Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Teenage Pregnancy: Ano ito?

“Karamihan sa mga babaeng di marunong maghintay ay maagang nagiging


nanay.” Isa ito sa mga katagang madalas nating marinig sa mga matatandang
pinangangaralan ang kanilang mga anak na babae. Ano nga ba ang mga dahilan
kung bakit dumarami ang mga babaeng maagang nabubuntis?
Ang teenage pregnancy na kilala rin sa tawag na adolescent pregnancy ay
ang pagbubuntis ng mga teenagers na may edad 15-19 na taong gulang. Batay sa
pagsusuri ng WHO, 20% ng mga babaeng Pilipina ang nakakaranas nito. Ayon din
sa Comission of Population (POPCOM) sa lahat ng pagbubuntis, 30% ang
bahagdan ng mga batang ina.
Maraming mga dahilan kung bakit nangyayari ang maagang pagbubuntis.
Maaring dahil sa rape, kawalan ng gabay ng magulang, mga impluwensya ng
barkada, kawalan ng sapat na kaaalaman tungkol dito at marami pang iba.
Maraming masamang naidudulot sa isang babae ang maagang pagbubuntis.
Maaari itong magdulot ng komplikasyon sa kanilang kalusugan at kalagayan.
Kabilang sa mga ito ay malnutrisyon, maternal na pagkamatay, anemia,
pagkalosyang ng maaga, stress at marami pang iba. Maging sa sanggol na kanilang
isisilang ay maaaring magkaroon ng epekto tulad ng pagkakaroon ang mababang
timbang at komplikasyon.
Kung mayroon mang ganitong kaso ng teenage pregnancy, kailangan ng
mga batang ina ang “prenatal care” nang sa gayon ay nang mapangalagaan ang
kanilang mga kalusugan. Kakailanganin rin nila ang suporta ng pamilya ng kanilang
pamilya upang mabigyan ng sila atensyon kailangan nila sa ganitong sitwasyon.
*Paano nga ba Maiiwasan ang Maagang Pagbubuntis?
Ang kailangan ay komprehensibong kaalaman tungol sa teenage pregnancy
at kung ano nga bang naidudulot nito nang sa gayon ay malaman nila na masama
ito. Sa ngayon ay may apat na programang tumutulong para iwaksi ang maagang
pagbubuntis sa mga kabataang babae. Ito ay ang Teen Pregnancy Prevention
(TPP) Personal Responsibility Education Program (PREP), Title V Sexual Risk
Avoidance Education at Sexual Risk Avoidance Education (SRAE).
Ang pagkakaroon ng kaalaman ang unang hakbang upang maiwasan ang
maagang pagbubuntis. Makatutulong din ito upang bigyang solusyon ang mabilis
na paglobo ng ating populasyon.

You might also like