga-hanga ang
pagkakabuo sa kanilang mga karakter.
5. MARINA CUERPO- Isang inang mapagmahal sa kaniyang anak at
handang ipaglaban ang mga ito hanggang sa kamatayan.
Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa
kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiis para sa mga
anak. Hindi naming siya masisisi kung nagawa man niyang
paslangin ang kaniyang sariling asawa. Sagad na sagad na siya.
Ngunit ang mali lang doon ay nagpatangay siya sa nararamdaman
niya. Inilagay niya sa sariling mga kamay ang batas. Siya ay
nabulag na galit at sobra-sobrang pagmamahal sa anak. Dapat
lamang siyang gayahain sa paraan ng pag-aalaga at pagmamahal
sa anak ngunit huwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina.
Dapat ay maging mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal
na paraan upang malutas ang problema.
6. Aling Sela - ang ina ni Ligaya. Handang magsakripisyo para sa
kinabukasan ng dalawang anak.
7. Seto - nakababatang kapatid ni Ligaya. Siya ang umaalalay kay
Ligaya kapag kailangang pumunta sa kung saan.
8. Lucas - kaibigan ni Rafael at Nick na mahilig din sa babae.
9. Ted - ang unang nakarelasyon ni Margarita.
 KABUUAN NG KUWENTO
 Isang gabi ay binigyan ng stag party si Rafael ng kanyang mga
kaibigan sa isang nayt klab. Nagkagulo sa nayt klab kaya tumakas
si Rafael at nakarating sa bahay na yero. Nakita niya ang isang
babae at ginahasa ito. Nakonsensiya siya sa kanyang ginawa kaya
binigyan niya ito ng sulat na may kasamang P50,000. Nagpagamot
sa kanya ang babae at nalaman niyang buntis ito.

Nalaman niyang may “lover” si Margarita at nagkaroon ng lamat ang


kanilang pagsasama. Ilang araw ay nakauwi na rin si Ligaya at
ipinanganak ang kanyang anak kaya pumupunta siya dito, at para
narin makawala sa lungkot dahil sa nangyari sa kanila ni Margarita.
Nahuli siya ni Margarita at dahil doon ay naghiwalay sila. Namatay
si Don Benito dahil sa kalungkutan at dahil doon ay nagpakalasing
siya.

Pagkamatay ni Don Benito, namatay din si Margarita at Nick. Ilang


araw ay inamin niya kay Ligaya na siya ang lalaki sa dilim. Pinatawad
siya ni Ligaya at sinabi ni Rafael na pakakasalan niya ito dahil napa-
ibig na siya kay Ligaya.
VI. PAKSA/TEMA
 Ang lalaki sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan noong sapilitan
niyang ginahasa ang isang babaeng bulag. Maselang usapin ang gahasa
saanman sa lipunan. Sa nobela makikita kung gaano kabigat ang gayon sa
buhay ng isang babaeng bulag at mahirap. Sa pambihirang bisa ng panulat
ng may-akda ay itinatampok sa nobela ang samotsaring pagtanaw sa
gahasa: ang salapi, dangal, pighati, ugnayan, pag-asa, at iba pang
tunggalian o kaisahan. Dito mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng
babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.
 Ang libro ay tungkol sa isang lalaking nanggahasa ng isang babaeng hindi
niya alam na isa palang bulag. Ipinapakita sa kwento kung paano
nakabangon ang babae matapos ang masalimuot na pangyayari sa
kanyang buhay.
VII. MGA SIMBOLISMO
 Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit sa transisyon ng modern at
tradisyunal na tao. Sa nobela, makikita ang pagiging modern niya dahil sa mga
bisyo at pagiging laki sa layaw niya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng
propesyon. Sa kabilang banda naman makikita ang kaniyang pagiging
tradisyunal kung saan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama ng
magasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.

Samantala, si Margarita naman ang sumisimbolo sa sa liberismong umiiral sa


bansa. Marahil naimpluwensyahan siya ng pagiging opera singer at namulat siya
sa mga maka-kanluraning bagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael bilang
extreme modern woman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng babae
si Rafael habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin ang kaniyang
pagiging liberated nang magkomento siya sa kwento ng paggahasa kay Ligaya.
Sinabi niya na kung siya ang papipiliin, ayos lang naman daw na maggahasa
dahil binigyan naman raw si Ligaya ng limampung libong piso.

Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina. Hindi


maipagkakaila na maliwanag ang kanyang pagiisip hinggil sa pagbangon mula
sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa siyang tradisyonal na babae dahil sa
kanyang pagiingat sa kanyang puri at ang pagiging mayumi sa lahat ng kanyang
kilos.

Si Marina naman ang sumisimbolo sa pagiging isang rebulusyonaryo ng mga


Pilipino. Nasa karurukan ng kapangyarihan ni Marcos at kasukdulan ang mga
karahasan ng Martial Law noon kaya maaring siya ang ginamit na instrumento
upang ipakita ang mga kagaya niyang handang magrebolusyon alang alang sa
ating bansa upang makamit ang kasarinlan.
 Dugo
a) Ang dugo isa sa pinaka mahalagang parte n gating katawan. Hindi antin
tomasasabing parte pero isa sa mga kailangan n gating
katawan. Ang dugo angnagbibigay buhay sa ating katawan at itoy
isang pinakaimportante dahil ditto sa dugonanggagaling ang oxygen na
ating nilalanghap papunta sa ating puso kayat dapat angdugo natin ay
malinis. Nandito din an gating immune system na ang ibay nasa dugo
atitoy tumutulong satin upang tayoy maging malakas at mabuhay. Ang
lahat ng hayop ehmay dugo dahil lahat tayoy pareparehong nabubuhay
para sa oxygen na kailangan ngating katawan.Sa may nobelang Lalaki sa
Dilim Pinakita ang Dugo nang gahasain ni Rafaelang babae sa bahay na
yero na si Ligaya. Nang gahasain nya si Ligaya at nangmakauwi syay
nakapansin sya ng Dugo sa kanayang salawal. Ang dugong yun
angnagsasabing si Ligayay isang birhen. Samantalang nang matapos
ang kasala nila nimargarita at magtungo sila sa baguio upang mag
honeymoon eh napansin nyang walang dugo matapos silang magtalik
nitong si margarita kaya naisip nyang si margaritayhindi na birhen nang
gahasain nya ito. Ang sinisimbolo lang nitong dugong ito na
angkabirhenan ni Ligaya at hindi pagiging birhen ni margarita at si Rafael
ay hindi angunang nakagalaw dito kay margarita.
 Bahay na Yero
b) Ang bahay isa sa pinaka kailangan nating sa ating buhay. Bukas sa pag
kain atmga damit ang bahay ay isa din dito. Ang bahay ay maaring malaki
o maliit. Dito nakatira ang mga tao. Kahit na mga hayop eh may mga
bahay parin na kanilangkinakailangan. Lahat ng may buhay sa mundo eh
kailangan ng kanilang tirahan. Kasonakakalungkot na isipin na ang ibang
tao eh walang bahay upang kanilang tirhan kaya sila’y nag sisiksikan sa
ilalim ng tulay upang doon sila gumawa ng kanilang sarilingbahay. Ang
ating pangangailangan eh dapat nating unang dapat magkaroon
upangtayoy mabuhay.Makikita ang bahay sa nobelang ito sa parting una
dahil sa bahay na yero doon ginahasa ni Rafael itong si Ligaya.
Nakakalungkot itong isipin na ginahasa nya angisang bulag na katulad ni
Ligaya. Ang bahay na yero’y tirahan nina Ligaya kasama ngkanayng
kapatid na si Seto at ang kanyang ina na si aling sela. Nagpapakita lang
dittona ang bahay nilay kahit na maliit maayos. May kasabihan tayo na
kung anong ayus ngbahay mo eh ganon din ang mga nakatira dito. Sa
kanilang tirahan na maliit aysinisimbolo ng bahay na yerong ito eh ang
kahirapan sa buhay ng mga ito. Silay maralita lang kaya maliit lang ang
kanilang bahay. Pero nang magkaroon sila ng pera’y nag pagawa sila ng
bahay na bato. Dahil ginamit nila sa tama ang kanilang pera.
 Klinika
c) Ang isang klinika’y parang isang ospital. Ngunit ang klinikay isang maliit
lamang.Doon ang mga doctor eh nanatili sa kanilang klinika upang
manggamot. Ang mga klinika’y may sapat din na mga kagamitan at
upang silay manggamot ng kanilang mgapasyente. Parang ospital ang
mga klinikay may mga permit din kayat ang mga ito’y ligtas. Pero hindi ko
sinasabing lahat ng klinika’y ligtas dahil may mga iba din kasing
lumalabag sa batas kayat hindi ligtas. Sa may nobelang ito ang klinika’y
pinatayo ni Rafael eh ay natengga at hindi ginagamit ngunit nangako sya
sa kanyang asawa na itoy gagamitin na pagkataposnilang ikasal. Ngunit
napaaga ito dahil kailangan niyang asikasuhing gamutin itong si Ligaya
kaya’t pinabuksan nya agad ito. Sumisimbolo ito sa bagong buhay ni
Rafael dahil simula ng bukasan nya ang kanyang klinika’y unti unti syang
nagbago at isa pa’y sumisimbolo ito sa muling pagasa ni Ligaya dahil
muli syang nakakita simula nang magpagamot sya kay Rafael.
 BARIL
d) Ang baril ay isang sandata. Ginagamit ito sa mga labanan. Ang armas na
ito aynakakapatay ng mga tao. Maraming klase ang baril. Itoy isang
armulad ng pag patay ng tao o kaya pang holdap o kaya naman
ginagamit ng mga pulis sa kanilang trabaho. Ito’y armas na bakal. May
malaki at maliit. Ma’y isahan ang putok may maramihan. Ang barila’y nag
sisilbing pang prorprotekta din sa katawan. Ang ibang tao’y ginagawa to
sakrimen. Maraming gamit ang baril. Nasayo nalng kung gagamitin mo ito
sa tama okayasa mali. Mas maganda kung gagamitin mo ito sa maganda.
Tulad ng mga sundalo,ginagamit ito sa pakikidigma nila. Itoy gingamit nila
para protektahan ang ating bansa.Makikita ang baril sa nobelang ito sa
parting maghihiganti na si Marina sakanyang asawa. Dahil sa kanyang
galit nung una kasiy nambababae na ang kanyangasawa at ang babaeng
yun eh ang asawa ni Rafael na si Margarita. Nung una’y pinagtitiisan pa
ito ni Marina ngunit nung kinahulihan eh hindi nya na natiis dahil dinamay
nani Nick ang kanilang mga anak. Naghiwalay na kasi si marina at sa
kanyang paguwiisang araw eh nalaman nnyang kinuha ni nick ang
kanyang mga anak. Kayat nag tungo sya sa kanilang bahay at kinuha
ang barin ang barin nung unay dapat gagamitin nyalang upang takutin
ang asawa at si margarita ngunit hindi nya sadyang nakalabit ito at
napatay ang kanyang asawa’t si margarita. Sumisimbolo ito sa
paghihiganti at galit niMarina sa kanyang asawang si Nick sa kanyang
mga ginagawang kalokohan sakanilang mag-iina.
 NAYT KLAB
e) Ang nayt klab isang lugar na kung saan makikita ang mga taong umiinom
at makakakita ka doon ng mga babaeng sumasayaw. Ang mga babae sa
nayt klab eh tinatawag na hostes nag papabayad kung minsan ang mga
ito para lang sa kanilang katawan. Ang lugar ng cabaret ayon sa nobelay
madilim at de kulay ang mga ilaw.Maraming mga lalaking
nahuhumaling pumunta sa lugar na ito. Dahil maraming
kababaihan ang nanduon na kanilang gusto at may mga alam pa
doon.Makikita ito sa parte ng nobela ang nayt klab sa unang parte at
medyo sa huli.Nung unay doon nag tungo si Rafael , Nick at Lucas upang
magsaya at sila'y magiinom. Dito sila nakatagpo ng kanilang kaaway na
dahil sa nabastos ni Nick ang isang hostes. At sa galit ng mga katable
nitong nasabing hostes naitoy nilapitan sila at nagkaroon ng pag aaway
at doon naisipan ni Rafael na umalis doonsa nayt klab na yoon. Sa huli
din pinakita ito dahil sa dami na ng problema ni Rafael sakanyang buhay
at naisipan nyang mag tungo sa nayt klab uapang mawalan
ngproblema. Sumisimbolo ito sa mga bisyo ng mag kakaibgan at ni
Rafael na kanyang masamang ugali. Sumisimbolo ito sa mga pangit na
Gawain dati ni Rafael na kanya ngayong nabago

VIII. TEORYANG NASASALAMIN SA AKDA


 Teoryang Klasismo/Klasisismo

 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol


sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan
ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang maykaayusan.Sa nobela makikitang
payak ang mga pangyayari at lubos nabinigyang diin ang pag-iibigan ng
dalawang pangunahing tauhanna kapwa magkaiba ang estado sa buhay.
Si Rafael ay nabibilangsa alta syodad, samantalang si Ligaya ay mahirap
at bulag. Kahitang nobela ay nag-umpisa sa isang masalimuot na
pangyayari, sabandang huli ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang
bawat karakter ay nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan,
atang pangunahing tauhan na nagkakaibigan ay nagkatuluyan.

 Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita
ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa kanyang akda.
Ipinakikita sa akda na ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil maynag-udyok na mabago o mabuo ito.Sa
nobela maariing pinakita ang pagbabago ng pag-uugali,paniniwala,
pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos niyangmaggahasa si Ligaya at
matapos siyang ikasal kay Margarita.Noong una ay laki siya sa layaw,
tomador at walang ibang ginawakundi manloko at gumamit ng babae.
Ngunit matapos niyangmagawan ng kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang
inusig ngkonsensya niya at kasabay noon ang mga naging
pababagongniyakap niya sa buhay niya. Nang ikasal sila ni Margarita ay
tuluyanna niyang iniwan ang masamang imahe niya sa nakaraan.
Nagingresponsableng asawa siya at doktor sa mga pasyente.
Masasabingsiya ay naghangad ng isang mabuting pagsasama ng
magasawaat pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya. Ang
nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang
akdang modernista na kung saan ang tanging gusto aymagkaroon ng
isang malaking pagbabago upang magingmaginhawa ang pamumuhay
ng bawat isa. Higit pa riyan,nakalikha si Pascual ng isang karakter na
naipit sa isang sukdulangkasalanan at ang tanging nais ay malinis niya
ang bahid ng sariling putik.
 Teoryang Romantisismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraanng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa, bansa
at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng
isang nilalang ang lahat upang maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig
sa tao o bayang napupusuan.Malinaw na ang nobela ay may teoryang
romantisismo, ito aykwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na
nagahasa angisang mahirap na babae. Inusig siya ng kaniyang
konsensya kayabinigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya
nagpakilala.Bilang isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito.
Nagingmalapit sila ng babae. Hindi inaasahang may nabuong bata
palanoong gabing nagahasa niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli
aynabigyan rin ng hustisya si Ligaya at sa bandang huli dahil natanggap
nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan sakanyang puri at naghari
ang pagibig, hindi ang galit at mapapaitna emosyon.
 Teoryang Moralistiko
 Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao. Ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mgapilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ngisang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Samadaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rinsa kaantasan nito.Lubos dito tinalakay
ang mga paksang maaring hindi angkopsa mga bata, gaya ng sex,
prostitusyon, gahasa at pagtataksil saasawa. Ang mga nabanggit ay mga
immoral na gawain sa atinglipunan. Ngunit dahil sa impluwensya ng
banyaga, nakita dito naang mga karakter ay pilit na ginagawa ito na hindi
naman akma sakulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang
mensahengpahalagahan natin ang ating kapurihan hanggang sa
makapag-asawa na tayo.At kahit nasa modernong panahon na ay
maganda pa rin kung ang mga babae‟y aakto gaya ng mga Dalagang
Pilipina.
IX. BISA SA MAMBABASA
 Bisang Pandamdamin- Kikintal sa damdamin ng mga mambabasa ang mga
pangyayari sa nobela, kung saan makakaramdam ka ng lungkot, awa, saya,
paghihinagpis, inis, galit at iba pa na para bang mga pangyayari sa totoong buhay.
Makakaramdam ng lungkot at awa dahil sa kalagayan ni Ligaya, at nang siya’y
magahasa ay siya namang nakapagdulot ng galit at awa sa bumabasa ng nobela.
Totoong nakakainis ang ilang bahagi ng nobela dahil sa hindi ito umaayon sa
kagustuhan ng isang mambabasa. Pero, sa kabila ng lahat ng ito, nakatutuwa pa
rin dahil sa naging maganda ang pakikitungo nina Rafael at ng mag-inang Aling
Sela at Ligaya sa isa’t-isa, at lalo naman nang magtapos ito nang natanggap ng
mag-ina na si Rafael ang ama ng anak ni Ligaya.
 Bisang Pangkaisipan- Maiisip ng sino mang mambabasa na ang nobela ay
nagpapakita ng iba’t-ibang katangian ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkikimkim
na lamang ng lahat ng problema, ngunit kapag hindi na nila nakayanan ay bigla-
bigla na lang masisira ang pasensya nila at lalabas ang matagal nang tinatagong
sama ng loob.
Maiisip din na kapag nakagawa ng kasalanan, maaari mo pa itong mapalitan ng
mga tamang ala-ala sa pamamagitan halimbawa ng paghuhugas ng kasalanan.
X. MGA MAHAHALAGANG PAHAYAG/KAISIPAN
 Ang lalaki sa dilim ay istoryang kapupulutan ng sandamakmak na aral. Dito
makikita angiba’t ibang kulura’t tradisyon ng mga Pilipino, kaya kung ito’s aking
ire-rekomenda ay sa mga kasing gulang ko rin. Sila ang aking napiling
ipabasa ang nasabing nobela dahil masmauunawaan nila ang kwento.
Napapalooban ito ng mga pangyayari sa totoong buhay namaaaring maging
warning at aral sa kanila. Mas madali rin nila itong maiintindihan dahil hindinaman
ito gaano kalalim ang pag kasulat. Irerekomenda ko rin ito sa aking mga kamag-
aral paramalaman nila na ang buhay ay puno ng pighati at problema. Pero sa
kabila nito ay tinutulungantayo ng ating mga problema upang maging matatag at
mas mabuting tao.
 Ang nobelang “Ang Lalaki sa Dilim” ay isang akdangsumasalamin ng ibat ibang uri
ng tao sa lipunan at kung paano sila gumalaw sa loob nito. Ang mga tauhan ay
kumilos ayon sa kanilangkatayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa ilang bagay
natumatalakay sa ilang panlipunang isyu ngayon. Unang bagay,nakita sa nobela
kung paano gamitin ng mga may kapangyarihanang pera upang mapatakbo ang
mundo, kung paano itinabing ang pera sa pagkakasala, at kung paano itinuwid ng
pera ang kabaluktutan. Sunod, lantad din sa akda kung paaano nagbunga ang
kamunduhan at tawag ng laman kung paanong may namatayna buhay at namatay
na pangarap dahil sa pagnanasa. Ipinakitarin dito ang sitwasyon ng relasyong
walang komunikasyon sa loobng pamilya. Isa pang bagay na nakita dito ay ang
pangangalagasa tinatawag na propesyon at imahe. Ang mga nakatataas aylaging
gumagawa ng paraan, mabuti man o masama, maburalang ang mantsa sa
pangalan nilang sila mismo ang gumawa.
 Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang naging epekto kay Rafael ng imoral
na bagay na kanyang nagawa, ang panggagahasa. Dito inilahad kung paano
nahirapan si Rafael na harapin ang kanyang pang-araw-araw na buhay matapos
niyang angkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya. Marahil, nais iparating ng may-
akda sa mga mambabasa ang maaring maging epekto ng isang maling gawi.
Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya at paniguradong darating ang araw na
pagbabayaran mo ito. Sa kwento, gumawa si Rafael ng paraan para matulong si
Ligaya. Naibsan nito ang mabigat na pakiramdam na kanyang nadarama sa tuwing
pumapasok sa kanyang isipan ang masama niyang nagawa sa bulag na si Ligaya.
Ngunit sa reyalidad, hindi sapat na kabayaran ng iyong kasalanan ang pagbibigay
ng tulong o pera. Iwasan masangkot sa ganitong gulo. Kontrolin ang sarili at
matakot sa Diyos. Ang lihim na relasyon ni Margarita at Nick ay masasabi ring
imoral na gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafal na kapwa malapit sa kanilang
dalawa. Tahasang ipinagbabawal ang pakikiapid ayon sa ating Saligang Batas at
maging sa batas ng Diyos. Sa kaso ni Margarita at Rafael, humantong ang
kanilang pagsasama sa paghihiwalay dahil sa kasalanang nagawa ni Margarita at
Nick. Sa totoong buhay, ang isang pagsasama na susubukin ng ganitong
problema ay maari ring humantong sa hiwalayan kun hindi mapag-uusapan nang
maigi ang problema. Ngunit upang hindi na humantong dito, huwag ng subukan
pa o ni sumagi lamang sa iyong isip ang pagtataksil sa iyong kapareha sa buhay.
Kapag ito ay iyong nagawa, may sapat na kabayaran ang naghihintay sa iyo.
Maaari ka ng makulong, maaari pang mawala sa iyo ang iyong pamilya.
 Sa akdang Lalaki sa Dilim, mapapansing hindi literal ang pagkakahulugan sa
salitang “dilim” bagkus ito ay ginamit upang ilarawan ang buhay ng isang lalaking
sa kabila ng karangyaan sa buhay ay hindi pa rin ganap ang kanyang
kaligayahang natatamasa. Dahilan nga ito upang maghanap siya ng ibang
pagkakaabalahan na nagdulot sa kanyang ng pagkalulong sa isang hindi
magandang gawi, at iyon ay ang pagkikipagtalik. Dahil din dito ay hindi niya
sinasadyang makagawa ng masama sa isang babaeng bulag na walang nagawa
kundi tanggapin na lamang ang kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay.
Samantala, sa akda ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na El
Filibusterismo, ay isinalaysay ang buhay ni Simoun, isang mayamang mag-
aalahas at tagapayo ng Kapitan-Heneral, na nagbalik upang maghiganti sa mga
taong naging dahilan ng paghihirap niya noong siya ay kilala pa bilang Crisostomo
Ibarra. Mapapansin na tulad ni Rafael sa akdang Lalaki sa Dilim, ay hindi rin
masaya si Simoun sa kanyang buhay sa kabila ng karangyaang tinatamasa. Siya
ay tila nababalot ng poot at ng pagnanasang maghiganti. Ito rin ang dahilan upang
makagawa siya ng masama sa kapwa at madamay kahit ang mga taong walang
kinalaman sa kanyang paghihiganti. Kung ating susuriin, nagkakahawig ang
kwento ng dalawang tauhan sa aspetong pareho silang nababalot sa kadiliman ng
buhay na nag-udyok sa kanila upang makagawa ng kamalian sa kapwa na sa
bandang huli naman ay pinilit nilang maitama.
 Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madaming babaeng mababa ang
lipad. Sa istoryang ito ay nagiging natural na gawain ng bida ang uminom ng
minom at mambabae. Dito nag-umpisang masira ang pundasyon ng isang matibay
na pamilya. Nasolusyunan ito ni Rafael ng kanyang iniwasan ang pagsama sa
mga kaibigan ang gabi-gabing pagtambay sa klab at gumawa ng kasalanan. Mas
pinili niyang manatili sa asawa at gawin ang kanyang responsibilidad bilang haligi
ng tahanan. Ang paglaganap ng krimen lalung –lalo na ang paglobo ng bilang ng
mga babaing nagagahasa. Ito ay naging isa sa suliranin na kinaharap ng bida.
Dahil sa kanyang kalasingan at kawalan ng katinuan sa sarili ang bagay na hindi
naman niya dapat magagawa ay kanyang nagawa at gahasain ang babae na may
kapansanan. Ito ang nagtulak kay Rafael na maging matino sapagkat sa bawat
araw na kanyang maiisip at bawat oras na siya ay binabagabag ng kanyang
konsensya ay kanyang napagtanto na muli ang kanyang ginawa at maling tao pa
ang ginawan niya ng bagay na ito. Kanyang nasolusyunan ang problema sa
pamamagitan ng pagtuong sa babaeng bulag, mula sa kapansanan nito hanggang
sa pinansiyal ng pamilyang hikahos. Ipinagtapat din niya sa huli ang buong
katotohanan humanap lamang siya ng tamang oras para masabi ang lahat.
 Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael ang naging sentro ng
lahat. Si Rafael ay isang lalaki na ang tanging hilig ay lumabas kasama ang mga
kaibigan na sina Nick at Lucas. Ang pagpunta sa klab, pag-inom at pakikipaglaro
sa mga babang nagtatrabaho sa lugar. Subalit ng si Rafael ay ipinakakasal kay
Margarita na botong boto ang niya ay kailangan niyang baguhin lahat ng kanyang
nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago ang sarili at gawing maging mabuting
asawa na lumagay na lamang sa tahimik. Dahil sa pangyayaring naganap sa
buhay ng bida, kung saan sa di sinasdya ay nakapanghalay siya ng isang bulag
na babae. Ito ang nagtulak sa kanya na ayusing ang buhay niyang magulo. Ang
klinik niyang matagal ng nakasara ay kaniyang binuksan sa unang pagkakataon
upang matulungan ang babaing naging biktima niya nang siya ay nasa panahon
ng kadiliman. Naging abala siya sa kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag
na babae. Maging responsable at naging tapat na rin itong asawa kay Margarita.
Nang malaman niyang siya ay niloloko ng kanyang kabiyak at ng kanyang kaibigan
ay nagsimula na siyang magbago ng tuluyan. Lalo siyang nagpursige na tulungan
ang babaing kanyang kinaaawaan at kany na ring nagustuhan sa paglipas ng mga
araw.

You might also like